01
Mistake.
It is not a mistake to make a mistake,but it's a mistake to repeat the same mistake.
I always put that qoute in my mind, that's a reminder for myself.
But some people think that I am the mistake itself. Well,I cannot blame them because I am the fruit of my parent's mistake.
Growing up piling all the blame on me. I still can't understand people around why they keep on throwing those words. No one accepted me for existing...even my father. But he doesn't had a choice,so,he accepted me because no one does.
He's the only one who were there while growing up. Aside from him, I have no one but myself.
Hindi ako kilala ng pamilya ng nanay ko,she hide me from everyone because she have her own family. Hindi rin ako tanggap ng pamilya ng tatay ko dahil ganoon din siya,may sariling pamilya. Sad,right? But that's the perks of being me. Sino ba naman ang tatanggap sa akin? Isa akong bunga ng pagkakamali.
Noon, iniiyakan ko 'yon,hindi ko matanggap ang katotohanan na ako ang rason kung bakit muntik ng masira ang panilya ng mga magulang ko. But now, I slowly understand the situation but I still try to understand them. I need and have to.
I am the reason why my father's family almost got broken. I am the reason why my two other siblings almost lost their father. Ako ang dahilan ng lahat kung bakit ang maganda at maayos na pamilya nila at unti-unting nabubuwag.
Everyone around me. . . sees me as a mistake. Hindi ko 'yan maintindihan noon pero habang tumatanda at lumilipas ang panahon... Unti unti ko nang tinatanggap ang katotohanan.
The truth that hurts me almost everyday,the truth that made me want to disappear in this cruel world.
Mistake that my parents did but I am the one suffering the consequences. Pagkakamali na kahit anong pilit ayusin,kahit anong pilit buohin ay hinding-hindi na maibabalik pa sa dati.
I can't blame my family, lalo na ang pamilya ni Papa dahil alam ko. . . na hindi lang ako ang nahihirapan. I saw how my stepmother begged him to stay. I saw how she knelt down and plead papa to not leave them. I saw my two older brothers anger while looking at their mom crying.
Papa will choose me if his family will not accept me. He is ready to run away with me than to stay with them. Hindi ako tanggap ng asawa niya kaya sigurado akong ganoon din ng mga kapatid ko.
Who would love to have a bastard sister,anyway?
Wala!
I was the one who stopped Papa, ayaw kong piliin niya ako. Ayaw kong dagdagan pa ang pagkakamali niya sa pamilya niya. Kaya kong isakripisyo ang kalayaan ko para lang mananatili silang buo. Kaya nakisama ako sa kanila kahit ramdam ko ang pagka disgusto ng lahat sa akin. Kahit pa pakiramdam ko ang sikip-sikip ng mansyon kahit sobrang laki naman nito.
I don't have a choice but to stay, para sa mga kapatid ko. Para kahit papaano ay makabawi ako sa mga kasalanang nagawa ng mga magulang ko. Hindi ko man sila nakakausap, at nakakasama palagi pero sigurado akong mahal ko sila.
Pero habang tumatagal ay napipigtas din pala ang pasensya at pag-iintindi. Hindi ko pala kaya na tiisin pa ang hirap na kasama sila. Hirap,dahil ramdam ko yung pagiging mag-isa kahit may kasama. Ramdam ko yung pagka disgusto nila na nandoon ako. Pakiramdam ko,kahit malawak at malaki ang bahay na 'yon, sobrang sikip parin para sa akin. Hindi ako nararapat doon, hindi ako bahagi ng pamilyang 'yon.
Kaya,umalis ako. Tumakas at nagpakalayo-layo.
Away from them,away from the people who hurt me unintentionally. Away from the life I don't deserve to have. Away from everyone who doesn't want me.
I planned everything for my escape, nag ipon ako ng pera kahit galing iyon kay Papa. Plinano ko nang maayos ang lahat para hindi pumalpak. Naghanap ako ng lugar kung saan pwedeng manirahan. Iyong malayo sa lahat,iyong walang kakilala.
I thought about riding plane or ship...because I know it would travel far from where I am now. Kaya iyon ang ginawa ko, I am afraid of heights kaya mas pinili ko ang barko.
I was thirteen years old when I sneaked out their house. Nagpakalayo-layo ako at hindi nag iwan ng bakas kung saan ako nagtungo.
It was hard at first, sino ba naman ang magtitiis na lumayo sa magulang? Kahit si papa lang naman talaga ang kinikilala ako roon ay mahirap parin. Sino ba naman ang gustong mag isa? Sino ba naman ang gustong magpakahirap para lang mabuhay sa araw-araw.
Wala! ako lang dahil 'yon ang sa tingin ko ang tama, 'yon ang dapat kong gawin.
Ilang araw akong nakasakay sa barko, ilang oras sa bus bago nakarating sa lugar na sa tingin ko ay malayo sa kanila. It is the best choice of a place, malayo sa siyudad,maraming bundok at hindi ganoon kataas ang mga tao.
I have my savings with me that time,at dahil sa murang edad, akala ko noon ay sapat na 'yon para mabuhay ako ng ilang buwan. Hindi pala, hindi kaya ng sampung libo ang buhayin ako, kaya naghanap ako ng trabaho.
Naging tagahugas ng plato, tagalinis ng sasakyan at naging utusan. Nabulag ako sa pag aakalang mababait na ang mga nakapaligid sa akin,dahil nagbibigay ng pagkain at kaunting pera,akala ko ay tama na ang trato nila...Hindi pala.
Nabuhay ako sa paniniwalang tama ang trato sa akin ng ibang tao. Nagbibigay ng pagkain sa akin habang nagtatrabaho ako, sapat na 'yon para mapunan ang kumakalam kong sikmura sa maghapon. Binabayaran ako ng pera nang makapag trabaho sa isang cafeteria, pero hindi pala 'yon sapat na kabayaran sa pagod ko. They took advantage of my innocence, binibigyan lang ako ng limang daan sa isang linggo.
Nagtatrabaho ako mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon kada araw sa tuwing summer. Linggo lang ang pahinga ko dahil kailangan ko ng ipon para sa pangangailangan ko sa eskwela. I did all the chores,from mopping the floor,washing the dishes,cleaning the tables and serving the costumers. I thought the salary I recieved was enough.
Kung hindi pa ako tinanong ng matandang costumer tungkol sa sahod ko ay wala akong kaalam-alam. I thanked her for teaching me about what is right and wrong in looking the kindness of other people. I really thought that I was treated right, not until woke up from my innocence.
Pumapasok ako sa eskwelahan ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Nagtatrabaho mula alas kwatro hanggang alas nuwebe ng gabi at tanging pagkain lamang ang natatanggap ko. May binibigay mang pera na sabi ng matanda sa akin ay hindi sapat na kabayaran sa mga trabaho ki. Sa tuwing sabado naman nag aalaga ng bata o naglalaba sa isang may kayang pamilya.
Kahit pagod ako, masaya naman dahil kahit papaano ay kaya kong buhayin ang sarili ko. Kaya kong mabuhay mag isa na hindi nanghihingi ng tulong sa iba.
Natuto ako dahil kay nanay Ester, hindi na ako ulit nauto nang kahit sino man. Tinulungan niya rin akong makaalis doon at binigyan ng trabaho na magaan at binigyan ng sapat na sahod sa trabaho.
Sa kanya ako namasukan bilang tagabantay ng tindahan nila. Malaking tindahan 'yon na may beerhouse sa tabi,at kapag gabi ay dinadayo ng mga tao para mag-iinom at magsaya. Iyon ang mini bar sa bayan ng San Vicente.
Binigyan din ako ni nanay Ester ng matitirhan sa pinaparentahan niyang boarding house. Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano,may tao paring handang tumulong kahit hindi naman natin kaano-ano.
But when her children decided to migrate her in Canada, nakaramdam ako ng lungkot. Nawalan ako ng isang natatanging tao na nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Nanatili parin akong nagtatrabaho sa kanya dahil iniwan niya 'yon sa kapatid niya.
Mabait naman ang kapatid niya, iyon nga lang ay may bisyo rin silang mag asawa kaya napapabayaan nila ang negosyong iniwan sa kanila. Ako ang pinagkatiwalaan nilang magpatakbo noon,mananatili lang sila sa tindihan kapag kailangan nila ng pera. Kaya minsan ay napagsasabihan ko sila, they took advantage of nanay Ester's kindness.
I learned alot during my hardships.
I graduated my elementary with a high honor, kasama ko si nanay Ester noong umakyat ng entablado para isabit ang natanggap kong medalya. I feel missing but happy,that time I didn't cry because I thought I deserved the happiness and I need to be proud of myself. Na sapat na sa akin ang karangalang natanggap ko upang maging masaya. Na kahit papaano ay may bunga lahat ng paghihirap ko.
Patuloy parin akong namuhay ng gano'n hanggang sa makatapos ng highschool. I received alot of bullies and criticism,marami rin ang may ayaw sa akin sa school sa hindi ko malamang dahilan. May iilang kapitbahay rin akong nagsasabi na hindi ko matatapos ang pag aaral ko, na mataas ang ambisyon ko sa buhay at hindi ko ito makakamit. But nevertheless,I didn't stop from dreaming,I strive hard enough to continue pursuing my dreams.
Ilang diskrimisyon pa ang natanggap ko dahil sa trabaho ko. Na kesyo beer house ay nagtitinda na rin ako ng kaluluwa ko. Well, hindi ko alam sa kanila. May taga serve naman ng inumin sa tuwing gabi, kaya naiisip ng iba madumi na. Well, it's a beer house at night pero wala namang nagbebenta ng laman doon. I am not minor too when ate Elma allowed me to work there...kaya walang nalabag na batas o kahit ano.
Mga tanga!
Kaya palagi akong nakakarinig ng salitang pokpok,bayaran at mababa ang lipad dahil sa trabaho kong iyon. I am not guilty nor angry, it's their opinion and it doesn't matter to me at all.
At kahit wala namang nakakaalam sa tunay kung pagkatao, gusto ko paring umangat bilang ako.
I want to be on top on my own, I want everyone to know me as I am. Hindi bilang anak ng kabit at isang pagkakamali. Gusto kong makilala bilang Ashanti Bernice Montero, hindi bilang anak sa labas at anak ng nanay ko.
Fighting the life's battle alone taught me to continue living even if the worlds is twisting everything. Na kahit mahirap ay kailangan mong magpatuloy sa bawat hamon ng buhay.
I met different kind of people. May mababait,nagbabait-baitan,masasama at mapang-husga. I never let them ruin me,I never let anyone trampled me on.
Those descrimations and bullies? I'd never let me down. Hindi ako nagpapatalo kahit kanino, lagi kong sinasabi na...kilala nila ako sa pangalan ko pero hindi ang totoong ako.
I graduated my highschool as a Valedictorian of the class. At sa unang pagkakataon, tumayo akong mag isa, nagsabit ng medalya mag isa. At sa puntong 'yon tsaka ko lang narealize na may kulang, na hindi pala sapat ang talino at galing ko. Kulang ako. Walang pupuri sa akin mula sa pamilya ko, walang may sasalubong sa akin pagkatapos ng programang ito, walang sasabit ng medalya, walang papalakpak, walang magiging proud dahil ako lang mag isa.
Nakakaiyak,Nakakaawa, Nakakatawa!
"Growing up alone without anyone with me made me stronger and brave. Hindi rason ang pagiging mag isa upang maging pariwara sa buhay. Kailangan natin magsumikap upang patunayan sa mga taong nang iwan sa atin at sa ating sarili na kaya pala at kakayanin pa para sa mga pangarap. High school life made me realized alot, I don't need anyone to continue my life, I don't need someone to be with me just to inspire me. I am the inspiration alone. Ako, sarili ko lang ang kailangan ko upang bumangon sa araw-araw at magsumikap sa pag aaral. At ngayon napatunayan ko na tama nga ako, I can survive alone and I can achieve my dreams without anyone's help. But thankful enough to those who believed in me,to those who have helped me survived life... To those who left me and chose their own happiness, I am thankful for teaching life lessons. Thank you for letting me go sooner, thank you for making me realized that I can cry but never give up. And to my co-graduates, Congatulations to all of us and Goodluck to our next journey."
After I delivered my validictory speech,I moved my tasle on the other side and look up to the crowd proudly. Isang minuto ko pang inilibot ang paningin ko sa mga panauhin, umaasa na baka sakaling may makita na isa sa kanila. Ngunit wala, wala ni isa ang nakatagpo sa kung saan man ako.
But to my surprise, I saw a man clapping his hands while smilling. Feeling proud of what he witnessed, nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko siyang kumaway at ngumiti sa akin. He mouthed something but I don't understand it. Of all people why he's here? Hindi dapat siya ang naririto, hindi siya ang inaasahan ko.
Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin. Pagkatapos niya akong saktan,ganoon lang kadali sa kanya ang bumalik? Pagkatapos niyang mangako at basta bastang iniwan sa ere, magpapakita siya na parang walang nangyari?
Mas lalo akong nasurpresa sa taong kakapasok lang ng venue. Halos manginig ako sa kaba at takot, bakit pa sila nagsabay magpakita?
Lord? Joke lang naman sana yung sinabi ko kanina,bakit naman ang lakas ko sainyo,Lord?
I immediately go down the stage, dahil sa kaba at galit ay hindi na ako nakapag concentrate. Buong natitirang program ay tulala ako, hindi ko na naintindihan ang mga mensahe na binibigay ng mga panauhin dahil natabunan na ng galit ang isip at puso ko.
Agad akong nagdesisyong lumabas ng gym,nagmamadaling makahanap ng masasakyan pauwi ng apartment. Ayaw kong makita sila at maabutan pa ako, pero dahil sa dami ng tao ay hindi ako nakakuha ng tricycle. I keep thumping my foot and biting my finger nail because of my nervousness. Bakit nandito siya? Bakit pa siya bumalik pagkatapos ng lahat?
Dumagdag pa ang anak ng tatay ko, bakit niya ako nahanap? Sila ng kapatid niya ang mas may malaking galit sa akin. Inagaw ko ang tatay nila, I am the reason why their family been into feud a long time ago.
Wala na akong balita sa kanila mula noong lumayas ako. Wala din ni isa sa kanila ang sumubok na maghanap sa akin, kaya akala ko nakalimutan na nila ako.
Kaya ngayon kabado ako na baka andito siya para singilin ako sa mga nagawang mali ng mga magulang ko. Na baka papahirapan niya ako katulad ng pagpapahirap ng pamilya nila noong nasa puder pa nila ako. Na baka ipapatapon niya ako sa malayo ngayong nakita na niya ako.
"Ashanti!" Nagulat ako nang marinig ang sigaw na iyon. Kilalang kilala ko ang boses niya. Sa ilang taon niyang nawala,kabisado ko parin siya.
I was praying for a miracle...tinawag ko na ang lahat ng santo upang mapagbigyan ako na sana may dumaang tricycle sa harapan ko. But to my surprise, a luxurious car stopped infront of me. Kabado akong nag angat ng tingin sa kung sino man ang may ari nito. And then I saw the man I am scared of, the man who I think will ruined my life.
Gusto ko nalang silang takasan sa mga oras na ito, ayaw ko ng gulo. Tahimik na ang buhay ko ng ilang taon at gusto kong magpatuloy 'yon. Pero hindi ata ako lakas kay lord ngayon, dahil ngayon lang niya ako hindi pinagbigyan.
"Ashanti,saglit!" Isa pa 'tong anak ni Lando. Ang kapal ng mukha.
Naramdaman ko nalang ang hawak niya sa braso ko. Nagpumiglas ako ngunit dahil sa lakas niya ay hindi ako makawala.
"Bitawan mo ako,Marco!" Malamig kong saad. Ngunit hindi niya ako pinakinggan.
Bumukas ang pintuan ng itim na sasakyan at iniluwa doon ang kapatid ko. Kabado ko siyang tinignan. Kumunot ang noo niya at pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Marco.
"Gusto kitang makausap,saglit lang,Shan . Magpapaliwanag ako sa mga nangyari..."nakikiusap sa sabi niya.
"Huwag na, hindi na kailangan at naintindihan ko naman lahat ng 'yon. Ayos na ako Marco...ilang taon na ang dumaan at naka move on na ako." Matapang kong saad.
Hindi naman naging kami pero nang mga panahong kasama ko pa siya ay ramdam ko na may espesyal kaming nararamdaman sa isa't isa. Nasira nga lang 'yon dahil nag apply sa sundalo at habang nasa training ay nakahanap din ng iba.
"Please..."umiling ako.
Ayaw kong makinig pa sa mga kasinungalingan niya. Akmang hahawakan niya ulit ang braso ko ng pumagitna si Ashton.
"She already said no! Hindi kaba nakakaintindi?" Galit siyang bumaling kay Marco.
"Huwag kang makialam dahil hindi ka kasali sa usapan." Galit ding balik ng isa.
"Uhuh! And who do you think you are?"
"Kaibiga-" pinutol ko na siya.
"P'pwede ba,Marco, matagal ko ng tinapos ang pagkakaibigan natin. Tigilin mo ako."galit na saad ko.
"Shan..." Pakiusap pa niya pero hindi ko pinansin.
Tumalikod na ako at aakmang lalagpas na ay may humigit na naman sa braso ko. Ano ba naman? Kaladkarin na ba talaga ako?
Hinarap ko ang lalaking may malambot na kamay.
"Ayaw ko na po ng gulo, gusto ko pong ipagpatuloy ang buhay na mayroon ako ngayon. Please po, hindi po ako lalapit sa pamilya niyo." Nanginginig na ang boses ko hindi dahil sa takot. Kundi dahil narin sa inis ko. Napabitaw siya sa braso ko.
Kaunti nalang at iiyak na ako. Hindi siya kumibo kaya nag angat ako ng tingin sa kanya, he was just infront of me standing straight.
Longing and pain were visible in his eyes, agad siyang nag iwas ng tingin. Bumuntong hininga at ibinalik ang mga tingin sa akin.
"I am not here to make you scared, I'm sorry..." He took a deep breath again. "I am here to congratulate you on your graduation. Pangako 'yon lang ang pakay ko,hindi ako manggugulo sa'yo." Tsaka pa lamang ako nabunotan ng tinik sa aking lalamunan. Pero hindi parin panatag dahil wala akong tiwala nino man.
Takot ako, takot na baka guluhin nila ako, na baka sirain na naman ng pamilya nila ang sira ko nang buhay.
"S-salamat po! Pero hindi naman na po kailangan." Nakita ko ang dumaang sakit sa mga mata niya, napapikit siya at pinigilan ang kung ano mang emosyon ang mayroon sa kanya.
"I know, and I don't have the right to do this to you. But seeing you up their on stage a while ago made me so proud of you. Watching you achieving your dreams without us, made me want to help you. Siguro kung alam lang nila daddy kung nasaan ka, gano'n din ang maramdaman niya." Napangiwi ako sa narinig ko.
Hindi naman totoo 'yon, kasi kung totoo bakit niya ako hinayaang mag isa sa nakalipas na taon?
"Hindi naman po totoo 'yon." Mapait kong sambit.
"I know you won't believe me but dad tried his best to find you since you were gone. Hinalughog niya ang buong Pilipinas just to find you but my mom used some string, kaya nabigo si dad."umiling ako, hindi parin naniniwala sa kanya.
My father is one of the most powerful people in this country. Kahit sino man ang hahadlang sa kanya alam kong mahahanap niya ako noon pa, 'yon ay kung totoo ngang naghanap siya.
"Hindi ako naniniwala.."akmang tatalikod na ako at papara sana ng tricycle nang pinigilan niya ako sa braso. I was shocked and scared.
"Please Shan...hear me out,kahit ngayon lang kahit ako lang. Ako lang ang nakakaalam kung nasaan ka.Pangako after you hear me, I won't bother you anymore. I will leave in this place peacefully." Kahit nagdadalawang isip ay hinarap ko siyang muli.
"And I won't tell anyone that I found you."
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag...basta ang alam ko, gusto ko rin siyang makausap. Ithink I need to hear him out and give a chance,not just for him but for myself also. Baka ito na rin ang paraan upang makapagpatuloy ako ng walang nararamdamang sama ng loob at kulang sa pagkatao ko.
Bumuntong hininga ako at dahan-dahang tumango sa kanya.
I think I need to give myself a chance, I need peace of mind this time. Baka sakaling masagot ang lahat ng tanong ko. Baka sakaling malinawan ako kahit papaano pag napakinggan ko siya.
It's been years...
Bakit pa niya ako hinanap?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top