91

Uno's POV

Kinakabahan ako, puta. Hindi ko alam kung makikipag-ayos din ba siya o itutulak niya ako ulit palabas ng bahay nila. Nakalock ang gate at pinto nila pero binigay sa akin ni kuya niya yung susi para sure daw na makakapasok ako.

Eto ako ngayon nakatayo sa harap ng pintuan na kung saan kitang kita ang hagdanan nila. May hawak akong banner na may nakalagay na "sorry, baby love." at may hawak na teddy bear.

Nagchat na ako sa kanya gamit ang account ni bal at ang sabi niya'y wait lang daw at maliligo muna siya.

Maya-maya'y narinig ko na ang mga lakad niya pababa ng hagdan.

"Uno?" bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ako. Hindi ko alam pero sana naman huwag siyang bumalik sa kwarto niya. Tinignan ko lang siya ng may mga matang tila nakikiusap.

"Nam, please. Just let me explain first."

"Sinira mo na naman ang araw ko. Umalis ka na, okay?" at tumalikod ito sa akin.

"Last na plan ko na ito, Nam. Lahat nagawa ko na. Kung hindi mo ako hahayaang magpaliwanag sayo, okay sige. Hindi na kita pipilitin pa. Kapag umakyat ka, it means tama na. Kapag bumalik ka sa harapan ko, ibig sabihin you want to hear my explanation at gusto mo pang maayos yung meron sa atin." Natigilan siya saglit at tumawa ng mahina.

"Ano bang sinasabi mo, Uno? Wala namang meron sa atin."

"Just decide. Remember, last plan ko na 'to."

Napuno ng katahimikan ang paligid. Napayuko na lamang ako at pumikit. Narinig ko ang mga paa niya na paakyat sa hagdan.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Putangina. Tumalikod na ako at tumango tango. Nagbigay ako ng kondisyon tapos ngayon nasasaktan ako. Bobo, Uno.

Binitawan ko ang mga hawak ko at nagsimula ng maglakad palabas ng bahay nila.

Nagulat na lamang ako ng biglang may humawak sa bewang ko at humihikbi. Si Nam... umiiyak habang nakayakap mula sa likod ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top