8

Yuiko's POV

"Bessywap, kumain ka lang ha? Huwag ka mahiya sa amin ni kuya Namjoon." natatawang sabi sa akin ni Nam at nilagyan pa ng kanin ang plato ko. Busog na ako eh. Ngumiti ako sa kanya at kumain na. Nacoconcious ako dahil sa minsang pagtingin tingin sa akin ng kuya ni Nam kaya medyo hindi ako nakakakain ng maayos.

"Are you going home after this dinner, uhm, what's your name again?" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita at tinignan ako. Napaayos ako ng upo at sinubukan ang sarili kong tignan din siya.

"Ah yes po and I'm Yuiko." tumango naman siya at pinagpatuloy na ang pagkain. Hindi ko alam pero napangiti ako ng kausapin niya ako. Alam kong nagwagwapuhan ako sa kanya pero okay lang ba na magustuhan ko siya kahit alam kong kuya siya ng kaibigan ko?

"Masarap ba ang pagkain, bessywap?" napalingon ako kay Nam na nasa tabi ko at ngumiti sabay tango. Oo nga, tapos ang bango bango pa nung amoy.

"Sino nagluto? Ang sarap, bessywap."

"Syempre, luto 'yan ni kuya." nakangiting sabi nito at kumindat sa akin. Napalingon naman ako sa kuya niya at ngumiti ito. Shet, I find him more attractive because of those dimples. Ang gwapo nga talaga.

After we eat, magliligpit sana ako ng pinagkainan namin ng bigla akong makarinig ng boses mula sa likod ko.

"Yuiko." bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil siguro sa gulat pero hindi ko na pinansin yun at hinarap siya.

"Po?"

"Huwag mo ng ligpitin 'yan. Sila manang na ang bahala diyan. You should prepare all your things para makauwi ka na at hindi ka na magabihan sa byahe."

"Sige po, salamat po."

Dumiretso na ako sa sala at inayos na ang mga gamit ko na katabi ni Nam sa gilid niya. Tinulungan niya ako at ngumiti ang loka.

"Bessywap, ingat ka sa byahe ha?"

"Oo naman, salamat bessywap."

"Hindi ka ba magpapasundo kay Uno?" tanong nito na ikakunot ng noo ko.

"First time mo hanapin ang kambal ko, bessywap ah?" natatawa kong tanong. Alam ko namang gusto niya ang kambal ko eh.

"Oy grabe ka. Malay mo lang kasi, diba?" napailing na lang ako.

"Hindi na ako nagpasundo eh. Baka mamaya pagod pagod pa siya dahil medyo malayo rin yung bahay sa bahay niyo." natatawa kong sagot. Tumawa rin siya.

"Oh sige, mag-ingat ka. Tawagin ko lang si kuya para makapagpaalam ka na rin sa kanya." tumango naman ako.

"Sige."

"Kuya Namjoon! Uwi na daw si Yuiko!"

Biglang bumukas ang pinto sa kwarto niya at nakita ko siyang nakasuot ng bagong t-shirt na hindi niya naman suot kanina at may dala dalang susi. Bumaba ito at lumapit sa amin.

"Ah, uuwi na po ako." sabi ko at tumango.

"I'll drive you home." nagulat ako sa sinabi niya at napatingin kay bessywap. Kahit si Nam, nagulat din. "Nam, sumama ka na sa amin."

"Eh? Kuya, ikaw na lang maghatid kay Yuiko kasi late na rin oh. Inaantok na rin po ako and may gagawin pa ako. Okay lang ba bessywap?"

"Oo naman. Mag-aral ka para sa mga next activities natin ha? Atsaka huwag niyo na po ako ihatid. Ayos lang po kung mamamasahe ako."

"Babae ka and we need to think for your safety." Tumango ako at naghug na kay Nam. Ngumiti naman ang kuya nito at ginulo ang buhok ng kapatid niya. "Bye, little girl. Lock the door after I leave. I already brought the keys so be safe. Goodbye."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top