22
Yuiko's POV
"Oh, bakit nandito ka?" Bungad na tanong ni Namjoon saktong pagbukas na pagbukas niya ng pinto. Siguro nasa kusina siya kanina dahil sa nakita kong hawak niyang medyong basa na towel.
"Goodafternoon po. Kakamustahin ko lang sana si Nam."
"Ah, sure. Halika, come in."
"Kamusta na siya?"
"She's resting. Bumaba naman na yung lagnat niya kaya baka bukas makapasok na rin siya. Did she missed some discussions?"
"Ah, actually nagtake naman ako ng notes para sa kanya kanina para makahabol siya. Konti lang naman ang ginawa namin kanina kasi vacant namin ng 2 hours." pagpapaliwanag ko.
"Hey, thanks for worrying about my little sister. I'm glad that she have you. Lagi ba kayong ganyang dalawa kapag may hindi nakakapasok sa inyo?" Tumango naman ako bilang sagot.
"Opo and—"
"Just drop the 'po'. I'm not that old, nakakabawas ng kagwapuhan." sabi niya at ngumiti na naman habang umiiling iling. Huhu, his dimples are killing me now. "By the way, may nanliligaw ba kay Nam or I should say, boyfriend?"
"Wala naman. May nagbabalak nun pero sinabi kong huwag niyang payagan. Mukha kasing pera at katawan lang habol sa kanya eh."
"That's good. Ikaw ba? May nanliligaw na sayo?"
"Po?" gulat kong tanong. Alam ko namang natural na tanong yun galing sa isang lalaki pero bakit parang nagkaroon ako ng mini heart attack ng itanong niya yun?
"I'm asking you if there's anyone who courts you."
"W-wala po."
"Allergic ka ba sa mga tanong na tungkol sa pakikipagrelasyon sa lalaki?" kunot noo niyang tanong na ikinataka ko. "Namumula ka." dugtong niya pa. Wait, namumula? Kaya pala nag-iinit yung mukha ko.
"Ah nagulat lang." sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi naman kasi siya yung pinunta ko dito kaya bakit kami ang nag-uusap?
"You look more attractive when you're blushing. I think may mga nanligaw na sayo pero binusted mo rin, tama?" tumango na lang ako. Bigla akong napipi, ano ba yan. "Haha, tara na. I know nabibigatan ka na sa hangin kapag kinakausap kita. Let's go to Nam's room."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top