17

Nam's POV

"Kuya, ano 'yang palabas?" bungad ko kay kuya habang kinukusot kusot ang mata ko. Wala kaming pasok ngayon so kagigising ko lang. Tumabi ako sa kanya at sumandal sa sofa.

"News." maikli niyang sagot at uminom ng kape. "Want some milk, Nam?"

"Milk? Eh kape 'yan eh."

"Tinanong ko lang dahil titimplahan kita ng gatas. Ano, gusto mo ba?"

"Kape po—"

"No."

"Aba, bakit?!"

"Nakakasama para sa kalusugan mo 'to. Nagkape ka na kagabi."

"Bakit ikaw?!"

"I can handle myself. Mas mabuting ako na lang ang magkasakit kaysa ang kapatid ko."

"Ayie, ang baduy mo kuya pero sige na nga. Timplahan mo na lang ako ng gatas." he nod and stood up to make some milk for me. Tinignan ko si kuya habang nagtitimpla at napansin kong napakaboyfriend material niya. Hindi ko nga pala alam kung may girlfriend na siya. Bagay sila ng bessywap ko kaso ayoko namang mahulog siya kay kuya dahil alam kong sasaktan lang siya nito eh.

Dating playboy 'yang si kuya doon sa states. Tumino tino lang naman 'yan nung nakilala niya si ate Briella eh. Hindi ko lang alam kung sila pa ba hanggang ngayon. Hays, pero sana sila na lang ni bessywap.

"Here's your milk."

"Kuya?"

"Hmm?"

"May girlfriend ka na ba?" nagulat ako ng naibuga niya yung iniinom niya at napatingin sa akin.

"Type mo ako?"

"Hindi noh! Tinatanong ko lang!"

"Haha, wala."

"Wala? Anyare kay ate Briella?"

"We broke up before I go here."

"Ha? Bakit?"

"Pft, secret."

"Aw, are you okay now, kuya?"

"I'm always okay. Hindi naman ako nasaktan." then he smiled a fake one. Tumayo na siya at pumunta naman sa kusina. "Are you hungry? Magluluto lang si kuya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top