100
*flashback*
Third Person's POV
"Hi Namjoon, napaghintay ba kita?" napalingon si Namjoon sa babaeng nakatayo sa gilid niya habang siya ay umiinom ng kape.
Binaba niya ito at agad tumayo upang batiin ang babaeng kikitain niya, si Briella. "Ah, hindi naman. Kakarating ko lang din. Maupo ka muna."
Umupo si Briella sa tapat ni Namjoon at ngumiti ito. "It's been a year since nagkausap tayo. How are you?"
"Ayos lang ako. Ikaw? Daming nagbago sayo ah."
"Haha, ayos naman ako. Anyway, mukhang nagmamadali ka."
"Oo eh. Pumunta lang ako para makuha yung ibibigay mo. Ano nga ba yun?"
Binuksan ni Briella ang sling bag niya at naglabas ito ng isang envelope. Tumingin ito kay Namjoon at ngumiti.
"I'm getting married, Namjoon. I'm inviting you. Alam kong may girlfriend ka ngayon and masaya ako para sa inyo. I hope makapunta kayong dalawa. Huwag kayong mawawala ha?" Inabot nito ang black envelope na may pangalan ni Briella at ng kanyang mapapangasawa.
"Salamat. Best wishes sa inyo, Briella. Mauna na ako ah? Anyway, huwag kang mag-alala. Pupunta kami ni Yuiko. Goodbye." tumayo si Namjoon na ikinatayo rin ni Briella. Ngumiti't agad nitong niyakap si Namjoon.
"Thank you for being part of my life, Namjoon. Hindi ko siya makikilala kundi dahil sayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top