CHAPTER 9


Kinuha niya ang malaking bag kung nasaan nakatupi ang mga labahan ni Callum. Lumabas siya para ibigay iyon sa magpi-pick-up. Everyweek kasi pumupunta ang service ng laundry shop sa bahay para kunin ang mga labahin ng binata.

"Maraming salamat po," sambit niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Wala si Callum at siya lang mag-isa ngayon at hanggang bukas. Out of town ito dahil may tinitingnan na lupain sa Davao. Bukas pa ng hapon ang uwi nito, iyon ang sabi sa kaniya.

Nagluto siya ng kaniyang tanghalian. Adobo ang niluto niya para maging ulam niya na rin mamaya. Nag-grocery kasi sila kahapon ni Callum, sumama talaga ito sa kaniya at binilhan siya ng maraming pagkain dahil maiiwan siya nito ng dalawang araw.

Hindi naman responsibilidad iyon ni Callum na bilhan siya ng sobrang dami na pagkain at mga iba pang snacks bilang amo niya dahil kahit anong pagkain ay kinakain niya naman. Napapaisip na siya kung may gusto na ba sa kaniya si Callum, ayaw niyang umasa pero hindi niya naman mapigilan na hindi umasa.

Inaamin niya sa sarili na nagugustuhan niya na ito. Hindi, gusto niya na talaga ito at tingin niya ay lalalim pa iyon. Hindi naman niya hahayaan at bibigyan ng permission si Callum sa mga bagay na ginagawa lang ng magkasintahan o mag-asawa,

Hindi niya pa naman talaga nabibigay ang v-card niya rito pero ilang beses na siyang bumigay para magpakain.

Her cheeks burned when she remembered it again.

She was humming while preparing the food she cooked. Umupo siya sa dining table at nagsimula kumain. Nag-iisip pa siya ng kung ano pa ang kaniyang gagawin. Maaga siyang nagising kanina dahil madaling araw umalis si Callum, hindi na siya nakatulog ulit kaya naglinis at nag-ayos na lang siya.

Nang natapos siya kumain nagligpit na rin siya kaagad. Tumunog naman ang cellphone niya kaya dali-dali siyang naghugas ng kamay para sagutin ang tawag. Akala niya si Callum dahil nag-text ito sa kaniya kanina na mamaya ay tatawag pero ang nakita niyang numero ay sa mama niya.

"Hello ma?" sambit niya at ini-speaker iyon para mapagpatuloy ang paghuhugas.

"A-ate?"

"Mara?" Kumunot ang noo niya nang marinig ang boses ni Mara. Ito ang sumunod kay Maymay, 18 old na ito.

"Napatawag ka? May problema ba? Okay lang ba kayo?" sunod-sunod na tanong niya. Wala itong sariling cellphone dahil wala silang extra na pambili kaya pag tumatawag ang mga ito sa kaniya ay cellphone ng mama nila.

"Ate... si ate Maymay po, umalis po siya," naiiyak na sambit nito. Dumagundong ng husto ang puso niya sa kaba. Tinapos niya agad ang hinuhugasan at pinunasan ang kamay tiyaka kinuha ang cellphone.

"Saan pumunta ang ate mo?"

"Ate... kinuha niya po ang pera na pang dialysis ni mama at panggamot. H-hindi po alam ni mama na tumatawag ako sa'yo dahil tulog po siya ngayon." Napahawak siya sa sintido niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Naguguluhan siya kung bakit umalis si Maymay at kinuha pa ang pera na panggamot ng ina.

"Ano? Anong ibig mo sabihin? Iyong bago kong padala?"

"Opo ate... Hindi po nakapunta ng tatlong beses si mama sa hospital. Medyo nanghihina na si mama ate. Si ate Maymay po kasi... a-ano po..." Ramdam niya ang kaba sa boses nito.

"Ano Mara?" tanong niya sa kalmadong boses.

"B-buntis po siya ate, siguro po ay sumama siya sa boyfriend niya at nagtanan na sila. Nakita ko po ang pregnancy test na naiwan niya sa drawer niya. Kaya po pala ilang araw na laging madaling araw umuuwi." Napahawak siya sa sink at napasandal doon. Nanghina ang kaniyang tuhod dahil sa nabalitaan.

"A-alam ni mama? Sino pa ang nakakaalam?"

"Alam po ate ni mama ate, narinig ko po kasi noong nakaraan na binigyan siya nito ng pera. Ate, ano pong gagawin natin? Wala na pong natira na pera rito. Tapos po— Ate! Ate! Si mama bumagsak! Ate!"

Napalunok siya at napaayos ng tayo, narinig niya ang pagbagsak ng cellphone. "Hello? Hello? Mara! Anong nangyari?" sigaw niya rito. Rinig niya ang sigaw ni Krista, ang bunso nilang kapatid.

"Tawagin mo si kuya Rico sa kabila at magpatulong tayo. Bilisan mo!"

"Ma! Ma! Gising po!"

Napasabunot siya sa ulo habang naririnig ang mga sinasabi ng kapatid sa kabilang linya. Dumeretso siya sa kwarto at hindi pa rin pinatay ang tawag. Nagbihis siya at kinuha ang isang backpack para lagyan ng damit at kailangan niya. Uuwi siya ngayon sa cebu. Kailangan niya umuwi, tatawagan niya na lang mamaya si Callum para sabihin na emergency.

"Ate?" Kinuha niya ang cellphone sa kama niya.

"Hello? Anong nangyari kay mama?"

"Ate papunta na kami ng hospital, nagpatulong kami kay kuya Rico. Nanghihina na po lalo si mama, ano pong gagawin namin?" natatarantang tanong nito.

"Ganito, lahat ng sabihin ng doctor at kailangan gawin kay mama ay gawin niyo. Uuwi ako riyan at ako na ang bahala sa bayarin. Huwag kayong aalis sa hospital hangga't hindi okay si mama, kahit anong sabihin ni mama 'wag kayong umalis, okay?"

"Opo ate... ngayon ka na po uuwi?" Narinig niya ang pagsinghot nito. Alam niya na kinakabahan ang dalawa niyang kapatid dahil unang beses na nawalan ng malay si mama ay hindi sila nakatulog lalo na ang dalawa dahil sa kaba at pag-aalala.

"Oo, uuwi ako. Magbabarko ako kaya bukas pa ang uwi ko panigurado. Sige na tatawagan na lang ulit kita mamaya pagnaka bili na ako ng ticket. Mag-iingat kayo riyan, pakisabi kay Rico, salamat."

"Opo ate. Ingat ka rin po."

Pinatay niya na ang tawag at bumili na ng ticket sa website na lagi niyang pinagbibilhan pag-uuwi siya. Nakahinga siya ng maluwag nang merong alis ng 3pm, kinuha niya na iyon at binayaran gamit ang card niya, kung saan pumapasok ang sahod niya bilang kasambahay. Gusto niya man mag-eroplano para mabilis pero wala na siyang pera pa, alam niya na malaki pa ang gastos sa hospital at hindi niya pa alam kung saan kukuha ng pera.

Sinara niya lahat ang tubig sa bahay, iniwan niya lang na bukas ang ilaw sa may gate at labas ng pinto para mag mukhang may tao. Umalis siya agad at pumara ng taxi para mabilis siyang makarating sa ferry. Dalawang oras lang ang meron siya bago makarating doon.

Habang nasa taxi ay tinatawagan niya si Callum para sabihin na umalis siya ng bahay dahil emergency. Pero hindi ito sumasagot kahit ilang beses na siya tumawag kaya nag-send na lang siya ng message dito.

To Callum,

Pasensiya na kung hindi na ako nakapagpaalam na aalis ako. Papunta ako sa cebu dahil may emergency at pinunta sa hospital si mama. Sana maintindihan mo, babalik din ako kaagad.

Pagnakausap niya si Callum sa tawag sasabihin niya na lang na lahat ng araw na wala siya ay day-off na 'yon para sa mga susunod na day-off niya dapat ay magta-trabaho pa rin siya.

Hanggang sa marating siya sa barko at hanggang makaalis iyon ay lutang ang isipan niya. Sumasakit ang ulo niya sa dagdag problema nila. Ang kapatid na inaasahan niya ay buntis na ngayon at nagawa pang kunin ang pera na pinaghirapan niya para lang sa dialysis at gamot ng mama nila. Wala na siyang pera at wala na siyang tinitira sa sarili, lahat ng sakripisyo ay ginagawa niya matustusan lang lahat ng gastusin sa bahay at pagpapaaral sa tatlo. Ayaw niyang sumabatan ito pero sobrang nasaktan siya sa ginawa nito.

Hinayaan niya na 'wag itong magtrabaho at magpokus na lang sa pag-aaral at pagbabantay sa mama nila pero hindi niya akalain na magagawa nito ang ginawa.

Tumulo ang luha niya, akala niya patak lang iyon pero sunod sunod na pala. Humiga siya sa kama niya at doon tahimik na umiyak. Nasa economy lang siya kaya marami ang mga katabing kama at maraming tao ang nakahiga kaya hindi siya p-pwede mag-ingay.

Pinunasan niya muli ang luha at tiyaka kinuha ang cellphone. Gabi na pero wala pa rin reply ang binata sa kaniya. Marahil ay busy ito sa trabaho, iyon ang iniisip niya pero hindi rin niya pigilan maisip na bakit hindi pa rin ito tumatawag e gabing gabi na. Napabuntong hininga siya at sinubukan ulit tawagan si Callum.

Napaupo siya nang sumagot ito.

"Callum?" tawag niya rito.

"Hello? Who's this?" naisara niya ang labi nang marinig ang boses ng babae.

"S-sino ka?" tanong niya rito.

"I'm the one who asked first. Who you?" mataray na sambit nito. Napatikhim naman siya bago magsalita, para kasing may bumara sa lalamunan niya.

"Ako po si Kristel mai—"

"Well anyways, I don't care who you are. You're disturbing our quality time, so stop calling my Fiance!" halos pasigaw na sambit nito sa kaniya bago patayin ang tawag. Napatingin naman siya sa cellphone niya, humigpit ang hawak niya roon dahil sa pagsikip ng dibdib niya.

Fiance? May fiancé si Callum?

Humiga siya muli sa kaniyang kama at doon na lang natulala. Oo ng apala... Nakalimutan niya atang wala naman sila ni Callum. Nakalimutan niyang isa itong playboy, at amo niya ito. Tanging tawag ng laman lang ang namamagitan sa kanila na siya mismo ang nagbigay permiso.

Kaya bakit ako masasaktan? Ako rin naman ang may kasalanan dahil hinayaan ko siyang papasukin sa buhay ko.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top