CHAPTER 7


Kakatapos lang nila kumain sa isang restaurant, dahil nga hindi na sila nakakain sa birthday party. Tuluyan na silang umalis doon dahil ayaw niya nang mapaaway pa si Callum. Muli niya itong nilingon at tahimik lang itong nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya rito dahil sinabi nito kanina na hindi pa sila uuwi. Bumaba ang tingin niya sa kamao nito na nagkaroon ng pasa.

"In my home," he said in a lower voice.

"Akala ko ba hindi pa tayo uuwi?" tanong niya ulit dito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kamay nito na may pasa. Hindi na siya nakatiis at hinawakan niya na iyon. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ba 'yon o saglit talaga itong natigilan.

"Not in my house that we're currently staying. We are going to my real home," sambit nito at hinuli ang kamay niya para hawakan.

"A-ang dami mo palang bahay," ani niya at nautal pa dahil marahan na pinipisil nito ang kamay niya.

"We currently staying at my temporary house. I'm going to sell it after a year. Hinahantay ko lang matapos ang malaking mall at mart na mas malapit sa village na 'yon para mas maibenta ko ng malaki."

Tumango naman siya sa paliwanag nito. Kaya na rin siguro kaunti lang ang gamit, akala niya ay minimalist lifestyle lang si Callum.

Medyo mahaba haba ang byahe nila at nakaidlip siya ng isang oras. Nang makarating sila ay doon niya nakita ang isang malaking bahay. May guard sa gate na sumalubong sa kanila at may dalawa rin na kasambahay na gising pa rin kahit gabing gabi na.

"Magandang gabi po sir, ma'am." Bumati rin siya pabalik bilang galang sa mga ito. Kung ang bahay na pinag-stay-an ni Callum ay dalawang palapag lang, ito namang bahay ay may tatlong palapag at ibang-iba ang disenyo. Ang mga ilaw ay kakaiba ang itsura at halata mong mamahalin. Malinis ang buong bahay at napakalawak. Ang hagdan nito ay transparent na may mga ilaw sa bawat hakbang mo. Nalula siya dahil sa ganda, para siyang nasa isang mansion.

"Welcome to my home, baby," he whispered and back hugged her. Nagulat siya sa inasta nito kaya hindi siya agad nakaimik.

"Ang ganda pala ng bahay mo," bulalas niya dahil walang masabi. Tila ba ay nawala ang focus niya. Mabuti na lang ay umalis na sa harapan nila ang dalawang kasambahay.

"Come with me," he said and held her hand. Wala siyang nagawa kun'di sumunod dito. Sumakay sila sa elevator para tumungo sa third floor. Para siyang timang na manghang mangha sa elevator sa loob ng bahay. Ito na ata ang pinakamagandang bahay na napuntahan niya sa buong buhay niya.

Nang makarating sa third floor ay dumeretso sila sa dulong kwarto. Gamit ang fingerprint ni Callum ay bumukas ang pintuan no'n at doon niya nakita ang isang mini bar sa loob ng kwarto.

"Can you drink with me? Or just accompany me while I'm drinking if it's okay with you."

"Okay lang sa akin na nandito ako," sagot niya dahil nawala na naman ang antok niya dahil nakatulog siya ng isang oras sa sasakyan.

Ngumiti ito ng malawak bago siya bitawan ng binata. Tumungo ito sa bar counter at kumuha ng alak na naroroon.

"Mahilig ka talaga uminom?" tanong niya rito nang makaupo sa sofa.

"Yes. How about you?"

"Hindi masiyado, pag gusto ko lang matulog agad umiinom ako ng beer." Hindi naman kasi siya umiinom ng maramihan. Never pa nga siyang nalasing dahil pag umiinom siya ay isang beer lang. Minsan niya lang din iyon ginagawa, pangpatulog.

"Try this tequila rose. It's delicious." Lumapit ito sa kaniya dala ang dalawang bote ng alak pati na rin ang dalawang baso.

"Okay lang ba ang kamay mo? Hindi ba kailangan i-cold compress 'yan?" tanong niya nang mapatingin na naman sa pasa nito.

"It's fine. Don't worry about this." Binuka sara pa nito ang kamay para ipakita na okay lang talaga ito. Napabuntong hininga na lang siya at tumango.

"Did I scare you earlier?" tanong nito habang sinasalinan siya ng tequila rose sa baso.

"Hindi naman... Nagulat lang ako," pagsasabi niya ng totoo. "Hindi niyo raw ka-close 'yong lalaki, sabi ni Troy?" pagtatanong niya rito. Sumimangot naman ang binata at tumingin sa kaniya.

"Don't call him by his name." Inisang lagok nito ang nasa baso kaya nanlaki ang mata niya sa gulat. May kalakihan ang baso pero parang tubig lang ang iniinom nito.

"B-baka malasing ka niyan!"

"You're changing the topic, baby." Iniwas niya ang tingin dito dahil tinawag na naman siya nitong 'baby'.

"T-troy naman kasi ang pangalan ng kaibigan mo," sagot niya at uminom na ng alak. Natigilan pa siya saglit dahil sa lasa ng alak. Parang strawberry milkshake lang kasi at hindi alak. Dinamihan niya ang inom dahil sa sarap.

"Still, don't call him by his name." Tumingin siya rito nang ibaba nito ang baso na hawak. Tinanggal nito ang coat na suot at tinupi ang sleeves ng white button shirt dahilan para makita niya ang kamay nitong maugat. Muli niyang kinuha ang bote ng alak at sinalinan ang baso niya, pinuno niya iyon dahil masarap talaga.

Uminom siya habang nakatingin pa rin sa mga ugat nitong galit na galit.

"How high is your alcohol tolerance? You're drinking too much," baling sa kaniya ni Callum nang mapatingin na lumalagok na naman siya ng alak.

Nagkibit balikat siya at tiningnan ang baso na paubos na naman. "Hindi ko alam, pero ang sarap talaga nito."

"Shit. Can you drink slower?" Lumapit ito sa kaniya para sana agawin ang baso na hawak niya pero tinaas niya ang kamay at winagayway ang isang daliri para pigilan ito.

"Okay lang ako pero... pwede mo bang lakasan ang aircon mo? Ang hina naman!" she hissed. Kumamot siya sa kaniyang leeg nang makaramdam ng init sa mukha.

Sa totoo lang ay ramdam niya na ang tama ng alak pero alam niya pa rin ang nangyayari kaya para sa kaniya hindi pa siya lasing. Hindi niya alam kung hanggan saan o gaano karami ang alak bago siya malasing.

"It's in maximum. Your face is getting redder." Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya kaya napahagikgik siya.

"Ang init ng kamay mo sir," ani niya nang maramdaman ang mainit na palad nito sa pisngi niya. Hinawakan niya iyon at pinakiramdaman.

"Fuck. I forgot that it's 15 percent volume, and you already drink half of it."

Tumawa siya dahil sa sinabi nito. Naramdaman niya na tumabi ito ng husto sa kaniya kaya pinatong niya ang ulo sa balikat ng binata.

"Kaya pala ako nahihilo na agad! 'yong iniinom ko kasing beer ay 6 percent lang. Pero okay lang talaga ako sir, parang umiikot lang paligid ko tapos po ang init ng pakiramdam ko. Pwede ko ba 'tong hubarin?" tanong niya at napaupo ng tuwid tiyaka tiningnan ang suot na damit.

"No. Wait here, I'll get you a shirt to change." Para itong galit kaya napasunod ang tingin niya rito.

"Bakit ka galit?" mahinang bulalas niya pero hindi na ito lumingon pa. Nang makalabas ito ay muli siyang napatingin sa alak at napangiti.

"Last na talaga, tutal minsan lang naman ako makainom ng ganito," sambit sa sarili. Muli siyang kumuha ng isang baso at dali daling ininom iyon dahil baka magalit pa si Callum. Mas lalong uminit ang pakiramdam niya kaya hinubad niya na ang suot na sapatos at damit at tanging bra at cycling short na lang ang tinira niya.

Totoong natuwa siya sa ininom niya dahil satisfied siya. Tumayo siya kahit nahihilo, pumunta siya sa bar chair at doon umupo dahil naroroon banda ang aircon. Napapikit siya nang mas maramdaman ang lamig.

"Ang sarap—"

"Damn. Why did you remove your clothes?" Agad niyang nailingon ang ulo nang marinig ang boses ni Callum. Kunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. May dala itong tshirt na alam niyang malaki sa kaniya.

"Hindi pa naman po lahat sir," ani niya rito.

"Do you want me to punish you again? You're calling me sir again, Kristel." Bigla siyang natigilan at nang maalala ang tinutukoy nitong punishment ay hindi niya mapigilan na 'wag mapangiti.

"Wear this and stop smiling, you're drunk." Binuka nito ang t-shirt at pilit na sinusuot sa kaniya pero pinigilan niya.

"Teka lang po sir! Hubarin ko po muna itong bra ko para hindi masiyadong mainit at malagkit."

"In front of me?" he clenched his jaw.

"Bastos ka sir ah! Siyempre sa banyo ko muna huhubarin bago ko po ito isuot. Ganiyan ka siguro sa mga babae mo 'no?" Nagiging madaldal na siya kaya alam niyang tinamaan na siya ng tuluyan. Hindi niya alam kung bakit bigla rin nawala ang hiya niya sa lalaking kaharap.

"You shouldn't inform me about that! I'm a man, and you're doing this in front of me?"

"Masiyado ka naman pong nagagalit sir, parang sinabi lang para alam mo." Kumamot siya ng ulo at hinablot ang t-shirt. Tinalikuran niya ito para pumunta sa may pinto na sigurado siya ay banyo. Doon siya nagtanggal ng damit at pati cycling shorts ay tinanggal niya na dahil sa lagkit na nararamdaman.

Bago niya pa masuot ang t-shirt ay napatingin siya sa shower na nasa loob ng cr. Iniisip niyang maligo na lang dahil hindi niya na kaya. Hinubad niya lahat ng damit at sinampay iyon sa tabi.

Binuksan niya ang shower at napatili nang dumampi sa kaniya ang malamig na tubig.

Nagulat naman siya nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya si Callum na parang nataranta.

"Fuck. Why did you shout?! And why are you now taking a bath?" tumalikod ito sa kaniya pero hindi pa rin umaalis sa pintuan.

"Mainit nga! Bakit ka ba sigaw ng sigaw sir? Kung gusto mo sumabay ka na lang!" naiiritang sambit niya. Naiinis na siya dahil kanina pa ito mukhang galit.

Umupo siya sa sahig dahil pagod na ang paa niya. Naka-on pa rin ang tubig kaya pinikit niya ang mata habang nakasandal sa pader.

"Matutulog na ako sir," halos pabulong na sambit niya.

"What?" Hindi na siya nakasagot dahil kinakain na siya ng alak at antok. Huli niyang naramdaman bago tuluyang kainin ng antok ay ang pagbalot ng malambot na tuwalya sa katawan niya.

"I will not allow you to drink with other man if you act like this when you're drunk."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top