CHAPTER 26
Halos mapatalon siya sa gulad nang may bumukas na projector. Malaki ang screen at halos malula siya roon. Umawang ang kaniyang labi nang mag-play ang video roon. Nanubig ang kaniyang mata nang makita ang stolen pictures niya na sigurado siyang kuha ni Callum dahil ito lang naman ang lagi niyang kasama sa mga lugar na 'yon. Mayroon na kumakain siya, nakanganga ng malaki ang bunganga, galit, iritado ang mukha, gulat at kung ano-ano pa.
"Nasan ka ba?! Baliw ka talaga! Akala ko may nangyari na talaga sa'yo!" sigaw niya at pilit na hinahanap si Callum sa rooftop. Napabuga siya ng hangin nang hindi niya ito makita kaya pinanood niya na lang ang nasa screen.
Sunod-sunod na lumabas ang pictures nilang dalawa at ang kasunod doon ay ang mukha ni Callum na halatang kabado at hindi komportable sa harap ng camera.
"Uhm... what should I say? Is this necessary?" tanong nito sa harapan.
"Duh! Siyempre oo! Dapat may pa video ka," sigaw ni Arianna pabalik.
Natawa siya dahil mukhang mag-aaway pa ito sa video.
"Hi, baby —"
"Eew, 'di ba 'yan tawag mo sa dati mong mga babae?"
"Damnit. I don't do endearments with my past flings — fuck! Get out of this room! I can't do this properly if you're here," galita na bulalas ni Callum.
Natawa siya lalo dahil tuluyan na talaga nagtalo ang dalawa. Nakarinig siya ng pagsarado ng pinto kaya sigurado siyang umalis na si Arianna sa kwarto. Tawang-tawa siya dahil hindi man lang inedit ang video.
"Okay. Hi, baby. I know you're shocked right now because of this video clip. Arianna made me do this because women like this stuff — but anyways, I know you know how much I love you, right? I always say it to you every day, and I will not get tired of saying how much I love you. I remember the day when you come to my house. I actually don't want to talk to you that much because I felt something I couldn't figure out. You're simple yet attractive. That's why I can't stop myself from wanting you and getting to know you more. Then the time you comforted me and embraced me? After that, I can't stop thinking about you, about how pure and kind your heart is. I don't want to hurt you and I didn't also have a thought to play your heart. In the shortest time, we faced many problems together, especially you. Do you know how much I wanted to hug you when you were down and in pain? Baby, you don't know how I follow you like a stalker just to know you're always safe."
Tumulo ang luha niya kaya agad niya iyong pinunasan pero hindi iyon tumigil dahil puno ng emosyon ang puso niya ngayon.
"The time I confessed, and you said you love me too? I want to shout and tell the world how happy I am. You accept me for who I am. A jerk like me accepts by a pure-hearted woman. How lucky I am, right? I don't want to be this long because I'm sure that I badly want to hug you right now. I love you so much, baby."
Natigil ang video at may bumukas na ilaw kaya napatingin siya sa gawi na 'yon. Napatakip siya sa bibig niya at napahagulgol nang makita ang binatang nakatayo sa harapan ng isang malaking heart at may nakasulat na 'Will You Marry Me?'
May hawak itong bulaklak sa isang kamay at doon niya lang din napansin na may flower petals path pala papunta sa binata. Mabilis siyang naglakad papunta rito at nang makaratin sa harapan nito ay napatigil siya dahil bigla itong lumuhod.
Nagkaroon ng background music kasabay nang munting hiyawan sa likuran niya kaya napalingon siya. Nanlaki ang mata niya dahil naroroon ang ina at mga kapatid niya. Naroon din sila Arianna at ang asawa nito pati ang mga nakilala niyang kaibigan nito na napakabait sa kaniya. Pati ang ama at si tita Azell ay naroroon at ang kaibigan ni Callum.
Bumalik ang tingin niya sa binata at nakatingin ito ng husto sa kaniya.
"Baby, will you marry me? Yes or yes?" tanong nito na mukhang hindi makapaghintay.
"Yes or no dapat!" sita niya rito habang pinupunasan ang luha niya.
"No is not on the choices. Just yes or yes, baby. Because even if you say no, I'll make you say yes, by hook or by crook."
"Baliw!" bulalas niya at natawa rito.
"Yes, I'm crazy. You made me crazy, baby. At tuluyan na akong mababaliw kung hindi ka pa sumagot ngayon din," ani nito.
Inirapan niya ito at nilapit ang isang kamay rito. "Bilisan mo! Gusto ko ng balot ulit," sambit niya at winagayway pa ang kamay.
"You should say yes because I want to hear it."
"Ang arte mo naman! May kasabihan kaya na 'action speak louder than words'."
"Still... I want to hear your yes. Please, baby!" he pleaded. Napabuga siya ng hangin at ngumiti rito. Gusto niya lang talaga pahirapan ito sa pagluhod dahil na-trip-an niya lang.
"Siya nga pala, akala ko nalaglag ka?" pagtatanong niya. Pinigilan niya ang tawa dahil sa pag-ungol nito na parang mababaliw na talaga.
"Baby! My knees are hurting," he said frustratedly.
Hindi siya umimik at hinatak ang kwelyo nito para mapatayo.
"Baby —" pinutol niya ito sa isang mariin na halik.
"Yes, yes, yes. Oo, oo, oo! Akala ko ba wala akong choice?" ani niya nang magkahiwalay ang labi nila. Sumilay ang ngiti nito sa labi at mabilis na sinuot ang singsing sa kaniya.
"I love you so much, wife and to our baby." Callum kissed her again. Naghiyawan ang mga tao sa likuran nila kay medyo nahiya siya dahil nakalimutan niya agad na nasa likuran din ang mama at mga kapatid niya.
"Congratulations!" malakas na sigaw nila Arianna at mga kaibigan nito.
Nagsilabasan ang photographer na ngayon niya lang napansin. Todo punas naman siya sa luha niya dahil pakiramdam niya napaka-haggard na ng itsura niya.
"Congrats, anak." Niyakap niya ang ina nang makalapit sa kanila.
"Congrats ate! Masaya kami para sa'yo," sambit pa ng mga kapatid niya. Niyakap niya ang mga ito ng mahigpit.
"Kayo talaga! Nandito na pala kayo sa manila, hindi niyo man lang sinabi."
"Eh, secret at surprise raw po sabi ni kuya Callum," ani ni Krista.
"Tsaka ate, noong isang araw pa kami nasa isang bahay ni kuya Callum, doon na raw kami titira eh!" masayang sambit ni Mara. Napabaling siya ng tingin kay Callum dahil nauna pa ang pamilya niya lumipat bago siya nito tanungin sa bagay na 'yon.
Nagkibit balikat lang ito at ngumiti.
"Ma... alam mo na ba..." Napanguso siya nang harapin muli ang ina. Hinaplos nito ang kamay niya at ngumiti ito sa kaniya.
"Alam ko... wala naman na kaso sa akin kung nakilala mo ang ama mo. Masaya na rin ako para sa kaniya dahil nakatagpo siya ng mamahalin niya ng seryoso at ang mahalaga ay tinanggap ka niya at bumabawi siya sa'yo." Muli niyang niyakap ang kaniyang ina. Naiiyak siya dahil napakaintindihin talaga nito sa kahit anong sitwasyon.
Nagpicture sila saglit at mayamaya ay pinauna na rin nila ang ina at mga kapatid niya dahil kailangan na nitong magpahinga.
"Don't hurt my daughter," seryosong sambit ng ama niya kay Callum.
"Of course. And don't ever hurt my... m-mom," umiwas ng tingin si Callum dahil katabi ng ama niya ang ina nito. Nakita niya ang pagkislap ng mata ng ginang habang nakatingin kay Callum. Tumingin ito sa kaniya at bumuntong hininga.
"Sorry sa mga nagawa ko," mahinang ani nito nang hawakan ang kamay niya.
"Okay lang po. Pinapatawad ko na po kayo. Alam ko naman na nagmamahal lang din po kayo," tugon niya rito. Niyakap niya rin ito at ang kaniyang ama.
Gusto niya ng palayain ang mga sakit at galit sa puso niya. Gusto niya na maging okay at magkaayos ang lahat.
Nagpicture lang sila saglit pati ang mga kaibigan ni Callum at Arianna. Lahat ay nag-congratulate sa kanila at masaya para sa kanila.
Magkahawak ang kamay nila habang pauwi sa bahay. Sobrang saya at gaan ng pakiramdam niya. Kahit hindi pa bongga ang pag propose ni Callum ay pareho pa rin ang sagot niya rito. In ups and downs she will stay at Callum side.
Marahan na hinaplos ni Callum ang tiyan niya gamit ang isang kamay.
"We are now waiting for you to come out, our baby," he said in a sweet tone. Hinawakan niya ulit ang kamay nito na nakapatong sa tiyan niya.
"Thank you for everything, Callum," malambing na ani niya sa binata.
"No, baby. I am the one who should be thankful to you because you gave me another blessing to my life," he gently caressed her bumped tummy making her heart warmer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top