Chapter 25
Halos kuminang ang kaniyang mata sa tuwa nang mag-restock ng gatas si Callum at bigyan siya nito ng saging na pink. Ilang araw na ang lumipas at naiba na naman ang cravings niya. Naurong ang kasal nila dahil planong paghandaan iyon ng bongga kahit na ayos lang naman siya sa simpleng kasal.
"From your dad," ani ni Callum at binigay sa kaniya ang bouquet ng bulaklak. Nakangiti niya iyong tinanggap at nilagay sa vase. Ilang araw na rin kasi nagpapadala ang ama niya ng bulaklak at kung ano-anong regalo. Gusto raw nito bumawi sa kaniya at pati ang mga kapatid niya na nasa cebu ay binibigyan nito ng mga regalo.
Nagiging okay na rin sila, ayaw niya na rin kasi magtanim ng sama ng loob lalo na't may magiging anak na siya. Gusto niya maging masaya na at walang tinatago na hinanakit sa puso. Ang ina ni Callum ay tinanggap na rin ang desisyon ng ama niya, wala rin itong nagawa. Si Callum naman ay hindi pa rin napapatawad ang ina nito, kailangan pa talaga nito ng mahabang panahon para makapag-isip isip. Alam niya naman na mapapatawad rin nito ang ina balang araw.
Pagkatapos niya inayos ang mga bulaklak ay bumalik siya sa sofa at kinuha ang plato na may pink na saging. Chocolate coated banana iyon kaya naging color pink. Masiyado talagang mautak ang binata dahil naisip nito noong nag-request siya ng pink na saging. Nagustuhan din naman niya at lalo na ang anak nila.
She giggled while she caressed her tummy using one hand.
"Baby, I am not going to sell the other house. Your mom and your siblings can live there," napatigil siya sa pagsubo at napatingin sa binata na umupo sa tabi niya.
"Sigurado ka?" tanong niya rito. "Marami pa kaya akong utang sa'yo!"
"You're going to be my wife, so my money and my properties are yours too."
"Hindi! Hindi ko nga nagawa ang pagiging personal assistant mo ng maayos, kaya babayaran ko ang mga utang ko sa'yo. 'Wag kang mag-alala pagkatapos ko manganak ay magta-trabaho ako—"
"That's not going to happen. You should be here and take care of our child." Napabuntong hininga siya, alam niya naman iyon pero hindi siya papayag na hindi pa rin mabayaran kahit man lang kalahati ang mga utang niya sa binata.
"Don't pout, baby. Ayaw rin kitang mapagod. I know being a mom and a wife is hard. If you really want to pay me, just accept my offer, the business you want. You can have your own rental apartment," ani pa nito at niyakap siya na parang sinusuyo.
"Sige... basta babayaran kita ha? Pero pasensiya na dahil matagal talaga."
"I can wait baby, hindi naman mahalaga iyon." Niyakap niya ito pabalik at hinalikan sa labi nang maghiwalay.
Pinagpatuloy niya na ang pagkain habang nakasandal sa may dibdib nito. Nanonood lang sila ng tv sa sala. Maaga lagi umuuwi si Callum galing sa office dahil lagi itong nakabantay sa kaniya at ito mismo ang bumibili ng gusto niya kaya naman sobrang na-a-appreciate niya talaga ito.
Kinabukasan ay nagising siya ng wala si Callum sa tabi niya. Bumangon siya para tingnan sa banyo pero wala naman tao roon kaya lumabas siya ng kwarto at dumeretso sa kusina.
"Magandang umaga ma'am Kristel," bati sa kaniya ni Jura.
"Si Callum?" tanong niya rito habang kinukusot pa rin ang mata niya.
"Maaga pong umalis eh," sambit nito habang naghahain ng pagkain sa lamesa.
Nagtaka naman siya dahil hindi man lang siya nito hinintay gumising. Lagi na kasi itong naghihintay sa paggising niya bago ito umalis. Lagi rin silang sabay mag-breakfast kaya nagtaka lang talaga siya ngayong araw.
"Kain ka na hija," ani sa kaniya ni manang Conching.
"Sige po manang, akyat lang po ulit ako at maghihilamos para magising gising," sambit niya at nagpaalam muna sa dalawa. Bumalik siya sa kwarto at ginawa ang morning routine niya. Tinawagan niya na rin Callum at sumagot naman ito agad.
"Good morning, baby..."
"Nasaan ka?" tanong niya agad dito.
"You miss me already? Sorry I didn't wake you up. I.. I'm doing something important, uhm, work related. May biglaan lang na kailangan asikasuhin," paliwanag nito. " No! put it here! Gosh! Bakit kasi ngayon lang 'to dumating?"
Kumunot ang noo niya dahil parang narinig niya ang boses ni Arianna, " Kasama mo si Arianna?" tanong niya kay Callum. Pababa na siya muli sa kusina dahil kakain na siya.
"Uh, yeah. S-she's just getting something— Can I hang up now, baby? I have many things to do. I'm sorry."
"Ano ka ba! Okay lang 'no. Ingat ka riyan," nakangitin sambit niya rito. Sa tingin niya nga ay marami itong tina-trabaho dahil ilang araw rin itong halos nasa bahay na lang at minsan dito na rin nagta-trabaho.
Naiintindihan niya naman iyon. Callum o stay beside her and give her what she wants for her pregnancy cravings.
Magiliw siyang kumain ng umagahan, sinigurado niyang busog siya at ang anak nila sa tiyan niya. Pagkatapos kumain ay nanood lang siya ng tv at nang ma-boring naman ay naglakad-lakad siya sa may labas ng bahay para ma-exercise ang katawan niya.
Mabuti raw kasi ang paglalakad sa mga buntis, hindi lang sobrang tagal. Hinihilig niya rin ang sarili sa pagkain ng mga prutas at hindi sa mga weird na pagkain.
Lumipas ang oras at nang tumungtong ang hapunan ay hinintay niya talaga si Callum, pero nang alas-otso na ng gabi at wala pa rin ito ay kumain na siya dahil hindi siya pwedeng magpalipas ng gutom.
Tinawagan niya ito pero hindi man lang sumasagot sa tawag. Hinayaan niya lang muna at nang lumipas ang isang oras ay muli niyang tinawagan ito pero nakapatay na ang phone. Bigla siyang kinabahan dahil baka may nangyari ritong masama.
Napatayo siya sa pagkakaupo nang may pumasok sa loob ng bahay, akala niya si Callum na iyon pero si Arianna pala. Mukha itong aligaga at nang makita siya ay biglang naluha. Umusbong ang kaba sa dibdib niya dahil sa itsura nito.
"Kristel! Buti na lang gising ka pa! magbihis ka dalian mo!" natatarantang utos nito sa kaniya.
"B-bakit? A-anong nangyayari?" kinakabahang tanong niya. Hinatak naman siya nito papuntang kwarto nila ni Callum.
"Ka-kasi si Callum eh! Ang kulit, napahamak tuloy!"
"Huh?!" sigaw niya dahil sa gulat. "Anong nangyari, Arianna?" natataranta niya na ring tanong.
"Ito ibihis mo 'to, dali! Napakabobo kasi, nahulog tuloy sa may mataas na hagdan," ani nito at inabot sa kaniya ang damit. Hindi na siya nagtanong pa at mabilis na nagbihis ng damit na inabot sa kaniya ni Arianna. Natataranta na siya para tingnan pa ang itsura niya kaya siya na ang naghatak palabas ng kwarto kay Arianna.
"Dalian mo, napano kasi siya?" naiiyak na tanong niya rito. Nagda-drive na si Arianna sa kung saan.
"May inaasikaso kasi kami tapos... ayon, nagpresinta na siya na raw ang magkakabit, eh hindi namin napansin na may sir apala 'yong hagdan."
"Anong ikakabit? Ano bang ginagawa niyo?" may bahid na inis na sa tono niya dahil talagang nag-aalala siya kay Callum.
"Basta... malapit na tayo..."
Pinagsiklop niya ang dalawang palad dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Pinagpapawisan siya ng matindi kahit na malamig naman sa sasakyan.
Nangunot ang noo niya nang tumigil sila sa isang building. Hindi iyon hospital kaya mas lalo siyang nagtaka.
"Tara bilisan mo, baka hindi mo na maabutang buhay 'yong kumag na 'yon," bulalas ni Arianna.
"Huh? Gano'n ba kalala ang nangyari sa kaniya— tiyaka nasaan ba tayo? Hindi naman 'to hospital." Hindi siya nito sinagot kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pagpa-panic. Mabilis ang lakad niya, sinasabayan niya si Arianna. Sumakay sila ng elevator at pinindot nito ang Rooftop.
"Bakit tayo—"
"He's freaking in love with you, I didn't imagine that he would get crazy because of a woman.Noo one imagines that Callum will be serious when it comes to women."
Naguguluhan siya sa mga sinasabi ni Arianna, hindi niya ito naiintindihan dahil puno ng isip niya si Callum ngayon.
"Anong klaseng gayuma ba ang ginawa mo sa pinsan ko? She glanced at her and chuckled. "But anyways, I'm truly happy because he found a better woman. A woman can love him for who he is. Kahit na hindi maganda ang past nito."
Natigilan siya nang hinarap siya ni Arianna. Hinawakan nito ang kamay niya at ngumiti ng malawak habang nakatingin sa mga mata niya.
"I am happy that you'll be part of our family. I can't explain how happy I am, I also found a new friend and of course a sister," niyakap siya nito ng mahigpit. "Congratulations in advance, Kristel."
Huminto ang elevator at bumukas iyon, nagtaka siya nang lumabas si Arianna kahit may isang palapag pa bago mag rooftop. Hindi niya man lang napansin na nagpindot na ito ng ibang floor dahil okyupado ang isip niya sa nadisgrasya na binata.
"He's fine, don't worry. See you later," ani nito at kinindatan siya. Hindi na siya nakapagsalita nang muling sumara ang elevator.
Nawala ang kaba niya pero agad din napalitan ng kakaibang kaba. Tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang floor na siya. Unti-unti niyang nahigit ang hininga niya nang bumukas ang elevator at tumambas sa kaniya ang madilim na kapaligiran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top