CHAPTER 24


Napatingin siya sa pagkain na nasa harapan niya. Umaga na dahil maliwanag na sa labas. Nasa third floor siya at kita niya bintana ang liwanag sa labas. Hindi naman siya sinaktan at tinali ng ina ni Callum, sadiyang kinulong lang siya sa kwarto na ito.

Wala ang gamit niya sa kaniya kaya hindi niya magawang tawagan ang binata. Hindi rin siya makakatakas dahil nasa pangatlong palapag siya. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago kumain ng binigay na pagkain sa kaniya. Hindi na siya mag-iinarte dahil talagang nakaramdam siya ng matinding gutom. Kagabi kasi ay hindi siya kumain ng maayos, hindi dahil sa nagwawala siya para makaalis sa lugar na ito kun'di dahil hindi niya gusto ang nakahalong sibuyas sa ulam.

Para siyang nasusuka na hindi niya maintindihan, kahit hindi niya maamoy iyon at makita lang ay bigla siyang naduduwal. Pinilit niya lang talaga makakain ng kahit kaunti para lang magkalaman ang tiyan.

Nakahinga naman siya ng maluwag nang walang sibuyas ang pagkain niya. Mabilis niya iyong naubos pati na rin ang tubig na nasa baso at nasa maliit na pitsel.

Mayamaya ay may bumukas ang pinto at niluwa noon ang ina ni Callum.

"Your dad is going here later. We will finalize our wedding, so don't do anything I can be mad about," babala nito sa kaniya.

"Hindi niya alam ang ginawa mo sa akin? Akala ko pa naman kayong dalawa ang may pakana nito," she scoffed.

"For sure kahit malaman niya ay okay lang sa kaniya. He wants to marry me, and I just did my part to protect what we have."

Napairap siya sa ginang. Love can be good but also can be dangerous.

"Pwede bang pahingi na lang ng gatas? Gusto ko iyong binili sa akin ni Callum," utos niya rito at humikab. Hindi niya alam kung bakit wala siyang pakialam sa pagbabala nito sa kaniya. Hindi niya rin iniisip kung paano makatakas sa lugar nito, hindi man lang siya kinabahan paggising niya.

Kinunotan siya ng noo ng ginang pero mukhang hindi na siya pinansin masiyado.

"Just tell to the maid whatever you want," ani nito at tinalikuran siya para lumabas ng kwarto. Sakto naman ay pumasok ang isang maid at kinuha ang pinagkainan niya.

"Ate, pwede bang pabili ako ng soy milk? Tapos pabili na rin ako ng balot, iyong may maanghang na suka po ah?"

"Balot? Sa umaga po?" nagtatakang tanong ng kasambahay sa kaniya. Ngumiti siya ng malawak at tumango-tango.

"S-sige po, ita-try ko kung meron po..." Lumabas na ito ng kwarto kaya humiga na siya sa kama. Ang bilis niya antukin sa totoo lang. Parang napakatakaw niya sa tulog ngayon. Siguro ay dahil pinagod talaga siya ng sobra ni Callum.

Napanguso siya dahil na-miss niya na ang binata. Gusto niya na ito kayakap at gusto niya rin kagatin ang labi nito. Hindi niya namalayan na nakatulog na naman siya habang iniisip ang lalaking mahal niya. Nagising na lang ulit siya nang makarinig ng ingay sa ibaba. Parang may nagsisigawan pero hindi niya maintindihan dahil nga nasa third floor siya.

Napaangat ang ulo niya nang pumasok ang kasambahay na inutusan niya. Dali-dali siyang bumangon habang nakangiti ng todo dahil bigla niyang naalala ang mga pinabibili niya.

"Ma'am, ito po ang gatas. Dalawa na po ang binili ko," nawala ang ngiti niya sa labi dahil nakuntian siya sa binili nito.

"Dalawa lang? ang unti naman!" reklamo niya pero kinuha niya pa rin sa kamay nito. "Iyong balot ko?" tanong niya nang makitang wala na itong bitbit.

"Kasi po, hapon pa lang po ma'am... wala pa pong balot kahit saan ako maghanap," ani nito at napakamot sa ulo.

"Anong oras na?"

"Alas-tres po. Gutom na po ba kayo? Mahaba po kasi ang tulog niyo."

"Gutom ako ate! Pero ang gusto ko nga kainin ay balot! Kahit tatlo lang oh!" pagpupumilit niya rito. Hindi niya alam kung bakit siya nagsusungit at nagiinarte ngayon pero iyon talaga ang nararamdaman niya.

"Eh ma'am, wala po talaga ako mahanap." Umiling-iling siya rito at pinunasan ang luha na tumulo sa mata niya. Hindi niya man lang napansin na naluha na siya sa sobrang inis.

"Ako na lang ang maghahanap. Nasaan ba ang gamit ko?" Naglakad siya palabas ng kwarto dahil hindi na iyon naka-lock. Tinatanggal niya ang kamay ng kasambahay nang hinahawakan siya nito para pigilan na 'wag lumabas pero dahil mainit na ang ulo niya ay malakas niya iyong tinatanggal. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at nang makatungtong sa pangalawang palapag ay doon niya na narinig ang mga boses.

"Nako po ma'am! Umakyat na po kayo dahil may mga bisita si madam Azell, ako po'y malalagot dahil sa'yo," nagmamakaawang ani nito pero hindi niya pinansin.

"I know she's here!"

"She's not here, son. Siguro ay lumayas dahil hindi ka naman mahal!"

"Don't call me son because I don't have a mother like you! You already left me, why did you back now? Hindi naman kita kailangan!"

"Y-you don't know what you're saying...."

Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang marinig ang klarong boses ni Callum. Patakbo siyang bumaba ng hagdan at nang tuluyan nang makababa ay mas lalo siyang naiyak nang makita ito.

"Callum!" sigaw niya at dumeretso sa pwesto nito.

"Baby," bulalas nito nang mayakap niya ito ng mahigpit.

"Anak," rinig niyang ani ng ama pero hindi niya ito pinansin.

"Why are you crying? Did they hurt you? Who the fuck hurt my wife?!" gigil na ani nito.

Suminghot singhot pa siya bago magsalita at iangat ang ulo niya para makita ito.

"Si ate!" turo niya sa kasambahay, iyong hindi siya binilhan ng balot.

"Ako? Ako po?"

"What did you do?" matalim na tanong ng binata sa kasambahay.

"Ako po? Ay nako sir! Wala ho akong ginagawa sa asawa niyo. Nagpapabili po kasi siya ng balot e tanghaling tapat, saan ako makakahanap noon? Bigla na lang po siyang umiyak dahil wala akong dalang balot," mahabang paliwanag nito.

"Balot? Its that egg?" napatingin siya sa lalaking nagsalita. Ngayon niya lang napansin si Troy, may katabi rin itong isang lalaki na naka-eyeglasses.

"You're craving?" hindi makapaniwalang tanong ni Callum. Nagtaka pa siya rito dahil ngumi-ngisi ito habang nakatingin sa kaniya.

"Is this usually fast? Or it already happened but we didn't notice it," he said. Hinampas niya ang dibdib nito at lumayo dahil nairita siya bigla. Hindi niya kasi ito maintindihan, kung ano-ano ang pinagsasabi.

"Ano bang sinasabi mo? Ang gusto ko lang naman ay balot!" iritableng sambit niya.

"A-are you..." napatingin siya sa ina ni Callum na nanlalaki ang mata. "Are you... a-are you p-pregnant?"

Natulala siya saglit dito at mayamaya ay tumawa ng malakas. "Ano po ba kayo! Hindi ah," tanggi niya. Impossible namang buntis siya. Wala naman siyang ibang nararamdaman. Maliban lang sa lagi siyang inaantok at ayaw niya bigla sa sibuyas, iyon lang naman.

Unti-unting nawala ang tawa niya at biglang sumeryoso ang mukha niya nang may maisip. Her period.

"When is the last time you have your period?" tanong sa kaniya ni Callum na malawak ang ngiti. Kumabog ng husto ang dibdib niya at napapikit. Hindi siya makapaniwalang hindi niya man lang napansin na last last month pa ang huli niyang period. Isang buwan na siyang delay.

"Last last month?" patanong na sambit niya.

Callum hugged her tightly. Ramdam niya ang katuwaan nito pero natigilan sila nang biglang may bumagsak.

"Honey!" sigaw ng ama niya nang mahimatay ang ginang. Nanlaki ang mata niya at agad niya tinulak si Callum para puntahan ito.

"Ano pong nangyari?" kinakabahang tanong niya.

"I bet she was shocked, because you're pregnant," kalmadong wika ng binata.

"You're really pregnant?" tanong ng ama sa kaniya. Hindi siya makasagot at aligaga ang mata niya. Hindi naman kasi siya sigurado kung buntis ba siya o talagang hindi lang siya dinatnan ng isang buwan.

"She is, that's why your planned marriage with my mother will never happen," matigas na ani nito sa ama niya. Binuhat nito ang ginang at inihiga sa sofa. Inasikaso naman ng mga kasambahay ang ginang na nahimatay.

"I also plan not to continue," he sighed and faced her. "Marami akong nakaligtaan, marami akong hindi nagawa sa'yo anak. Alam kong naghirap ka ng husto dahil wala kang ama sa tabi mo. Ayaw ko ng ipagkait ang kasiyahan mo sa'yo. I will cancel our wedding, I'll just talk to Azell about this."

Nanubig ang kaniyang mata sa sinabi ng ama. Sa wakas ay naintindihan din siya nito. Nilapitan niya si Callum at niyakap ito ng mahigpit. Masaya ang puso niya ngayon dahil kahit hindi man aprobahan ng ina ni Callum ang relasyon nila ay masaya siyang nagparaya na ang ama niya.

"But still, I won't leave your mom, young man. We will continue our love even without marriage," baling nito kay Callum. Lumapit ito sa kanila at tinapik ang balikat nito. "Get out of here. Don't rush the wedding, give my daughter a grand wedding she deserve,s and I'll support that."

"Of course, I will." Tiningnan siya ni Callum at ngumiti ito sa kaniya. Hinalikan nito ang noo niya bago tuluyang umalis sa lugar na 'yon. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top