CHAPTER 22
Paggising niya ay wala na sa tabi niya si Callum. Hindi siya nakatayo agad dahil sa sobrang sakit ng hita niya. Ngawit na ngawit iyon at pakiramdam niya bugbog ang muscles niya. Hindi niya alam kung anong oras sila natapos dahil hindi niya na nakita pa, ang alam na lang niya ay inumaga na sila at kung hindi pa siguro siya nakatulog ay hindi pa siya titigilan ni Callum.
Hindi niya na matandaan kung ano ang mga nangyari pang iba kagabi basta alam niya ay pagod na pagod siya ngayon at hirap makatayo.
Napatingin siya sa sarili dahil nakasuot na siya ng underwear at malaking t-shirt na pagmamay-ari ni Callum. Mukhang nilinis at binihisan siya nito bago umalis. Awtomatikong napangiti siya dahil sa ginawa nito.
Napaupo siya nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok. "Ma'am? Gising na po ba kayo?" rinig niyang sambit ni Jura sa labas ng kwarto.
"Oo! Gising na ako, Jura. May kailangan ka?" sigaw niya pabalik habang inaayos ang sarili. Kumuha siya ng shorts para suotin bago buksan ang pintuan.
"Ay ma'am! Sa wakas gising ka na, mukhang pagod ah?" nag-init ang pisngi niya dahil sa pang-aasar nito.
"Ikaw talaga!"
"Chineck lang kita ma'am, nakahanda na kasi ang mga pagkain sa lamesa. Umalis lang po si sir kaninang 1pm, may aasikasuhin daw," paliwanag nito sa kaniya. Alas dos na kasi ng hapon kaya kumakalam na rin ang tiyan niya. Nasaid ata ang energy niya dahil kay Callum.
"Sige, maliligo lang ako at bababa na rin para kumain." Tumango lang sa kaniya si Jura at ngumiti, nagpaalam na ito na bababa na rin para magdilig ng mga halaman. Pumasok na siya ng kwarto para maligo at magising ang katawan. Nang matapos ay nagsuot siya ng leggings at t-shirt ni Callum dahil balak niyang lumabas pagkatapos kumain. Pupunta siya sa grocery store para bumili ng mga ingredients, gusto niyang ipagluto ng sinigang na baboy.
Pagkababa niya ay umawang ang labi niya dahil sa pagkain na nasa lamesa. Para bang may handaan dahil napakaraming pagkain. May Beef with broccoli, vegetables, fruits, and milk. May mga peanuts pa na mukhang bagong bili dahil nakagarapon pa.
"Ma'am, kain na po!" tawag sa kaniya ni Jura habang hawak-hawak ang pamunas ng lamesa.
"Bakit ganito karami ang pagkain? May dadating ba?" tanong niya rito.
"Nako, wala hija! Para sa'yo ang lahat ng 'yan," sambit ni manang nang saktong mapadaan sa kusina. May hawak itong plastic na mukhang may basurang laman.
"Sa akin po? Mag-isa lang naman po ako, mukha na ba akong baboy na palamunin?" natatawang ani niya at uminom ng gatas na nakahanda.
"Nagbabalak ba kayo magbuntis?" Naibuga niya sa gilid ang iniinom niyang gatas. Mabilis siyang inabutan ni Jura ng tissue.
"M-manang!"
"Pasensiya na hija, gusto ko lang naman tanungin. Napakaraming gatas, prutas at gulay ang pinabili ni sir, at lahat ng pagkain na 'yan ay nakakabuti kung gusto mabuntis dahil puro healthy."
Uminom siya ng tubig para mawala ang bara sa lalamunan niya. Masiyado siyang nabigla sa sinabi ni manang.
"H-hindi po manang," tanggi niya rito. Hindi niya pa kaya magbuntis kung marami pa silang problema ni Callum. Tumango lang si manang pero parang hindi siya kumbinsido na naniniwala ito. Hindi na lang siya nagsalita at kumain na dahil gutom na talaga siya.
Kumain siya hanggang sa maramdaman niya na busog na talaga siya. Pagkatapos niya kumain ay bumalik siya sa kwarto ni Callum at nag-toothbrush sa banyo. Aalis na rin kasi siya agad. Kinuha niya ang bag nang makapag-ayos na at sinukbit iyon sa katawan. Nagpaalam siya kila Jura at manang Conching na aalis siya at pupunta lang saglit sa grocery.
Sumakay siya ng taxi dahil saktong may nagawi roon sa village. Wala siyang nagawa kun'di mag-taxi dahil malayo layo ang lalakarin niya kung sakali, wala naman kasing pumapasok na tricycle roon sa village dahil lahat may kotse.
Sinabi niya lang na dalhin siya sa pinakamalapit na supermarket. Sampung minuto lang ang byahe dahil hindi naman traffic masiyado at malapit lang talaga. Nag-abot siya ng bayad sa driver at nagpasalamat bago bumaba. Pumasok siya sa loob ng supermarket at namili ng mga kailangan niya bilhin.
Nag-ring ang telepono niya at galing iyon sa unknown number. Hindi iyon number ng ama niya dahil kahit hindi niya sinave iyon ay nakabisado niya na ang numero nito.
Sinagot niya na lang ang tawag kahit hindi niya alam kung sino ito.
"Hello?"
"Hija..." Kumunot ang noo niya dahil sa pamilyar na boses. "Ako 'to si Azell, pwede ba tayong mag-usap? Nasa bahay ka ba ni Callum? Baka pwede tayong magkita," malumanay na sambit nito. Napabuntong hininga siya, gusto niya rin talaga ito makausap at makaharap.
"Nasa labas po ako, pero malapit lang sa village kung nasaan ang bahay ni Callum," ani niya.
"Nasaan ka eksaktong lugar? Susunduin kita dahil nandito lang ako banda sa hotel na malapit sa village ni Callum."
"Nasa MM supermarket po ako, dito ko na lang po kayo sa labas hihintayin."
"Salamat, anak," ani nito. Hindi na siya sumagot pa at pinatay ang tawag.
Anak? Anong klaseng anak ang tingin niya sa akin? Anak bilang kasintahan ni Callum o anak bilang magiging step-daughter niya?
Napangiti siya ng mapait. Nagkaroon na rin siya ng galit rito kahit pinipilit niya man 'wag magalit sa ginang dahil ito ang ina ng lalaking mahal niya.
Binayaran niya agad ang mga pinamili niya at dumeretso na agad sa labas ng supermarket. Doon siya naghintay ng ilang minuto bago dumating ang sasakyan na sinasakyan nito.
"Dear," tawag nito sa kaniya nang mabuksan ang pinto ng sasakyan. Nasa gitna ito nakaupo dahil may driver at may isa pa itong lalaki na kasama na nasa likuran na nakaupo. Sa tingin niya ay bodyguard nito ang lalaki pero medyo nagtaka lang siya kung lagi ba talaga itong may kasamang gano'n.
Sumakay siya at umupo sa tabi ng ginang na nakangiti. Umandar ang sasakyan at hindi niya alam kung saan sila pupunta.
"We can talk here, para pagktapos ay deretso na maihatid na lang kita sa bahay," nakangiting ani nito. Hindi niya alam kung dahil ba na galit siya rito ay pakiramdam niya ang creepy nito ngumiti?
"Ano po ba ang kailangan niyo sa akin?" tanong niya rito kahit may ideya naman siya kung bakit gusto nito kausapin siya.
"Mahal ko ang ama mo, ngayong magpapakasal na kami ayaw ko sana na may hahadlang doon. Baka pwede mong hiwalayan ang anak ko at ituring na lang siyang magiging kapatid?" mahinahon na ani nito.
Gusto niyang tumawa ng sarkastiko sa harapan nito at sabihing mas malalim na ang namamagitan sa kanila ni Callum pero hindi niya magawa. Kahit anong inis at galit niya rito ay kinakalma niya pa rin ang sarili.
"Mahal ko po ang anak mo at hinding hindi ko siya iiwan katulad ng ginawa mo," sambit niya sa mahinahon na boses. Nag-iba ang itsura ng mukha nito at mas sumeryoso.
"Hindi ko mahal ang ama ni Callum kaya ko ginawa 'yon. I never love that man. We get married because of money and to save our business! I love my freedom until I met Martin, your dad. I truly love him, hija, kaya please lang pakawalan mo na ang anak ko." Umiling siya rito bilang tugon.
"Pasensiya na po pero hindi ko magagawa iyan. Kung selfish kayo ay magiging selfish na rin ako, kami ni Callum. Mahal po namin ang isa't isa. Masaya kami pero nagulo lang dahil bigla kayong nagpakita. Iniwan niyo na kami 'di ba? Para saan pa ang pagpapakita niyo kung hindi niyo naman pala balak bumawi sa mga anak niyo," deretsong wika niya rito.
"How dare you to talk to me like that?!" sigaw nito. Hindi na siya sumagot dahil pigil na pigil na siyang mas sumabog pa.
"Ibaba niyo na po ako," sambit niya rito.
"No! Until you said that you'll leave my son!"
"Magpapakasal na po kami bukas! Wala na po kayong Karapatan pigilan pa kami!" sigaw niya pabalik. Wala na, hindi niya na talaga kayang magpigil pa.
"W-what?!" hindi makapaniwalang ani nito. Tiningnan niya ito sa mga mata para maipakita niya rito na seryoso siya.
"N-no!" esterikal na sigaw nito. Kumunot ang noo niya dahil mas nag-iba ito, kita niya ang ugat sa sintido nito na halos lumabas dahil sa sobrang galit.
Natigilan siya at umusbong ang kaba nang hawakan siya ng lalaki na nasa likod niya.
"A-ano pong gagawin niyo?" kinakabahang tanong niya rito nang kumuha ito ng puting tela at may binuhos na kung ano roon.
Kinilabutan siya sa paraan ng pag ngiti nito sa kaniya. "I love your dad, I'll do anything to get us married." Naglikot siya para makawala sa lalaki na humawak sa braso at kamay niya pero hindi niya magawang makatakas dahil sa sobrang lakas nito.
Naibagsak niya ang mga pinamili niya dahil unti-unti na siyang nahilo nang tinapal ng ginang ang puting tela na may gamot sa ilong at bibig niya.
"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sasaktan. Itatago lang kita hanggang sa makasal kami ng ama mo."
Gusto niya man itong sigawan pero nawalan na siya ng lakas at tuluyan na nagdilim ang paningin niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top