CHAPTER 2
Tahimik siyang nakaupo sa loob ng sasakyan. Katabi niya ang boss niyang nagda-drive ngayon papunta sa opisina. Basta kaninang paghain niya ng breakfast nito ay sinabihan na siya nitong sasama ngayon sa opisina para maglinis doon.
Wala naman problema sa kaniya dahil kaunti lang naman ang nililinis niya sa bahay nito. Ang pagluluto niya para rito ay kaunti na bagay lang din dahil dalawa lang sila sa bahay, hindi rin naman siya naglalaba ng damit nito dahil lahat ng damit nito ay pinupunta sa laundry shop.
Hindi niya lang malaman kung bakit kailangan siya maglinis doon, ang alam naman niya ay mga janitor at janitress ang opisina nito. Lahat naman ng kompanya ay may tagalinis.
Nang makarating sila sa isang malaking building sinalubong sila ng apat na guards.
"Good morning, sir!" bati ng mga ito. Dahil tanging tango lang ang tugon ng boss niya siya na ang ngumiti sa mga ito at binati niya na rin.
"Magandang umaga po," ngiting bati niya. Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya at tumango.
Nakasunod lang siya sa likod ng binata at paikot-ikot ang mata niya sa laki at taas ng kisame sa loob. Kita niya ang mga tingin ng mga empleyado sa kaniya, marahil sa suot niyang uniform na may tatak pa ng D.I.A.
Sumakay sila sa elevator at walang sumabay sa kanilang ni-isa na empleyado, mukhang takot ang mga ito sa boss nila. Nang makarating sa 18th floor ay may sumalubong ulit na isang lalaki sa kanila.
Sigurado siyang ito ang secretary ng boss niya.
"Good morning, sir."
"Prepare my coffee," ani agad ng binata. Nailing siya dahil hindi man lang ito bumati pabalik. Sa itsura naman ng secretary nito ay mukhang sanay na dahil kumilos agad.
Pumasok sila sa opisina nito at isa lang ang masasabi niya... Nakakalula, nakakalula sa ganda at makikita mong view sa glass wall nito.
"You can now start cleaning, just don't move all the things on my table. I'll be back in an hour." Tanging tango lang ang tugon nito pero agad din siyang natigilan ng mukhang naghahantay ito ng sasabihin niya.
"Yes sir-, uh.. y-yes Callum."
"Good girl," he smirked and tapped her head. Na-estatwa lang siya sa kinatatayuan niya hanggang sa makalabas ito ng opisina. Halos manghina ang tuhod niya dahil parang gusto niya umupo na lang. Simula noong nakaraang araw na 'yon na sinabihan siya nitong maganda at sexy ay hindi na siya tinantanan ng kaniyang boss.
Ayaw na ayaw nitong sobrang galang niya rito dahil hindi naman malaki kuno ang age gap nila. Kahit mas matanda pa o bata ito para sa kaniya ay kailangan niya gumalang lalo na na boss niya ito. Pero dahil nga boss niya ito ay wala rin siyang magagawa kun'di sundin kung ano ang gusto nito.
Kinuha niya ang cart na pinahanda sa loob ng office nito, naglalaman iyon ng mga iba't ibang panlinis. Nag-umpisa siyang maglinis ng tahimik, sa sobrang tahimik ay nabibingi na siya. Gusto niya sana magpatugtog pero nakalimutan niya ang earphone niya, ayaw naman niyang mag speaker lang sa phone dahil nakakahiya pag nadatnan siya ng kung sino.
"Hi! You're sir Callum, personal maid, right?" Nilingon niya ang pumasok sa loob ng opisina, ito 'yong secretary ni Callum.
"Uh, opo. May ipag-uutos po kayo?" tanong niya rito.
"No. I just want to tell you that you can get snacks and drink coffee in the pantry room outside this office. 'Yong pinasukan kong room kanina," paliwanag nito.
Natandaan niya iyon, 'yong inutusan ito ng boss nila na mag-prepare ng kape. Tumango naman siya ng sunod sunod dito.
"Ah oo! Natatandaan ko. Salamat." Ngumiti siya rito ng malawak.
"May meeting lang si sir, medyo matatagalan lang kaya pagnatapos ka na riyan pwede ka munang mag-snack, utos 'yon ni sir kaya 'wag kang mag-alala," paliwanag pa nito.
"Sige salamat ulit!"
"You're welcome," sambit nito at nagpaalam na.
Binalik niya ulit ang tuon sa paglilinis at dahil hindi naman sobrang dumi ng office ng boss niya ay hindi na siya nahirapan pa. Pagkatapos niya ay niligpit niya ang mga ginamit niyang panlinis sa cart at inayos ng tabi sa sulok. Hindi niya naman kasi alam kung saan nilalagay ang mga cart. Lumabas siya at dumeretso sa pantry room, hindi niya nakita ang secretary ni Callum, marahil ay nasa meeting din kasama ang boss.
Uminom siya ng tubig dahil nauhaw siya, nagtimpla na rin siya ng kape dahil nakita niya ang mga brand. Minsan lang siya makainom ng ganon kaya titikman niya na. Dahil malamig sa buong opisina at labas ay mainit na kape ang tinimpla niya. Bumalik siya sa opisina at gano'n na lang ang gulat niya nang may babaeng nakaupo sa swivel chair ng amo niya.
"Who are you? A janitress? But your uniform is not from here, don't tell me you're an intruder?!" Sigaw nito na ikinagulat niya. Kumunot naman ang noo niya dahil sa mga sinasabi nito.
"Po? Maid po ako ni sir Callum. Paano po kayo nakapasok dito? May appointment po ba kayo? Nasa meeting po kasi si sir Callum at ang secretary niya," mahabang paliwanag niya rito. Tinaasan siya nito ng kilay at tiyaka tumayo para harapin siya.
"Maid? Personal maid ka niya? If that's true, why are you here? There's a lot of janitor and janitress here in this building."
Kung ito ay nagtataka, maski siya rin iyon ang kanina pang tanong ng isipan niya. Hindi siya nakasagot dahil napatingin siya sa inupuan nito, ang table ni Callum na binilinan siyang wag pakialaman.
"Pasensya na po pero pwede po bang 'wag niyo upuan ang table? Nakukusot na po ang ibang mga documents, baka magalit si —"
"Inuutusan mo ba ako?! How dare you!" muling sigaw nito na nagpaputol sa sinasabi niya.
"Sinasabi ko lang po na baka magalit si sir Callum pag nagulo at nasira ang mga importanteng documents niya, hindi po kita sinisisi ma'am."
"You're freaking annoying bitch!" Umawang ang labi niya at napahawak ng mahigpit sa mainit na mugs na may kape. Dinuro-duro siya nito ng malakas sa balikat dahilan para mapaatras siya.
"Ang kapal ng mukha mong sagutin ako!"
"Kung hindi ko po kayo sinagot at sinabihan baka nagalaw mo na po ang mga gamit ni sir diyaan sa table." Tama naman ang mga sinasabi niya, baka siya rin ang mapahamak kung hindi niya ito sinabihan.
"Hindi mo ba ako kilala?! Ako ang girlfriend ni Callum!" Napabuntong hininga siya at napapikit dahil narinig na naman niya ang linya na 'ako ang girlfriend ni Callum'. Ilang beses na ba niya narinig ang linya na iyon? Almost one month pa lang siya pero maraming beses niya na naririnig iyon pag may babaeng kakatok sa bahay ng boss niya at nagpapakilala sa kaniya ng gano'n para mapapasok niya.
Magsasalita sana siya nang bigla siyang sinampal ng malakas, dahil sa lakas nito ay naalog niya ang hawak na mugs dahilan para matapon ang kape sa dibdib niya. Napapikit siya ng husto dahil sa sakit ng pisngi at ng balat sa dibdib.
"You bitch—"
"What is happening?" Tinulak siya ng malakas ng babae nang may pumasok. Iyon ang secretary ni Callum.
"Oh, where is Callum? This bitch needs to be fired! Sagot-sagutin ba naman ako!" gigil na sambit nito. Tinulungan siya ng lalaki at kinuha ang mugs na hawak niya.
"What the fuck happened here? And who the hell are you?!" Dumagundong ang baritonong boses ni Callum sa loob ng opisina kaya naibaling niya ang tingin dito.
Nakatingin ito sa kaniya pero bumaling din ng tingin sa babaeng nanakit sa kaniya.
"You're joking, right? It's me Cara, 'wag mong sabihin nakalimutan mo ako, last week lang tayo nagkita!" tumawa pa ito na parang 'di makapaniwala.
"Do I look like I'm joking right now? Who told you that you can enter in my office?" Mas sumeryoso ang boses ng binata kaya napatingin siya ulit dito, masama na ang timpla ng mukha nito lalo.
"W-we have a t-thing. I thought you're you were okay and would be delighted if I went.
"Thing? Sorry to say, but we don't have that. I don't like girls, I like woman." Bumaling ito ng tingin sa secretary niya na nasa tabi niya. "I don't want dirt in my office."
"D-dirt?!" 'di makapaniwalang singit ng babae na nag ngangalang Cara.
Hindi niya na nakita ang ginawa ng Secretary ni Callum dahil tuluyan ng humarang ang binata sa paningin niya.
"I think this is not the right decision, dapat pala hindi na kita sinama rito," mahinang sambit nito. "I didn't know that this will going to happen."
Napapitlag siya nang haplusin nito ang pisngi niyang masakit.
"It's getting red. How about your chest? Mainit ba ang kape na tumapon sa'yo?" tanong pa nito. Napalunok muna siya bago tumango. Nahigit niya na rin ang hininga niya dahil sa sobrang lapit nito sa kaniya.
Napabuga ito ng hangin at napasuklay sa buhok.
"I'm sorry." Kumabog ng husto ang dibdib niya dahil sa malumanay na boses nito, hindi lang din dahil sa tono ng boses nito kun'di sa sinabi nito. He's saying sorry, kahit hindi naman ito ang may kasalanan.
Pakiramdam niya mas naging pula pa ang pisngi niya dahil sa init na nararamdaman niya sa mukha niya. Bukod sa panunukso at ka-seryosohan na madalas niyang naririnig dito ay ito ang unang beses na narinig niya ang malumanay na boses nito at ang tingin na iba ang epekto sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top