CHAPTER 5

He's still on my back. And I can still feel his breath fanning on my neck. Napapahugot na lamang ako ng malalim na hininga.

Ikinuyom ko ang magkabila kong mga kamay para maiwasan ko ang panginginig no'n. I couldn't compose a sentence or at least find a word to utter. Mas nananaig ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Kel?" pagtawag niya sa pangalan ko.

Kunwari akong tumikhim.

"Move, Realtor."

Naghintay akong gumalaw siya. But I didn't feel him make a move.

"Realtor," nanghihinang tawag ko sa kanyang pangalan.

"Lalangoy ka pa rin?" paos ang boses na tanong niya.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. I need to answer his question so he will stop asking me.

"O-oo naman," utal na sagot ko.

"Sigurado ka?" he asked again.

Damn. Bakit parang inaakit pa rin ako ng boses niya?! I-I shouldn't give in! Baka magulat siya sa akin.

"O-oo."

"Okay. If that's what you want..."

Naramdaman kong unti-unti niyang binibigyan ng distansiya ang pagitan namin. Kaya unti-unti na rin akong nakakahinga ng maluwag.

Nang magkaroon na ng distansiya sa aming pagitan ay agad akong humakbang palayo sa kanya. Hindi ko na inisip pa kung ano man ang maging reaksyon niya roon.

All I wanted was to be far from him. I don't want him close when we are in the water. Sapagkat ramdam ko lamang na wala akong magagawa kung magkalapit kami sa tubig.

Malalakas ang alon ngayon. Na sa bawat hampas no'n ay animo'y galit. It was so loud and heavy.

Tumigil lamang ako nang maabot na ng tubig ang kilikili ko. Hindi ko gusto ang lumayo dahil hindi ako marunong lumangoy. Dagdag pang ang lakas ng alon.

Inilubog ko ang aking buong katawan pati na rin ang aking buong mukha sa tubig. I just closed my eyes when I drowned myself there. Mahapdi sa mata ang tubig dagat. Kaya mas pinili ko ang pumikit na lamang.

Habang nakalubong ang buong katawan ko ay hindi ko maiwasan ang tangayin ng alon. Kaya ramdam kong lumalayo ako ng bahagya sa kung nasaan ako nakapuwesto kanina.

"Kel..."

Even when I am drowned in the water, I can still hear his voice calling my name.

"Kel..."

I don't want to swam up yet. I still wanted to feel the cold.

"Kel, let's go..."

Why can't he disappear instead? No, I mean, why can't he leave me alone even just for half an hour?

Na kahit ang isip ko na man lamang ay sana'y lubayan niya. Gusto ko lang naman muna ang matahimik. Maging payapa ang kabog ng puso ko at ang loob ng isipan ko.

Napapagod din ako. But I didn't know why I didn't feel any weary for loving him. I am worn-out. Ngunit hindi ang mahalin siya.

I felt an arms suddenly wrapped around my waist. Bigla akong napamulat ng aking mga mata. Agad akong umahon upang tignan iyon. And I saw him.

"W-why are you s-still here?" nanlalaki ang mga matang tanong ko.

He was just staring at me.

"A-ang akala ko ba b-bumalik ka na sa... A-apartment?"

"Do you think I'll leave you here thinking you didn't know on how to swim with this fucking water, Kel?" matigas na aniya.

"H-ha?"

"Let's go now. Siguro naman ay sapat na ang ilang minutong nakalubog ka lang diyan?"

"B-but..."

Shit! Bakit ba nauutal ako?!

"No more buts, Kel. Maglalakad ka o bubuhatin kita? You choose..." nakatiim ang bagang na tanong niya.

Bakit ba parang hindi siya bakla kung umasta?!

Tinitigan ko siya.

"What's with the stares, Kel?"

Agad kong inilihis ang aking paningin mula sa kanya at dali-daling kumilos para umahon.

Alam kong nakasunod lamang siya sa akin. Dahil ramdam ko rin ang bawat titig niya sa likuran ko.

Muntikan na akong mapasubsob sa dagat dahil sa sobrang pagmamadali ko. Mabuti na lamang at agad niyang nahawakan ang braso ko at hinatak papalapit sa kanya.

Tumilapon ako sa dibdib niya. Ramdam ko ang tigas no'n habang nakahilig ako roon. His body's like a rock. Ang tigas masiyado. Not ideal for those gays out there.

"Ayan ang napapala mo. Hindi ka kase nakikinig sa akin..." malalim ang tinig na saad niya.

Tumingala ako upang tignan siya. My heart pounded like an insane beat of a music when my eyes met his. Kita ko ang kung anong mga emosyon na nakaguhit sa kanyang mga mata. Mas lalo lamang lumakas ang kabog ng puso ko.

"What now, Kel? Should I carry you?"

"A-ano ba ang p-pumasok diyan sa isip mo, Realtor?"

"Bakit? Malamig na at malakas ang alon kaya tayo na."

"But you don't need to carry me. Besides, I can walk 'til there..."

"Whatever."

Dahan-dahan akong gumalaw paalis sa kanya. I can feel him looking intently at me. Kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng ilang dahil sa kanyang mga titig.

Ang pagkabog ng aking puso ay animo'y nabibingi ako. Ramdam na ramdam ko ang bawat himay ng kalamnan ko na animo'y gumagalaw na paru-paro. Kinikilig ako. Alam ko iyon.

Hindi na ako nakaangal nang basta niya na lamang akong hawakan sa likod at buhatin. He carried me like I was a kind of rice put in the sack!

Napatili ako.

"Potangina!"

I hit him using both of my arms. But he was just laughing at me.

"Realtor, ano ba?!"

Hindi niya ako pinansin at patuloy lamang na humahakbang hanggang sa mapunta kami sa buhangin.

Nagpumiglas ako mula sa hawak niya.

"Let go of me, Realtor!"

Tumigil siya sa kanyang paglalakad at tumingin sa akin. He was still laughing his ass out.

Pinukol ko siya ng nakamamatay na tingin.

"It wasn't funny. Hindi nakakatuwa ang ginawa mo," mariing sabi ko sa kanyang mukha.

Napatigil siya sa kanyang pagtawa.

"I'm sorry then,"

"Learn on how to hear others scream. Dahil hindi mo alam kung ano ang mga bagay na gusto nilang isigaw at malaman ng iba."

Napatitig na lamang siya sa akin.

Bigla akong ginapang ng konsensiya ko dahil sa nakikita kong reaksyon niya. He was like a child who was about to receive a punishment from his parents.

"I'm really sorry, Kel..." nakayuko ang ulong sabi niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I know I've crossed the line. Lumampas ang bibig ko sa kung saan lang iyon dapat.

I felt guilty. I felt the guilt that crept on my being.

"I'm sorry din. I-I shouldn't have said those words to you."

"No, it's okay. Kasalanan ko. I forced you."

Tumalikod na lamang ako mula sa kanya at patakbong iniwan siya roon. I hate it when I heard that tone of voice from him. Ayaw ko ang naririnig siyang ganyan.

He did things that I don't want him to do, but I also said things that he shouldn't received.

Nagkamali siya at nagkamali rin ako.

Dumiretso ako sa kwarto ko at malakas ang pintong isinarado ko iyon. Dali-dali akong pumasok sa banyo at doon nagkulong.

I didn't know that I was already crying. I was already shedding tears because of what happened.

Masakit sa akin ang nangyari sa kanya kahapon, but what he did earlier was more painful for me. Sapagkat sa kilos niyang iyon ay binibigyan niya ako ng mas marami pang rason para patuloy na mahalin siya.

I know that I am weak. Sobrang mahina ako pagdating kay Realtor. Na kahit ang simpling bagay lamang ay agad akong nasasaktan ng hindi naman pinipilit. I was always like that. Palagi na lang.

Gustuhin ko man ang maging malakas at harapin siya ng hindi nagpapanggap ay hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil ayaw kong kayanin.

I grow up with him. I grow up silently loving him. I dream the life with him on it. And I couldn't live without him.

Sumapat na sa akin ang makikita ko siya noon. Looking him happy with his boyfriends and flings. I was contented. I didn't asked for more. I didn't dream to much.

Ngunit habang tumatagal at palagi ko siyang nakikitang gano'n, masaya at masasaktan ng paulit-ulit, ay hindi ko alam kung bakit ayaw kong manatili sa kung paano ko lamang siya tignan noon.

I wanted him know me better. I wanted him to see me better. I wanted him to feel me better. I wanted it all from him.

Because I want him to find something within me. I want him to shed his tears for me. Para kagaya ko, ay malunod din siya sa pagmamahal ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top