CHAPTER 4
Mahimbing na ang tulog niya ngayon. I was caressing his hair while tracing the angle of his jaw. I was just staring at him closely.
Basang-basa ang damit ko. Sa parte kung saan niya isinubsob ang kanyang mukha kanina. But I didn't utter a word about it. Hindi ako nagsalita.
I want him to release his pain. Kahit ang sakit na lamang na nararamdaman niya kanina. Because I know how does it feel. Ang itinago at piliting hindi ipakita ang sakit na nararamdaman mo.
Ginawa niyang unan ang mga hita ko. Habang nakasubsob naman ang mukha niya sa may tiyan ko. Hindi pa rin ako nakakapagbihis simula nang makauwi ako. It's already dark. Madilim na naman.
I didn't eat that night. I didn't leave him there. Nanatili na lamang ako sa kanya at hindi na rin naligo para makapagbihis. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako nang gabing iyon.
I woke up the next day laying on my bed. Napakunot ang noo ko. I was on the sofa last night. Doon ako natulog habang nakaupo.
Akmang tatayo na ako para bumaba nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
He entered.
"Good morning, Kel," I heard his soft and husky voice.
Tinitigan ko muna siya.
"Good morning,"
He was still on his white sando. Magulo pa ang buhok niya at namumugto pa rin ang kanyang mga mata.
"Let's eat now, Kel. Hindi ka pala kumain kagabi," he said.
Naglakad siya papunta sa kama ko. Umupo siya sa may paanan ko.
"Are you okay now, Realtor?" I asked him.
Inilihis niya ang kanyang mga mata mula sa akin. He swallowed.
"Yeah, I think so," mahinang saad niya.
Tumayo siya at naglahad ng kanyang kamay sa akin.
"Get up now. Hindi ka na rin nakapasok sa klase mo."
Inirapan ko siya. Ang galing magsalita, eh.
"Look who's talking? Two days nang hindi pumapasok," sarkastikong sabi ko.
Tumawa siya dahil sa sinabi ko.
"Oh, well..." He shrugged his shoulder.
"Well your face, Realtor."
Pumasok muna ako sa banyo at iniwan siya sa kama ko. I washed my face first. Nag-toothbrush na rin ako bago lumabas.
Nang makalabas ako ng banyo ay naabutan ko siyang nakatunganga habang nakatingin sa labas. I know that he's still thinking about Denver. Palagi na lang.
Marahil ay naramdaman niyang nakatitig na ako sa kanya. Kaya lumingon siya akin at ngumiti ng bahagya. I didn't smiled back.
"Come on let's eat, Kel. Tapos ka na?"
"Oo,"
"Okay. By the way, I cooked."
"Masarap kaya?"
"Oh, baby, I'll assure you, it's taste so good!" he winked at me.
Damn the baby...
Naramdaman kong lumukso ang puso ko nang tawagin niya akong gano'n. I looked away. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang magkabila kong mga pisngi dahil doon.
What a morning, I guess.
We both went out from my room. Nauna siyang lumabas kaysa sa akin bago ako sumunod. Hindi ko mapigilan ang mapanguso para maiwasan ko ang mangiti dahil sa kanya.
Kahit sa simpling salita lamang mula kay Realtor ay masaya na ako. Sapagkat alam kong mahirap ang maghanggad ng sobra pagdating sa kanya.
But funny how I know that it's hard to dream something so special from him, when in fact, I am dreaming for his love. I am wanting his love.
Kaya marahil kahit nasasaktan na ako ay nanatili pa rin ako. Because the pain that he's giving me isn't enough for me to let go of my love for him. Dahil sobrang mahal ko siya.
I'm maybe a fool when it comes to him, but what can I do about it? Ano ang magagawa ko kung iyon din ang nagpapasaya sa akin? Kung sa pagkatapos ng luhang ibinunuhos niya para sa taong mahal niya, ay siyang lalong lumulunod sa akin para sa kanya?
But I know that being happy doesn't mean being happy at all. Dahil ang pagiging masaya ay hindi pagiging maligaya.
"Hindi ka ba papasok mamayang hapon, Realtor?" I asked him while chewing the food I eat.
He looked at me.
"I don't know?"
"What kind of answer is that?" kunot ang noong tanong ko.
"I don't want to see him yet."
"But you know that you need to."
Tumigil ako sa pagkain at tinitigan ko siya.
"Ano ang sasabihin ko kapag nagtanong siya tungkol dito?" he pointed his eyes.
"Then tell him you cried because of his damn reason-" I trailed off.
Ang bibig ko talaga kahit kailan...
I heard him took a deep breath. Matunog niya iyong pinakawalan.
"Just, just...I don't know, Kel. Bahala na. But I'm not going to school this day. Wala akong gana."
Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi.
Masarap ang niluto niya. He cooked adobo. Manok iyon na may halong sitaw. Kung sa ibang araw lamang ay maaaring marami akong kainin. But this morning is different.
I lost my appetite.
"Maliligo lang ako..." I stood up.
"Won't you finish your food?"
"Hindi na. Hindi naman ako nagugutom, eh."
Mariin akong tinitigan ng kanyang mga mata. Kunwari akong may kinapa sa aking hita. I looked away.
J-just please, just please don't give me that kind of stare, Realtor...
Tinalikuran ko siya. Ramdam ko ang bigat ng kanyang mga titig sa akin mula sa likod ko. But I'm not gonna go back there. Dahil naiinis ako sa kanya.
Naiinis ako dahil ang hina niya. Ang hina-hina niya.
Coz why can't he be strong? Magkaroon ng lakas para ayawan at sabihin ng buo kay Denver ang mga nasa loob niya?
Not because he's a gay he'll act that way. Dapat nga ay mas malakas pa ang loob niya kaysa sa iba riyan. He shouldn't let her drag Denver away from him if he's breaking because of it.
Dahil ako ay pinipili ko ang masasaktan ako kung 'yon naman ang ikasasaya niya. I don't want Realtor to feel the pain I am feeling because of my love for him.
Hindi ko gusto ang magaya siya sa akin.
Lumabas ako ng apartment namin at dumiretso ng tungo sa dagat. I wanted to clear my mind. I wanted to refreshen all of my thoughts. I wanted to forget him even just for a while.
Huminga muna ako ng malalim habang nakatanaw sa tubig. It's high tide. Hindi ko mapigilan ang kabahan. I am not a good swimmer but I always wanted to swim.
Kaya rin marahil ay hindi ko matutunan kung paano ang hindi magpatangay sa agos ng kanyang mga luha. Because I was never been a diver. I always sink.
Iniwan ko ang damit pati na rin ang tsinelas na suot ko malapit sa bangkang naroon. Nakapaa akong naglakad papalapit sa tubig.
Sa loob ng halos dalawang dekada ko nang pananatili rito sa Navas, ay hindi ko pa rin mapigilan ang humanga sa lugar kung nasaan ako ngayon.
The calmness of the ocean here in Navas has been my comfort.
Na sa bawat pagtulo ng aking mga luha ay palaging dito ako napupunta. I was never been complete without the sight of this place.
Unang hakbang ko sa tubig ay agad akong ginapang ng ginaw. I shivered because of the coldness of the water that was kissing my skin. Kaya tumigil muna ako at nanatili sa puwesto ko.
Nang masanay na ang balat ko sa lamig ay umakma na akong hahakbang muli. I was about to take a next step when I heard Realtor's voice behind me. I stilled.
"Malaki ang tubig. Lalangoy ka?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya binalingan ng tingin.
"O-oo."
"Bakit?"
Napakunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya.
"Anong bakit, Realtor?"
"Why aren't you looking at me, Kel?"
Do I need to look at him?
"Why do you ask?"
"Because I want to know why,"
Ano ba ang sasabihin ko?
"Hmm, I just don't want to look at you. That's it," I reasoned out.
"And you think that will justify your reason?"
"Kailangan ko pa bang pangatwiranan ang rason ko?"
"It's a must."
"I don't think it is, Realtor..."
Hindi ko na siya narinig pang magsalita. Kaya ang akala ko ay umalis na siya at bumalik sa apartment namin.
Ngunit gano'n na lamang ang biglang pagtaas ng balahibo ko sa may leeg nang maramdaman ko ang kanyang hininga na tumatama sa balat ko.
"Did Realtor do something for you to act that way? Hmmm, baby?" nang-aakit na tanong niya sa akin.
Damn this shit.
Labis-labis ang kabang nararamdaman ko dahil sa kanyang ginagawa. Adding the fact that our distance was too close. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking puso dahil sa lapit namin.
I couldn't utter a word. I couldn't even make a move. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nalulunod na naman ako...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top