CHAPTER 22

Nagpahatid ako sa hotel sa driver ng taxi na nasakyan ko. It isn't so far from Dwight's place. Malayo nga lang ng kaunti sa dating bahay namin dito.

I chose the room that has the view of the beach. Mas gusto ko kase ang natatanaw ang dagat kumpara sa mataong lugar na nakikita ko. Nasa ikatlong palapag ang kwarto ko. Sa room two hundred forty-eight.

When I got myself inside the room, I quickly slammed my body on the soft matrix. Pakiramdam ko ay dalawang gabi rin akong walang tulog sa bigat ng katawan ko.

Hindi ko na muna inabala ang sarili kong ayuson ang mga gamit ko. Basta ko na lamang iyong inilagay sa gilid ng kama bago ako sumampa roon. Unat ang magkabila kong mga braso habang nakatanaw ako sa puting kisame ng kwarto kung nasaan ako. I slowly closed my eyes to doze off.

Naalimpungatan lamang ako nang marinig ko ang tunog ng ringtone ng selpon ko. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha iyon sa loob ng bulsa ko. I instantly saw Dwight's name on the screen. Napairap na lang ako.

Pinindot ko iyon upang sagutin. I put it in a loudspeaker so I can hear it without chaos.

"Natulog ka ba?" I heard Dwight's voice from the other line.

Tumayo ako at sinimulang tanggalin ang damit ko.

"Yeah, nakatulog lang," sagot ko.

Narinig ko siyang tumawa. Itinapon ko na sa kama ang damit na hinubad ko. Isinunod kong hubarin ang shorts ko.

"You want to come with me later? Bar tayo, Kel!" I can sense the excitement from his voice.

Naglakad na ako papasok sa banyo. Agad kong inilibot ang paningin ko roon. I saw a bathtub there. May shower din at may tuwalya na nakasabit doon. I smiled mischievously.

I went out from the bathroom.

"Bar kamo?"

"Uh-huh? You'll come?"

Hmmm...

"Of course! Anong oras ba?"

"Pupunta kami ni Arnold bandang alas otso mamaya. You can take your time, Kel,"

"Gano'n ba? Okay, sige. Sa Wild Bar ba?"

"Yeah, it's nice there. Malalakas ang tao," humalakhak ang kausap ko.

"Oo, na! I'll hang up now. I'm going to take a shower."

Pinatay ko na ang tawag at inilagay sa kama ang selpon ko.

Bumalik ako ulit sa banyo. I removed the undies that I was wearing before I opened the shower.

Agad kong naramdaman ang lagaslas ng tubig sa balat ko. Inangat ko ang mga braso ko at inilagay iyon sa ulo ko. I slowly traveled my hands from my head down to my face. Tumingala ako at ibinuka ko ang mga labi ko.

It was good to be back at the place where I left him. Not because I liked it when I leave him here, but because it feels like home.

I wore a pink silky dress and a flip-flops before going out from my room. Iniwan ko lang ang selpon ko sa kwarto ko. Dumiretso ako ng lakad palabas ng hotel at nagtungo sa mga sun lounger na nasa tabing dagat.

Hotel lang dapat ako mananatili sa loob ng dalawang linggo ko rito. But I suddenly love the idea of staying at the resort. Matagal na rin kase simula nang magawi ako rito.

Nakaupo ako nang bigla na lamang may lumapit sa aking lalaki. His long hair was a bit wet. He has also the ocean like eyes. Maputi rin ang balat niya na nasisinagan ng kaunting araw.

He smiled at me and extended an arm.

"Yes?" tanong ko.

I saw his dimple shown. Bigla akong napangiti nang makita ko iyon sa mukha niya.

"Can I join you?" he pointed the chair in front of me.

I quickly nodded my head at him. Mukha naman kasing mabait at matino. Maybe he's just friendly.

"Yeah, sure," I said.

Umupo siya sa upuang kaharap ko.

"So... Do you have someone to accompany you here?" tanong niya sa akin.

Ikiniling ko ang ulo ko bilang sagot. Mas lumawak ang ngiti niya nang makuha ang ibig kong sabihin. Napatawa na rin ako.

"Then, what's your name, miss...?"

Mas tumawa ako nang magtanong siya no'n sa akin. Ngumuso ako upang pigilan ko ang matawa pa lalo.

"Raque-"

"Baby..."

Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko iyon. Kumunot ang noo ko. My heart suddenly started hammering inside when I heard that familiar voice of a man.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang maproseso ko sa loob ng isip ko ang boses na iyon. I swiftly turned my back to look what's behind me. I can feel my inside rambling because of anticipation to see who was it.

But I almost fell from my sit when I completely turned my body and saw the owner of that voice. Pakiramdam ko ay biglang nabuhay ang sakit at pangungulila ko nang makita ko ang mukha niya ng tunay.

"R-Realtor..." I said it just enough for me to hear it.

He was only looking at me. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa kanyang mga mata. I couldn't read them properly.

Lumingon siya sa kausap ko.

"She's with me," ani Realtor sa lalaking lumapit sa akin.

Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon ng lalaki kanina. Hindi ko kase magawang alisin ang mga mata kong nakatuon sa lalaking kararating lang.

"Wews... Okay, I'll leave you two here then. Miss...?" ani no'ng lalaki.

Naramdaman ko na lamang na umalis na ang lalaking kausap ko kanina. Realtor stared at me again.

Kahit kinakabahan ako ay inipon ko lahat ng lakas ko para makatayo. My legs were even shaking while I was trying to stand up. Mabuti na lamang at nagawa ko ang tumayo ng walang nagagawang mali.

"H-how have you been?" I asked him stammering.

He didn't speak. He just keep on staring at me. Hindi ko alam kung maiilang ba ako dahil sa mga titig niya o ano.

I cleared my throat and heaved a deep breath. Alam kong kita sa mukha ko ang kabang nararamdaman ko ngayon. But I don't care. Ang tanging naiisip ko lamang ay ang lalaking kaharap ko.

"I... I'm here to attend a, ahm... a... w-wedding," utal na sabi ko.

Akala ko ay hindi pa rin siya iimik. Kaya magsasalita na naman sana ako nang bigla na lamang siyang magtanong na siyang ikinagulat ko.

"Didn't you miss me, Raquel?" titig na titig na tanong niya sa akin.

Napanganga ako ng wala sa oras nang marinig ko iyon. Nagpilit akong ngumiti dahil baka nagbibiro lang siya. But his face was stoic. Hindi ko mahinuha kung ano ang ipinapahiwatig.

"W-what?" gulat na tanong ko sa kanya.

Humakbang siya ng ilang hakbang papalapit sa akin. Agad akong napaatras dahil sa ikinilos niya. But I was stopped by the chair behind me. Napatigil ako sa pag-atras habang siya naman ay tumigil nang isang hakbang na lang ang layo niya sa akin.

I smelled his perfume. He smells really good. Lihim akong nagpasalamat sa isip ko dahil nakaligo na ako bago pa ako lumabas ng kwarto.

He crouched a bit. Pinagpantay niya ang tangkad namin bago ako titigan ng diretso sa aking mga mata. I didn't know what should I do with the loud banging inside my ribcage. Pakiramdam ko ay mabibingi na ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

"It's been one thousand and three hundred seventy-two days, baby..." he whispered near my ear.

Napalunok ako ng kusa.

My eyes widen when I realized what he just said.

"Y-you... U-unknown..." hindi makomplitong sabi ko.

The corner of his lip twitched as he stared at me in amusement.

"I'm going to ask you again, Raquel," he stared intently at me. "Didn't you miss me?" mahinang tanong niya.

I can see how determined he was to know my answer. Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sumagot sa kanya. I couldn't answer his question for I don't know what reason why.

Gustong-gusto ko ang magsalita sa harap niya. But my mouth didn't cooperate with my mind. Hindi ko magawang magsalita dahil ayaw bumuka ng bibig ko para sumagot.

"Welcome back at Navas, baby," Realtor slowly encircled his arms around my body as he whispered those words on my ear. I froze.

W-what just h-happened?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top