CHAPTER 21

Tinititigan ko lamang si Dense ngayon. No wonder why Gil was so eager to be with her again. Hindi na rin ako magtataka kung bakit isa siya sa mga sikat na models sa Pilipinas. She's definitely a beauty.

I saw how Dense eyes looked at me. Kita ko ang kuryusidad na naglalaro sa singkit niyang mga mata. I smiled at myself.

Hmmm, she is curious about my place in Gil's life, isn't she?

Ipinilig ko ang ulo ko ng ilang beses bago pilit na sumeryuso. I was fighting myself not to smile. Baka kase kung ano ang isipin niya kapag makita niyang nakangiti ako. I don't want to cause havoc in their relationship.

"Ahm, is Gil's there?" maingat na tanong ko.

She shut a brows at me unconsciously. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan ko pa ang sarili kong huwag mangiti sa bawat galaw ng mata at kilay niya.

I guess, she really love Gil, huh?

She slowly opened the door to let me in. Agad kong hinawakan ang doorknob upang pigilan siya na buksan niya iyon.

"Huwag na!" kaagad na angal ko.

Kumunot ang noo niya. I bit my lower lip because of my actions.

Am I that obvious?

"What?" her forehead was creasing while staring at me.

Ikinumpas ko ang kamay ko sa ere senyalis na wala lang iyon. Umayos naman siya ngunit nakakunot pa rin ang kanyang noo.

"Ahm, no need to call him. Hindi naman masiyadong mahalaga ang ipinunta ko. So, don't bother," I said.

Nagtango siya ng kanyang ulo. Lihim akong napahinga ng maluwag dahil doon.

Oh, shit! I don't want to ruin Gil's moment with his love one! Konsensiya ko lang!

"Is that so?" si Dense.

I also nodded my head. "Hmmm..."

Umalis ako sa condo unit ni Gil matapos naming mag-usap ni Dense. I was actually planning to asked Gil about the happenings in Navas. But it happened that Dense was there, it isn't right if I invite myself there knowing that the woman whom Gil's in love with was there also. Baka maging abala lang ako.

Kinabukasan ay pumasok ako sa opisina kagaya sa mga natural na araw ko sa trabaho. I busied myself looking for the designs and sorting the details that's my clients wants. Inayos ko na rin ang trabahong maiiwan ko.

Hindi ako bumisita sa site. I only made a call and told them that I'm not going to check there for two weeks. Sinabi kong magbabakasyon ako kaya mawawala ako nang dalawang linggo.

Before I left Manila, tinawagan muna ako ni Dwight. He told me that he'll be waiting at the airport when he arrived there. Ang akala ko naman airport dito sa Manila ang sinasabi niya, iyon pala ay airport sa Catarman.

It only took me more than forty minutes until I arrived at the airport in Samar. Naglalakad ako nang agad mahagip ng mga mata ko si Dwight na prenting nakasandal sa poste. Agad akong naglakad papalapit sa kanya.

"Kanina ka pa?" bungad ko.

Bigla siyang umayos ng tayo nang marinig ang boses ko. The sunglasses that he's wearing even rolled to the floor. Napatawa ako.

Yumuko siya at kinuha ang salamin niyang nahulog.

"I was there for more than an hour now," baliwalang sagot niya.

Hindi ko pinakita kay Dwight na nagulat ako.

One hour?!

Tumikhim na lang ako at ibinigay sa kanya ang dala kong maleta. Hinawakan niya naman kaagad iyon.

Nang makalabas na kami ng airport ay may nakita akong puting van na nakaparada sa may gilid. Lumingon ako sa kasama ko. He just gave me a winked. Umirap ako.

Perks of being a Monderondo. Mayaman, eh...

Dwight's opened the door of the van for me. Pumasok ako roon at naupo. Habang siya naman ay umikot sa likod at sa kabilang hagdan pumasok.

Hindi ko kilala ang driver nila. I was familiar with Mang Kanor. The driver that I knew back then. Ngunit bago sa akin ang mukha ng nagmamaneho ng van na sinasakyan namin ni Dwight ngayon.

"Sa susunod na araw na ang kasal ni Aiden, hindi ba?" pagbubukas ko ng usapan.

Humilig siya sa backrest ng sasakyan.

"Yeah..."

I also leaned my body on the backrest. Humikab ako.

"I really can't believe that Aiden is going to get married the next day," natatawang ani ko.

"Si mama ang nag-desisyon niyan," napalingon ako kay Dwight nang sabihin niya iyon.

"Ha? Si tita?" paglilinaw ko.

Tumango siya sa akin.

"Yup!" he said. Popping the letter 'p'.

"At pumayag lang talaga si Aiden? What about his life?" I asked curiously.

Dwight's just shrugged his shoulder. Kung makapagkibit ng kanyang balikat akala mo naman hindi niya kapatid ang matatali.

Tumingin siya sa bintana ng sasakyan.

"I don't know. Wala namang sinasabi 'yon sa akin, eh," aniya.

Tinitigan ko si Dwight. I saw how his eyes dance with different emotions while looking outside. Halatang malalim ang iniisip.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang makita ko ang mga matang iyon ni Dwight. It was the same as mine when I was hiding at the back of the door of our unit. Gano'n na gano'n ang mga mata ko kapag nakikita ko si Realtor na nasasaktan.

I didn't know why I suddenly got curious about something when I saw that look in Dwight's eyes. Napukaw no'n ang kuryusidad ko sa bagay na hindi ko naman alam.

"Ang hirap siguro matali sa isang relasyon na hindi mo naman ginusto," biglang bulalas ng bibig ko.

Naramdaman kong lumingon si Dwight sa akin.

Napangiti ako ng pilit.

"I miss Realtor so much, Dwight," ani ko.

Pinagkiskis ko ang mga daliri ko sa kamay habang nakatanaw sa mapalay na daanan.

"Kung hindi lang sana ako nakulong sa mga salita ni tita noon, maybe I won't miss him now,"

I didn't left Navas just because it was really the plan. Nagkataon lang na nadagdagan ang rason ko para iwanan ang lugar na iyon. Because if I didn't do it, I don't know what might happen now.

Alam kong hindi iyon gaanong mabibilang bilang isang rason na naging dahilan kung bakit ko iyon ginawa. But they can't also blame me if I wanted it that way. If I believe those things that way.

Narinig kong magpakawala ng malalim na hininga ang katabi ko.

"Walang taong alam kung gaano kahalaga sa atin ang pagmamahal natin. Even our parents didn't know it, Kel,"

Bumuntong hininga naman ako.

"But at least we do. Right?" lingong tanong ko.

Nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko. Napangiti na rin ako.

What he said is true. Ngunit totoo rin naman ang sinabi ko. Our parents may not know how much we love the person, but at least us, who love them, knows it.

Isa sa mga rason ko kung bakit ako pumayag na pumunta ulit ng Navas ay dahil gusto ko siyang makita. I wanted to see his face again. I want to look at his eyes again.

Hindi ko alam kung bakit noon sa tuwing nakatitig ako sa mga mata ni Realtor ay palagi kong nakikita ang sarili ko. Palagi kong nakikila ang taong mahal ko. I always saw my life with Realtor.

Kaya marahil kahit nasaktan ako noon nang akalain kong lalaki rin ang gusto niya ay dahil mahal ko talaga siya nang higit pa sa pagmamahal na akala ko. Maybe I was in a deep jar stock with poison. Dahil kahit ano ang gawin ko ay hindi pa rin ako makaahon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe. Nagising na lamang ako nang makaramdam ako ng mahinang tapik sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata. I saw Dwight's face.

"Wake up, sleepyhead," bulong niya.

Tinaboy ko ang kamay niyang nasa mukha ko.

"Gising na ako, Dwight, puwedi ba," paos pang ani ko.

Napaayos bigla ako ng upo nang pumasok sa isip ko na nasa Navas na kami. Agad kong hinawi ang buhok ko na nakatabing sa mukha ko.

"Where exactly are we right now?" tanong ko kay Dwight.

"Nasa may pamilihan pa tayo, Kel. Ginising lang kita baka may gusto kang bilhin muna," ani Dwight.

Walang sabi-sabi akong lumabas ng van.

"Where's my luggage?" I asked him.

Alam kong nagtaka siya sa itinanong ko. But I have my plans!

"Why? Where are you going?"

I rolled my eyes at Dwight.

"I'll book a hotel here. Hindi na lang ako sa bahay niyo tutuloy," I said.

He shook his head as if he's disappointed about something. Tinawanan ko lang siya.

Dwight's handed me my luggage. Kinuha ko na rin ang sling bag ko bago magpaalam sa kanya. I waited for the taxi to come. Sumakay na ako roon at nagpahatid sa hotel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top