CHAPTER 19

I woke up the next day because of the rays of the sun that was kissing my face. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Natulog pala akong bukas ang bintana ng kwarto ko pati na rin ang kurtina.

Tumayo ako at pumasok sa banyo. I clean my face first and brush my teeth. Naghubad na rin ako ng damit ko at pumunta sa shower. Itinapat ko ang katawan ko roon.

Agad kong naramdaman ang lamig ng tubig nang dumantay iyon sa balat ko. Tumaas ng bahagya ang balahibo ko sa katawan.

Matapos kong maligo ay agad na rin akong lumabas ng banyo. I search for my clothes and put them on. I also did my makeup before going out from my room.

Kagaya sa kung ano ang nangyari kahapon ay sabay pa rin kaming nag-almusal ni Papa. Ang pinagkaiba nga lang ay mas nag-uusap na kami kumpara sa mga nagdaang araw.

"Amanda,"

Lumingon ako kay Papa nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Bakit po?" I asked.

He swallowed the food he was chewing before he talked again.

"Dwight will come here. Baka mamaya iyon o bukas na," sabi niyang nagpakunot sa noo ko.

"Why? How did you know, Papa?" I asked curiously.

Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom. Nagkibit balikat lamang ang ama ko nang itanong ko iyon.

"Papa..." angal ko.

Akala ko ay hindi na siya iimik pa nang bigla na lamang niyang sagutin ang tanong ko kanina.

"Tumawag siya kagabi. I was planning to tell it to you but you were asleep. Hindi na kita inabala dahil baka pagod ka," paliwanag ni Papa.

Tumango na lang ako sa sinabi ng ama ko.

Dwight and I are still in touch. Nagkikita pa rin naman kami sa nakalipas na mga taon. He sometimes gave me a visit and we always ended up in bar hopping.

Many things had changed in me. Ang noon ay mga limitadong bagay sa akin ay ngayong ay normal na. I live my life as a carefree person. Malaya at masaya.

Umalis ako ng bahay at dumiretso sa opisina ko. I did my usual works as an architect. Mag-design ng kung ano-anong bahay, villa, restaurant, bar and such. As long as it is requested by my clients and if I wanted to design it.

Kumain ako sa cafeteria na nasa loob lang ng building namin. Hindi na ako lumabas pa at may hinahabol akong oras. I needed to finish my works for the day until three in the afternoon. May pupuntahan pa kase ako kaya ko tinitipid ang oras ko sa araw na iyon.

I clocked out at exactly three. I immediately went on my car drove away. Pinaandar ko ang kotse ko hanggang sa makaabot ako sa Alabang sa may Mabini. I parked my car on space that wasn't occupied there and went out.

May pinapatayo akong bahay kaya madalas ako rito. Hindi iyon gaanong malaki kung ikukumpara sa family house namin sa Manila at sa Navas. I only want it simple.

Nakita ko si Engineer De Guia sa may likod na bahagi kung saan pinapader pa. It looks like he was instructing the other workers there. Hindi ko muna siya inabala at lumibot na lang saglit.

Papasok na sana ako sa may hagdanan nang marinig ko ang boses ni Engineer. Awtomatiko akong napatigil at lumingon sa kanya.

"Architect Amanda," bungad na bati niya sa akin.

Ngumiti ako ng malawak nang makaharap ko na siya. Nagkamot siya ng kanyang ulo na animo'y nahihiya. Mas lumawak lamang ang ngiti ko.

"You're doing great here, Engineer. Baka bago pa matapos ang dalawang buwan ay tapos na ang bahay ko," nakangiting sabi ko.

I saw Engineer De Guia suppressing his smile. Napakiling na lamang ako ng aking ulo.

Tumikhim siya.

"It's not impossible, Architect. Our workers are a bit faster. Kumpleto rin naman ang mga materyalis na kailangan natin kaya hindi malabo na matapos nga ito sa loob ng dalawang buwan," aniya.

I glance at my house. Halos nasa ikatlong parte na ng bahay ang natapos. They really quite fast.

"Hmm, it's good. Problema ko na lang kung paano ko sasabihin kay Papa," napatawa ako sa sarili kong tinuran.

He laughed too.

"Yeah, it sure a problem, Architect," pagsang-ayon niya pa.

"Tch, I'm not a kid anymore. Kaya papayag naman siguro 'yon. Isa pa, I also want to build a family," hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin iyon.

I saw him nodding his head. Kaya napangiti na rin ako.

I'm already twenty-five. Magbi-bente-sais na nga ako. With this age, I'm on a legal time to build my own family. Kaya ko naman na ang buhayin ang magiging anak ko kung sakali. I have work. Mayaman din naman kami kung sa pamilya lang namin. Kaya hindi kami magugutom..

Alas kwarto y medya na ako umalis sa Alabang. Dumiretso ako ng tungo sa salon sa Laguna. I was planning to have my hair treatment. Papabawasan ko na rin kahit isang pulgada lang.

"Magandang hapon po, ma'am," agad na bati sa akin ng isa sa mga receptionist.

Ngumiti ako ang nagtango ng aking ulo.

Bumuka ang bibig niya. Magtatanong na sana nang ituro ko ang buhok ko. Agad naman siyang tumango nang makita kung ano ang tinuro ko.

She guided me the way. Pinaupo niya ako sa isa mga upuang naroon. May ibang mga babae rin akong nakita na nagpapakulay at nagpapakulot ng buhok. Umupo na lamang ako at tinignan ang repleksiyon ko sa salamin.

A girl with a short hair attended on me.

"What do you want for your hair, ma'am?" magalang na tanong niya sa akin.

I tilted my head both side. I was planning to trim my hair at least an inch. Pero parang gusto ko na lang ang magpagupit na hanggang sa balikat ko.

Matagal bago ko sagutin ang tanong niya. But in the end, I still stick with my real plan. Pinaputulan ko lang iyon. But I also ask for hot oil treatment.

Mahigit trenta minutos din ang itinagal ko. Hindi ko na nga namalayan na nakaidlip na pala ako. I just woke up when I heard the ring of my phone. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Yes?" paos pang tanong ko.

"Dwight's here, anak. Nasa opisina ka pa?" para akong nagising nang marinig ko ang boses ni Papa sa kabilang linya.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin. Still the same. Parang lumambot lang masiyado ang buhok ko.

I cleared my throat before talking.

"Ah, Papa, I'm at the salon right now pero pauwi na rin ako. Please do tell him that I'm on my way na po," sabi ko na lamang.

"Is that so? Okay sure. I'll tell him. Go home now and please, drive safely, anak," bilin niya sa akin.

Binabaan ako ng tawag ni Papa. Ngunit hindi ko mapigilan ang mapangiti nang maalala ko ang sinabi ni Papa ngayon-ngayon lang.

He really care for me.

Akala ko noon ay wala lang ako sa kanya at galit lang siya sa akin dahil kay mama. But I didn't know that Papa was actually hurting because of me. Na sa bawat banggit niya sa pangalawa kong pangalan ay sakit ang hatid no'n sa kanya.

My mother cheated on him. Iniwan kami ni mama noong sampung taong gulang pa lang ako. I saw how much Papa love her. He always smile everytime he saw her smiling. But after everything that had happened with them, my father still love her. Mahal pa rin siya ni Papa.

Papa said that he called me by my mother's name for the reason that he wanted to believe that mama's still with us. Na sa oras na tinatawag niya ako sa pangalang iyon ay ang ina ko ang tinatawag niya.

My father called himself a coward because he couldn't accept that mama actually left us. Na pinagpalit kami at piniling mamuhay sa ibang bansa kasama si tito Henrick. Ang pinsan ni Papa.

Matapos kong makapagbayad ay umalis na rin ako. I went on my car and started the car engine before driving away.

Nakarating ako sa bahay na pigura ng isang kilalang lalaki ang sumalubong sa akin. Agad akong napangiti nang makilala ko iyon.

"Dwight!" I beamed out of glee.

He turned his body to face me. I immediately saw his smile the moment our eyes met.

"Hey," aniya.

I walked fast towards him. Agad ko siyang dinamba ng yakap nang makalapit na ako. He laughed because of my actions.

"Miss me?" tumatawang tanong niya.

I hit him hard on his shoulder. He groaned.

"Of course!" I screamed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top