CHAPTER 17

"As you can see, this one is a bit cozy. But given that this is more suited to the area you chose to build on, I suggest this one," turo ko sa blueprint na nasa kanan.

I'm at my office right now. I'm dealing with my client who's having a trouble in choosing which design of her bar she'll choose.

I prepared two blueprints. Iyong isa na may mga designs na siya mismo ang nag-suggest. At ang isa naman ay sarili kong suhestiyon. I wasn't really contented for her suggestions when we met and talk about the designs and architecture. Masiyado siyang simple na hindi babagay sa isang bar.

Kaya ngayon ay tinutulungan ko siyang pumili kung alin ba sa dalawa. But whatever design she'll choose, I'm still the architect.

"So...?" Pukaw ko sa atensiyon ng kliyente ko.

Tumango-tango siya habang nakatingin sa blueprint na itinuro ko sa kanan.

"Well... I'm going with this one," she pointed the one on the right side.

Lihim akong napangiti. Hmmm, she has a great taste, I see.

I clapped my hands on the air.

"Okay, then. It's settled now?" I asked just to assure about it.

Ayaw ko lang na maging paulit-ulit ang trabaho ko. Marami pa rin kase akong dapat atupagin. Lalo na sa bahay.

My client nodded her head. She smiled at me.

"It's okay now, Architect. I'm glad you made it two. I got the chance to choose," nangingiting aniya.

Ngumiti na rin ako.

"No worries. I just thought of showing you that in case you like it," sabi ko.

Tumayo na siya. Kaya tumayo na rin ako.

"Thank you again, Architect. I'll get going now," isinenyas niya ang pintuan kaya nakangiti akong tumango sa kanya.

"Yeah, sure," I said.

Kinuha niya ang bag na dala niya at tumalikod na sa akin. She started walking out of my office. Nang makalabas na siya ay nirolyo ko na ang blueprint na pinakita ko sa kanya.

Naglakad na rin ako papunta sa lamesa ko. I checked my laptop. Wala pa ang e-mail na hiningi ko. Isinara ko na lamang iyon at ipinasok sa bag ko. It's quarter to five already.

I heard my phone beeped. Inabot ko iyon at tinignan.

Gil:
If you want to unwind, come and go here.

He texted me the address where he is. Agad kong naalala na isang bar iyon sa Quezon City. Hindi na ako nagtipa ng reply. Pinatay ko na lamang ang selpon ko at inayos ang lamesa ko.

I headed my way out. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang ground floor nang makapasok na ako. Nang makarating na ako sa ground floor ay agad akong nagtungo sa reception area. Marami pa rin naman ang tao. Naglakad na lang ako palabas.

"Architect Amanda," I heard Grace voice from my back.

Napapikit na lang ako. I inhaled a deep breath to calm myself. Ramdam kong biglang tumaas ang dugo nang marinig ko ang boses niya.

Ang pesti sa buhay ko sa trabaho ko rito.

I swiftly turned my body to face her. I only raised a brow at her. She smirked.

"Clocking out already?" she asked me and looked at her wristwatch.

I didn't speak. Nanatili lamang naka-angat ang isang kilay ko.

"Hmmm, maaga pa naman. It's five-fifty in the afternoon. May lakad ka?" What a bitch.

I tilted my head and smirked at her too. Hindi ako umimik at basta na lamang siyang tinalikuran. Mabuti na lamang at hindi na siya gumawa ng eksena ngayong hapon.

Dumiretso na ako sa parking lot ng building. Binuksan ko ang kotse ko at pumasok doon. Inilagay ko ang bag ko katabi ng driver's seat. I started the car engine before driving away from there.

Habang nagmamaneho ako ay muli kong narinig na tumunog ang selpon ko sa bag. Nilingon ko lamang iyon at hindi na pinansin. I just focus myself driving until I reached the address Gil's texted me.

It's a good choice that I chose to wear a black fitted dress this morning. Nagsuot lamang ako ng dilaw na brazier at itinungbaw iyon sa itim na dress. I also wear a black stiletto.

Hinubad ko ang brazier na suot ko at inilagay iyon sa likod ng kotse ko. Inayos ko muna ang makeup ko pati na rin ang buhok ko. I tied my hair in a bun before looking at my reflection on the mirror. I smiled in contentment.

I went out from my car and go inside the bar. Agad sumalubong sa akin ang ingay at iba't-ibang kulay ng ilaw sa loob. Dumiretso lamang ako ng lakad papasok.

Nakita ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki na nakatayo malapit sa may mahabang couch na naroon. Doon ako dumiretso ng lakad.

"Kanina ka pa ba?" bungad na tanong ko.

Lumingon siya ng sa akin at umupo sa couch.

"Take a seat first," itinuro niya ang upuang katabi ng kanya.

Nilingon ko iyon bago umupo. I roamed my eyes around. It's too crowded.

"So, kanina ka pa talaga?" muling tanong ko.

I saw in my peripheral vision that he nodded his head. Nagtango rin ako ng aking ulo.

Kaya pala may dalawang bote na rin ng whiskey sa lamesa niya.

He gave me a shot of whiskey. Kinuha ko iyon at nilagok. Agad nanuot ang pait sa lalamunan ko. Napikit ako bago lumunok.

"What's with the sudden plan? Nasa opisina ako nang mag-text ka. Seems like you're not that busy, huh?" Sinadya kong magtunog sarkastiko sa huling tanong ko.

Nagsalin siya ng alak sa maliit na baso sa lamesa naming at agad na nilagok iyon. He didn't even flinched because of it's taste.

Maingay sa loob. Kaya medyo nilalakasan ko ang boses ko maging siya. Dagdag pang maingay din ang mga taong naroon na sinasabayan ang maingay na tugtog.

"I met her," napatigil ako.

"What?" umusog ako sa puwesto ni Gil. Baka kase namali lang ako ng dinig.

"I met Dense," he said.

Naiwang bukas ang bibig ko sa ere nang maging malinaw sa akin ang sinabi ni Gil.

Nagkita na sila. After almost four years, they met. Bigla akong kinabahan. Kung sila nga ay nagkita na, hindi rin imposibli sa amin iyon ni Realtor. Kapag nangyari iyon, ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Just the thought of seeing him again, pakiramdam ko ay agad akong nanghihina. I felt weak thinking that we might saw each other after a long time. I didn't know what should I say if that's happen. If I should greet him or ran like what I did three years ago.

Pinagsiklop ko ang mga palad ko sa ilalim ng lamesa. Umayos ako ng upo at tumikhim. Biglang nanlamig ang mga palad ko.

"S-so, what happened? A-ano ang sinabi niya?" I asked him full of curiosity.

He smiled without humor. Mas kinabahan ako sa reaksyon ni Gil.

Kung si Gildeon nga ay ganito ang naging reaksyon, paano pa kaya si Realtor? I am sure that he hates me. Or should I say, he loathe me?

"She changed. A lot of changed," bulong na aniya.

Tumahimik lang ako.

"Potangina, Amanda, bakit ang sakit dito?" turo niya sa dibdib niya.

Naglihis ako ng tingin kay Gil.

If that's what Gil's felt, what about Realtor? Ipinilig ko ang ulo ko upang alison iyon sa isip ko. But I can't deny the fact that I felt hurt seeing Gil's like this. Dahil pakiramdam ko ay gano'n din ang nararamdaman ni Realtor.

"Alam kong ako ang nagtulak sa kanya na gawin iyon. But fuck! I wasn't expecting for her to be like that! W-why can't she look at me the way she used too?"

I didn't know what to say. Bigla akong naguluhan sa nararamdaman ko. But all I could do is to look at Gil and listen.

Muli siyang nagsalin ng alak sa baso. He drink it quickly. Matunog niyang inilagay sa lamesa ang baso. Wala sa sarili akong napapikit sa gulat.

"Gil... T-that's enough," awat na sabi ko.

"I fucking love Dense. Mahal na mahal ko siya kaya ko ginawa 'yon..."

He looked at me. Lumunok siya at ginulo ang buhok niya. He looked like he was wrecked.

"I know I was the one who fucked everything up but," he murmured. "Potangina, kung alam ko lang, Amanda," dagdag niya.

Tinititigan ko siya sa kanyang mga mata. I saw how his eyes screams pain. Maski ako ay nakaramdam ng kaunting sakit nang makita ko ang mga mata niya.

Muli akong lumagok ng alak bago magsalita.

"If you screwed it then, win her back, Gil," iyon lang ang nasabi ko.

Kase ako? Iyon ang siguradong gagawin ko. I'll do everything to win him back. I will do it regardless of everything that it takes. Dahil ako rin ang may kasalanan kung bakit naging ganito. I was the one who leave him. I was the one who left Realtor.

So, it is me who should act. Ako ang gagawa ng paraan kung sakali man na magkita kami ulit. If he's mad at me, I'll stay so he'll be gentle again. And if he's in love with someone else, I'll make him love me for the second time.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top