CHAPTER 15
"Raquel!"
Itinigil ko ang ginagawa ko at nilingon si Realtor na ngayon ay abala sa pag-aayos ng mat sa buhangin.
"Bakit?!" sigaw ko pabalik.
He pointed the mat that he placed on the sand.
"Come here!" Yaya niya sa akin.
Natatawa akong iniwan ang mga panggatong na kinuha ko sa may gilid ng mga puno ng niyog at naglakad patungo sa puwesto niya.
Nasa kabilang isla kami ngayon. We decided to have some fresh air from here. Tutal naman ay weekend at wala kaming masiyadong dapat na gawin. Dagdag pang tapos na rin ang exams namin noong nakaraang linggo pa.
He extended his right arm for me to hold on to it. Kaya inabot ko iyon bago umupo. Napansin kong may mga maliliit na rin siyang mga kahoy na naroon. I didn't notice it earlier.
"Nga pala..." Panimula ko nang makaupo na kami pareho.
"Hmmm?"
"We will be going back at Navas tomorrow morning, right?" I asked him.
Napag-usapan naman na namin iyon, ang kaso nga lang ay gusto kong kumpirmahin iyon ngayon mismo.
"Yes, why? Do you have something in mind?"
Something in mind?
Napakurap-kurap ako. Ipilig ko ang ulo ko sa ideyang biglang pumasok sa utak ko nang magtanong siya.
"Ha?" I asked him again.
Ikiniling niya ang kanyang ulo bago banayad na ngumiti. I felt at ease all of a sudden.
"Ibig kong sabihin ay kung may naisip ka pa bang puntahan bukas?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Doon pumasok sa isip ko kung ano ang tinutukoy niya. Kaya hindi ko mapigilan ang pamulahan ng aking mga pisngi dahil sa iniisip ko kanina.
What a shame, Amanda!
Alanganin akong ngumiti kay Realtor. Palihim ko ring kinapa ang mukha ko para damhin ang pag-iinit no'n.
Nakakahiya!
I saw his lip teasingly lifted. I felt my cheeks heated even more. Ngumuso na lamang ako at napakagat ng aking labi dahil sa ngisi niyang pinipigilan niya lang.
"Ahm, ano, wala naman. I-I was just asking. Iyon lang!" kibit ang balikat na saad ko.
Oh, come on, Amanda! Nagpapalusot ka pa, eh, huling-huli ka na!
The smirk on his lips didn't leave. I was cursing myself inside my head because of too much embarrassment. Baka kase isipin niya na masiyado kong nagustuhan ang ginawa niya sa akin noong nakaraang araw. I will only put myself in danger if that's happen.
"Uh-huh?" nakangising tanong niya pa.
"O-oo nga kase! A-ano pa ba?!" kunwaring naiinis na sagot ko.
It is obvious that he's making fun of me! Na natatawa siya sa reaksyon ko dahil sa sarili ko ring kagagawan. But darn it! Nadulas lang naman ako, eh! He's making it too much of an issue. Psh!
Nagtaas siya ng kanyang dalawang kamay sa ere. It was as if he's surrending or something. Kaya mas lalo lamang akong tinablan ng hiya dahil sa ginawa niya.
He purposely cleared his throat.
"Okay, sige. Sabi mo nga pero..." hindi niya itinuloy.
Tinasaan ko siya ng kilay. Naglihis siya ng kanyang tingin mula sa akin at hinawakan ang baba niya.
"Pero...?" tanong ko.
Bigla siyang lumingon sa akin. Napaatras ako ng biglaan dahil sa naging galaw niya. He startled the freak out of me!
Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Kaya hindi ko maiwasan ang mailang, ngunit hindi ko rin magawang kumurap habang nakatitig siya sa akin.
Oh my goodness...
Pakiramdam ko ay pinapasok ng mga mata niya ang kaluluwa ko. The weighs of his stares give me nothing but nervousness. Pinapakaba ako ng mga titig niya higit sa inakala kong mararamdam ko.
His eyes landed on my lips. Mas dinoble no'n ang kabang nararamdaman ko. He's staring at my lips again!
Hirap akong lumunok dahil sa pagpipigil kong gawin iyon. He's keeping his eyes on my lips after staring at my eyes. Naiilang ako ngunit ayaw ko rin naman siyang itulak.
I-I don't know at all! I don't know what should I do!
Inipon ko ang lahat ng lakas ko at diretso ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata. He was looking on my lips while I was looking at his eyes.
"Pero bakit ka nauutal, ha, Raquel?" bulong na sabi niya sa mukha ko.
Ikinuyom ko ang mga palad ko sa gilid ng dress na suot ko.
"Nauutal? Ano ba ang, ahmm, ano, s-sinasabi mo, Realtor?" napapikit na lamang ako sa paraan ng pananalita ko.
Oh, great! Just so so so great, Raquel Amanda Traqueria!
"Oo, Kel, nauutal," muling sabi niya.
I gathered all my strength again and did my best to push him as gentle as I can. Afraid of giving him another thought about something that I don't want him to think of.
Mabuti na lamang at hindi na rin siya nagmatigas. He slowly distance himself from me as I slowly pushed him away.
Umalis siya sa harapan ko at lumapit sa mga kahoy na naroon. Inayos niya iyon at ipuwenesto bilang isang siga. Umayos na rin ako ng upo at tinignan ang ginagawa niya.
"Oo nga pala, Kel..."
"Oh, bakit?" kaagad na tanong ko.
Hindi siya lumingon sa akin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa niya.
"Wala ba kayong napag-usapan ni mama?" bigla akong napatigil. I felt nervous again.
"N-ni tita ba kamo?" paninigurado ko.
"Yeah, you and mama," he said.
"Ah, ano, wala naman. N-nangumusta lang. She said that she misses me that's why she dropped by," I lied.
"Are you sure?" I can sense that he wasn't convince by my answer. Dahil ako nga rin mismo ay hindi kumbinsido sa sagot ko sa kanya.
"Oo naman. Maybe tita longed for me since I haven't give a visit on her since the last time we went there," paliwanag ko pa.
"Hmm, I hope so," he whispered.
Tumingin na lang ako sa bangkang naroon. Gabi na ngunit nakikita ko pa rin iyon. Dahil na rin siguro sa sinag na nagmumula sa buwan at sa mga posti ng ilaw na nasa may daanan.
Keeping it a secret is the best thing to do. Hiding it from him is all that it need. Also, by that, he'll grow. The thing I want him to be.
Gusto ko sana ang sabihin kay Realtor ang kung ano'ng napag-usapan namin ng mama niya. Ang kaso nga lang ay ayaw ko rin ang gawin iyon dahil sa ibang rason din.
Besides, it's nothing that serious. Kung ano man ang mayroon sa amin para bukas ay iyon pa rin naman ang mangyayari. It won't change just because she wanted it to change.
"Nice," rinig kong sabi niya.
Napatingin na naman ako sa gawi niya. Nakita kong may apoy na ang sigang ginawa niya. I smiled looking at it lighting up the place.
"Woah!" I beamed.
"Tsk, seems like you only saw it just now," he murmured but enough for me to hear it.
"Hindi naman, maganda lang kase," I said.
"Hmmm, if that's what you say, then it is," napipilitang aniya.
Panira...
"Psh, kj mong bakla ka..." Mahinang bulong ko.
I heard nothing from him. Kaya sigurado akong wala talaga siyang narinig.
Tumayo na lang ako at hinubad ang tsinelas na suot ko. Sunod kong tinanggal ang pagkakabuhol ng dress ko sa may balikat bago iyon hayaang bumagsak sa buhangin. Ginulo ko rin ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at naglakad papunta sa dagat.
I felt a spare of eyes watching my back. Hindi ko na lamang iyon pinansin. I continue walking until I reached the water.
Suot ko lamang ang isang pares ng bikini na binili ko pa nang mag-aya ang barkada na mag-beach. It was Sheryl and Marcy who decided to bought those pair.
They said that it will fit me perfectly. It was a white pair of bikini. Nasa may leeg ang tali imbis na sa balikat. May tali rin ang pang-ibaba, sa parting gilid naman. In short, it was a white string bikini.
The moment my body touches the cold water, I got goosebumps. Agad akong kinilabutan dahil sa lamig ng tubig. But I remained standing. Feeling the coldness of the water here in Navas.
Tumigil ako nang umabot na ang tubig banda sa kilikili ko. I still can't forget that I didn't know on how to swim. Kaya hindi puweding lumayo ako.
Sumisid ako sa tubig. Ilang segundo lang ako sa ilalim at umahon din ako. I looked up to the sky. It was at peace. Nakakagaan.
While looking at the stary night that night, I couldn't stop myself but thinking for the next morning. Kung ano ang mangyayari sa susunod na umaga pagkagising ko.
I came back to my senses when I heard Realtor's voice.
"Raquel..."
He was watching me seriously while I was bathing myself on the salty water of Navas.
Nginitian ko siya.
I will definitely miss him...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top