Chapter Ten
Song: Don't Go Wasting Time - New Hope Club
Number
It's been days since I had that conversation with Mama. Pagkatapos ng gabing iyon, pakiramdam ko nagtatampo siya sa akin. Hindi niya ako gaanong pinapansin at pinapakealaman kumpara sa madalas niyang gawin bago ang naging usapan namin na iyon.
Binalewala ko na lang dahil lilipas din naman 'yon. Gusto ko lang naman na 'wag nang madamay ang iba pang tao sa kung ano man ang pinaplano niya para sa akin.
Involving one's job for one's own personal agenda just doesn't sit right with me. That's why I know I had to do something. At pakiramdam ko...nagbunga naman iyon.
Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Primo nang makita niya akong lumabas ng hardin.
"Good morning, Madam!" masaya niyang bati at kumaway sa akin.
Maaga pa lang pero naabutan ko na agad siya rito kasama si Catalina. Mas naagaw pa ng pansin ko ang kapatid ko kaysa sa masigla niyang bat isa akin.
Catalina is busy doing something that she didn't even bother to look at me despite Primo's greeting. Lumapit ako sa kanila.
"You're up early," I told my sister.
Catalina still didn't turn to me since she was busy plowing.
"I went jogging and got bored after. So...here I am."
Sinulyapan ko si Primo. Ngumiti agad siya sa akin. I wonder if Mama talked to him? Iba na ang mood niya ngayon kaysa sa huli naming pag-uusap noon.
For the past days, I just stayed at home. Specifically in the study to learn more about our company. Nandoon din naman palagi si Papa at Ali kaya sila ang tumutulong sa akin tuwing may mga katanungan ako.
I didn't go out or visited the farm so I didn't see Primo until now.
"Ah! Nagpapaturo siya sa akin, Madam. 'Di ko alam na interesado pala si Catalina sa gardening."
"I'm not interested! Bored lang talaga ako!" dipensa naman ng kapatid ko.
"Okay!" Primo raised both of his hands in defense. "Edi hindi!"
I couldn't help but raise my brows at how comfortable they seemed with how they talked with each other. He doesn't even address her 'Madam' like he usually does to me. Ano? Close na ba sila?
"Ano ang next dito?" tiningala ni Catalina si Primo.
Sumulyap muna si Primo sa akin bago niya binalingan ng tingin ang kapatid ko. Nag-squat siya sa tabi nito. I watched them both.
"Ang lalim naman niyan!" reklamo ni Primo nang makita niya ang ginawa ni Catalina.
"Ang sabi mo maghukay ako!"
"Maghukay ng para sa halaman! Hindi para sa kabaong!"
Catalina glared at him and picked up the small shovel again. "Edi ibalik!"
She then started returning all the soil she plowed back into their place. Hinawakan ni Primo ang kamay niya upang pigilan siya.
"E, tam ana! Okay na 'yan!"
"Ano ba talaga?!"
Napapikit ako dahil sa sigawan nilang dalawa. Umagang-umaga at ang taas agad ng boses nila. Pupwede namang mag-usap ng mahinahon, pero eto sila at nagsisigawan.
And they seem...pretty close. Kailan kaya sila naging komportable sa isa't isa para humantong na sila sa pagsisigawan?
Tumalikod ako at iniwan na sila roon. I went to a much peaceful area of the garden. Doon ko pinadala ang umagahan ko. Ngunit kahit dito, rining ko pa rin ang pagtatalo nila.
"Ang kulit mo naman! Nilulunod mo 'yung halaman, e!" narinig kong sibat ni Primo.
"Sinusunod ko lang ang sinabi mo! Ikaw ang makulit! Mali-mali ka nang tinuturo!" pagpatol naman ni Catalina.
Napahilot ako ng sentido. I even spotted Ali at the corner, quietly drinking his coffee. Mukhang kahit siya ay nabubulabog ng ingay noong dalawa. Ilang beses siyang napapabaling s abanda nila sa tuwing nagsasagutan si Primo at Catalina.
When my breakfast arrived, I tried to eat it as peacefully as possible even if I could still hear them bickering. 'Di ko alam kung magpapasalamat ba ako nang matapos sila.
Hindi ko mapigilang sundan ng tingin ang kapatid habang papasok siya ng hacienda. Binaba ko ang tasa ng kape na pinag-iinuman ko para tawagin siya.
"Tapos na kayo?" tanong ko.
Catalina nodded. "He's so annoying! Mali-mali ang tinuturo! I better search on Google how its really done."
"I'm sure he knows what he's doing, Cat. Why the need to search on Google?"
"Well, it doesn't seem like it to me? Ang sabi niya maghukay ako, I did it. Tapos biglang malalim daw! I tried watering the plants but he told me I'm drowning them! Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?!" she crossed her arms in annoyance. "Buti na lang talaga at mabait siya at tinuturuan pa rin ako kahit kanina pa kami nagsisigawan."
"You two seem pretty close." I couldn't help but comment.
She darted her eyes towards me and raised a brow. "Well, we're kind of. Palagi ko siyang nakikita sa kung saan kaya siya ang palagi kong napapagtanungan. Why? Are you jealous?"
"Jealous?" I scoffed. She's being unbelievable. "I'm just curious, Catalina."
"Don't worry. 'Di ko naman aagawin. He annoys me." she smirked.
"Have you eaten already?" I asked to divert the topic.
Sa halip na sagutin ako ay napansin ko naman na napadpad ang tingin niya sa kung saan. Sinundan ko rin iyon ng tingin. I then realized that she's looking at Ali.
"Oh! There's Ali. Bye!" aniya at mabilis na umalis para puntahan si Ali.
Akala ko ba mag-search na siya kung paano pa ang tamang gawin? Napailing na lang ako at tinuloy ang naudlot kong breakfast.
I became so busy for the next few days. I made the most of my vacation time before moving back to Manila to start my last semester in college.
I spent most of my days in the study with Papa and Ali. They were both patient in guiding and teaching me everything I needed to know. I am really determined to do my best in this job or responsibility that Papa had to tell me to slow down.
I smiled weakly at him. "Sinusulit ko lang po ang pagkakataon na matuto tungkol sa kompanya, Papa." Paliwanag ko nang maabutan niya akong nag-iisa sa study.
It's already past 12 and yet...I'm still here surrounded by a bunch of paperwork.
Naupo si Papa sa tabi ko. Sinundan ko siya ng tingin.
"I know you already feel responsible for our company's future once I step down but you have to slow down a bit for now, Theia. I'm still here. I can still take responsibility. Kaya lang naman kita tinuturuan agad ay dahil gusto kong maging handa ka. I will only step down when you're ready. But for now, you have to enjoy it! I appreciate all your effort. But please also enjoy your vacation. Do you call this vacation? Alone in this study in the middle of the night?"
"I already spent a lot of time outside so it's fine, Papa."
He sighed. "Well, what you're doing isn't the type of vacation I want or expect you to do. Go out and spend time with your sisters! Go shopping or watch a movie together! You need to relax, Theia. You're already doing well. You don't have to push yourself so hard."
I smiled weakly at him again. I didn't know I need to hear that. I've been so hard on myself lately because I feel like everything is my responsibility from now on. That I have to do better. That I can't make mistakes. That I have to learn fast or else...I will lose it all.
Hindi ko lang maalis sa isip ko na kung magkakamali ako ngayon pa lang, paano kung ako na ang nasa posisyon? Wala nang aalalay sa akin dahil lahat ng desisyon, manggagaling na sa akin.
I didn't realize that this weight is draining me. Tuwing wala akong ginagawa, pakiramdam ko parang mali. Akala ko normal lang 'to. Na palagi kong lunurin ang sarili sa mga gawain. Pero ngayon...napagtanto kong...hindi pala.
I went here to learn but also to enjoy my vacation. But for the past weeks, all I did was to learn and not have fun. Sumasama naman ako minsan kay Adela sa tuwing nangangabayo siya. Masaya naman ako tuwing ginagawa namin 'yon. Pero pagkatapos naman no'n ay babalik na akong muli sa study o 'di kaya sa kwarto ko upang pag-aralan ang kompanya.
I realized that I haven't taken a day off and let myself rest and have fun. There are lots of beautiful places around but I couldn't bring myself to visit them because I was so busy.
Maybe Papa's right. I need to relax. Kaunting araw na lang ang natitira sa bakasyon ko. Might as well seize every moment I have here before I go back to Manila.
Kahit na late na nakatulog kagabi ay sinubukan ko pa ring gumising ng maaga kinabukasan. Naghanda na ako at nagsuot ng maayos na damit. Sa halip na dumiretso agad sa baba ay sa kwarto ni Catalina ako nagtungo. I knocked and immediately heard her behind her door.
I peeked inside and saw her at her vanity table getting ready.
"You're going out?" I asked.
"Yes. Why?"
"Nothing. I was about to ask if you want to stroll. Pero aalis ka pala. Saan ka pupunta?"
"Oh, I'm about to enroll." She rolled her eyes. Umalis siya mula sa pagkakaharap sa vanity table upang lingunin ako. "But I can join you after I enroll if you want?"
Umiling ako. "It's fine. Just do what you have to do today. Baka rin matagalan ka sa pag-eenroll. I'll ask Adela instead."
"I bet she's going to agree," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "She's busy. Marami raw siyang hahabuling requirements. She's going to do all that today."
What? Madami pa siyang requirements? Hindi ba't malapit na ulit ang pasukan nila? Bakit ngayon niya lang gagawin?
"Bakit hindi niya ginawa agad?"
Catalina shrugged her shoulders. "Ewan ko."
Humarap nang muli si Catalina sa vanity table niya upang ipagpatuloy ang pagme-make-up. Tumingin siya sa akin mula sa salamin.
"If you have no one to accompany you, ask Primo. You seem pretty close." She suggested with the biggest smirk on her lips.
"We're not close. He might be busy."
Ngumuso siya. "It's his day off today but he still comes here to check on the horses. Baka nandito siya ngayon. Tanungin mo na!"
"Where did you learn all these?"
It's weird that she even knows when is Primo's day off. Gano'n na ba sila ka-close?
"Sinabi niya sa akin." aniya. "Why don't you go and ask him now? Mamaya umalis na 'yon!"
"I don't want to bother him, Cat. Day off niya pala ngayon. Dapat lang na magpahinga siya."
"E, hindi namain trabaho ang pagsama niya sa 'yo. If you're just going to stroll around, edi parang nakapagpahinga na rin siya dahil wala naman siguro siyang gagawin na pagbubuhat o pagtatanim gaya ng trabaho niya habang namamasyal kayo ano? Go ask him now, Ate!"
Kinunotan ko siyang muli ng noo. "Why are you being so persistent?"
"Just go ask him! Aalis na 'ko!"
She then shooed me away. Napailing ako at pinag-isipan ang suggestion niya habang inuubos ang hinandang umagahan para sa akin.
I can just go alone but I don't know much about the places here. It's been a while since I last went here to stroll around. Baka marami nang bago at hindi na ako gaanong pamilyar sa lugar.
It will also be so lonely if I stroll around alone. Papa suggested that I should go out with my sisters but they're both busy today. Now is the best time to go out since I'll be coming back to Manila in two days.
Tumayo ako at pinaligpit na ang pinagkainan ko nang matapos. Dumiretso ako sa may kuwadra, umaaasang nandoon niya si Primo.
Should I go ask him? What if he's also busy? Ngayon nan ga lang siya makakapagpahinga, iistorbohin ko pa siya. 'Di na lang kaya ako tumuloy?
Tumigil ako sa paglalakad patungo sa kuwadra. At bakit ba parang wala na akong ibang choice kung hindi siya? I can just go alone, right? Magpapaturo na lang ako sa driver kung saan.
Yeah...I should just go alone.
Tumalikod na ako at handa nang umalis nang madinig kong may tumatawag sa akin. It's like the universe is purposely telling me not to go alone and ask Primo now.
"Madam!"
Natigilan ako. Aalis pa rin ako mag-isa kahit tinawag niya ako.
Nilingon ko siya. Patakbo naman siyang nagtungo sa kinatatayuan ko. Malaking ngiti agad ang isinalubong niya sa akin nang makalapit siya. nanatili akong walang emosyon na nakatingin sa kanya.
"Anong ginagawa n'yo rito? Mangangabayo ka? Gusto mo ba kunin ko ang iyo?"
"Uh..." hindi ko magawang magpatuloy dahil nagsalita pa siyang muli.
"Sino ang kasama mo? Mag-isa ka lang? Si Adela?"
"She's busy."
Ngumuso siya at tumango. Tinuro niya ang kuwadra.
"Kunin ko, Madam? Sigurado ka okay lang sa 'yo mag-isa? Gusto mo samahan kita?"
Bahagya akong nagulat. 'Di ko nalang pinahalata na nabigla ako sa offer niya. Well, he's the one that offered so...
"Hindi ba't day off mo ngayon?" tanong ko.
Napangisi siya. "Oo. Paano mo nalaman?"
"Sinabi lang ni Catalina."
"Oh...pero okay lang, Madam, kahit day-off ko. Samahan pa rin kita. Saan ba ang punta mo?"
"'Di ko alam. Do you know a place?"
"Hmm..." nag-isip siya. "May alam ako na tahimik. Gusto mo roon tayo?"
Wow. I still can't believe he offered. It's his day off today but he's still willing to accompany me. He should be resting and spending time with his mother. Pero siya naman ang nag-offer kaya...
"Ikaw ang bahala."
Tumango siya at dali-daling bumalik ng kuwadra. Paglabas niya ay isang kabayo lang ang dala niya, ang kabayo ko. Kumunot agad ang noo ko.
"Paano ka?" tanong ko nang makalapit siya.
"Maglalakad na lang ako, Madam. Okay lang."
"What? No. Get another. I won't let you walk."
"Hindi, Madam. Okay lang talaga—"
"No. Get one."
"Hindi, okay lang—"
"I said to get one."
"Okay la—"
"Iiwan kita."
Agad siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Napakurap pa siya at hindi makapaniwala akong tiningnan. He then laughed awkwardly and scratched the back of his head.
"Ito namang si Madam 'di mabiro. Eto na po. Kukuha na."
I rolled my eyes and waited for him to return with another horse. Nang makita ko siyang palabas habang nakasakay sa isa pang kabayo ay sumakay na rin ako sa akin at sumunod sa kanya.
He slowed his horse down so he can keep up with my pace. 'Di ko siya nililingon kahit na ramdam kong nakatingin siya sa akin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"May alam akong lugar na tahimik at 'di gaano maraming tao. Maganda rin ang tanawin. Gusto mo ba ro'n?"
"Saan 'yan?"
"Sa may Mt. Vilan."
I think I remember the place but I can't remember if there's really a spot where we could stay at.
"Aakyat tayo roon?"
Primo chuckled. "Hindi. May pwesto lang do'n na maganda. Puwedeng doon na lang."
Tumango ako at nagkibit ng balikat. Hinayaan ko siyang igiya ako patungo roon. Tumigil kami sandali roon dahil may mga binili pa siya sa daan. Hindi ko alam kung ano ang mga 'yon. Basta ko na lang siyang nakita na may sinasabit sa kabayo.
"Para saan 'yan?" kuryoso kong tanong.
"Makikita mo mamaya." aniya sabay ngiti.
Pinanood ko naman siyang umakyat muli sa kabayo. Nang maayos niya ang pwesto niya ay nilingon niya akong muli nang hindi pa rin naaalis ang kanyang ngiti sa labi.
"Tara na!" aya niya.
My forehead slightly creased. I hope he didn't spend all his money for that. Dahil kung makikinabang din ako sa binili niya, babayaran ko siya.
Hindi naman gaano katas ang inakyat namin gaya ng sabi niya. Totoo ngang may pwesto roon na pupwedeng naming pag-stay-an. Tanaw nito ang magandang dagat ng Isla de Buenavista.
Napapikit ako sa malamig na simoy na hangin. Hindi rin gaano kainit dito gawa nang natatakpan ng mga puno ang sinag ng araw. Bumaba ako ng kabayo at itinali ito sa may puno. Gano'n in ang ginawa ni Primo at siya na rin ang nagbigay ng tubig para sa mga ito.
I sat on the bench. Totoo nga ang sinabi niya na hindi gaano karami ang tao rito. May iilang namamasyal din kagaya namin pero aalis din naman agad. Ang iba ay rito dumadayo para mag-jogging.
"Ganda rito 'di ba?" sabi ni Primo nang maupo siya sa tabi ko.
I nod my head in agreement. Hindi ko alam na may puwesto palang ganito rito. Maybe a lot has changed here during the years I was in Manila. Rito lang ako makakaranas ng ganito kaganda at katahimik na lugar dahil walang ganito roon.
"Balita ko...pabalik ka na ng Maynila ah? Mag-start na rin ang sem n'yo?"
Nilingon ko siya at tumango. "Yes. Kanino mo nalaman?"
"Ah, wala. Narinig ko lang sa mga kasama ko sa trabaho. Good luck! Sana...makapasok ka sa dream law school mo."
I smiled a little. "Thanks. What about you? Napag-isipan mo na ba kung tutuloy ka ng med school?"
"Hmm...naghahanap pa. Suportado naman ako ni Mama kaso...ang hirap niya kasing iwan."
Tumango ako. That's understandable. His mother is sick and she needs someone to look out for her all the time. Kung mag-aaral si Primo sa Maynila, mapapalayo siya at hindi agad-agad makakauwi.
"Isa pa 'yung titirahan ko sa problema. Pero may mura naman sigurong boarding house do'n ano? Iniisip ko rin na kung sakali, mag-working student pa rin ako."
I look at him in surprise. "Kaya mo?"
"Aba! Wala atang imposible sa akin, Madam? Kayang-kaya kong gawin 'yon basta para sa pangarap!" tumawa siya.
Inalis niya naman ang tingin sa akin at itinuon iyon sa harap. I realize how I had it so easy. Hindi kagaya niya, hindi ko pinoproblema ang mga bagay na pinoproblema niya.
I have a condo to stay at whenever I'm in Manila. My parents can get me to whatever school I want. I didn't have to worry about my expenses because everything is already provided for me.
But with Primo...he has to provide everything himself.
"Pero...kumpara sa 'yo na mukhang sigurado na, ako hindi pa. Bukod sa malaking pera kasi, mahabang panahon din ang kailangan kong ilaan para riyan. Hindi ko naman ata kaya na ilang taon pa maghintay bago ko maiahon ang sarili sa hirap."
"But you had business before, right? Naisip mo bang buhayin iyon ulit?"
"Naku! Wala akong interes sa ganyan. Talagang si Papa lang ang magaling sa ganyan. Siguro sipag niya lang ang namana ko sa kanya. At s'yempre...pati na rin ang itsura." Tumawa siya at mayabang akong nginisian at tinaasan ng kilay.
I rolled my eyes. A ghost smile appeared on my lips. I kept my hair in place when the wind blew. Narinig ko naman ang tunong ng plastic, mukhang may kinukuha si Primo.
"O, Madam, bumili ako ng pagkain natin. Baka kasi magtagal tayo rito at magutom ka."
I looked at the banana cue he reached out to me. My mouth parted a bit.
"You paid for this?"
Tumango lang siya dahil 'di siya makapagsalita dahil nakakagat na siya sa banana cue.
"I'm going to pay for this." Sabi ko.
Nang dahil doon ay dali-dali niyang nilunok ang kinakain. Paulit-ulit siyang umiling.
"'Di na, Madam! Libre ko na 'to sa 'yo."
"No. It's enough that you brought me here. 'Di mo na dapat ako binilhan pa. I'm going to pay for those."
"Pero—"
"I said I'm going to pay."
Tumikhim siya at hindi na nakipagtalo pa. I also took a bite from the banana cue he gave me. Sandali kaming natahimik. Hinayaan ko na lang dahil wala na rin namang akong sasabihin sa kanya.
He's usually the one to initiate the conversion. Wala rin naman akong itatanong sa kanya kaya mas mabuti na sigurong manahimik na lang kami.
Mas nauna siyang naubos ang kinakain kaysa sa akin. Sinulyapan ko siya at nakitang inilagay niya ang stick sa loob ng plastic bag. Hindi pa ako nangangalahati ng sa akin.
"Kaya mo pa, Madam?" tanong niya.
Napansin niya sigurong kakaunti pa lang ang nakakain ko samantalang siya at ubos na.
"Ang laki pala nito. Hindi ko alam kung mauubos ko 'to."
For some reason that made him smile. Tumikhim ako at tiningnan ang 'di ko pa nauubos na banana cue.
"Kung hindi mo kaya, akin na ang iba. 'Wag mo nang pilitin at baka sumabog pa ang tiyan mo."
I hesitated. Paano ko ibibigay?
"Uh..."
Natawa siya dahil pansin niya ang pagkawala ko.
"Ubusin mo na muna 'yang may kagat mo. Saka mo na ibigay sa akin. Dahan-dahan lang ha? Baka naman bilisan mo dahil ako ang uubos ng iba? I can wait."
"Okay." Tumango ako at pinagpatuloy na ang pagubos noong part na may kagat ko na.
I can feel him watching me so I didn't dare to turn and look at him back. Nang maubos ko, nilingon ko siya at inabot ang natitira pang banana cue sa kanya. Roon ko napansin na hindi pa rin naalis ang ngisi sa kanyang labi.
Kinuha niya ito mula sa kamay ko. Walang ano-ano pa ay kinagatan niya na ito.
"Is something funny?" I couldn't help but ask.
Umiling siya.
"Wala naman. It's just that it's cute watching you try and finish all that." he suddenly blurted out.
Did he just call me cute?
Mukhang kahit siya ay nabigla sa sinabi niya kaya isang malaking kagat ang ginawa niya para mapuno ang bibig niya at hindi makapagsalita kung sakaling tatanungin ko siya.
"Well, thanks." Sabi ko at ibinaling na sa iba ang tingin.
Halos mabilaukan siya nang dahil doon kaya inabot ko ang tubig niya sa kanya. Tinapik-tapik niya ang dibdib niya. Napailing na lang ako at hinintay na maubos niya iyon.
Matagal kaming nanatili roon. Hindi na rin siya nagtangka na makipag-usap pa at hinayaan lang akong damhin ang katahimikan ng paligid. Pero dahil siguro madaldal talaga siya at hindi niya mapigilan...nagsalita siya pagkatapos ng ilang sandali.
"Parang date pala 'to ano?"
Kunot noo ko siyang nilingon.
"I mean, friendly date." Agad niyang binawi. "Kasi siguro...friends naman tayo, Madam, 'no?"
Ramdam ko ang pag-aalangan niyang sabihin iyon. I just shrugged my shoulders which caused him to pout.
"After pala nito...matagal na tayong 'di magkikita ulit ano? You will be busy in Manila and I have to stay here to study and work."
Hindi pa rin ako nagsalita at hinayaan ko siyang magpatuloy.
"Gusto ko lang magpasalamat dahil hinayaan mo akong makilala ka sa maikling panahon. Masaya ako kung may naitulong man ako sa 'yo." bahagya siyang tumaya.
"You helped me with a lot of things, Primo. I should be the one thanking you." I said without looking at him.
I can even feel his stare. Hindi ko alam kung natuwa o nabigla ba siya sa sinabi ko. It's true though. I should be the one to thank him for being patient with me. For bringing driving me to the farm and back home. For assisting me whenever I need help. I know it's his job but I'm just really grateful.
I don't even know how I will tell him that because I'm not used to expressing my feelings that much.
"I wish I could...keep in touch with you," he whispered.
My breathing hitched. My mouth parted a bit. I don't know how to respond to that.
"I mean...ang sarap mo lang kasing kausap kahit na ang cold mo minsan. Pakiramdam ko ang dami kong matututunan sa 'yo. I hope you're not weirded out by this. I'm just really grateful to be of help to you. Madalas lang kita kasi makita noon at hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng pagkakataon na kausapin ka ng ganito ngayon."
I blinked. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. All I know is that...his words warmed me up a bit. I didn't know someone would still appreciate talking to me despite my short and simple replies. If it were other people, they would immediately label me a snob.
"Ask for my number then," I said which obviously surprised him.
Halos mapaatras siya sa gulat. Napatingin ako sa kanya. Halos matawa ako nang makita ko ang namimilog niyang mga mata. Halatang hindi niya inasahan ang sinabi ko.
"Huh? Pwede?" gulat niyang tanong.
"Why not? You said you want to keep in touch."
Napahawak siya sa kanyang bibig ngayon. I smirked. I reached out my hand.
"Give me your phone."
Namimilog pa rin ang mga mata niya nang tingnan niya ang nakalahad kong kamay. Pero kahit na gano'n ang dali-dali niyang kinuha ang telepono niya sa loob ng kanyang bulsa.
"Sigurado ka? Okay lang?"
Nang kunin ko ito ay agad kong tinipa ang numero ko. "Uh-hmm."
Suminghap siyang muli. I rang my phone using his number so I could save it as well. Binalik ko sa kanyang muli ang telepono niya nang matapos. I tried to hide my smile while watching his reaction.
"Ite-text kita." Sabi niya.
"Okay."
"Kakamustahin kita palagi."
This time I could no longer hide my smile. "Okay."
"Talaga? Okay lang sa 'yo?"
"Ikaw ang bahala."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top