Chapter One

Song: 505 - Arctic Monkeys

Careless 

"Nandiyan na sila! Dali! Payungan n'yo. Bilis!" Nadinig kong pagmamadali ng mayordoma namin sa labas ng sinasakyan naming van.

Nakita ko agad sa labas ng bintana ang pagmamadali ng mga tauhan namin patungo sa van.

From the corner of my eye, I saw Catalina crossing her arms and rolling her eyes. She didn't want to come back here to Isla de Buenavista. But it's her fault why our parents decided that she come back here instead of continuing her studies in Manila.

Kung hindi lang siguro siya nasali sa scandal na 'yon, edi sana masaya niya pang nagagawa ang gusto niya roon.

"I hate it here." I heard her say.

Agad ko siyang nilingon. "Catalina, behave."

Marahas niya akong binalingan ng tingin at tinaasan ng kilay. She then rolled her eyes and continued to sulk. Napailing nalang ako at inalis ang tingin sa kanya nang pagbuksan na kami ng pinto ng van.

I smiled a little to our mayordoma who has been with us ever since we were little. Malaking ngiti ang iginawad niya sa akin.

"Theia! Hija!" Masaya niyang salubong.

Nauna akong bumaba ng van at niyakap siya pabalik. Agad akong pinayungan ng isang tauhan at kumalas ako mula sa yakap niya. Tiningnan ko naman ang kapatid ko na masama pa rin ang loob hanggang ngayon.

Kahit na masaya siyang sinalubong ni Manang Dolores, busangot pa rin ang kanyang mukha at hindi man lang ito niyakap pabalik.

"Oh? Bakit malungkot ka, hija? 'Di ka ba masaya na bumalik ka rito sa probinsya?" Tanong niya kay Catalina.

Catalina only chuckled sarcastically at shake her head. Bumagsak ang balikat ni Manang at yumakap sa kanyang baywang.

"Bakit naman? Hayaan mo, maraming bagong kabayo ang Papa n'yo. Siguradong mag-eenjoy ka."

"I doubt that."

Napailing nalang akong muli at nauna nang magtungo sa hacienda. Natanaw ko ang isang lalaki na nag-aabang sa may bukana ng hacienda.

I haven't seen this guy before so I turned to Manang in confusion. Kumalas siya mula sa pagkakakapit kay Catalina upang ipakilala ang lalaki.

"Uh, mga hija. Si Ali nga pala, apprentice ng Papa n'yo. Rito muna siya sa hacienda habang tinutulungan niya ang Papa n'yo. Ali, si Antheia. Panganay ni Don Victor."

The man immediately stretched his arm out to introduce himself. The man has a stoic expression on his face. Based on his appearance, he seemed older than us.

"Ali." Pakilala niya. Tinanggap ko ang kamay niya at saka nagpakilala.

"Theia." Tumango lang ito at saka bumaling kay Catalina.

Hindi ko maiwasan ang pag-angat ng kilay ko nang makita ko ang titig ng kapatid ko kay Ali. A ghost smile appeared on her face. Siya pa ang naunang naglahad ng kamay.

"Catalina." She said. Her voice sounded a bit...flirty.

I rolled my eyes. God! Not here.

Ali nods his head then he introduces himself after. Nang matapos ang pakikipagkilala ay sa wakas pumasok na kami ng hacienda. Just like what I witnessed growing up in this house, nothing has changed really. Except sa mga bagong furnitures na sigurado akong si Mama na naman ang may pakana.

Habang inililibot ko pa ang mata sa kabuuan ng hacienda ay narinig ko si Manang na iniutos na sa mga tauhan na iakyat ang mga gamit namin. I'm only supposed to stay here in summer kaya kaunti lang ang dinala kong gamit pauwi. Pagkatapos noon ay babalik din ako para ituloy ang huling taon ko sa kolehiyo. While Catalina is going to stay here for good. Dito na niya itutuloy ang kolehiyo dahil ayaw na siyang pabalikin nila Papa sa Manila.

She's just too uncontrollable in Manila. Kahit ako naste-stress sa kanya. It's better if she'll stay here. Mas mababantayan pa siya.

I heard Catalina sigh behind me and heard her muttering something.

"I can't believe I'm really back here. What a torture." She sighed again. This time, disappointment is really evident.

I understand why she's against this. Sa Manila, malaya niyang nagagawa ang gusto niya. Walang pumipigil sa kanya. Pero kung patuloy silang magiging maluwag kay Catalina, mas lalo itong lumalala. She'll need to be restrained. As cruel as it is for her, it's for the better.

Agad naman napabaling ang tingin ko sa may grand staircase nang makita ko ang pagmamadali ni Adela sa pagbaba. A small smile immediately plastered on my face when I saw how excited she is to welcome us.

Mahirap sa kanya na maiwan dito mag-isa simula nang pumasok na rin ng kolehiyo si Catalina. We were used to being together all the time. So, when Catalina went to Manila to study, she told us that the hacienda has never been the same since.

"Ate!"

Mabilis siyang tumakbo patungo sa amin para salubungin kaming dalawa ng yakap. Halos napatinaod kami nang dahil doon.

"Aww! Careful, Adela." Reklamo ni Catalina.

Kumalas si Adela mula sa pagkakayakap sa amin at nakangusong tumingin kay Catalina.

"What's with the mood? Kadadating mo palang, badtrip ka na agad?"

Catalina just frowned and crossed her arms. Adela chuckled and turned to me. I caressed her hair.

"How are you?" I asked.

She smiled widely at us. "Better now that you're here!"

"Plastic!" si Catalina.

"Anong plastic? Totoo ang sinasabi ko!" dipensa naman ng nakababata naming kapatid.

Here they go again. Palagi na lang talaga silang nag-aasaran. Kung hindi magkaaway, ganito naman sila palagi. But I'm glad that they've gotten closer when I left for Manila. Mailap kasi noon si Catalina sa amin gawa nang siya ang palaging napapagalitan nila Papa kaya madalas siyang nasa kwarto lang.

Hindi malaki ang age-gap ko kay Catalina. I'm only two years older than her while I'm eight years older than Adela. Anim na taon naman ang agwat nila ni Catalina. That's why we feel overly protective of our youngest sister.

Habang nag-aasaran pa ang dalawa, dumating na ang mga magulang namin. Nauna akong umayos at nagtungo sa kanila para sumalubong. Nagawi ang tingin ko kay Papa na napabuntong hininga nang makita si Catalina.

Catalina remained standing, not showing any emotions even though I know she was still upset. Umiling si Papa at sa akin itinuon ang atensyon.

"How are you, darling? How was the flight?"

I kissed his cheek. "Ayos lang po, Papa."

"That's good."

Sunod siyang bumaling kay Catalina na hindi man lang nagtangkang lumapit kay Papa. I gave her a look when she glanced at me. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at inalis ang pagkakahalukipkip para sumalubong kay Papa.

"Giving me a cold shoulder now, are you?" nagawa pang sabihin ni Papa. "Your behavior in Manila...you can't do that here. Okay?"

Catalina didn't say anything and just kissed his cheek like it's against her will. Mama disappointingly shakes her head. Gano'n din ang ginawa niya kay Mama na agad namang pinuna ang suot niya.

"What are you wearing, Catalina? Ito ba ang suot mo mula kanina pa?"

Catalina then checked herself and shrugged her shoulders as if there was nothing wrong with her outfit.

"'Di ka gumaya sa Ate mo na maayos ang suot. Hindi kagaya mo na...kulang sa tela."

I opened my mouth to defend my sister. Para sa akin naman wala akong problema sa damit ni Catalina. She can wear whatever she wants to express herself. I know Catalina's going to be upset again because this was the first thing they noticed about her instead of asking her how she is.

"Ma, I think there's nothing wro—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Catalina.

"Can I go to my room now?" tamad niyang tanong.

"Sure, go ahead. Make sure to change before dinner." Paalala ni Mama.

Tumalikod si Catalina sa amin. Natigilan lang nang magsalita si Papa.

"And make sure not to do anything illegal. Masyado nang malaki ang nagastos namin para linisin ang pangalan mo."

Dahan-dahan siyang tumigin muli kay Papa. She was looking at him like she couldn't believe what had just come out of his mouth. She shakes her head disappointingly. She didn't dare to say anything anymore at basta na lang umakyat. She slammed the door shut when she reached her room.

Tinignan ko si Adela at sinenyasan siyang sundan ang Ate niya.

"That kid..." Papa muttered.

"Give her time," I said.

"We already gave too much time to your sister, Antheia. Akala namin magseseryoso na sa buhay kapag napunta ng Manila. Gustong-gusto niya roon 'di ba? Kaya iyan, pinagbigyan. Pero tingnan mo ang ginawa? Dragging our family name in dirt!"

He raised both of his hands in frustration. Pagkatapos ay hinilot ang sentido na para bang na-stress siya ng sobra.

"Did you handle the scandal well?" bulong ni Mama sa akin.

Nanatili ang pagiging frustrated ni Papa. He walks back and forth in our living room while massaging his head. I turn to look at Mama and nod my head.

"I'm pretty sure the articles are gone now."

"That's good. Thank you, Theia." My mother then squeezed my arm. "You must be tired. Magpahinga ka na muna."

I nod my head again. Tinawag naman ni Mama si Manang upang itanong kung naayos ba ang kwarto namin para masiguro na komportable kami roon. Nang sinabi ni Manang na naayos raw ay iniutos niya naman na simulant na ang paghahanda para sa hapunan mamaya.

Humarap naman si Papa sa akin bago ako umakyat. "It's good that you're here, Theia. Mamaya sumama ka sa akin at may ipapakita ako sa 'yo."

"Okay, Papa."

He smiled.

Kahit hindi niya binanggit kung ano iyong ipapakita niya sa akin, may pakiramdam na ako kung ano iyon. Of course, it's about the farm again. We own one of the biggest plantations in the country. Papa is also handling our food production and distribution company very well.

Maayos na ang pamamalakad nito kahit pa si Lolo palang ang may hawak. Pero nang ipinasa na kay Papa, mas lalong gumanda ang standing nito. And I heard he's also planning to go worldwide. Pinag-aaralan pa nga lang kaya hindi pa matuloy.

Kaya nga nang kumalat ang scandal ni Catalina at ng mga kaibigan niya, agad-agad na gumawa ng aksyon sila Papa para hindi na ito umabot pa sa kung kanino at baka masira pa kami. Marami pa namang naghahangad ng pagbagsak niya lalo na ngayon at ang ganda ng estado ng kompanya.

This is why the pressure is on me. Kung maganda na ang pagpapatakbo nito, mas lalong kailangan kong galingan kapag ipinasa na ito ni Papa sa akin. I need to maintain our standing in this industry.

Even though they haven't blatantly told me about their plan, I just know. Alam kong sa akin nila ipapasa ang responsibilidad bilang panganay sa pamilya. They wouldn't give it to Catalina because they don't trust her enough.

Plus, given her recent issue...mas lalo siguro nagkarason sila Papa na huwag munang hayaan si Catalina sa kompanya.

And she's also very...stubborn. Mukha rin namang wala siyang interes sa bagay na 'to. Adela's also too young for this so she's still out of the picture.

Pagkaakyat ko ay nakita ko si Adela na nasa labas parin ng kwarto ni Catalina, sinusubukan pumasok. Nagkatinginan kami.

"Ayaw, Ate."

I sighed. "Just let her."

"Is she alright?"

"No. But she's going to come out soon. Let's just let her."

Tipid na ngumiti si Adela. Nagpaalam naman ako na sa kwarto na muna ako habang siya naman ay pupunta muna sa kuwadra.

"Sunod ka, Ate, kung gusto mo." Excited niyang sinabi.

"I will. Later."

"Okay!"

Nag-ayos at nagpahinga muna ako saglit bago ko sundan si Adela sa may kuwadra. She was petting one of the horses when I arrived. Malaking ngiti agad ang iginawad sa akin at pinalapit ako sa kabayong hawak niya.

"This is Bella. Bago lang siya rito. I'm the one assigned to take care of her."

"That's good. Have you tried riding her?"

Umiling siya. "Hindi pa, Ate. Palaging kay Ranger muna ako, mas sanay na kasi siya sa akin."

At such a young age, she already learned how to ride a horse. Simula nang matuto, hindi na tumigil.

I looked around the barn. Napansin ko na may mga panibagong kabayo na naman si Papa. Some stable boys are busy feeding one of the horses. I don't know what's with Papa and why he has an obsession with horses.

He doesn't even use them for equestrian or polo. Mabuti na lang at mukhang nahihilig si Adela roon kaya may napapaggamitan din ang mga kabayo niya.

Naputol naman ang usapan namin nang dumating si Ali. Sabay kaming napabaling ni Adela sa kanya.

"I'm sorry for interrupting," he said and turned to me. "Pinapatawag ka ni Sir Victor. May pupuntahan daw tayo."

I nod my head and tapped Adela's shoulder. She smiled at saka ako hinayaang umalis. Sinundan ko naman si Ali pabalik ng hacienda

I have never seen this man anywhere before so I wonder where Papa got him.

"I'm sorry but can I ask you a question?"

Nagdahan-dahan siya sa paglalakad nang madinig ako.

"What is it?"

"How long have you been here?"

"Just a month ago."

I just nod. He seemed like the type of person who wouldn't talk unless he was asked to. I guess he's just like me huh?

Malapit lang ang farm sa hacienda. We rode a golf car that was given to Papa during his 50th birthday. Si Ali ang nagmaneho para sa amin. While we were on our way, I couldn't help but admire how different it is here.

I got used to city life ever since I studied in Manila. Busy roon at maingay palagi. I don't usually go out since all I did was study. Unlike Catalina who had the time of her life in Manila. Kaya siguro mas gusto niya roon. Hindi katulad dito na tahimik at payapa.

Agad kaming bumaba nang dumating kami sa farm. I noticed how big the farm has become.

"It's currently 15 hectares of land. Once we start to apply for importation, mas lalaki pa 'to. Architect Ramirez is still studying the land," bumaling siya kay Ali. A smile was plastered on his face.

Ali didn't seem to notice the proud smile my father was giving him since he's busy surveying the area. Kahit isang buwan palang siya sa hacienda, mukhang hanga na agad siya rito.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya nang bumaling siya sa akin. He moved closer to whisper something.

"And soon...this will all be yours."

But I didn't feel happy about that.

Sa halip na mapangiti sa sinabi niya ay nanatiling diretso ang tingin ko at hindi kumibo. My father chuckled. Iniwan niya ako saglit para lapitan si Ali.

Sinundan ko sila ng tingin. Pinanood ko si Papa na may kung anong tinuturo kay Ali. May iilan ding magsasaka na bumabati kay Papa. Papa waves at them and smile. Kaya rin siguro maraming tumatagal sa amin ay dahil maganda ang pakikitungo ni Papa sa kanila.

How will I fill his shoes once he gives up his position for me? He's already done so much better for our company. How will I ever surpass that?

Some think that I should be grateful because my future is already secured once I take his position. But I am. I am grateful for that. It means that my parents trust me enough to give me this responsibility. Pero sa likod noon, may kaakibat na malaking pressure para sa akin.

The moment I felt like they were going to hand me down the company once Papa retires, I immediately thought to myself that I shouldn't fail. That I can't let my parents down. That's also the reason why I'm working so hard to be able to enter law school. Gusto rin kasi ni Mama. Gusto ko rin.

They want me to work as the company's lawyer habang hindi pa binibigay ni Papa ang posisyon sa akin. Sa tingin ko nga sa akin nalang nila ipinapasa ang pangarap na para sana kay Catalina.

I want to go to law school. I think I'll be able to excel in that field. Pero ayaw ko rin namang ipagsabay ang law school sa pag-handle ng kompanya. I'm no superwoman. 'Di ko pa nga nauumpisahan, napapagod na agad ako.

My parents just kept on putting more and more responsibilities on my shoulders because they couldn't trust Catalina enough when I'm certain that she's also capable. She's smart. Kung may interes lang siguro siya at kung pinagkakatiwalaan siya nila Papa, baka sa kanya ipasa itong kompanya.

Baka sa ganoong paraan, mas magagawa ko pa kung ano talaga ang gusto ko.

But I think Catalina is still in the process of figuring out what she wants to do in life. Kahit napilitan sa pinasok niyang kurso, I know she's still doing some self-discovery. I hope my parents would understand that.

Hindi naman kasi lahat alam agad ang gustong gawin sa buhay. I think it's okay that she hasn't figured out what she wants. I hope she knows that it's okay.

Agad naman akong napabaling sa kanila Papa nang tawagin niya ang atensyon ko. He motioned me to come closer so I did.

"I'll introduce you to some farmers."

Tinawag naman ng isa sa magsasakang kausap ni Papa ang mga kasama niya. Nakalapit na ako sa kanila Papa at pumwesto sa tabi niya.

"Primo, dalian mo! Nakakahiya sa kanila Don Victor!"

"Sige po! Teka lang po!" Narinig kong sigaw noong tinawag.

Unang nagpakilala si Mang Rowell. Isa siya sa matatagal nang magsasaka nila Papa. Sinabi niya na iyong tinawag niya ay baguhan pa kaya sobrang sipag. Napunta tuloy ang tingin ko sa kanya at nakita na pinagpapatuloy niya pa ang trabaho niya kahit na tinawag na siya.

Nawala lang ang tingin ko sa kanya nang may nagpakilala pang mga magsasaka sa akin. Hindi ako masyadong nagagawi rito noong bata ako. Ngayon lang talaga dahil siguro gusto na ni Papa ako i-introduce sa magiging trabaho ko sa susunod pang mga taon.

"Tama na 'yan, Primo! Naghihintay si Don Victor at Ma'am Antheia!"

Binalik kong muli ang tingin doon sa lalaki. He looks different than the rest of the farmers. Parang siya ata ang pinaka bata rito. I think we're also the same age so I wonder why he's here working instead of going to school.

Dali-dali niyang binitawan ang wheelbarrow na dala niya. Kahit na hirap sa pagtakbo dahil sa putik, sinikap niya parin na makalapit. Ngunit sa kamamadali niya, bigla nalang siyang natalisod at bumagsak sa putikan.

Nagulat ako at napakurap dahil sa lakas ata ng naging bagsak niya ay naputikan ang damit namin. Napataas ng kamay si Papa. May agad na lumapit sa kanya para punasan ang damit niya.

Habang ako ay naestatwa sa pwesto ko. I'm wearing a white dress for goodness sake!

Dali-daling tumayo iyong si Primo kahit na putikan pa siya. Pinalis niya ang putik sa kanyang mukha gamit ang kanyang braso at hindi makapaniwalang tumingin sa amin.

His mouth parted when he realized the impact of his fall. Napahawak siya sa kanyang bibig at lumapit para humingi ng paumanhin.

"Hala! Pasensya na po! Hindi ko po sinasadya!"

Kay Papa siya unang dumalo. Ngunit dahil madaming lumapit kay Papa ay hindi na siya napansin nito. May isa namang lumapit sa akin para iabot ang isang tuwalya. Hindi ko maalis ang tingin ko roon sa Primo.

Bakit kasi nagmamadali?!

Sa akin siya lumapit ngayon. Napasinghap siya nang makita ang putikan ko nang bestida. Nagkatinginan kami. Parehas na namilog ang mga mata namin. Ang kanya dahil sa gulat. Ako sa inis.

"Sorry, Ma'am!" agad niyang paumanhin.

I gritted my teeth and looked at my now mud-stained dress. Iritable kong ibinalik ang tingin sa kanya. He looked so guilty and embarrassed about what happened. As he should be!

How can such a person be so careless?

"Hindi ko po sinasadya! Nagmamadali—"

Hindi ko na siya pinatapos pa at basta nalang tinalikuran sa inis. Pinagpagan ko ang sarili. May lalapit pa sana pero agad kong tinaas ang kamay ko at hindi na sila pinalapit. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top