Chapter Fourteen
Song: missin u - Tori Kelly
Flirt
I kept on wondering...what he felt when I quickly dismissed him a while ago...
Iyon lang ang natatangging tumatakbo sa isip ko habang nakatigil ang kabayo ko sa tabi ng puno ng Narra.
Hindi ko naman talaga sinasadya na tarayan siya. I guess my feelings got the best of me? Ang sabi ko wala lang sa akin 'yong ginawa niya. It shouldn't even affect me in the first place.
Pero base sa naging reaksyon ko pagkatapos ko siyang makita muli, saka ko lang napagtanto na sobrang apektado ako. I was just too scared to admit that I already got used to him.
Even if I don't reply to his messages all the time, a part of me still waits. Sometimes I just find myself looking forward to his messages.
Hindi naman ako ganito noon. I could live my life without anyone texting me. Hindi naman ako nagpapaapekto kung sakaling hindi rin ako reply-an ng huli kong kausap.
But with Primo...
I don't know what's with him and why I'm suddenly feeling this way towards him. 'Di hamak naman na 'di kami talo. Men like him who are always so bubbly and energetic would only get tired of women like me—cold and dull.
Alam ko naman na may gusto siya sa akin. I don't think he's even trying to hide it? Pero hindi ko lang din maiwasang mapatanong kung bakit ako?
For sure, he already knows a lot of women here. 'Di rin malabo kung madaming nagkakagusto sa kanya dahil base pa lang sa nakita ko noong basketball game nila, mukhang kilalang-kilala siya rito.
There are a lot of women who would definitely match his energy. So...why me? I just don't understand.
At isa pa...bakit din siya?
I'm used to ignoring and rejecting men. Why can't I just do the same with him?
Was it because of our first meeting? I don't think it left a big impact on me. Or was it because of his constant nagging?
Both are very annoying but why do I still talk to him? And now...I'm feeling this...towards him.
May gusto na rin ba ako sa kanya?
I shake my head. What do I even know about that? Hindi ko alam ang pakiramdam no'n kaya hindi ko rin alam.
Should I ask Catalina about it? She has a lot more experience than me. But then...when I thought about it...they're close! Baka ipaalam niya pa sa isang 'yon.
Maybe it's just my head trying to mess up with me. Baka iniisip ko lang na may gusto ako sa kanya pero ang totoo talaga ay wala.
It's impossible...it's really impossible.
"Oh! Hija, hindi ko napansin na lumabas ka pala." Salubong ni Manang sa akin nang makasalubong niya ako.
Nakababa na ako ng kabayo at hinihila na lang ito pabalik sa kuwadra. Tinuro ito ni Manang.
"Teka, hayaan mo na ang mga tauhan ang magbalik niyan."
I shake my head and stopped her. "'Di na po, Manang. Mukhang busy po ang lahat, e. Kaya ko naman po."
Manang gave me an apologetic smile. She rubbed my shoulders gently.
"Oo nga, e. Abala talaga ngayon gawa nang malapit na ang birthday ng Papa mo. Sinisiguro talaga ng Mama mo na magiging maayos ang lahat. Mabuti at may tumulong pala sa 'yong kumuha niyan. Ang alam ko pinaliguan pa ni Primo iyan, e."
My mouth parted a bit. Pinaliguan niya pero dinungisan ko rin agad? But that's his fault since he didn't told me about it!
Si Manang na lang ang sumama sa akin na ibalik ang kabayo ko. Napansin niya siguro ang pagkabahala ko kaya sinubukan niyang pagaanin ang loob ko.
"Naku! Hayaan mo na! Siya rin ba ang tumulong sa 'yo na kunin 'yan kanina?"
"Yes, Manang."
"Mabuti at nagawa ka pang tulungan ng batang iyon! Jusko! Sa lahat ata ng tauhan siya ang pinaka abala! Halos akuin na ng bata ang lahat ng trabaho!"
I turn to her in confusion. "Huh? Bakit po?"
"Ay! 'Di ko ba alam sa batang iyon! Ang alam ko lang ay may pinag-iipunan daw siyang telepono. Nasira kasi at wala siyang magamit at nagsusumikap ngayon baka sakaling makaipon agad-agad ng pangbili."
Is that the reason why he wasn't able to message me? Sira ang phone niya?
How foolish I was even to think that he got bored and suddenly didn't want to talk to me. Ni hindi ko man lang naisip na isa pala ito sa maaaring rason.
Kaya baka rin siya nagmamadali kanina ay dahil may aakuin na naman siyang trabaho. He's really working that hard to afford a new phone.
"Ah...gano'n po ba?"
Tumango lang si Manang at tinulungan na akong ibalik ang kabayo ko sa kanyang pwesto. I closed the gate and stayed at the stable for a while. Nauna na si Manang dahil may kailangan pa raw siyang gawin.
Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Manang. Kahit habang nagpapakain ng kabayo ay iyon lang ang tumatakbo sa isip ko. Is he working hard to afford a new phone so he can...talk to me...again?
I shudder because of that thought. Ang feeling ko naman!
I should've known that Primo isn't the kind of person who would just ignore somebody. Kung ako iyon, baka naintindihan ko pa. Napailing ako dahil para akong nagsisisi sa lahat ng iniisip kong dahilan nitong nakaraang linggo.
Good thing that didn't affect me during my exams. 'Yun na lang ang tanging ipinagpapasalamat ko. Because right now...it's bugging me big time.
Should I at least try and approach him and apologize? Baka iniisip na no'n na galit ako sa kanya! Pero para saan? It's not like I owe him something?
And also, I can't do that. I don't want to look desperate! Ayaw ko nga na ako pa ang mukhang naghahabol ngayon!
"Oh? Theia, ako na lang diyan!"
Sa rami ng iniisip ko ay hindi ko na napansin pa ang pagpasok ni Primo sa loob ng kwadra. Halos mabitawan ko pa ang hawak dahil sa gulat. Kumunot ang noo niya dahil sa reaksyon ko.
"Okay ka lang?"
He gently took what's on my hand away from me. Siya na ang nagpakain sa kabayo ngayon.
"Sige na, Theia, ako na rito. Pasok ka na sa loob." Nginitian niya ako sabay binalik din agad ang tingin sa kabayo ko.
Now that Manang mentioned how he's working extra hard to earn money for a new phone, I immediately noticed how sweaty and tired he looked. Nagpapahinga pa ba siya?
He must've noticed that I've been staring at him so he turned to me. Nagulat ako nang bigla niyang inamoy ang sarili.
"Sorry," tumawa siya. "Ang baho ko na ba? Pasensya na at ang dami lang ginawa."
I was taken a back with that. "No. You smell alright."
He let out a sigh of relief. Binaba niya ang hawak kaya mas nakatuon na ang buong atensyon niya sa akin.
"Kumusta nga pala ang exams mo? Sorry 'di ko na natanong. Bigla kasing nasira ang phone ko."
"I heard..."
"Oh talaga?" Nabigla siya. "Kanino mo narinig? Gusto ko sana na ako ang magsabi sa 'yo para makapagpaliwanag din. I felt bad that you probably wondered why you haven't heard from me. Kaso naisip ko na baka 'di mo rin hini—"
"I waited." I cut him off.
Fuck! Why did I just say that?
Bago ko pa mabawi iyon ay nakita ko na napaangat ang kanyang mga kilay sa gulat. Hindi niya inasahan ang sinabi ko.
"Y-you...waited?"
I gulp. Well, there is no point in denying now. He heard it loud and clear.
"Yeah," I said. "I was wondering why so I thought you got tired of constantly messaging me so I'm sorry if you rarely hear from me. I—"
I didn't even notice that I was already blabbering until he cut me off. It's funny how we both seem desperate to explain our side. Parang kanina lang ay sabi ko ay hindi ko kayang humingi ng tawad sa kanya para sa isang maliit na bagay.
"Hey! Of course not! But you...really waited?" Hindi makapaniwala niya akong tiningnan.
"Yes. Days after I heard nothing from you. Inisip ko lang na baka may masamang nangyari sa 'yo."
He pursed his lips to hide his smile. Napakamot siya ng batok. He seemed to be looking for another thing to say pero dahil siguro hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko, nahirapan siya.
I cleared my throat. Napaangat siyang muli ng tingin sa akin. Tinuro ko ang kabayo ko.
"He's done now, isn't he? I'll get going."
Napaayos siya ng tayo at mukhang nabuhayan ulit ngayon. Mabilis siyang tumango at ngumiti.
"Ah sige, Theia! Pahinga ka na rin."
"You should be the one resting."
"Uy! Concerned!" Asar niya sabay humagikhik.
I rolled my eyes. Well, I'm just worried that he's overworking himself because he wanted to buy a new phone. Hindi na ba 'yon makakapaghintay? Sabagay...marami nga namang purpose ang cellphone. 'Di lang naman niya siguro ginagamit iyon para ipang-text sa akin.
How am I even thinking that his world revolves around me now?
My train of thought vanished when he suddenly tapped my shoulders. Napatingin muna ako sa kamay niya bago ako tumingin sa kanya. Primo smiled cheekily at me.
"Konting hintay na lang makakabili na ako ulit ng phone. 'Di mo na ako mami-miss."
Namilog ang mga mata ko nang bigla niya akong kindatan. Napangisi siya nang makita niya ang reaksyon ko. He cocked his head to the side.
"It's okay to admit that you like talking to me, Theia, 'cause I feel the same. Though I don't get a reply most of the time. Or I'm mostly the one carrying out conversation...I really don't mind it. As long as I can talk to you."
His smirk grew bigger when he noticed that I am lost for words. My jaw remained dropped, unable to counter what he just said. Tiningnan niya ang kabayo ko at marahang hinawakan ito na para bang walang nangyari.
He then just started walking away. What the hell?!
"W-What—" sasagot pa sana ako kaso pagkatalikod ko, wala na siya roon.
I scoff. Did he just blatantly flirt with me?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top