Chapter Five
Song: Running Out of Love - Seafret
Annoying
Agad na may lumapit na mga tauhan sa amin nang dumating kami sa farm. Some even quickly opened their umbrella to shield me from the heat.
May iba na pinaypayan agad ako para hindi mainitan. I raised my hand to tell them that it's okay. I smiled a little before greeting them.
"Good morning, Madam Antheia! Nasabi nga ho ni Primo na pupunta kayo kaya naghanda kami. Uh...ano ho ba ang gusto n'yong unahin, Madam?" tanong ng isa sa mga tauhan.
"Kahit ano po. I just want to see and experience how this works. Sabi kasi ni Papa mas maganda na alam ko ang ginagawa mula sa pinaka baba."
"Naku! Ganyan nga si Don Victor, Madam! Kaya maalam din siya sa mga ganitong bagay dahil madalas siya rito."
I nod my head. I know my father is the kind of person who takes everything step by step. Hindi niya basta muna kinuha ang pwesto niya ngayon, pinag-aralan niya muna ng husto bago niya akuin ang pwesto.
Kaya ganoon din ang gusto niyang gawin ko.
Agad din naman akong nag-tungo sa may taniman. Kita ko kaagad kung gaano karami na ang pupwedeng ma-harvest ngayon. May mga makinarya rin dito kung saan inilalagay ng ibang magsasaka ang naani para mailagay ito sa truck na siyang magdadala sa factory sa malapit.
I looked around and everyone seemed busy. Nakaalalay pa rin sa akin ang iba na para bang isa akong mamahaling bagay na kailangan nilang ingatan. Kahit na hindi na naman na kailangan, pinayungan pa rin nila ako hanggang sa makababa na ako sa may taniman.
"Ingat ka ho riyan, Madam. Baka ma-out of balance ka po."
"No, it's fine." Sabi ko kaso hindi ata nila narinig dahil tinawag nila si Primo.
Nagulat ako nang makitang nagtatrabaho na agad siya. Iba na rin ang suot niya kumpara sa kanina nang hinatid niya ako.
Inangat niya ang kanyang ulo at inayos ang suot na straw hat. May malaking basket din na nakasukbit sa likod niya kung saan niya pansamantalang inilalagay ang mga naani.
"Primo, pakialalayan diyan si Madam!"
"Ah! Sige ho!"
Mabilis akong hinanap ni Primo at nang makita, agad din naman siyang lumapit. Inilahad niya ang kamay sa akin.
"Hawak ka sa akin, Ma'am."
I was hesitant at first because I know I can handle myself. But then he pointed out the tall and spikey leaves from the pineapples, I sighed and grabbed his hand.
Sa halip na tulungan na ako ay napatingin siya sa magkahawak naming kamay. My forehead creased. What is he waiting for?
Nakita ko pang bumuka ang bibig habang nakatitig doon. I nudged him and he quickly raiser his gaze to me.
"What?" I asked impatiently.
Napalunok siya at napakurap. "Ay, sorry. Eto na, Ma'am. Dahan-dahan."
Inalalayan niya ako hanggang sa makaapak ako sa patag na lupa. May isang magsasaka na sumunod sa akin para turuan ako. Hindi ko na inalam pa kung saan nagtungo si Primo pagkatapos dahil naging abala na ako.
It was scary seeing some holding a big knife to make their work faster. Pinapanood ko sila habang ginagawa iyon at mukhang sanay na sanay na sila dahil ang bilis lang din nilang nakukuha ang mga tumubo nang pinya.
But since they didn't want me to get into an unfortunate accident, tinuruan na lang nila ako kung paano anihin ang pinya gamit ang kamay. It was a challenge at the beginning since you need strength to pull it out. But after some time, I got used to it.
May binigay silang basket sa akin kaya roon ko inilalagay ang mga nakuha ko. I smiled to myself after seeing how many pineapples I managed to harvest.
"Isa pa ho, Ma'am?" Tanong ng magsasaka nang mapuno ko na ang isang basket.
"Yes, please," I said and proceeded to harvest another pineapple.
"Madam, pupwede n'yo rin ho pala tikman iyan nang makita n'yo kung bakit patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang tanim namin."
Kumuha siya ng pinya sa basket at saka iyon gamit ang itak niya. Maingat niyang inalis ang balat nito bago niya ako bigyan ng isang piraso. Tipid akong ngumiti bago tinanggap iyon.
My eyes widened a bit because of how it tasted. I have never tasted a freshly harvested pineapple. Sure, we create products from it pero may mga kung ano nang nakahalo roon so I have no idea how it tasted like while it's freshly harvested.
"Sarap 'di ba, Ma'am?" I couldn't help but nod in agreement. "Buti nga ho at hinahayaan kami ni Don Victor kumuha tuwing harvest season. Masayang-masaya tuloy ang mga anak namin dahil madami kaming naiuuwi."
"That's good. At least they get to eat something healthy and fresh."
"Kaya nga po, Ma'am." Bahagya siyang tumawa. "Kaya laking tulong din po ni Sir Victor sa amin dahil 'di niya kami inaabuso gaya ng iba."
Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Yes, I heard others take advantage of some farmers. Iyong tipong sila na nga ang nagtanim at nag-ani pero sila pa itong mas mababa ang nakukuhang kapalit.
Binili mo sa kanila ng dalawang piso pero ibebenta mo ng bente pesos. It just doesn't make sense how capitalists think this is right to treat farmers this way when they are the ones who brings food to our table.
Kung ganoon si Papa sigurado akong hindi ko rin magugustohan ang ginagawa niya. I know we are running a capitalist company but they are still certain ways where you can affirm your worker's right to their labor. Hindi 'yung masyadong inaabuso ang trabaho nila.
If Papa already handles our company so well, how will I pass his level? I have no experience. I don't think I can be as good as him. And people will certainly expect so much of me when the time comes.
How will I prove that I can do it?
Nawala lang ang lahat ng iniisip ko nang bigyan ulit ako ng isa pang basket para sa mga pupwede nang maani. Hindi ko na alam kung ilang oras na ako rito pero mas lalo nang tumirik ang araw ngayon.
I raised my head to wipe my sweat. Sakto naman at kasabay noon ay nahagip ko ang tingin ni Primo. Nakita ko siyang may multo na ngiti sa labi habang pinapanood ako.
Nang magkatinginan kami ay agad siyang nagbigay ng thumbs up na para bang sinasabi niya na maayos ang naging trabaho ko. I just stared at him in confusion.
Hindi niya ata inasahan ang reaksyon ko kaya mabilis ding nawala ang ngiti sa kanyang labi at binaba ang kamay. Nagpanggap siyang abala na ngayon.
Is he really like this? He's so bubbly and so full of life. Kaya hindi ko inakala na sa likod ng mga iyon ay may malaki siyang responsibilidad sa kanyang pamilya.
I wonder how is he able to manage his studies and his work. Mukha pa namang lahat na ata ay pinasukan na niya sa amin. He also seems to be workingfull-timee in order to provide for their needs.
May oras pa ba siya mag-aral?
Natapos lang kami nang oras na para sa tanghalian. Magpapahatid na sana ako pabalik ng hacienda para roon na kumain kaso inaya nila ako na sabayan sila.
Nahihiya naman akong tumanggi kaya pumayag ako. I also felt like it's rude to decline that's why I joined. Naupo ako sa inilaan nilang pwesto sa akin, sa tapat ni Primo. Pinanood ko siya habang abala sa paghiwa ng mga naaning prutas kanina.
"Ganito ho kami minsan kapag nagpapahinga pagkatapos umani. Nagsasalo-salo kami. Kapag nagagawi po si Don Victor, nakikisalo rin ho siya sa amin."
"Oh... I see."
My father seems to have a good relationship with the farmers here. Maybe I should do that, too. Kaso paano ko gagawin 'yon kung palagi kong nasusungitan ang isa sa kanila?
Hindi rin ako ganoon kasanay makihalubilo sa mga taong hindi ko kilala. But then as someone who will managed our company in the future, I used make myself get used to it. Sigurado akong hindi lang mga trabahador ang maaari kong makausap kung hindi possible investors din.
I scanned my eyes through the table. Madami ang nakahain na ulam, mostly mga seafoods. Sinabi nila na nagpadala rin ang hacienda ng pagkain dahil alam nilang nandito ako.
Pagkatapos magdasal ay agad din nag-umpisa sa pagsalo-salo. I waited for them to give me a spoon and fork so I can start but it never came.
Lito ko silang pinapanood. Paano kami kakain nang walang kubyertos? But then I saw them digging the food by hand. Bumuka ang bibig ko. Siguro ganito rin ang kailangan kong gawin.
Nagpasalamat ako sa asawa ng isa sa mga magsasaka nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko. I watch them as they eat to figure out how they use their hands to scoop the food.
Hindi ako sanay dahil hindi naman namin ito ginagawa sa bahay pero hindi ko na lang pinahalata dahil kahit papano ay gusto ko ring makisabay sa kanila.
I tried to peel the shrimp they gave me but it was such a struggle! Ang iba nakakailang sandok na ata ng kanin habang ako, hindi pa rin nakakapag-umpisa dahil hindi ko alam kung paano balatan ito.
If I could onlyaskd for a utensil then I would!
I tried so hard not to show that I am struggling to peel the shrimp. Pero mukhang napapansin ata ng kaharap ko na nahihirapan ako kaya nagulat ako nang bigla niyang agawin ang hawak kong hipon.
Muntikan pa akong mainis dahil akala ko ay nang-aasar lang siya pero hindi ko inakala na kaya niya pala kinuha sa kamay ko ang hipon ay para siya ang magbalat nito para sa akin.
Napatingin ako sa kanya nang matapos siya. Ngumisi siya at inabot ang hipon sa akin.
"Hindi masama humingi ng tulong, Madam." Aniya.
Nanatili akong nakatitig sa kanya nang dahil sa gulat. Hindi ko rin talaga maintindihan ang isang ito dahil sa mga ginagawa niya.
"Kain ka na bago pa sila matapos."
I just nod my head and proceeded to eat my food. At dahil nakita na niyang nahirapan ako kanina, every once in a while, he will peel a shrimp and give it to me.
Kahit na nakikipag-usap at pakikipagtawsnan sa katabi, hindi niya nakakalimutan na pagbalatan ako ng hipon. Minsan siya na rin ang nag-aalis ng tinik sa isdang ibinibigay sa akin.
I usually can do this on my own. I don't need anyone's help especially if I have utensils! Ayaw na ayaw ko pa naman na nagmumukhang kailangan ko palagi ng tulong sa ibang tao. I would rather figure things out on my own than ask for help.
But at that time...I needed Primo. So, instead of pushing my "independent woman" image, I just let him help me until we finished eating.
I stayed for a while to eat more fruits with them. Kinuha ko na rin iyong pagkakataon para kilalanin sila kahit na alam ko na halata na hindi ako sanay sa ganito. At least I'm trying, right?
At least they can see how determined I am to be just like my father. Gusto ko ngayon palang nabibigyan ko sila ng kasiguraduhan na hindi ko sila pababayaan gaya ni Papa kapag ako na ang pumalit sa pwesto niya.
I know that's one of their worries.
"Oh, Primo? Nagbihis ka na ata agad? Aalis ka na?"
Sabay-sabay kaming napabaling ng tingin sa gawi ni Primo nang mapansin siya ng isa sa mga magsasaka.
"Ihahatid na si Madam pabalik ng hacienda, erp! Hinahanap na ni Doña, e."
My mouth parted. Oh! Mama's looking for me? Didn't Papa tell her that I'm going to spend the rest of my day here?
"Ay, gano'n? Ang bilis naman! Ikaw, Primo, uwi ka na pagkatapos?"
"Oo, uwi muna ako saglit para tignan si Mama. Baka 'di pa kumakain, e. Dalhan ko na rin ng prutas sigurado akong matutuwa 'yon."
"Oo nga! Idagdag mo 'to para naman mas lalong lumakas si Crizelda! Heto, hijo."
Tumayo ang asawa ng isa sa magsasaka para kumuha pa ng prutas. Sinubukan siyang pigilan ni Primo pero mapilit siya at inilagay iyon sa dala niyang bayong.
"Naku! Salamat, ate. Siguradong matutuwa si Mama!"
"Walang anuman! Kailangan niya iyan lalo na't hindi na ganoon kalakas ang pangangatawan niya."
Nagagalak na ngumiti si Primo bago ako inaya para ihatid na pabalik sa hacienda. While we were walking towards the golf car, I saw him looking at the fruits he got for his mother.
Kita ko ang saya sa itsura niya na marami siyang maiuuwi. I suddenly wondered how hard it must be for them to adjust from riches to rugs.
"Uh...Primo," I called his attention.
Agad na nawala ang tingin niya sa bayong na hawak para lingunin ako. Sinabayan ko siya sa paglalakad.
"Ihatid mo na muna 'yan sa Mama mo. Saka mo nalang ako ihatid pabalik ng hacienda kapag naiuwi mo na 'yan sa kanya."
Halatang hindi niya inasahan ang naging offer ko dahil umagat ang kilay niya.
"Ha? E, hinahanap ka na ng Mama mo. Baka may importanteng sabihin sa 'yo. Nakakahiya naman kung patatagalin pa."
Umiling ako. "It isn't. Go ahead and bring that home to your Mama. Baka hindi pa siya kumakain. Anong oras na."
Ngumuso siya at tinagilid ang ulo. "Sigurado ka, Madam? Okay lang? Bibilisan ko na lang para maihatid din kita agad pauwi ng hacienda n'yo."
Tumango ako.
"Ah, teka balikan ko na lang ang golf car mamaya. Rito na tayo sa truck sumakay."
Itinuro niya ang lumang truck na nakaparada. Mukhang siya ata ang may ari noon dahil kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa. Inilagay niya ang bayong sa likod bago ako pinagbuksan ng pinto.
Sumakay ako roon. Bago niya naman iyon isara ay nagsalita siya.
"Promise mabilis lang talaga, Madam. Wala pang five minutes."
"You can take all the time you want." I said genuinely. Hindi niya naman kasi kailangang magmadali.
Mama looking and asking for me out of nowhere is so random. Kung may dapat mang magdali umuwi ay 'yun ay kung si Papa ang humanap sa akin.
"Ah, hindi na. Bibilisan ko nalang."
Ngumiti siyang muli bago sinara ang pinto ng truck niya. Sinundan ko siya ng tingin habang paikot siya patungo sa driver's seat. Nang makapasok ay hindi naman siya nag-aksaya pa ng oras at binuhay na agad ang sasakyan.
Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Napairap ako dahil bakit ba madaling-madali siya? Sinabi ko naman na hindi niya kailangang magmadali ah? Gusto niya bang maasikdente kami?
"Hey. Can you slow down a bit?" sabi ko.
Napasulyap siya sa akin bago binalik ang tingin sa daan. Mamaya-maya pa ay naramdaman kong unti-unting bumabagal ang pagpapatakbo niya.
"Sorry..." Bulong niya. "Nakakahiya lang na paghintayin si Doña."
"I told you, it's fine. Gusto mo bang maaksidente tayo?"
"E, hindi naman kasi ikaw ang mapapagalitan. Ako, Madam."
Kunot noo ko siyang nilingon. "Then I'll explain to her. I'm sure it's not that important."
"E, kahit na. Nakakahiya—"
"Primo," I called out his name in a warning tone. I saw him purse his lips. "I told you it's okay. Just drive safely."
Pairap kong iniwas ang tingin sa kanya at saka itinuon iyon sa mga naglalakihang puno na nadaanan namin.
Mamaya-maya pa ay natanaw ko na ang dagat. Lumiko siya at hininto ang truck sa isang maliit na bahay malapit sa dagat. It's not very far from our hacienda.
"Rito ka lang, Madam. Promise, mabilis lang."
Tumango lang ako at humalukipkip. Pinanood ko siya habang nagmamadaling kinuha ang bayong para madala na sa kanyang Mama. Napaayos ako ng upo nang masulyapan ko ang sumalubong sa kanya.
His mother looks very thin. Halatang may sakit nga ito. Siya lang ba ang naiiwan mag-isa riyan habang wala si Primo? But she looks like she needs assistance all the time! Paano kung wala ang anak at may nangyari sa kanya? Sino ang tutulong?
Tinuro ni Primo ang sasakyan niya dahil siguro tinanong ng kanyang Mama kung bakit siya napaaga. Sisilip pa sana ang Mama niya kaso pinapasok na niya ito sa loob para siguro hindi na ito malamigan pa.
Gaya ng sabi niya, mabilis nga lang siya. Wala pa atang sampung minuto ay lumabas na siya. Halos patakbo na ang ginawa niyang lakad sa pagmamadali.
Sinundan ko siya ng tingin habang binubuhay niya ang sasakyan.
"Kumain na naman pala. Tara na, Madam. Sorry natagalan."
"It's okay." I said simply. "Nagawa mo ba lahat ng kailangan mong gawin?"
Tumango siya habang abala sa pagmamaniubra ng sasakyan.
"Oo, mabuti at kumain na si Mama. Hinainan ko na lang ng prutas bago umalis. Tuwang-tuwa nga, e."
Napansin ko sa mga mata niya ang saya. Maliit na bagay lang iyon pero parang ang laki-laki na para sa kanila. I can't help but get curious about what happened. It must be so hard for them. Bakit kaya biglang nangyari 'yon?
I know I'm not the type of person to ask about other people's lives. Pake ko sa kanila. Wala naman akong kinalaman sa problema nila kaya bakit ko aalamin?
Pero ewan ko ba. Sa mga oras na 'to, parang 'di ko mapigilan mag-tanong. Gusto ko lang malaman kung paano napapagsabay-sabay ni Primo ang lahat ng ito.
"Can I ask a question?"
"Hmm?" Sumulyap siya sa akin. "Ano 'yon, Madam?"
"Kapag nasa trabaho ka, sino ang naiiwan sa Mama mo?"
"Ah...siya lang mag-isa, Madam."
"But she's sick." Nagugulohan kong sinabi.
"E, wala naman kaming pera pambayad sa mag-aalaga." Napakurap ako. "At isa pa, ayaw rin ni Mama. Kaya niya pa naman daw. Minsan inaagahan ko na lang ang uwi para may kasama siya. Kapag 'di kaya, pinapakisuyo ko na lang sa mga kapitbahay. Bakit, Madam?"
"Nothing. I'm just curious. But how about when you have classes?"
"Hindi ako kumukuha ng schedule na whole day ang tapos. Half-day lang lagi para napapagsabay pa ang trabaho at pag-aaral." Tinaasan niya ako ng kilay at saka ngumisi.
That's such a hussle to him. Buti at nakakaya niya. At hindi ba siya made-delay? I don't know how it is here pero hindi ba't pahirapan pang kumuha ng schedule? Unless you're in a block sections. But it doesn't seem like he's in one.
"I see. What are you studying?"
Mangha niya akong binalingan ng tingin. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil bigla-bigla siyang titingin ng ganyan na para bang may mali sa tanong ko.
"Ikaw, Madam, ha? Curious ka na ba sa akin?"
Napairap ako sa kawalan. Oh, please!
"If you don't want to answer it, then don't."
"Grabe! Ang sungit naman. Joke lang, e." Medyo natatawa niyang sinabi. "Pero BS Biology course ko, Madam. Medyo graduating na next year. Gusto ko sanang ituloy sa pagdodoktor kung papalarin."
Hindi ko inasahan 'yon. I didn't know he drrams of becoming a doctor. Akala ko naman nasa business din siya. Wala ba siyang plano buhayin muli ang kompanya nila? That could help them!
"There are scholarships for med school. You should apply if you want to become a doctor."
"Pag-isipan ko muna. Marami rin kasing gastos kung sakaling papasok ako. Wala rin namang med school na malapit. Halos sa Maynila pa lahat ng magaganda. Kapag gano'n kailangan ko pang humanap ng tirahan. At isa pa, walang maiiwan kay Mama kaya 'di pa ako sigurado."
Hindi ako sumagot. It sucks that he needs to consider a lot of things before he decides if there's still a need to pursue his dreams. Samantalang ako, halos ihain na sa akin ang lahat masiguro lang na makapasok ako ng law school next year.
"Ikaw, Madam? Balita ko mag-law school ka raw ah? Galing naman!"
Saan niya naman napulot 'yan? Sobrang chismoso niya ba para pati 'yan ay alam niya?
"It's not as fun as you think it is."
"Bakit? Ayaw mo ba talaga mag-law?"
"It's not that I don't want to pursue it. I know I will excel in that field. What makes it not fun is when there are people who expect so much of you. Paano kung hindi ko pala kinaya? Ano ang sasabihin nila?"
"Pakealam mo sa mga 'yon? 'Di naman sila ang magpapaaral sa 'yo, e."
I scoffed. 'Di mo lang alam na 'yung magpapaaral pa mismo ang malaki ang expectations sa akin. Kaya nga gusto ko rin muna sanang magtrabaho para makaipon.
Gusto kong ako ang magpaaral sa akin para kung bumagsak man ako, walang magagalit. Walang maisusumbat sa akin.
But then...they want me to enter as soon as I graduate. And it seems like I can't do much about it.
"Alam mo, same with med school! It's not as fun as you think it is! Ang daming kailangang isakripisyo kung ipagpapatuloy ko. Isa na 'yung trabaho. Kung papasok ako, 'di na ako makakapagtrabaho. Baka ikamatay ko pa 'yon kung ipagsasabay ko sila kahit na kailangan ko ng pera. Kaya nga sana makakuha ng scholarship. Malaking tulong din 'yon."
"You can do it. You seem bright."
"'Yun oh!" Tumawa siya. "Halata ba sa akin na matalino ako?"
Inismiran ko siya at umirap. Napailing ako.
There he goes again. Seryoso ang usapan, biglang ganyan. What's the matter with him?
"So annoying," I whispered under my breath.
Nagulat ako nang tumawa siya. Mataray ko siyang binalingan ng tingin. Narinig niya ata ang sinabi ko pero pakealam ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top