Mission 9

Warning

I wake up in the same position that where I layed. Tulog pa si Alexus ng magising ako. Nakahilig sa sa upuan habang mahimbing na natutulog.

Inangat ko ng maingat ng hindi siya magising, bigla naman akong napatigil ng makita ko ang kawatan ko. Unti-unti ng nawawala ang mga pasa sa katawan ko gawa ng laban kahapon. Hindi na din ganon kasakit kapag gumagalaw ako.

Tinigil ko ang pag galaw at ipinagpatuloy ang pagtayo. Napatingin naman ako sa wall clock na nasa taas ng kabinet ko.

"6 o'clock" Mahinang banggit ko ng makita kong anong oras na. Tahimik akong bumaba sa sofa saka tumayo. Tinignan ko naman ang ayos ni Alexus sa sofa. Mukhang magkakastiff neck ito kapag hindi ko pa siya inayos.
Medyo ayos naman na ang pakiramdam ko. Ayos lang naman siguro kung bubuhatin ko siya.

Lumapit ako sa pwesto niya saka siya dahan-dahang itinaas para buhatin palipat sa kama. Nang maihiga ko na siya sa kama, kinumutan ko siya bago pumunta sa tapat ng kabinet ko. Matapos kong pumili ng damit ko pumasok na ko sa C.R.

Pagkapasok ko sa loob nabigla ako ng humarap ako sa salamin. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin dito. Kulay pulang mga letra ang nakasulat sa salamin.

'DEATH!' Malalaking letra na nakalagay doon. Sa bandang ibaba ng salamin may nakasulat na maliliit na letra.

'dfg'

Napatitig uli ako sa taas' Death' basa ko uli sa nakasulat dito. Sino naman ang may gawa nito? May nakapasok ata sa kwarto ko habang tulog kami? Kung meron man, sino? Anong pakay niya? Bakit?

Madaming tanong ko sa sarili at isip ko. Napahawak naman ako sa ulo sa sobrang daming tanong na tumatakbo dito. Napatitig uli ako dito, saka kumuha ng isang tabong tubig at binuhusan ito. Saka kumuha ng pangpunas para mabura ito.

Kung sino may gawa nito, anong pakay mo? Is this has something to do?

Arghhh makaligo nalang nga. Pero habang nasa ilalim ako ng shower hindi ko parin maalis sa isipan ko yun. Imbis na mahimasmasan habang naliligo mas lalo ko tuloy na naaalala yun.

Namarahan kong pinunasan ang mukha ko ng bigla kong marinig na bumukas ang pintuan ng C.r.

Ang bagong gising na mukha ni Alexus ang niluwa nito. Naglalakad siya habang nakapikit pa ang mata niya. Gumigiwang pa siya habang naglalakad.

Napatigil naman ako sa pagpupunas at sumandal sa gilid ng cr para panoorin siya. Napahinto naman siya sa tapat ng salamin, napahawak sa magkabilang gilid ng lababo. Mahina naman akong napatawa ng humikab siya. Nagmuni-muni pa siya bago maghilamos.

Nang matapos siyang maghilamos kinuha niya yung extra kung bimpo saka pinunas sa mukha niya. Pagkalingon niya sa akin gawi, napatigil siya.

"Ahhhhhh!!!!" Tili niya

Napatakip naman ako ng tainga ko, takte ang ingay ng babaeng ito.

"Ano ba pwede bang tumigil ka na sa kasisigaw mo!" Inis kung suway sa kanya. Tumigil naman siya saka napahawak sa bibig niya.

Nang matahimik na siya, tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa tainga ko.

"Buti naman at natahimik ka na!" I said to her in a monotone voice

Tulala parin siyang nakatingin sa akin. Anong meron sa babaeng ito, nasapian na naman ata ng pagkabaliw.

"Ano?" Iritable kong tanong sa kanya.

Tinuro naman niya ang katawan ko. Napatingin naman ako sa tinuro niya, ayos naman nakatakip ang dapat takpan.

"Anong problema mo sa ayos ko? Normal ito sa lalaki" Plain kong sabi sa kanya bago siya nilagpasan at lumabas dala-dala ang damit ko.

Pero bago siya nakalabas pinigilan ko na siya.

"Hep! hep! hep! dyan ka na muna sa loob magbibihis ako" Utos ko sa kanya sabay turo sa loob ng C.R.

Tahimik naman siyang napatungo, saka sinara ang pinto nito. Hay! nako ang babaeng iyon. Makapagbihis na nga lang.

"Pwede ka ng lumabas dyan" Sigaw ko sa kanya

Narinig ko naman ang pagclick ng pinto ng C.R.

"Ano ayos ka na?" Tanong ko sa kanya

Pero tulala parin siya ng makalabas sa C.R. Nakakapagtaka ang babaeng ito.

"Anong problema mo?" Takang tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin bago ako nilagpasan saka nahiga uli sa kama. Huh? Problema non?

Takang sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nakahiga na siya.

Makapaglinis na nga muna dito sa loob ng kwarto ko. Parang binagyo na naman sa kalat eh.

Naghanap sa loob ng kwarto ng panglinis pero wala, baka nasa storage room ng building namin.

"Hoy! lalabas lang ako ha! kukuha ng panlinis" Paalam ko sa kanya bago lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko, kita ko ang mangilan-ngilan na mga kasama ko sa labas. They are busy kung sa ano mang bagay na ginagawa nila. Magmomonitor lang naman kami ngayon baka pwedeng malate.

Habang pababa ako mula sa second floor, nakasalubong ko si Marygold.

"Pres." Tawag niya sa akin

"Bakit?" Casual kong sagot sa kanya

"Mauna na kami sa may Security Building. Nasa dulo lang yun ng F.A.T. Building" Sagot niya sa akin

"Ok" Malumanay kong sagot saka siya nilagpasan.

Bago pa ako makalagpas kay Marygold, may anino akong naaninag mula sa first floor. Parang nagslow motion lahat pagkatapos ko iyong makita pero kaagad din nawala.

"May problema ba Pres.?" Takang tanong sa akin ni Marygold na ilang baytang na ang layo sa akin.

Binalik ko ang tingin doon tsaka siya sinagot.

"Wala" Maikling sagot ko

"Sige mauna na ako, pupuntahan ko pa sila Lee" Paalam niya bago tuluyang umakyat.

Napatingin uli ako sa may first floor sa gilid ng hagdan kung saan ko huling nakita ang anino. Baka naghahallucinate lang ako, epekto ng gamot na binigay sa akin.

Umiling nalang ako saka nagpatuloy sa pagpunta sa storage room ng building. Nang makaabot ako sa tapat ng Storage room.

Pagkahawak ko ng doornob, pinihit ko ito at lumikha ng nakakatakot na ingay. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, bumungad sa akin ang napakadilim na paligid.

Pumunta ako sa gilid ng pinto para hanapin ang switch kung meron man. Nang mahanap ko na saka ko pinindot, katulad ng mga ibang ilaw. Makailang beses munang kumirap-kirap ito bago tuluyang lumiwanag ang buong paligid.

Pero bago tuluyang umilaw ang bumbilya, nakakita uli ako ng parang anino ng tao. Bigla akong kinabahan sa naaninag ko pero ng bumukas na ang ilaw, wala na ito. This is not halllucination, or imagination. Dalawang beses ko ng nakita eh.

Pilit kong iniwaksi yun sa isipan ko at kinuha na ang pinuntahan ko dito. Nang mahanap ko na ito, sabay ko silang kinuha. Papaikot na ako para umalis ng biglang namatay ang lahat ng ilaw.

Bigla naman akong nilukob ng kaba sa nangyari. Nanatili ako sa pwesto ko ng makarinig ako ng ingay sa paligid.

May kung anong nahulog sa sahig na lumikha ng ingay. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinakiramdaman ang nangyayari sa paligid ko.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng may maramdaman ako sa likod ko. Naugat ako sa kinatatayuan ko, nanigas sa lamig na nararamdaman ko.

"Cy~~~rem~~~" Bulong niyang tawag sa akin saka tinapat sa tainga ko. Kakaibang lamig ang dumapo sa kaliwang tainga ko.

Napapikit ako ng maramdaman kong lumipat ito sa harap ko. Who is this? Anong kailangan niya sa akin?

"Die!" Huling sabi niya bago bumalik ang lahat sa normal.

Napamulat ako sa nangyari, parang hindi makapaniwala sa nangyari sa akin. Nasa ganoong pwesto parin ako ng ilang minuto bago ako dali daling umalis sa lugar na yun.

Hinihingal akong humino sa huling baytang sa ikatlong palapag. Mabilis parin ang tibok ng puso ko.

Sino yun? bakit gusto niya kung mamatay! Kalaban ba siya?

Bigla akong napatalon ng may humampas sa likod ko.

Gulat akong napalingon sa lingon ko.

"Anong nangyayari sayo, Pres?" Takang tanong sa akin ni Jelly

Napailing nalang ako saka napabuntong hininga.

"May nangyari ba, Pres?" Mahinahong tanong niya sa akin. Napapadpad uli sa isipan ko ang nangyari. Should I tell her? She's my comrade pwede naman diba?

"Kanina kasi ma---

"Jelly!!" Tili ng isang paparating na boses. Naputol naman ang dapat kong sabihin kay Jelly dahil may sumigaw.

Si Gummy pala yung sumigaw. Humahangos siyang palapit sa amin.

At nang makalapit siya sa amin hingal na hingal siya. Bakas din sa mukha niya ang takot!

"Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong

Bigla siyang napatigil saka namutla. Bago nanginginig na tinuro ang direksiyon ng kwarto niya.

"Anong meron doon?"Kaagad kong tanong

Sa halip na sumagot, yumakap nalang siya kay Jelly. Tumingin muna ako sa kanila bago pinuntahan ang kwarto nilang dalawa na sa pinakadulo nitong palapag.

Habang papalapit ako sa kwarto nila, bumabalik ang kabang naramdaman ko habang nasa storage room.

Sana mali ang iniisip ko. Sana walang kinalaman iyon.

Pero ang lahat ng pinapanalangin ko ay naglaho ng makita ko kung ano ang nasa loob ng kwarto nila.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa kisame ng kwarto nila. Kulay pulang sulat ang nakalagay dito. At ang nakasulat ay 'Die', katulad ng binanggit sa akin kanina sa storage room.

Sa nakita ko mas lalong gumulo ang utak ko. Mas dumaming tanong na gumugulo sa isip ko.

Muli akong napatitig sa kisame. Sinong bang may gawa nito?

Sinarado ko uli ang pinto ng kwarto nila bago bumalik sa pwesto nila.

"Doon muna kayo sa kwarto ni Alexus, habang nasa kwarto ko pa siya. Ipapalinis ko sa iba ang kwarto niyo" Saad ko sa kanila.

Tumungo naman si Gummy habang si Jelly nakakunot ang noo.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanila.

"Hindi mo ba ipapaalam sa iba?"Kinakabahan niyang tanong

"Ipapaalam ko pero hindi sa ngayon" Sagot ko bago huminga ng malalim "Lalo't pa hindi ko alam kung para saan yun" Pahabol ko sa kanila.

"Umakyat na kayo at magpahinga ako na ang bahala dito" Utos ko sa kanilang dalawa.

"Sige Pres. Mag iingat ka!" Paalala sa akin ni Jelly

"I will" Sagot ko sa kanya, tumango naman siya bago tuluyang umakyat habang inaalalayan si Gummy.

Napatitig uli ako sa dulong kwarto kung saan ako galing.

"Paano nila nailagay yun?"Takang tanong ko sa sarili ko.

"Pres.!" Tawag ng isang seryosong boses mula sa likod ko.

"August!" Banggit ko sa pangalan niya.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. Baka narinig niya ang pinag uusapan namin kanina.

"You heard it right?" Tanong ko sa kanya saka tumingin uli aa direksiyon sa dulong kwarto.

"Yeah, bakit hindi mo pa ipaalam sa iba?" May halos inis niyang tanong sa akin.

Pinasok ko sa bulsa ang dalawa kong kamay bago sumagot sa kanya.

"Cause not everyone can you trust!" Seryoso kong sagot sa kanya saka lumingon sa gawi niya.

"What do you mean?"May bahid ng kabang sagot niya

"What I mean, hindi lahat ng andito ay kakampi natin. Minsan nag papanggap lang para makaisa sa atin" Sagot ko habang naalala ang payo sa akin ni Sir Maxim.

"So, you mean baka isa sa atin o isa sa ka-building natin ang may kagagawan non?" Tanong niya sa akin

"Hindi imposible, pero hangga't hindi pa alam kung anong motibo mananatili muna ito sa atin. Hindi dapat lumabas lalo na sa ibang building" Paalala ko sa kanya

"Okay" Maikli niyang sagot "Pero ano ba ang nakita mo doon?" Curious niyang tanong

"Die"

"Die?"Takang tanong

"Hmm that's what written on their ceiling" Sagot ko saka naglakad patungo sa koridor saka humilig sa hamba nito.

"Maybe it something to threaten us?" Hinala niya at gumaya sa akin

"Maybe" Wala sa sariling sagot ko.

Pagkatapos non, binalot kami ng katahimikan. Pero kaagad din nawala ng makarinig kami ng kalabog mula sa ikalawang palapag.

Nakatinginan kaming dalawa bago sabay na nagsalita.

"Ano yun?"Sabay namin tanong sa isa't-isa.

"Tignan natin" Yaya ko at naunang bumaba sa hagdan. Mabilis ang naging pagbaba namin mula sa ikatlong palapag. Pagkarating namin, isang kwartong bukas ang pintuan ang nakita namin.

"Tara tignan natin kung ano ang nasa loob" Malakas na loob niyang yaya sa akin.

Pangatlo mula sa kanan ang kwartong may bukas na pintuan ang pinuntahan namin.

Nauna akong pumasok bago siya sumunod. Madilim ng pumasok kami.

"Buksan mo, nasa gilid ng pinto ang switch" Utos ko sa kanya

"Okay" Reply niya saka binuksan ang ilaw.

Napasinghap kami sa nakita namin.

"Anong gusto nila?"Kinakabahang tanong ni August ng makita ang kukay pulang sulat katulad din ng nakita ko .banyo namin at sa kwarto nila Jelly.

Pare-parehong nakasulat, anong ibig sabihin. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Anong gagawin?" Nanghihina niyang tanong sa akin.

"I don't know" Nanghihina ko ding sagot. Bakit? bakit nangyayari ito? Ano bang ibig sabihin nito?

Lumipas na ang maghapon, mag gagabi na pero yun parin ang nasa isip ko. Nalinis na namin ang mga nakasulat na yun, wala ng bakas. Pero ang iniwang palaisipan ang nanatiking bakas sa aming nakakita.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Alexus na kanina pa ako tinititigan.

"Oo" Maikling sagot ko sa kanya.

"Sinungaling!" Nakasimangot niyang sabi.

Hindi ko nalang siya sinagot busy pa ang isip ko sa bagay na yun. Maraming posibility na iniisip kong tama si August na baka those written are use to threaten us. Maybe because were new here or it has up to something?

"Ano ba yang iniisip mo at masyadong malalim kong makabuntong hininga ka?" Curious ngunit may bahid ng inis na tanong niya sa akin.

"Huh? Ah wala yun no, nevermind that. May sinasabi ka ba kanina?"Pag iiba ko ng topic.

"Your changing the topic, what it is?" Pilit niyang tanong sa akin. At lumapit sa gawi ko.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo"

"At bakit?"Nakahalukipkip niyang tanong habang nakataas ang isa niyang kilay.

"Kasi bawal" Palusot ko.

"Ah talaga?"Badtrip niyang sabi

"Oo"

Sinamaan muna niya ako ng tingin bago umalis sa tabi ko. Lumipat siya sa kabilang upuan at masama parin akong tinignan.

"Nga pala ngayon gabi dito ka muna matutulog. Habang sa kwarto mo sila Jelly ar Gummy" Pag papaalam ko sa kanya ng bigla kong maalala ang sinabi ko kila Jelly kanina

"At bakit?" Mas lalo siyang nacurious.

"Basta!" Tangin sagot ko sa kanya bago tumayo saka lumabas.

Humilig uli ako sa may hamba ng koridor. Nakapikit dinadama ang ihip ng hangin.

Nang buksan ko ang mga mata ko isang imahe ang nakita ko. Isang nakaitim na lalaki ang nakatingin sa akin mula sa may mapunong bahagi ng school.

Sa mga tingin nito parang may mensaheng ipinararating. Ngunit hindi ko mawari kong ano yun. Hanggang sa naglaho siya na parang bula.

At sino naman yun? Tanong ko sa sarili ko.

"Huh!" Gulat kong sambit ng may tumapik sa balikat ko.

"Oh sorry bro, nagulat kita" Paghinga kaagad ng tawad ni August.

Humilig din siya katulad ko. Malayo ang tingin, malalim ang iniisip.

"Still thinking those?" Tanong ko sa kanya

"Yeah, my head can't stop playing thise image of those have we seen" Malungkot niyang sagot.

"I see, you having a hard time to dealing forgeting those kind of things, right?" Tanong ko sa kanya

"Yep, photographic memory" Half smile niyang sagot.

Natahimik ako sa sinabi. He has that kind of memory. Maraming gustong magkaroon niyang pero ang meron ganyan minsan hinihiling na mawala.

"Can I ask something?" Maingat kong tanong sa kanya

"Yes" Kaagad niyang sagot

"Sa case mo, may posibility na kung ayaw niyo na makita o maalala pa yung isang bagay na nakita niyo, nabubura o hindi na?"Curious kong tanong

"Sana, pero mukhang malabo eh. Kahit ayaw na ng utak ko na maalala,magfaflash back parin sa isip mo ng hindi inaasahan. Kaya ang sagot dyan sa tanong mo eh hindi" Malungkot niyang sagot.

"I see" Tumatango kong sagot.

"Naawa ka ba sa akin?" Matalim niyang tingin sa akin

"Me? Bakit naman?" Balik kong tanong sa kanya.

"Sure ka!" Hindi niya naniniwalang sagot.

"Kung ayaw mo di wag" Sagot ko saka tumalikod.

'Tsk' Rinig kong hasik niya.

"May clue ka na abot doon?" He random ask me

"Yeah, pero hindi pa sure!" Sagot ko habang nakayuko.

Sabay kaming napabuntong hininga. Umupo nalang ako sa sahig habang nag iisip ganon din ang ginawa niya. Tahimik lang kaming nakaupo sa may sahig ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Anong ginagawa niyo dyan?" Mataray niyang tanong sa amin

"Nakaupo duh!" Sagot ko sa kanya

Napasinghap siya bago uli nagsalita.

"Alam ko, malamang nakikita ko diba!" Inis niyang sabi

"Alam mo naman pala bago nagtatanong kapa" Bored kong sagot sa kanya

Kita ko ang pagpipigil niyang sumigaw dahil gabi na. Hanggang sa hindi niya kinaya at nabigat ang mga hakbang na lumapit sa akin. Anong balak nito?

"Aray!" Daing ko ng pokpokin niya ang ulo ko.

"Buti nga sayo!" Inis niyang sabi bago mabilis na bumalik sa loob.

Ito namang katabi ko tawang tawa.

"May nakakatawa?"Badtrip kong tanong sa kanya. Umiling lang siya pero nagpipigil ng tawa. Badtrip ko naman siyang tinignan.

Kapasura bayte ay uh!

Hindi parin siya tumigil sa katatawa hanggang sa ubuhin niya.

"Psh karma" Parinig ko sa kanya.

Masama naman niya kung tinignan. Tignan mo ito siya na itong nang aasar sa akin siya pang may ganang titigan akong ganyan.

"Oh bakit?" Maangas kong tanong sa kanya.

Sasagot sana siya kaso kaagad kong naputol ng makita ko sa gilid sila Jelly.

"Oh bat gising pa kayo?" Nag aalalang tanong ko sa kanila.

Kinakabahan naman tumingin sa akin si Gummy habang tahimik naman si Jelly.

"Can't sleep?" Hula ni August

Sabay naman silang tumango. Lumapit din sila sa amin at nakiupo.

"I see, we are bother becausw of that" Saad ko sabay tingin sa kanila.

"Ahmm" Kinakabahan saad ni Jelly

"Bakit Jelly?" Tanong ko ng makita siyang kinakabahan

Napalingon muna siya sa paligid bago kinakabahang nagsalita.

"I saw someone earilier his wearing black hood. Covering his half face tangin bibig niya lang ang nakita ko na parang may sinasabi" Kinakabahan niyang kwento sa amin.

"Nakita mo din pala siya" Seryoso kong sabi. Nanlalaking mata siyang tumingin sa akin.

"Yep, I saw him bago ka dumating, August" Pagkukuwento ko.

"Where!" Kaagad na tanong ni August

"Sa mapunong bahagi ng school" Sagot ko. Kaagad siyang tumayo saka tinignan kong saan ko nakita yung lalaking kinuwento ni Jelly.

"Wala na!" Inis niyang sabi.

"Sino kaya yun?" Takang tanong ni Gummy

"Parang alam ko na kung ano yun nakita natin kanina!" Biglang saad ni August

"Ano?"Sabay sabay naming tanong sa kanya.

"I think that was a Warning" Sagot niya

Napatigil naman kaming lahat, warning? For what?

"Para saan?" Takang tanong ni Jelly

"That we don't know" Mahinang sagot ni August. Natahimik uli kaming lima.

Nag iisip kong bakit magbibigay sila ng Warning.

"Mas mabutu sigurong magpahinga na tayo. May klase pa tayo bukas" Utis ko sa kanila

"Mabuti pa nga!" Sang ayon ni August saka tumayo na, pati sila Jelly ay tumayo na rin.

"Good night Pres."

"Good night din" Balik na bati ko sa kanila bago pumasok sa loob ng kwarto.

Sinigurado ko munang nakalock ang pinto bago ako dumeretso sa pagpasok. Nakita ko naman ang seryosong mukha ni Alexus habang nakaupo sa higaan.

Takang tinignan ko siya bago pumunta sa mga bintana at nilock ito.

"Anong drama mo dyan?" Seryoso kung tanong sa kanya.

Tinignan niya ako bago umirap. Itong babae na ito tinutupak na naman.

"Umayos ka nalang nga at ng makatulog na tayo. May pasok pa tayo bukas" Utos ko sa kanya.

Masama parin ang tingin niya sa akin habang umaakyat sa kama. Nakatagilid siyang humiga sa akin.

Pagkahiga ko saka ko lang naramdaman ang pagod para sa araw na ito.

Kung sino ka man anong kailangan mo bakit nagpadala ka ng Warning sa amin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top