Mission 8

Heal

Cyrem'S POV

Patuloy parin kami sa paglalakad pabalik ng building namin. Halos makaagaw pansin na kami sa ibang naglalakad o di kaya ay nakatambay lang.

Hindi lang dahil sa lagay namin kung hindi sa ingay namin. May ibang nagtatawanan, nag aasaran at nagkakantahan. Hindi naging ganon kasama ang resulta ng unang laban namin. Kahit alam naming baguhan kami at least na kaya kaming lumaban. Sugatan man ang iba, andyan naman ang iba para alalayan kami.

Hindi ito ang inaakalang makikita pagkatapos ng laban. Ang inaasahan ko ay mag iiyakan, sisihan o ano pang pwedeng negatibong gawin. Pero lahat ng yung ay isang akala lang.

"Anong ningingiti-ngiti mo dyan?"Nakasimangot na tanong sa akin ni Alexus.

"Wala lang" Nakangiti ko paring sagot.

"Baliw" Bulong niya pero parang sinadya para marinig ko.

Napailing nalang ako sa kanya. Nasa gilid ko parin siya nakaalalay. Hawak ang kanan kong kamay nakaakbay sa balikat niya habang ang isang kamay niya nakapulupot sa katawan ko.

"Press. malala ba ang tama mo?"Tanong sa akin ni Marygold

"Hindi naman gaano" Sagot ko sa kanya

"Buti naman kung ganon" Saad niya na para bang nabunutan ng tinik sa leeg.

"Eh! ikaw Alexus, ayos ka lang ba?"Concern niyang tanong sa katabi ko.

"Oo, ayos na ayos. Kita mo nga oh naalalayan ko pa si Press" Magiliw niyang sagot kay Marygold.

"Okay, sige doon lang ako sa iba" Paalam niya saka pumunta sa direksyon ng iba.

"Hindi mo ba pansin?" Biglang tanong sa akin ni Alexus

"Ang alin?"Sabay tingin ko sa kanya.

"Yung galawan ni Marygold" Pabulong niyang turan sa akin.

"Galawan?"Takang tanong ko

"Oo, hindi mo ba pansin o sadyang manhid ka?" Iritang tanong niya sa akin. Hm? Galit na siya.

"Hindi pansin ang ano?"Takang takang tanong ko sa kanya. Napatampal naman siya ng noo niya.

"Hindi mo pansin na may hd yang si Marygold sayo" Mahinahon niyang paliwanag.

"Hd? paano mo nasabi?"Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Simple lang kapag ikaw kausap niya, para siyang maamomg pusa kung umasta" Nakabusangot niyang sagot.

"Tsk... wag mo kasing pansinin ng pansinin kung naiinis ka" Natatawang saad ko sa kanya.

"Hmmm!!!" Nagtatampo niyang saad at natahimik na.

Medyo malapit nalang ang natitirang daang tatahakin namin. Nakikita ko na ang building namin.

"Malapit na tayo!"Anunsyo ng nasa harapan.

Sari-saring komento naman ang narinig ko mula sa kanila. May ibang natuwa, may ibang nagrereklamo.

"Malapit na tayo Press" Biglang saad nitong katabi ko.

"Hm...malapit na" Sagot ko saka tinignan ang building namin.

Pero nang malapit na kami sa bukana ng building namin,biglang may humarang sa daad namin kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Ow looks here ang mga baguhan" Panunuyam ni Zyra sa amin.

Nanatili naman kaming tahimik, wala siyang nakuhang pabalik na sagot kaya medyo na inis siya.

"Aw mukhang kawawa kayo ngayon" Patuloy niyang pang aaway sa amin.Pero kahit ni isang salita ay wala siyang nakuha kaya.

"Mga walang kwenta!" Inis niyang sabi bago padabog na umalis.

"Asar talo" Komento ng isa sa amin.

"Kaya nga hahaha"Tawanan nila at mukhang narinig niya kaya bumaling uli ang tingin niya sa amin. Kaagad naman silang tumigil saka inosenteng tumingin sa kanya kaya tumalikod nalang siya uli.

"Siya na itong nangaaway siya pa yung galit!" Inis na saloobin ni Mice

"Kaya nga"Segunda naman ni Jelly

"Nako hayaan niyo na"Saway naman sa kanila ni Ulyzza.

"Wag niyo ng pansinin yun tara na ng makapagpahinga na tayo" Yaya ko sa kanilang lahat. Na kaagad nilang sinang ayonan.

Balik kami sa paglalakad patungo sa building namin. Nang makarating kami laking pasalamat ng iba dahil sa wakas ay makakapagpahinga na.

"Mag sipagpahinga na kayo para bukas makabawi kaagad ng lakas dahil may task tayong gagawin maliwanag?" Tanong ko sa lahat

"Yes Press!" Sabay sabay nilang sagot.

"Now dismiss" Anunsyo ko kaya kanya kanya sila ng direksyon papunta sa kani-kanilang kwarto.

"Tara na" Yaya ko naman kay Alexus

"Okay" Sagot niya saka nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"So saan tayo bukas?"Tanong niya sa akin habang paakyat kami sa pangalawang level ng hagdan.

"Hindi ko pa alam tanungin nalang bukas si Marygold" Sagot ko habang nakafocus sa dinadaanan namin.

"Okay"Sagot uli niya saka kami uli natahimik.

Hanggang sa makarating kami aa kwarto ko.

"There" Saad niya ng maingat niya akong pinaupo sa kama.

"Arghhh sa wakas" Sabay talon niya sa kama ko. Hinampas ko naman siya sa pwet niya.

"Hoy!" Saway ko sa kanya

"Aray! ko naman Press. Bat ka nanghahampas" Inis niyang baling sa akin.

"Tabi dyan, ako ang hihiga" Pagtataboy ko sa kanya. Pero sa halip na umalis siya ay mas hiniga pa niya yung katawan niya. Tumalihaya siya saka ibinuka ang kamay at paa.

Masama ko naman siyang binalingan. Pero dinilaan niya lang ako. Nangbubwesit na naman ito.

"Tabi dyan o dadag anan kita?"Pananakot ko sa kanya. Pero wah epic ipinikit pa niya yung mata niya.

"Haishh!!Umusog ka nalang pala at gusto ko ng magpahinga, masakit ang katawan ko" Mahinahon kong sabi sa kanya. Ginawa naman niya at binigyan niya ako ng space na paghigaan.

"Ahh!" Saad ko ng mailapat ko na ang likod ko sa kama. Sandali pa akong lumikot bago natana ng nakahanap na ng tamang pwesto.

"Hoy!"Kuwit ko kay Alexus pero walang tugon akong natanggap. Ng sinilip ko ay tulog na siya, malalim narin ang paghinga niya, marahil ay pagod din.

Shaks nakakapagod ang araw na ito. Bukas naman ay medyo makakapagpahinga kami dahil magmomonitor lang ata kami may time pa para magpahinga.

Unti-unti narin akong hinila ng antok. Hanggang sa nakatulog na ako.

Gabi ng makagising ako,napatingin naman ako sa katabi ko tulog parin. Mukhang napagod sa laban nila ni Kail. Medyo bihasa kasi yung lalaking yun kaya nasampulan itong babae na ito. Naapply naman niya yung sinabi ko sa kanila ni Shaylie.

Tatayo na sana ako ng bigla niyang pinulupot ang braso sa dibdib ko. Isiniksik ang ulo sa leeg ko pati ang paa nakadantay sa binti ko.

"Oh- oh!" Gulat kong saad.

Hindi naman ako makagalaw ng maayos dahil sa pwesto niya.

"Sweet!" Puri ng isang malambot na boses. Gulat naman akong napatingin kung nasaan nanggagaling ang boses na yun. Isang babae nakaputi ang nakatayo mula sa may pinto ng kwarto ko. Seryoso siyang nakatitig sa amin. Kung anong amo ng boses niya, siya naman kabaligtaran ng itsura niya.

Ibubuka ko palang ang bibig ko para magtanong pero napatikom uli ng sinagot niya ang tanong na itatanong ko palang.

"Kanina pa ako dito, pinapanood ang pagtulog niyo" Simple niyang sabi saka humakbang ng ilang hakbang.

"Masakit pa ba ang katawan mo?"Tanong niya ng matapat sa akin.

"Ahh, oo" Maikli kong sagot sa kanya.

"Kung ganon kailangan mo ng magamot" Seryoso niyang sagot saka lumayo sa akin. Sinundan ko naman siya ng titig kung saan siya patungo.

Nagtaka naman ako ng dumeretso siya sa may pintuan. Saan siya pupunta?

"Lalabas lang ako saglit kukuha ng pang gamot, babalik din kaagad ako. Kaya siguraduhin mong gising na ang kasama mo para magamot kita ng maayos" Bilin niya sa akin bago tuluyang umalis.

Bigla naman akong napatingin sa katabi ko. Gigisingin ko na ba ito? o hindi? Baka naman mag super sayan ito kapag ginising ko.

Sinundot ko ang pisngi niya kung magigising ba pero wa epic. Ganun siya kapagod? Unulit ko uli yun hanggang sa mapilitan siyang gumising.

"Ano ba!!!" Reklamo niya sa akin pero nakasiksik parin ang ulo sa leeg ko.

"Gising na, gagamutin ako ng babaeng nakaputi kanina" Bulong ko sa kanya.

"Hmm, nakaputi?"Inaantok niyang tanong.

"Oo"Sagot ko

"Nasaan na siya?"Tanong niya saka inangat ang ulo, saka inaantok na tinignan ang paligid.

"Wala naman eh" Inis na saad niya saka binalik ang ulo sa leeg ko at mas siniksik pa.

"Malamang umalis siya, babalik siya dito mamaya dala na yung panggamot. At sabi niya kailangan pagdating niya dapat gising ka na" Dahilan ko sa kanya

"Hmm sinabi niya yun?"Nahihimigan niyang sabi.

"Oo nakita niya kasi yung ayos mo"Mapang asar kung sabi sa kanya.

"Huh?"Takang sagot niya

"Tignan mo kaya yang ayos mo"Utos ko sa kanya.Bigla naman niyang inangat yung ulo niya saka tingin sa ayos niya. Gulat naman siyang napatingin sa akin.

"See" Nakangisi kung sabi sa kanya.

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin. Saka isa-isang inalis yung paa at kamay niya sa akin pero ang ulo nanatili sa leeg ko.

"Mamaya na ako babangon kapag dumating na yung babaeng sinasabi mo" Sabi saka binaba uli ang ulo.

"Okay" Sagot ko

Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto ng makarinig kami ng katok sa pinto. Sabay naman kaming napatingin doon.

"Andyan na ata" Sabay naming sabi.

Bigla naman bumukas ang pinto saka nilabas ang babaeng nakaputi kanina. May dala siyang bag, seryoso naman siyang tumingin sa amin. Nilapag niya yun gamit niya sa may lamesa saka tumingin sa amin.

"Umayos na kayo" Utos niya sa amin.

Napabangon naman kaming dalawa,saka naupo ng maayos.

"Gab? Tama?"Tanong niya sa akin.

"Yes" Sagot ko. Napatango naman siya saka inayos na lahat ng kakailanganin niya. Nagtaka naman kami ng pumunta siya sa may cr. Pero mas nagtaka ng lumabas siyang may dalang planggana.

"Anong gagawin niya dyan?"Bulong na tanong sa akin ni Alexus.

"Ewan" Sagot ko sa kanya.

Natahimik naman kami saka pinanood siya sa ginagawa. Naglagay siya ng tubig na galing sa bag siya sa planggana saka siya nagbanggit ng ibang language. Pagkatapos non ay tinapat niya yun kamay siya sa taas ng planggana tapos ay nag simula siyang gumawa ng bilog na sign.

Ilang saglit lang ay itinaas niya ang kamay niya kasabay ng pagtaas ng tubig na nakahulma na bilog. Napanganga naman kaming dalawa sa ginawa niya. Pagkatapat ng lumutang na tubig na hugis bilog may nilagay siya sa loob nito saka kumulo at naghalo yung bagay na nilagay niya doon.

"Alexus!"Tawag niya kay Alexus.

"Po"Gulat niyang sagot.

"Lumapit ka dito"Saad niya saka lumingon sa gawi namin. Tumayo naman siya saka lumapit doon.

"Umupo ka"Utos niya. Sinunod naman yun ni Alexus.

Lumapit siya kay Alexus saka tinapat ang kamay sa ulo nito bago uli nagbanggit ng kakaibang language. Pagkatapos naman niyang sabihin yun parehas na umilaw ang kamay at bilog na tubig. Kulay Bughaw ang kulay nito.

Pero kaagad din nalawa, saka niya hinawakan ang bilog na tubig. Inabot niya ito kay Alexus.

"Inomin mo ito mabisa itong panggamot sa sakit ng katawan" Utos niya sabay bigay kay Alexus nong tubig. Nag aalangan pa siyang kunin ito.

"Hawakan mo na hindi yan puputok" Sabi niya kay Alexus nang marealize siguro kung bakit ayaw pa niyang hawakan. Hinawakan naman na ni Alexus ito saka itinapat sa bibig. Sa pag inom niya siya ding pagliit ng tubig hanggang sa maubos ito ay nawala din.

"Arghh!"Daing niya saka hawak sa dibdib. Napatayo naman ako kaagad sabay lapit sa pwesto niya.

"Anong nangyayari?"Kinakabahan kong tanong sa kanya.

Nanatili naman siyang kalmado habang si Alexus hindi na makahinga dahil sa sakit.

"Huwag kang mag alala, panandalian lang yan. Yang ang unang epekto ng gamot pero sa paglipas ng oras magiging okay din siya" Mahinahon niyang sagot saka tumalikod sa amin.

"Ha-ha-ha" Hinga na daing ni Alexus.

"Ayos ka na?"Nag aalala kong tanong sa kanya. Umiling siya bilang sagot kaya hinilig ko siya sa katawan ko.

"Ikaw na"Saad niya ng nakatalikod siya.

Inantay ko siyang sabihin ang gagawin ko, na kaagad din naman niyang sinabi.

"Tanggalin mo ang damit mo, ng makita ko kung saan bahagi ng katawan mo ang malala ang tama" Utos niya habang nakatalikod parin. Marahil may kung anong gamot na naman siyang ginagawa.

Lumayo ako ng kunti kay Alexus at tinanggal ang damit ko. Doon ko lang din nakita ang mga pasang natamo ko sa laban. Mukhang aabutin pa ako ng ilang araw bago makabawi ang katawan ko.

"Ang dami mo palang pasa" Mahinang saad ni Alexus. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ayos ka na? Hindi na ba masakit?"Nag aalala ko paring tanong sa kanya.

"Medyo" Nanghihina niyang sagot.

"Rest"Utos ko sa kanya siya namang sumandal siya sa sandalan ng kinauupuan namin.

"Okay"Bigla niyang sabi sabay lingon sa amin. Nakita ko namang may hawak siyang mga dahon.

"Humiga ka!"Utos niya, dahil medyo mahaba itong kinauupuan namin. Ginawa kong unang ang hita ni Alexus sabay higa ng maayos.

Tumayo siya sa tapat ko saka tinapat ang kamay sa katawan ko. Nag banggit uli siya ng kakaibang lengwahe.

"A mimik klo supis do..." Banggit niya habang nakapikit tapos niya ginalawa ang kamay niya sa taas ng katawan ko. May kakaiba naman akong naramdaman sa katawan ko. Yung unknown feeling na hindi ko maintindihan.

Ilang saglit lang ay umilaw uli ang kamay niya pero this time puti ang lumabas sa kamay niya. Nanatili iyong nakatapat sa katawan ko. Doon ko lang narealize na nakalutang na pala ako halos ka level ng kamay niya.

Pagkamulat niya saka ako dahang dahang bumaba. Pagkatapos non ay inilagay na niya yung mga dahon hawak niya sa parte kung saan may pasa. Sa bawat lagay niya may init akong nararamdaman galing sa dahon. Hindi naman ganon kainit pero sa dami nito sa katawan ko para akong pinapaso sa init.

"Urghh!" Mariing daing ko.

"Tiisin mo lang" Payo niya sa akin.

"Matagal ba ito bago mawala!"Daing kong tanong sa kanya.

"Medyo, pero kaagad ka namang gagaling kaya magtiis ka muna" Sabi niya saka inayos ang mga gamit niya.

"Huwag mong tatanggalin yan hangga't hindi nawawala ang init na nararamdaman mo. Pagnawala na ang init doon mo lang pwedeng tanggalin ang dahong nilagay ko sa katawan mo" Saad niya habang nag aayos parin ng mga kagamitan niya. Ibinalik naman niya ang palanggana na kinuha niya sa cr kanina.

"Pagkatanggal mo huwag ka munang mag gagalaw ng maggagalaw. Mag pahinga hangga't maari. Dahil hindi ibig sabihin na nagamot na kita kaagad na mawawala yang mga pasa mo. It's take time for that to heal. But don't worry hour or days lang yan mawawala din" Paalala niya.

"By the way, I'm Madi Cin ang healer or mas kilala bilang medic sa University na ito. Kung may kailangan pa kayo pumunta lang kayo sa clinic ko na malapit sa may dome. Have a great night Warriors" Mahinahon niyang saad bago tuluyang umalis sa kwarto ko.

"Ang lupet ng pangalan niya ha!" Pansin ni Alexus sa pangalan nito.

"Hindi ko na nga pinansin eh"

"Wag mo ng sabihin uli yun baka marinig ka, parang may mind reader powers yun" Banta ko sa kanya

"Ok"Sagot niya at sumandal uli. Nanatili naman akong nakahiva dahil hindi parin nawawala yung init na lumalabas sa dahon.

'Arghhh tiis lang Cyrem, pagkatapos ng sakit na ito gagaling ka rin. It has to deal with pain before you heal' Kausap ko sa sarili ko.

"Hindi pa nawawala?"Concern niyang tanong

"Hindi pa" Nakapikit kong sagot.

"Kung ganon matulog ka na total gabi na, bukas nalang natin yan tanggalin" Utos niya sa akin.

"Okay" Mahinang sagot ko dahil nahihila narin ako ng antok. Hanggang sa hindi ko napigilang pumikit at nakatulog na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top