Mission 7

First fight

Cyrem'S POV

Nasa Combat Training Building na kami naghahanda na para first training namin

"So guys kilala niyo na ako diba ?"Tanong niya sa amin

"Yes Sir "Sagot namin

Tinignan muna niya kami bago siya uli nagsimulang magsalita

"So ang first muna nating gagawin ay mag warm para di mabigla ang katawan niyo sa gagawin natin pagsasanay "Pag iinform niya sa amin
Pumuwesto siya sa harap ng room

"Form a 6 lines"Utos niya

Ginawa naman namin gumawa kami ng anim na linya nasa unahan ako katabi ko si Babaeng ginto sa kanan sa kaliwa naman si Alexus sa likod ko si Shaylie .Kaming mga nasa matataas na pwesto sa pagiging Officer ng building ang nauuna sa pila.

"So nakalinya na kayo, ikaw"Turo niya sa akin

"Yes sir "Sagot ko

"Iyang Linya niyo humarap ka sa kaliwa niyo"Utos niya sa amin

"Ok po "Sagot namin at humarap na kami sa kaliwa.

Inayos niya muna ang lahat ng linya. By pairs ang magiging kinalabasan nito.

Ibig sabihin si Alexus ang magiging pair at kalaban ko. Ng naayos na siya lahat nag umpisa na siyang magdiscuss.

"So sila ang magiging patners niyo at the same time magiging kalaban niyo sa training na ito" Simula ni Sir Julius

"So bago tayo magsimula, mag wawarm up muna tayo" Saad niya

"Sundan niyo lang ang sasabihin ko"Utos niya habang naglalakad palibot sa amin.

"Yes sir" Sagot namin

Nagsimula na siyang mag utos ng gagawin namin. Mula sa ulo hanggang paa ang ginawa naming warm up.

Sa una isa isa ang naging pag wawarm up. Yung sumunod ay by pairs na.

"Ang first ay Push up" Sabi niya sa amin

"Get your patners, sila ang magbibilang sa inyo kung hanggang saan ang maabot niyo" Utos niya sa amin

Kaya kanya kanya kami ng kuha ng patner namin. Ito kami ngayon magkaharap.

"Sino mauna?"Tanong ko sa kanya

"Ikaw na"Sagot niya

"Okay" Sagot ko at pumuwesto na para mag push up.

Ng nakapwesto na ko, agad akong nagsimula.

"Isa...Dalawa...tatlo..." Mabagal niyang bilang

Tagaktak na ang pawis ko ng makatapos ako ng 50 push up.

Napadapa ako sa pagod at mabilis ang paghinga ko. Humiga ako at tumayo na.

Tinignan ko siya saka sinenyasan na siya na. Kaagad naman siyang pumuwesto at nagsimula na.

Nagstart narin akong magbilang hanggang sa huli niyang pag angat

"Forty" Bilang ko ng hindi na niya kaya pa.

Napahinto naman siya habang nasa ganon position pa. I hand her a hankerchef. She take it at nagsimula ng punasan ang pawis na lumabas sa kanya.

Ng matapos ang lahat nag iba na naman ng gagawin. Hanggang sa matapos kaming mag warm up.

"Break muna, pahinga kayo dahil after niyong magpahinga at sasabak kayo kaagad sa labanan" Anunsyo niya sa amin

Nagulat kami doon dahil unang klase namin sa kanya laban kaagad. Samo't saring komento ang narinig ko sa mga kasamahan ko. Pati ang pag aalala ni Sharlie ay narinig ko.

Nagkatinginan naman kami ni Alexus. Kapwa nangungusap ang mga mata namin.

"Sana naman hindi yung by pair kanina" Kinakabahan niyang sabi

"Sana nga" Saad ko

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kabuilding ko. Bakas sa kanila ang takot dahil sa unang laban.

Lumabas si Sir sa room dahil breaktime. Bigla naman lumapit sa akin ang mga kasamahan ko.

"Labanan na mamaya paano yan?"Nag aalalang tanong ni Shaylie

Napatingin naman ako sa kanya. Nag isip kong paano ito sulosyunan. Napabuntong hininga naman ako.

"Gawin niyo nalang ang makakaya niyo mamaya sa laban. Kung hindi kaya wag niyong pilitin na gawin. Kung anong lang kaya niyong gawin yun lang. Para hindi kayo ganon maapektuhan kapag tapos na ang laban. Naiintindihan niyo ba?"Tanong ko sa kanilang lahat.

"At sa mga sanay naman na kung alam niyo mahina ang makakalaban niyo. Magbigay kayo ng konsiderasyon ngayon dahil unang laban natin pero sa mga susunod pang laban doon niyo na ilabas ang lakas niyo. Naiintindihan niyo ba ?"Tanong ko sa mga oldies na andito.

"Oo naman pres."Sagot nila sa akin

"Good, now sa mga oldies dyan kumuha kayo ng tig dadalawang newbie para turuan. At sa may alam sa pakikipaglabanan kumuha na din kayo ng tuturuan para kahit papaano may pangdepensa sila kapag nagstart na tayong mag labanan mamaya pagkabalik ni Sir, maliwanag?"Tanong ko uli sa kanila

"Yes, Pres."Sabay sabay nilang sabi saka nagsimula na silang magturuan.

"Nice one Pres."Puri sa akin ni Alexus

"Tseh! mag sanay ka nalang dyan" Saad ko sa kanya

"Shaylie!"Tawag ko sa kanya, kaagad naman siyang lumapit sa akin.

"Ready?"Tanong ko sa kanya. Napatango naman siya saka ngumiti. Gumilid naman si Alexus para pagbigyan kami ng space para magtraining.

"Position!"

Hinakbang ko ang kanang paa ko patalikod at hinanda ang kamay ko sa harap. Ganon din ang ginawa niya.

"Maging alerto ka sa bawat galaw ng kalaban mo" Saad ko sabay amba ng suntok sa mukha niya. Nanlaki naman ang mata niya saka siya namutla.

"Sabi ko sayo maging alerto ka, anytime pwedeng umatake ang kalaban mo kahit hindi ka pa handa" Pangaral ko sa kanya siya namang tulalang napatango.

"Ulit" Utos ko saka kami uli pumuwesto.

"Tandaan mo ang sinabi ko sayo" Paalala ko sa kanya, saka ako biglang tumalikod para umupo saka pina-slide isang kung paa para patumbahin siya. Gulat naman siyang napaupo.

"Arghh" Daing niya ng matumba siya.

"Tsk, sa ginagawa mong yan malabong manalo ka sa kalaban mo. Ang malala baka ikaw ang matamaan ng matindi kaya maging alerto ka, yan ang palaging tandaan mo" Bilin ko uli sa kanya.

Saka siya inalokan ng kamay para tumayo, inabot naman niya ito. Pagkaabot niya, pinaikot ko ang kamay niya saka tinuhod ang likod ng tuhod niya at napaluhod ng isa niyang paa.

"Ahhhh!"Daing uli niya.

"Isa pa never trust your opponent, they never help you remember that" Saka ko siya pinakawalan.

Pagkatalikod ko sa kanya, saka ko lang napansin na napahinto sila at nakatingin sa amin.

"Anong tinutunganga niyo, mag insayo na kayo!" Sigaw kong utos sa kanila, natauhan namin sila kaya dali-dali silang nagsibalikan sa kanya-kanya nilang gawain.

"Ano kaya pa?"Tanong ko kay Shaylie ng makatayo na siya.

"Kaya pa" Sagot niya saka pumuwesto uli. Mukhang nagaganahan na ito ah masubukan nga uli.

"Game!" Seryoso niyang sabi.

Inabangang ko siyang sumugod, Hinakbang ko ang isa kong paa. Kaagad naman siyang umatras, wrong move. Ng umatras siya bumuwelo naman ako sa pag ikot, saka itinaas ang paa papunta sa mukha niya. Pagkaharap ko namutla uli siya.

"Walang maitutulong sayo ang ganyang gawain mo" Pangaral ko uli sa kanya sabay baba ng paa ko.

"Kung parati kang ganyan, sinasabi ko palang sayo ngayon, hindi ka mananalo" Umiiling kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang napayuko sa sinabi ko.

"Hindi lang pagiging alerto ang gawin mo, kailangan mo din ipredict ng gagawin ng kalaban mo. Kung nauna kang kumilos maging alerto ka na, at kapag nahuli ka na gumawa ka ng paraan para makawala ka. Kung hindi ka iisip ng ibang paraan, talo ka" Seryoso kong turan sa kanya bago binalingan si Alexus.

"Alex! Ikaw na magpahinga muna saglit si Shaylie" Tawag ko kay Alexus na natulala na sa may gilid. Napaigtad naman siya at kaagad na pumunta sa harap ko.

"Position"

Lumayo naman siya ng ilang dangkang sa akin. Bago pumuwesto, at naghanda.

Bumuwelo ako saka hinakbang ang kanan kong paa. Mabilis naman siyang umatras. Bumuwelo ako uli saka umatake ng suntok. Nakailag naman siya sa ginawa ko pero napatumba siya ng nagbend ako saka ini-slide ko ang kaliwang paa ko.

"Arghhh!"Daing niya ng mapaupo siya. Tumayo ako saka nagpagpag ng damit.

"Nice defense but be more flexible" Puri ko sa kanya, tumayo naman siya kaagad.

Pumuwesto uli siya ganon din ang ginawa ko. Sa pagkakataong iyon siya ang unang umatake. Bumuwelo siya saka pinang atake niya ang paa niya gaya ng ginawa ko. Sinalag ko ito sa hinawakan bago ko pinaikot kasama siya.

"Arghh" Daing niya ng bumagsak siya.

"Don't be impulsive when it come to attack, hindi mo kilala ang kalaban mo. Maaring inaantay ka niyang umatake para mabasa ang galaw mo. Bago ka niya atakihin pabalik" Pagbibigay ko sa kanya ng advice.

"Shaylie!"Tawag ko uli sa kanya kaagad nan siyang humarap sa akin.

"Ito ang tandaan niyo mamaya sa labanan. Dahil unang labanan palang ito, ito ang kailangan niyong tandaan.
Bago kayo umatake kilala niyo muna ang kalaban niyo sa paraang pagtitig sa mata nito minsan doon nababasa ang sunod nilang galaw. Kapag kayo naman na ang umatake lagi kayong umisip ng counter attack niyo para kapag umatake uli siya may laban kayo. At kapag alam niyong hindi niyo na kaya, huwag ng pilitan pa kung ayaw niyong mas lalong masaktan. Hindi sa lahat ng laban kailangan ipanalo, dahil minsan may labang kailangan ipatalo kung hindi na kaya dahil may laban pang para sa inyo tandaan niyo yan" Paalala at bilin ko sa kanila. Tumango naman sila para bang sinasabing kuha nila.

Sakto naman pag pasok ni sir Julius. Kaya napaayos at bumalik na kami sa dati namin pwesto.

"Ahem, sinong secretary niyo?"Tanong niya sa amin

Nagtaas naman ng kamay si Jelly o Jia kung tawagin namin.

"Isulat mo lahat ng name ng kabuilding mo. Saka magbubunutan tayo kung sino ang magiging magkalaban" Utos niya kay Jia

"Yes sir" Sagot niya saka kumuha ng papel at ballpen. Saka isa-isa ng sinulat ang pangalan namin. Lumapit siya sa iba at isinulat ang mga pangalan nila. Hanggang sa natapos na at ginupit nila ito bago tinupi at nilagay sa isang fish bowl.

Binigay yun kay sir saka niya inalog. Pagkatapos ay simula na siyang bumunot ng random name.

Nagsimula mula kina Lee at Mice. Gaya ng sinabi kanina, laking pasalamat ko ng ginawa nila. Wala masyadong napuruhan maliban nalang sa parehas na magaling. Ngayon naoobserbahan ko kung sino ang pwedeng magtraining sa iba kapag nagsimula na kaming magturo sa iba.

Halos matapos na ang lahat pero pangalan ko hindi parin natatawag. Nakakapagtaka naman eh lahat ng name namin sinulat doon. Inantay ko uli pero hanggang sa natapos ay hindi natawag ang pangalan ko.

"Press, bat di nabanggit ang name mo?"Bulong na tanong sa akin ni Alexus. Kunot noo naman akong tumingin sa kanya.

"Oo nga eh, nakakapagtaka" Sagot ko sa kanya saka lumingon sa gawi ni Sir. Man nasesense akomg balak niyang gawin. Mula sa kinauupuan niya sa harap namin tumayo siya saka nag ayos ng damit.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko tinawag ang pangalan ng presidente niya?" Tanong niya sa amin, kanya kanya naman kami ng tango.

"Dahil ganito ang mangyayari, kami ng president niyo ang maglalaban" Anunsyo niya, sabi ko na eh yan ang balak niyang gawin. May nakita ako kanina na papel na binaba niya ng binunot niya ang pangalan ni Alexus.

"So Mr. President, please forward to the center. And where going to start the duel" Yaya sa akin ni Sir.

Is he trying to test me? or something beyond from that?

Tumayo na ko saka pumuwesto sa gitna gaya ng sabi niya. Pumuwesto din siya sa harap ko. I close my fist at nilagay sa harap ng tapat ng dibdib ko bago nagbow. Pagkatapos ay nagready na kami.

I observe him by looking at his eyes. Pinakiramdaman din ko siya kung kailan siya aatake. And in one swift move nagpakawala siya ng atake takte at muntikan na ako doon. Buti nalang nakailag ako, inayos ko naman ang sarili ko saka nag unat ng kunti.

Mabilis siyang kumilos sabagay trainor siya. Bihasa na siya pagdating sa ganitong galawan. Ng makabawi ako doon, ako naman ang umatake. From the front umikot ako patalikod saka nagpakawala ng isang sipa. Pero gaya ng inaasahan ko nasalag niya yun. Agad kung binaba saka ginawa ang counter part ng atake ko. Sa paa ko naman siya inatake, na hindi niya inaasahan kaya nabatumba siya.

Hooo puntos Cy! pero wag kang pakampanti. Umpisa pa lang ito, may nakatagong lakas pa. And the fight continue, nagpalitan kami ng atake, minsan natatamaan ko siya minsan ako. Gaya kanina nataaman niya ako sa dibdib. Medyo masakit yun ah, pero tuloy parin nasa kalagitnaan palang kami kaya hindi pa pwedeng sumuko.

Nagtagal ng ilang oras ang labanan namin bago ako sumuko. Di ko na kaya masyado siyang malakas para sa isang baguhan katulad ko. Baka ikamatay ko pa kung ipinagpatuloy ko pa. Marami akong natamong galos mula sa kanya, masakit din ang ilang bahagi ng katawan ko.

"Ayos ka lang Press.?" Nag aalalang tanong ni Alexus sa akin.

"Medyo" Tipid kong sagot dahil pinakikiramdaman ko pa kung saan banda pa yung masakit sa katawan ko.

"First fight palang ito pero masasabi kong magaling ang unang labanan niyo. Kumpara sa ibang building napahanga niyo ko lalo na ang inyong Presidente. Bago ngumit mapanganib, maganda din ang mensahing sinabi niya sa inyo kanina" Saad niya sa buong klase bago tumingin sa akin.

"Hindi lang naman ako humanga sa President niyo, pati sa inyo dahil hindi niyo lang pinakinggan kundi ginawa niya. Base narin sa naobserved ko mula mga naglaban. Your building spreding with unity. And I amaze for that, continue doing that. So that's for now, sa mga papuruhan ng kunti take your time to rest. Class dismiss" Pagdidismiss niya sa amin. Tulong tulong ang iba naming kasama sa pag alalay sa ibang hindi na halos makalakad. Sama-sama kaming lumabas ng building ni Sir Julius saka sabay sabay na naglakad pabalik sa building namin.

We will take a rest for now, and regain our energy and after that we will continue for fighting in this University.

~~~PrincessNalics~~~

Wahhhh sa tagal ng walang ud ngayon meron na. Hahaha buti at ginanahan uli ako wotwot. Sana nagustuhan niyo yung ud.

Nagmamahal, Pusang makulit charot!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top