Mission 2


Orientation

Cyrem'S POV

Isang araw na magmula ng dalhin ako dito hindi parin ako lumalabas naninibago parin ako hay.

'tokk tokk'

Sino kaya to ?Tanong ko sa isip ko.

Pagkabukas ko ng pinto tumanbad sa akin ang isang lalaking may maputing buhok ,matangkad ,may malaking katawan ,na nakasuot ng kulay gintong uniforme .

"Ano po yun ?"Casual kong tanong.

"Cyrem Molino ?"Tanong niya gamit ang malalim na boses.

"Ah ako po"Sagot ko.

"Sumunod ka sa akin" Utos niya saka tumalikod.

Sumunod naman ako sa kanya sa paglabas sa building. Nakalabas na kami sa building dumaan kami sa isang Pathway deretsyo sa isang Field na kakaiba ang hugis. Kasunod ng Field ang isang nakapalaking Dom.

"Woww "Di ko mapigilang mapahanga sa laki nito isang kulay ginto na Dom na napakalaki.

"Iyan ang Gold Dom kung saan nagaganap ang ilan labanan. Pagpapakilala ng mga ilan estudyante at kadalasan dyan din ang lugar na nagiging kamatayan mo "Seryosong kwento niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Lugar ng kamatayan ?"Curious kung tanong.

"Malalaman mo din bata "Saad niya kasabay ng pagpasok namin sa Dom.

"Maxim Scanted "Pakilala niya sa tagabantay ng Pinto.

"And ?"Tanong ng tagabantay matapos akong tignan.

"Cyrem Molino "Sagot niya tumingin naman ang nagbabantay sa hawak niyang logbook parang may hinahanap.

"Ok "Sagot niya sabay senyas niya sa isa niyang kasama niya buksan ang double door.

Unting-unti nagbukas ang pintuan kasabay ng liwanag galing sa loob. Nang tuluyan ng magbukas ang pinto ay...

"Tara na "Utos niya sa akin.

"Ok"

Naglalakad kami sa isang gintong hallway na may mga design na Painting. Painting ng iba't-ibang scene.

"Yan ang mga pangyayari sa Unang digmaan kung gusto mong malaman "Kwento niya ng mapansin ang pagtingin ko sa mga ito.

"Ah ano po ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan?" I ask him.

"Yun ang mahirap at magulong ipaliwanag pero ito ang sasabihin ko sayo. Sa oras na malaman mo yun sana'y maging bukas ang isip mo "Saad niya sabay bukas ng Pinto.

"Pumasok ka na "Huling sabi niya bago ako pumasok sa loob.

Napatingin ako sa loob para itong isang Conference Room pababa ang mga upuan at may platform sa harap. Marami na din ang mga tao dito kaya sa bandang likod ang umupo.

Ilang minuto lang ang nakalipas napuno na ang Room. Biglang namatay ang ilaw kaya may pasigaw marami naman ang nag bubulungan kong anong nangyari.

"Anong nangyari?" Mahina akong nalundag sa kinauupuan ko ng biglang may nagtanong sa gilid ko.

"Aba malay ko mukhang alam ko ba "Inis kong sagot sa kanya. Ano ba yan kala ko naman mag isa lang ako dito kainis.

"Ay ang sungit tsk "Komento niya.

Hindi ko nalang siya imikan ang daldal niya.

"Anong pangalan mo ?Ilang taon ka na?" Paulan niya ng tanong. Unti unti ng nagsasalubong ang kilay ko. Naririndi na rin ako sa boses niya.

"Pwede bang manahimik ka"Inis kong Sabi sa kanya. Hindi niya maanig ang reasyon ko dahil madilim sa lugar namin.

"Nagtatanong lang naman eh" Sa palagay ko nakanguso ito. Tibay din nito eh.

"A..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil may biglang nagsalita.

"Magandang Umaga mga mahal naming  Estudyante. Ang dito kayo ngayon para sa Orientasyon sa magiging buhay niyo dito. Mga gagawin niyo at magiging tungkulin niyo" Bungad ng babae na nasa harap. May hawak na wireless microphone.

"Una ipapakilala ko muna sa inyo ang magiging mga tagapagturo niyo sa iba't-ibang mga pag-aaralan niyo. Sa Basic training, si Sir Isaac Marco" Lumabas ang isang middle age na lalaki. Matangkad ng kaunti sa babaing nagsasalita.

"Sa Combat Training si Sir Julius Dela Cruz." Another man come out. His a little bit serious type man. Sa lakad nito at tindi. Medyo nakakatakot.

"Sa Fire Arms Training, si Sir Alijah Mayko" Lalaki muli ang lumabas. Same height with sir Isaac.

"Sa Mental Training ,Si Miss Minchi Garson" A sophisticate lady come out. Along with her strong confident walk.

"Sa Medical Training, si Miss Cris Medez" Another sophisticate lady come out with all white uniform. Halata mong nasa medical field sa dating.

"Sa Physical Training, si Sir Maxim Scanted" Natigilan ako ng marinig ang pangalan niya. Lumabas siya mula sa likod. Wearing the same attire when he pick me up.

"At ang pang huli ay sa Sparing Training, si Sir Ken Camat sila ang magiging mga guro para sa iba't-ibang pagsasanay niyo "Pakilala niya sa kanila kasabay ng paglabas ng isang pang lalaki.

Nagulat ako kasi isa si Sir Maxim sa magiging guro namin samantalang, kasama ko lang siya kanina.

"Andami naman pag-aaralan "Reklamo ng katabi ko naramdaman ko din ang pagpadyak niya.

"Tsk "

"Ang sungit mo talaga eh no "Puna niya sa akin.

"Ano naman sayo?" Pilosopo kung tanong sa kanya.

"Wala nasabi ko lang "Kibit balakat niyang saad. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Nakilala niyo na ang mga magiging guro niyo. Pupunta naman tayo sa magiging buhay niyo dito. Sa titirhan niyo mayroon tatlong building ang nakalaan sa inyo." May lumitaw sa likod niya. Nakaprojector ang pinapaliwanag niya.

"Ang unang building ay ang A kulay Gold na may kasamang kulay Blue." Nag iba ang nasa likod niya. Ang building na tinutukoy niya.

"Ang pangalawa ay ang B kulay Gold din na may kasamang Red at ang huli ang building C syempre kulay Gold din na may kasamang silver" Pagpapakita nila sa amin gamit ang larawan non.

"Kung saan man dyan ang kulay ng building niyo iyan ang magiging mga kasamahan niyo sa buong taon ng pagsasanay niyo bago kayo sumabak sa digmaan "Paliwanag niya habang palakad lakad.

"Anong kulay ng building mo ?"Tanong niya sa akin.

"Kulay Gold na may kasamang Red  "Walang ganang sagot ko.

"Omgosh! parehong building tayo ibig sabihin magkagrupo tayo yiee ang saya -saya" Ramdam ko ang galaw niya. Nagsasayaw siya sa tuwa.

"Hindi ka ba masaya?" Natigil siya sa ginagawa ng walang makuhang reaksyon sa akin.

"Obviuos ba?" Nakahalukipkip na sagot ko.

"Tsk masungit na nga Kj pa hffpp" Umusod siya palayo sa akin.

"Para naman sa mga gagawin niyo ay nakasaad iyon sa magiging oras ng mga klase niyo. At ang huli para sa magiging tungkulin niyo" Muling nagsalita ang nasa harap.

"Ano kaya magiging tungkulin natin ?"Tanong niya sa akin.

"Bat sa akin mo tinatanung mukhang alam ko ba?" Naasar na tanong ko sa kanya.

"Tsk wag na nga kainis ka talaga "Saad niya buti naman at tumigil na siya.

"Kagaya ng sinabi ko kanina bawat kasama niyo sa building ay ang magiging kagrupo niyo. Ang dyan din magbabase para sa magiging hati para sa magiging tungkulin niyo"

"Ang Building A, para sa Kalinisan kayo ang natasan para maging malinis ang ating Universidad. Ang Building B, naman para sa kaayusan kayo ang magmamaintain ng katahimik dito sa Loob ng eskwelahan natin. At ang Building C, Kagandahan ng Eskwelahan kayo ang mag aasikayo sa kapaligiran tulad ng mga halaman at puno "Paliwanag ng Babae sa harap.

"Ay nakalimutan ko palang magpakilala ako si Miss Jane Dizon ang Vice President ng War University. Iyun lang para sa araw na ito bukas nalang muli para sa ilan pang anunsyo mag pahinga na kayo.  Asikasuhin niyo na kung sinu-sino ang mga magiging Leader ng bawat building at mga kasamang Officer kayo na bahala ang magtalaga "Pagpapaalala niya sa aming lahat.

"Meeting Adjour "Final niyang saad kasabay ng pagsitayuan ng mga tao dito sa loob.

"Tara na "Yaya nitong katabi ko hindi talaga siya matahimik.

"Bitawan mo nga ako "Inis na sabi ko sa kanya.

"Ayaw ko nga. Tara na punta na tayo sa building para makilala na natin ang mga magiging Kagrupo natin yiee excited nako "Masigla niyang saad kaya wala na kong nagawa ng kaladkarin niya ko pabalik ng building namin.

Nakabalik na kami sa building namin napansin namin na nasa may harap sila nag sikumpulan.

"Anong meron ?"Sabay namin tanong sa isa't-isa kaya napatingin ako sa kanya nakangiti naman siya.

"Tara na nga "Saad ko

Kaya pumunta na kami sa harap.

"Uy miss anong meron ?"Tanong niya sa babaing nasa harap namin.

"Ah parang meeting kung sino ang mga magiging Leader natin"Sagot niya sa katabi ko.

"Ah ok salamat, Alexus nga pala "Pakilala niya saka naglahad ng kamaym

"Ah Ulyzza ikaw ?"Tanong niya sa akin. Siniko naman ako ng katabi ko.

"Bakit"Inis na bulong ko sa kanya.

"Magpakilala ka tinatanung ka. Oh be nice naman" Bulong din niya sa akin. I mentally roll my eyes.

"Cyrem" Bored kong pakilala.

"Ah ok Alexus at Cyrem nice to meet you two"Nakangiti niyang Sabi.

"Ako rin hehehe pasensya kana dito kay Cyrem masungit kasi yan baka meron"Mahinang saad niya kay Ulyzza na alam ko naman gusto niyang marinig ko. Tsk mga babae nga naman hay ang kukulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top