Mission 1


*WELCOME TO WAR UNIVERSITY *

Cyrem 'S Pov

Matapos ang anunsyong iyon ang lahat ng padre Pamilya sa bawat tahanan ay nabahala. Maging ang aking Ama dahil ako ang panganay at tumutulong sa aming Pamilya.

Kami ay may simpleng pamumuhay lamang ang aking Ama ay magsasaka samantala, ang aking Ina ay nagtitinda ng mga gulay sa palengke. Mayroon akong dalawang nakakabatang kapatid na kapwa babae. Si Cashie at si Cajiel kapwa sila babae kaya mahirap para sa aking Ama na mawala ako dito sa aming tahanan dahil ako ang nagbabantay sa kanila.

"Kuya kukunin ka ba nila ?"Tanong ni Cashie.

"Baby di ko alam sana hindi dahil ayaw ni kuya na mahiwalay sa inyo "Sagot ko sa kanya.

"Talaga kuya ?"Tanong naman ni Cajiel.

"Oo naman no ayaw ni kuya doon mas gusto niya dito "Sagot ko dahil yun ang totoo.

"Kuya wag mo kaming iwan ha " Paalala muli ni Cashie.

"Oo naman "

"Pinky Promise?" Sabay taas niya ng daliri niya.

"Pinky Promise"

"Sige matulog na kayo l" I order them.Sabay ayos ng kanilang kumot.

"Goodnight kuya"Sabay nilang sabi.

"Goodnight din" Balik ko sabay halik sa kanilang noo.

'Tok tok '

"Anak, pwede ka bang makausap" Pagpapasintabi ni Papa nasa likod naman niya si Mama na may malungkot na mata.

'Parang alam ko na to 'sabi ko sa isip ko

"Tungkol po saan ?" Tanong ko.

"Pwede ba kaming pumasok muna?" Kalmadong tanong ni Mama.

"Pwede po "Sagot ko sabay mas nilakihan ang pagkabukas ng pinto. Para makapasok silang dalawa.

Pumasok silang dalawa sa kwarto ko at naupo sa gilid ng higaan ko.

"Alam mo na siguro tungkol saan no ?"Malungkot ang mata ni Papa ng sabihin iyon.

"Opo" Napabuntong hininga ako.

"Patawad anak, kahit gusto kung huwag pumayag sa anunsyong iyon. Wala akong magagawa dahil ang Hari na mismo ang nagsabi "Paliwanag ni Papa.

"Alam ko naman po iyon. Maging ako din po ay ayaw kung umalis dahil nangako ako sa mga kapatid ko na hindi ko sila iiwan "Malungkot kung sagot.

"Anak magpakatatag ka doon ha. Huwag kang papaapi at sana maging maayos ka doon" Nakita ko ang panunubig ng mata ni Mama ng ibilin. Pasimple pa niya itong pinunasan.

"Opo Ma"

"Siya nga pala. May pumuntang Kawal ng Hari dito mamayang madaling araw na ang alis mo. Susunduin ka dito ng isa sa mga kawal ng hari kaya mabuti pang matulog ka na. Kami na ng Mama mo ang bahala sa mga gamit na dadahil mo" Pagbabalita ni Papa saka tumayo sa pagkakaupo.

"Opo, matutulog na ko "Sagot ko kay Papa. Habang naghahanda ng matulog.

"Goodnight anak "Sabi ni Mama sabay sa aking noo gayon ni si Papa.

At pinikit ko na ang aking mga mata .

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid ng aming tahanan mga pananim na namumukadkad ,mga hayop na nagpapahinga at ang batis na malinaw na patuloy ang pag agos.

Kalangitan na nag aagaw ang puti at itim tanda na ng pag buka ng liwayway. tanda na rin ng aking paglisan sa lugar kung saan ako lumaki .

"Anak handa na ang mga gamit mo mag handa ka narin" Paalala ni Mama.

"Opo Ma "Sagot ko sabay huling sulyap sa aming paligid.

Tinignan ko ang aking sarili sa maliit naming Salamin. Ang aking itsura ,kulay kayungmangi ,may matangos na ilong ,mapula-pulang labi at katamtaman ang laki ng katawan.

"Anak "Tawag ni Papa na nasa may pintuan ng kwarto ko.

"Ito suotin mo ito "Sabay taas niya ng kwinta na hugis buwan.

"Iyan ang nagsilbing proteksyon ko ng lumaban ako sa Unang digmaan na naganap sa ating Bayan" Paglalahad niya habang sinusuot sakin ang kwintas.

"Sana maging proteksyon mo din iyan sa laban na haharapin mo. Malaki ang tiwala ko sayo na magtatagumpay ka at makakabalik ka sa amin ng pamilya mo" May kung ano sa mata ni Papa na nagsasabing kaya ko. Minsan ko lang siyang makita ganito kaemosyonal.

His eyes turn ito bloodshot.

"Salamat po, sisiguraduhin ko po na tama ang tiwalang binigay niyo sa akin" I tap his shoulder and give him asuring smile.

"Kahit anong mangyari wag kang susuko anak na tandaan mo sumusuporta kami sayo ang iyong pamilya kahit ika'y malayo sa amin" Pagpapalakas niya sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. Tinignan ng mabuti.

"Opo lagi ko pong tatandaan yan "Nakangiti kong sagot kay Papa.

"Cyrem anak andito na ang sundo mo" Dumungaw sa pinto si Mama para ibalita sa akin na andyan na sila.

"Sige po papunta na dyan"

"Tara na" Yaya ni Papa saka ako inakbayan.

Sige po "Sabay kaming lumabas ni Papa sa aking kwarto. Deretso sa may sala kung nasaan sila.

"Amin na po ang kanyang gamit "Pormal na sabi ng kawal.

"Ito "Abot ni Mama.

"Maraming salamat po "Sabay lagay ni sa sasakyan nila na gagamitin namin.

"Maaari ka ng magpaalam sa iyong mga magulang "Wika ng kawal sa akin.

Humarap ako kila Mama at Papa upang magpaalam na.

"Ma,Pa mauna na po ako. Pakisabi kila Cashie at Cajiel na umalis lang ako para mamasyal para hindi sila malungkot kapag hinanap nila ako "Bilin ko sa kanila.

"Oo anak sasabihin namin yun mag ingat ka ha!"Tumango si Mama sabay
yakap sakin pati rin si Papa.

"Mag ingat ka doon" Paalala muli ni Papa. Tumango ako bilang tanda ng pagsagot.

"Pasensya na po pero kailangan na po namin lumisan upang makarating kami kaagad sa pupuntahan namin "Singit sa amin ng Kawal.

"Sige anak ang mga bilin namin ha " Paalala ni Papa.

"Opo Pa,Ma alis na po kami "Sabi ko sabay halik sa kanilang mga pisngi.

"Tara na" Yaya sa akin ng  Kawal at lumakad na kami paalis sa aming bahay.

Isang huling sulyap ang aking ginawa sa aming tahanan habang paalis na ang karwaheng sinasakyan namin. Nakita kong umiiyak na sa dibdib ng aking Ama si Ina

Alam kong masakit sa Isang magulang ang mawalay sa kanilang anak pero, alam ko kaya nila Mama at Papa ang sitwasyon ngayon.

Lalo na nanganganib ang buong bayan namin. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa bayan namin lalaban ako tulad ng aking Ama na lumaban sa Unang digmaan.

Lumipas ang ilang minuto ay nakaluwas na kami sa bayan kung saan may nagtataasang mga gusali ,bahay at iba pang inspraktaktura .
Maraming panininda ,Tao at mga sasakyan nagkikintaban sa linis.

Tama nga ang sinabi nila sa bayan,  malinis ang lugar kung saan halos wala kang makitang kalat dahil protektado ng mga sundalo may batas din na umiiral tungkol sa pagtatapon ng basura kaya walang duda na malinis nga ang lugar na ito.

Pagkatapos ng Bayan ay ang Palasyo na ng Hari kung saan napapalibutan ng nagtataasan mga bakod na yari sa bakal. Saglit na kami'y huminto upang impeksyonin ng natapos iyon saka bumukas ang Gate ng Palasyo.

Nakakamangha ang ganda sa loob ng palasyo ang daming kawal ,sundali at iba pang mataas na tao sa Bayan.

"Humanda ka na dahil malapit na tayo "Biglang saad ng Kawal na nasa tabi ko lang.

"Opo "Seryoso kung sagot.

Gaya nga ng sinabi niya. Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa lugar kung saan idadala ang mga panganay na anak ng bawat pamilya.

Ang 'WAR UNIVERSITY '

Nakaukit sa Gate na gawa rin sa bakal ang pangalan ng eskwelahan na may gintong disenyo.

Pagkatapat namin sa gate ay agad na bumukas ang tarangkahan at pumasok kami.

Nakakamangha din ang lugar na ito malinis at maaliwalas kung titignan mo ay parang simpleng palasyo lang kung aakalain mong tahanan.

"Andito na tayo "Sabi ni kawal saka siya lumabas ng karwahe. Tapos ay sumunod na ako.

"Maligayang pagdating sa War University "Pagbati niya sa akin. Nagbow ng saglit.

"Sana ay pagpalain ka ng Panginoon "Pahabol niya tangin tango lang ang isinagot ko sa kanya.

"Akin na po ang mga gamit niya. Kami rin na po ang bahala sa kanya "Sabi ni Isang babaing nakasuot ng pagsilbi. Walan itong emosyon na makikita sa mukha.

"Sige at ako'y aalis narin" Sagot ng kawal matapos na iabot ang gamit ko.

"Sige po mauna na kami. Tayo na sumunod ka sa akin "wika niya sabay lakad niya.

Nakasunod lang ako sa kanya kung saan man kami papunta. Pumasok kami sa isang building na may apat na palapag at huminto sa ikalawang palapag sa may pang apat na kwarto mula sa kanan.

"Dito po ang magiging kwarto mo "Sabi ni Babae sabay bukas niya ng pintuan.

"Maiwan ko na po kayo dito"Sagot niya sabay alis.

Saka naman ako pumasok ,ito na nandito na ko. Ano ang magiging kapalaran ko dito? Tanong ko sa sarili sabay libot sa buong kwarto at napabuntong hininga.

Nasa War University na ko at wala na tong atrasan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top