CHAPTER 8: Devil in Disguise
Draches’ POV
Lunch time na pero tulog parin si Venisse. Nasa tabi niya lang si Craise at hawak lang nito ang kamay niya.
“Tol, hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako eh. Hindi pa tayo kumain ng breakfast, magskiskip pa ba tayo ng lunch?”-Lester
“Oo nga Drache. Kumain muna tayo. Saka nalang natin balikan si Venisse pagkatapos nating kumain.”-Kats
Nakatingin lang ako kay Venisse. Gusto ko mang kumain pero hindi mapapanatag yung loob ko kung hindi pa siya nagigising. Lumapit naman si Dixon kay Craise at niyaya itong kumain.
“Pero, walang magbabantay kay Vens, baka magising siya na walang tao dito.”-Craise
Ewan ko kung bakit pero bigla akong nagprisinta.
“Ako muna ang magbabantay sa kanya. Dalhan niyo nalang kami ng pagkain pagbumalik na kayo.”
“Sure ka ba diyan Xander?”-Craise
“Oo…sige na… bilisan niyo nalang ha?”
“Sige. Wag mong gagawan ng masama yang kaibigan ko ha? kung hindi, ipapabugbog kita sa kanya pag nagising yan.”-Craise
“Wala akong gagawing masama sa kanya. Baka mamaya, siya pa ang may gawin sa akin pag nagising siya.”
Nginitian lang ako ni Craise. Isang ngiti na puno ng pag-aalala.
“Sige Bro… Una na kami. Bibilhan nalang namin kayo ng pagkain.”-Seth
Tumango nalang ako atsaka na sila lumabas ng clinic. Hay… Nabaling na naman ang mga mata ko kay Venisse. Kumuha ako ng upuan atsaka umupo sa gilid ng hinihigaan niya. Tinitigan ko siyang mabuti. Ang simple ng mukha niya. Kahit pala lagi siyang galit, kahit ang sungit-sungit niya, still ang amo parin ng mukha niya. Ipinapakita niya lang siguro sa lahat na matapang siya kahit sa totoo niyan, eh mahina lang siya. Not physically, but emotionally…
“Sino ka nga ba talaga? Venisse…”
Alam kong may pinagdadaanan siya. Alam kong nasasaktan siya. Gusto ko mang alamin pero, bakit pa? I was about to go outside para sana magpahangin pero…
“Don’t… don’t leave me alone…”
Nagsasalita na naman siya. Umaagos na naman ang mga luha niya. Pinunasan ko yung mga luha niya atsaka na umupo ulit sa upuan. Hinawakan ko yung kamay niya atsaka ko sinabing…
“Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi…”
Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Hindi ko alam, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit parang concerned na concerned ako sa babaeng ito? Hindi ba dapat magalit ako sa kanya dahil siya ang kauna-unahang babaeng tumalo sa akin at ang babaeng minaliit ang kakayahan ko? Bakit ganon? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nung hinawakan ko yung kamay niya, parang nakuryente ako?...AHH!! Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng mga kasagutan. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng taong dapat makilala…ikaw pa?
Ven’s POV
“Hmmm…”
Nasan ba ako? Nasa langit na ba ako?... Kinurap kong muli ang mga mata ko. Pero kahit ilang beses kong ipikit-mulat ang mga mata ko, puti parin ang nakikita ko.
Imposible. Imposibleng nasa langit na ako. Napaka makasalanan kong tao para mapunta sa langit.
At ano ba ito? Bakit parang may nakahawak sa mga kamay ko? Napapikit ako ulit.
Nako po! Wag naman ganito. Baka hinihila na ako papunta sa impyerno.
Sinubukan kong idilat yung mga mata ko at tiningnan kung ano o sino ba yung nakahawak sa kamay ko. Nang Makita ko na… Nagtataka ako.
Lalaki? Sino to? Ang kapal naman ng mukha niya para hawakan ang kamay ko. Hindi kaya, demonyo ito at nagdidisguise lang para makuha ako? Oh no! This can’t be. Kailangan kong gumawa ng paraan.
Dahan-dahan kong iniangat ang katawan ko para makaupo ako ng maayos atsaka ko dahan-dahang kinuha yung plastic bottle na may lamang tubig. Hawak nung lalaki yung kanan kong kamay kaya kaliwa lang ang nakahawak sa plastic bottle. Dahan-dahan akong pumikit atsaka ko pinaghahampas yung lalaki.
“Ahh! Demonyo ka! Layuan mo ako! Demonyo ka! Bitawan mo yung kamay ko! You can’t take me in hell! AHHH!”-sigaw ko habang patuloy na pinaghahampas yung lalaki.
“HOY!...Ano ba? Masakit ha?...tigilan mo nga yan! A-aray… Hey…Stop it!”
“You let go of my hand you devil in disguise!”
At patuloy ko paring pinaghahampas yung lalaki. Nakapikit parin ako kaya hindi ko Makita yung mukha niya. Kahit naman parang demonyo ang ugali ko, takot parin akong makakita ng totoong devil noh.
“STOP!... Hey…Arayy… Ano ba?!”
Napahinto ako ng bigla niyang hawakan yung mga kamay ko. Kinuha niya yung hawak ko atsaka itinapon. Nakapikit parin ako,ayoko siyang tignan. Bigla akong hinawakan sa balikat ng kung sinomang devil in disguise na ito.
“Ano bang problema mo ha Venisse?!”
Nagulat ako. Pati ba naman pangalan ko alam ng devil na to? Atsaka, bakit parang may kaboses siya? Imumulat ko na sana yung mga mata ko ng maisip kong baka patibong niya lang ito. Siyempre… nagdidisguise nga siya kaya gagayahin niya ang kung sinoman.
“Sino ka ba ha?”-Tanong ko sa kanya.
“Dumilat ka nga para malaman mo kung sino yung pinagpapalo mo!”
“A-Ayoko! Baka mamaya…”
“Hindi ka ba talaga didilat? Gusto mong papuntahin ko dito ang sandamak-mak kong mga kampon?”
“Ha?... No!... Kung nakakatakot ang mukha mo, mas nakakatakot kung mas marami kayo.”
“Then open your eyes!”
“Oo na sandali…lumayo ka muna… baka maheart-attack ako sa itsura mo!”
“…Oo na…”
Nung binitawan na niya ako. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Sa una Malabo… pero nung ikinurap ko na…
“Oh? Sinong devil in disguise ang pinagsasabi mo?! Sa gwapo kong ito napagkamalan mo akong demonyo?”
Kinuha ko yung isang unan atsaka ibinato sa kanya.
“Kung kanina mo pa sinabi na ikaw pala yan Xander! Edi sana hindi ka na napalo ng ilang beses!”
“Papaano ko po sasabihin kung wala kang tigil sa pagpalo sa akin? Ang sakit nung pagkakapalo mo ha? Kung hindi ko pa nahawakan yung kamay mo, baka namatay na ako sa pagpukpok mo sa ulo ko.”-Xander habang hinihimas yung ulo niya at mga braso niya.
Tiningnan ko lang siya. Somehow medyo naawa ako sa kanya. Ano bang nasa isip ko at napagkamalan ko siyang devil? Medyo natatawa ako na naaawa sa kanya.. haha
“Uhmm…sorry…”
Mahina kong sabi pero maririnig niya naman. Napahinto pa nga siya sa sinabi ko eh.
“Ano? Pakiulit nga yung sinabi mo? Hindi ko narinig eh.” -Xander
“Sabi ko… So…”
Hindi ko na itinuloy yung sasabihin ko paano nakangiti siya. Yung ngiting nang-aasar? Binato ko nalang ulit siya ng unan.
“Ewan ko sayo!... Bahala ka nga diyan!”-Inalis ko na yung kumot na nakabalot sa akin atsaka na isinuot yung sapatos ko. Pero pinigilan ako ni Xander.
“Ops-ops-ops… san ka pupunta?” -Xander
“Wala kang pakealam!”
“May pakealam ako dahil pag may nangyari sayo, baka patayin ako ni Craise.” -Xander
“Si Craise? Nasaan siya? Kailangan kong Makita si Craise.”-tumayo na ako at naglakad papuntang pinto ng bigla na naman akong mahilo. At sa ikalawang pagkakataon, sinalo na naman ako ni Xander.
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Nagpupumilit ka kahit hindi mo kaya.” -Xander
Binuhat nanaman niya ako yung pangbridalstyle atsaka dinala sa higaan ko. Ibababa na sana niya ako ng biglang dumating sina Craise at yung mga katropa ni Xander…
“Ooops… Nakakaistorbo ba kami?”-Kats
“Vens, Ayos ka na ba?”-Craise
Nagkatinginan lang kami ni Xander atsaka na kami umiwas ng tingin sa isa’t isa. Ibinaba na niya ako atsaka pumunta sa tabi ng mga katropa niya.
“Vens…Ok ka naba?”-Craise atsaka ako sinalubing ng yakap.
“Ayos lang ako. There’s nothing to worry anymore.”
“Magaling ata mag-alaga si Xander at bumuti na ang kalagayan ni Venisse.”-Lester
Tiningnan ko lang siya ng masama at sinikmuraan naman siya ni Xander pero hindi naman malakas.
“Joke lang naman tol…”-Lester
“Ito nga pala Couz yung pagkain niyo ni Venisse.”-Dixon
“Salamat.” -Xander
“Here.”-atsaka inabot sa akin ni Xander yung pagkain ko.
Sabay pa naming binuksan yung styro at napatakip pa ako ng ilong sa nakita ko.
“BAKIT SHRIMP YUNG ULAM?!”-Me and Xander
“Wewh… Bakit? Ayaw niyo ba niyan?”-Dixon
“Vens, doesn’t eat shrimp and crabs… She’s allergic with it.”-Craise
“Pati si kuya, allergic din sa shrimp at crabs.”-JC
“Ha? eh sabi kasi nung tatlo, yan nalang daw yung ibili namin sa inyo kasi baka hindi niyo magustuhan yung iba.”-Dixon
“Sorry brad, hindi namin alam.”-Seth sabay taas ng dalawa nilang kamay na parang nagsusurrender.
“Ano pa nga bang magagawa namin?” -Xander
Kinuha sa akin ni Craise yung food atsaka ibinigay dun sa Kats na tinatawag nila. Yung lalaking nakasalamin na mukhang takot sa akin.
“Hoy Kats, ito, sayo na rin…”-Xander at inabot kay Kats yung kanya
“Sure kayo ayaw niyo talaga?”
Sinamaan ko lang siya ng tingin at ganon din ang ginawa ni Xander.
“Sabi ko nga ayaw niyo…”-Kats
“Craise, Let’s go home, I wan’t to rest.”
“Sige… Pero magpapaalam muna ako kay Ma’am..”-Craise
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
“At kayo, alalayan niyo si Venisse. Pupuntahan ko muna si ma’am sa office.”-Craise
“Samahan na kita.”-Dixon
“Sige.”-Craise
Hmmm… Craise really likes this Dixon guy… Kung makapagblush eh, daig pa yung mga rosas…
“Tara, hatid ka na namin sa parking lot.” -Xander
Gusto ko mang tumanggi pero ewan, kumilos agad yung katawan ko. Inaalalayan ako ngayon ni Drache. Pinagtitinginan lang kami ng ibang students.
Girl1: “Hey, sila na ba?”
Girl2: “I don’t know. Parang kelan lang nakita ko silang dalawa na nag-aaway…”
Girl1: “Bagay naman sila di ba?”
Girl3: “Mas bagay kami ni Papa Xander ko no…”
Girl2: “Oh shut-up… Tao siya,pero ikaw… mukha kang basura…Hahaha”
Girl3: “Ewan ko sa inyo!”
Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa mga babaeng yon. Nagbubulungan pero naririnig naman. Pasalamat sila wala ako sa kondisyon ngayon.
Nakarating na kami sa Parking Lot.
“Hey, do you have the keys?”-Xander
“Ha? Nakalimutan kong kunin kay Craise.”
“Wala pa sila. Doon ka muna sa Kotse ko. Hintayin nalang natin sila ni Dix.” -Xander
I just nodded at saka pumasok sa car niya. Parang ito rin yung baby Veneno ko. Pinagkaiba lang…black lahat ang nakikita ko dito. Sinubukan ko munang pumikit habang naghihintay kay Craise. Hanggang sa… tuluyan na akong nakatulog…
Craise POV
Naglalakad kami ni Dixon ngayon papuntang parking lot. Medyo natagalan kami sa pageexplain sa principal about sa mga nangyari. Sinabi na kasi ni Ma’am yung nangyari kaninang paglabas namin sa room ng walang paalam.
“Hey, bat ang tahimik mo?”-Dixon
“Ha?...wala… Napagod lang siguro.”
“Ah…Uhmm… Craise, ilang years na kayong magkaibigan ni Venisse?”-Dixon
“Almost 5 years... Bakit?”
“Wala lang… Super close niyo no?”-Dixon
“Oo…superclose nga kami. Parang true sisters na nga ang turingan naming dalawa eh. Wala kasi akong kapatid pero si Venisse…”
Hindi ko maituloy yung sasabihin ko. Naalala ko kasi yung…yung promise ko kay Venisse.
“Pero si Venisse ano? May kapatid ba siya?”-Dixon
“Pero si Venisse ano… hindi talaga kaibigan ang turing niya sa akin. Kapatid talaga ang turing niya. At ano….wala siyang kapatid…”
“Ahh…ganon ba?”-Dixon
I just smiled at him. Naalala ko tuloy yung pinagusapan namin ni JC kanina sa Canteen nung bumibili sina Dixon ng food nila Xander at Vens.
*Flashback*
“Craise, sabihin mo nga sa akin, may sakit ba si Venisse? I want an honest answer. I promise I wont tell others. Walang lalabas ni isa man sa pinagusapan nating dalawa.”-JC
“JC, si Venisse…”-medyo naluluha ako kaya hindi ko masabi sa kanya ng maayos…
“Si Venisse, she has an EPT…an Emotional and Psychological Trauma…”
“Trauma?... Bakit? Ano bang nangyari sa kanya? May napagdaanan ba siya before that cause her this illness?”-JC
“Yes…It happened when we’re 10 years old… it’s been 5 years simula ng nangyari yung tragedy na yun that changed Venisse so much. Bago palang kaming magkaibigan noon…At kahit ako, nasaksihan ko ang pangyayaring yon.”
“Ano bang nangyari?”-JC
“I can’t tell you the whole story. Pero one of her family member, is so violent to her. At first, maayos naman sila ni Vens, but I was shocked nung nakita ko yung pangyayaring yon. She was threatened and physically and emotionally hurt by one of her family member. And worst, yung mga taong dapat maniwala sa kanya… Hindi siya pinaniwalaan. She’s been neglected by her family… emotionally. Though her parents still visits her, parang wala parin silang pakealam kay Vens. Ni hindi nga nila kinakausap o kaya Tinatanong man lang kung kamusta na ba siya. She was so depressed everytime na naaalala niya yung traumatic event na yon. Her family is not staying together with her. Naiisipan lang nilang umuwi pag may mga business agendas sila sa bansa.”
“Kaya ba ganyan siya ngayon?”-JC
“Yes. Ipinapakita niya sa lahat na matapang siya, na she can stand alone, na hindi niya kailangan ng ibang tao. Hindi rin siya agad nagtitiwala sa iba kasi natatakot siya…natatakot siyang saktan muli ng iba.”
“Sabi mo kanina, 5 years na yung nakakalipas simula nung mangyari yung incident na yon. Hindi ba dapat naconquer niya na yung trauma na yon? Hindi niyo ba siya ipinacheck-up man lang? o kaya pinatingin sa mga doctor? “-JC
“We did. Inexamine na siya at tinry na lahat ng mga specialist ang kaya nila pero they always failed to do. Hindi daw gagaling si Vens kung siya mismo hindi niya magawang tulungan ang sarili niya. Hindi niya kasi kayang labanan yung takot. Hindi niya magawang makalimot. Kahit ako, kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka mas malala pa ang traumang maranasan ko compare to her. Ginagawa ni Vens ang lahat para kalimutan yon. Nilibang niya ang sarili niya. Nagpaturo kaming magdrive sa kay Spare, pinsan niya. Sumali kami sa mga drag racing. We study on how to fight. And we fight better than others. We’re not gangsters katulad niyo, we only did the fight kapag nasa kumplikadong sitwasyon na kami. Nakalimot si Vens sa takot na dala-dala niya… 2 years after that incident, muli na naman siyang inatake ng trauma niya. Binigyan na siya ng doctor ng gamot pampakalma, at yun din yung gamot na iniinom niya ngayon. Mabisa naman kasi hindi inaabot ng months yung trauma niya. Pinadalhan kasi siya ng letter nung taong yon. Nanaig na naman ang takot sa kanya. Wala ni isa sa bahay na yon ang nagpapaalala sa taong yon. Ni picture nilang pamilya walang makikita. Tanging litrato lang namin ni Vens at ng iba pang taong nagmamahal sa kanya ang nakadisplay doon. Noong una, hindi lang siya makatulog, pero ngayong bumalik ulit ang trauma niya, hindi na siya makatulog, hindi pa siya makakain at nahihilo at nanlalambot narin siya ngayon. Mas malala ang kondisyon niya ngayon.”
“Bakit bumalik na naman yung trauma niya? May ipinadala na naman bang sulat yung taong sinasabi mo?”-JC
“Wala siyang ipinadalang sulat… It’s just the fact na… Ang taong yon… uuwi na ng Pilipinas after 1 month…”
“1 month?! So maghaharap na sila ni Venisse?”-JC
“Yes… sinabi sa amin ni Spare yan pagkauwi namin galing race. Kaya nga umuwi dito si Spare kasama nung mga katropa niya para bantayan at protektahan si Venisse.”
“Mukhang makapangyarihan nga yung makakaharap ni Venisse. “-JC
“Kaya siya ni Venisse, pero nauunahan lang siya ng takot. Kaya walang magawa si Venisse kung hindi ang paghanda ang araw na magkikita sila. Ito narin siguro ang oras para maconquer niya yung takot na 5 years niyang dinadala…”
Pagkatapos kong sabihin niyan eh saktong dumating sina Dixon, Seth, Lester at Katsumi.
*END OF FLASHBACK*
“Mukhang malalim yata yung iniisio mo ah?”-Dixon
“Ha?”
“Kanina pa kasi ako nagsasalita dito pero parang hindi ka nakikinig”-Dixon
“Ah, sorry, inaalala ko lang si Venisse.”
“Ahh… kaya pala hindi mo rin napansin na nasa parking lot na tayo.”-Dixon
Tumingin-tingin ako at tama siya, nasa parking lot na nga kami. Ganon ba ako katagal nag-isip para hindi mamalayan na nandito na pala kami?
“Hehe…Oo nga noh?”
Nginitian niya lang ako. Pero feeling ko nagbablush ako.
"Ah, tara, puntahan na natin sila…”
Pumunta na kami kina Xander.
“Nasaan si Vens?”
“Nasa loob ng kotse ko, natutulog.”-Xander
“Couz? Seriously? Nasa kotse mo si Venisse? E diba ayaw mong nagpapasakay ng kahit sino sa kotse mo? Ni kahit mommy mo ayaw mong pasakayin diyan? How come nandiyan si Venisse?”-Dixon
“Ha? Ang tagal niyo kasing dumating ni Craise tapos wala pala sa kanya yung susi nung sasakyan ni Craise. Ayoko namang pasakayin siya sa kotse ng apat na yan kasi…. Kasi… Ah basta, Dalian niyo na ngalang para makauwi na tayo…”-Xander
Iritang sagot ni Xander. Alam niyo yung parehas may common kay Xander at Vens? Parehas silang allergic sa shrimp and crabs, parehas sila ng brand ng kotse at parehas silang ayaw magpasakay ng iba sa mga kotse nila. Pero bakit doon nga ba isinakay ni Xander si Venisse? Pwede namang kay Seth o kay JC… Hmmm…somethings fishy here…
“Sige, buksan mo na yung kotse mo Craise at gigisingin ko na itong si Venisse.”-Xander
“Sig…”
“I think wag niyo ng gisingin si Venisse… Mukhang pagod na pagod siya eh. Ako nalang ang sasabay kay Craise pauwi para malead niya tayo sa bahay ni Venisse tutal wala narin naman akong dalang kotse… Atsaka Couz… ikaw na ang maguwi kay Venisse just follow Craise. Sasabihan ko narin yung apat.”-Dixon Tumango nalang kami ni Xander lang pagsang-ayon.
“Hoy Xander!... Ingatan mo yang bestfiend ko. Dahan-dahan lang sa pagdadrive para hindi siya magising.”
“Oo na…”-Xander
“Aba, ganyan mo ba itrato ang boss mo?”-Pang-aasar ko sa kanya. Akala niya siguro makakalimutan kong SLAVE namin sila ngayon.
“Yes… Boss!”-Xander
“Good.”
Sumakay na kaming lahat sa kotse at dumiretso na sa bahay ni Vens. Mga 30minutes lang nakarating na kami, Nakita ko pang dahan-dahang binuhat ni Xander si Venisse para hindi ito magising. Nagdoorbell naman ako at agad naman yong binuksan ni yaya.
“Oh Shirley, sino yang mga kasama mo? At anong nangyari kay Venisse?”-Yaya
“Ya, later nalang po ako magpapaliwanag. Nandiyan po ba si Spare?”
“Pasok kayo… Wala dito si Jasper. Umalis kasama nila Kuya Neil niyo.”-Yaya
“Buti naman po. Xander sumama ka sa akin.”
Buhat-buhat parin ni Xander si Vens at paakyat kami ngayon sa 3rd floor, kung nasaan ang kwarto ni Vens. Bago ka makarating sa kwarto ni Vens, kailangan mo munang dumaan sa second floor, sa second floor, may left and right way. Kapag sa kaliwa ka dumaan, mapupunta ka sa 3rd floor pero sa ibang kwarto. Kapag sa kanan ka naman dumaan, kwarto ni Vens ang sasalubong sayo. Dalawa lang ang kwarto sa 3rd floor, at kay Vens yung isa. Hinati yung 3rd floor at ginawaan ng dalawang kwarto at dalawang separate na hagdan. So hindi ka makakapunta sa kwarto ni Vens, kung hindi ka dadaan sa kanan at ganon din sa kaliwang kwarto kung hindi ka dadaan sa kaliwa. Yung isa, ginawa munang guest room wherein, si Spare ang kasalukuyang gumagamit. Ipinasadya talaga ang floor na ito. Kung pwede nga lang, takpan nalang yung left way para hindi nagiging malungkot si Vens pag Nakikita yun, ginawa ko na.
“Craise, saan papunta yung kaliwang daan?”-Xander
“Sa Guess room. Kwarto din yun parang gaya ng kay Vens.”
Andito na kami sa harap ng kwarto ni Vens. Binuksan ko na yung pinto at parang napanganga pa itong si Xander.
“Kwarto niya to?”-Xander
“Oh bakit? Nagulat ka ba?”
“I didn’t expect na, ganito kalaki at kaganda yung kwarto niya. Parang kasinlaki to ng condo ko. Atsaka… Parehas kami ng style… Black and white… simula sa curtains, bed, sofa at sa lahat ng bagay.”-Xander atsaka niya ibinaba si Vens sa kama niya.
“Talaga? Ang dami niyo palang common ni Vens Ano?”
“Akala ko pagpasok ko dito puro girly stuffs ang makikita ko gaya ng Nakikita ko sa kwarto ng mga kapatid ko. Pero hindi pala. May mga stuff toys nga pero iilan lang at hindi ganon ka girly tignan.”-Xander
“May mga babae kang kapatid?”
“Oo…”-Xander
“Ah, I thought kayo lang ni JC ang magkapatid… Si Vens, she really hates girly things. Ni hindi mo nga mapapagsuot ng dress yan eh. Magsusuot lang siya kapag kaharap ang parents niya o kaya kapag kaharap yung business partners nila. O sa mga bigating events. At yung mga stuff toys na yan, may sentimental value yan kaya iniingatan talaga niya.”
"I thought, kagaya rin siya ng iba….”-Xander
“Akala mo lang yon… But Vens, she’s the unique person na nakilala ko sa buong buhay ko.”
Yeah, si Vens lang ang naiiba sa lahat ng nakilala ko. Maangas man sa panlabas, pero napakabusilak naman ng puso na hindi Nakikita ng iba…
After naming mag-usap ni Xander, iniwan na namin si Venisse. Hinayaan na name siyang makapagpahinga. Hinatid ko naman sa labas ng bahay yung anim atsaka nagpaalam. Pero bago sila umalis, nakita ko pang tumingin si Xander sa bintana ng kwarto ni Vens. Napangiti naman ako kahit papaano. Somehow, meron naring mga taong maaaring dumagdag at pumasok sa buhay ni Venisse…
------------------------------------------------------
A/N:
Mukhang matatagalan na naman ang pag-update ko kaya nagUD agad ako...
Magcomment naman kayo readers... Feeling ko tuloy konti lang nag-eenjoy na basahin to...
Keep supporting parin as always... don't miss the next updates...
(Good mornyt everyone...)
-ThePretenderPrincess
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top