CHAPTER 6: Slavery
Dixon’s POV
“Seriously pare. I can’t believe this. We, the Blackfists will going to be slaves for two girls in a month?!” Lester
“We have no choice but to accept the deal. Dahil kung nagbackout tayo, what will they say to us? That Blackfists are afraid in two girls? That we are weak?” Katsumi
“Tama si Kats. Alam naman natin na minsan na tayong natalo ng mga yon. Pero atleast, at the second time, we tried our best to defeat them.” Seth
“But we didn’t defeat them.” Lester
“What should we do now kuya?” JC
“Couz?” Tawag ko sa kanya. Kanina pa kami nagsasalita pero si Drache tahimik lang. Ewan kung ano ba yung iniisip niya. Ang hirap kasing basahin ng taong ito. Hindi namin alam kung dinaramdam niya ba yung pagkatalo namin. Well, sakin okay lang na maging slaves kami, atleast mapapalapit ako sa kanya…
Napapangiti tuloy ako kapag naaalala ko siya. Sino?... Secret… Joke lang… I’m talking about Craise. Shirley Craise Montes. Unang kita ko palang sa kanya may kakaiba na akong naramdaman.. Nakakahanga nga siya eh, ang galing niyang magdrive. Mas magaling si Venisse pero pag si Craise na yung nagmamaneho, parang gusto ko nang magpatalo.
“HOY DIXON JAKE LOYZAGA!!”
Yeah that’s right. Tama si Lester. I’m Dixon Jake Loyzaga. Cousin of Drache and JC. My Mom and their Mom were sisters. Actually hindi naman dapat ako kasama sa pag-uwi ng mga to. Kaso, anong magagawa ko eh lahat ng member ng Blackfists kasama. MagpapakaKJ pa ba ako? At ayoko namang ilagay sa isang alanganing kalagayan ang pinsan ko. And we have a rule. Once the leader say’s, the members should obey. Pero okay narin na sumama ako, atleast nakilala ko pa siya.
“PAGING-PAGING… DIXON JAKE LOYZAGA!!” Lester
“H-Huh? Ano? Bakit ka sumisigaw?” Nabigla ako eh.
“Kanina pa kasi kami dito nagtatalo, at kanina pa kita tinatawag tapos ikaw ngingiti-ngiti ka diyan. Aminin mo nga, may konti ka no?”
“Siraulo ka Les. May iniisip lang ako.”
“Sino? Yung Craise no?” Biglang nag-init ang magkabilaan kong pisngi.
“Ha? Hi-hindi ah…Ano bang pinagsasabi mo?”
“Hoooh.. Grabe Dix, indeniable ka pa, eh halatang-halata naman na may gusto ka don eh. Makita mo lang siya, yung ngiti mo umaapaw na palabas ng Universe. Tas tignan mo yang mukha mo. Ang pula-pula. Wag mong sabihing dala ng kalasingan yan? Aba'y ikaw pinakamataas na tolerance dito di ba?” Napaiwas ako ng tingin. Wala ka talagang maitatago dito kay Lester.
“THAT’S IT!!” Nabigla naman kaming lahat ng biglang sumigaw at napatayo si Katsumi. Nananahimik lang ito kanina pero ngayon gumagawa ng eksena. Eksaherada… Yakk, ang bakla ko ata…hahaha…ok, serious na…
“Anong that’s it pare?” Seth
“Guiz, are you thinking what I am thinking right now?” Kats
“G*go ka ba? E magkaiba tayo ng mga utak kaya paano namin maiisip yang iniisip mo?” Lester
“Ano ba yon Kats? Sabihin mo na at wag ka nang magpaligoy-ligoy pa.” JC
“Well, I’’m just planning something like this…” Tapos sinabi niya sa amin yung naisip niyang plano.
“Are you crazy Katsumi?” Seryosong tanong ni Drache. Paano, parang sa kanya nakaatang kung mapagtatagumpayan namin yung plano.
“Pare, yun lang ang option natin para makapaghiganti tayo sa kanila.” Kats
“Are you sure gagana yang plano mong yan Kats? Eh sa tigas non, hinding-hindi mo maihuhulog sa bitag mo yon.” JC
“Guiz, remember, walang matigas na tinapay sa mainit na kape.” Kats
“G*go! Kahit ibabad mo pa siya sa kumukulong kape, baka kape pa ang umiwas at manlamig paglumapat sa katawan niya.” Lester
“But, Kats has a point. At walang hindi nagagawa ang Blackfists na hindi nasusunod. Atsaka, si Drache pa pare? Eh kahit sino namang babae, napapalambot niyan.” Seth
“Tama! So ano na Drache? Are you in or are you out?” Hindi ko alam kung saan ba talaga sang-ayon si Lester. Napakagulo niya.
“Gusto mong maOUT of this WORLD Les?!” Drache
“Sabi ko nga IN ka, di ba boss?”
“Just shut-up Les. And Kats, how would we do that? Eh kaaway namin ang isa’t-isa? Kita mo namang pagnakikita ako non, halos umusok yung ilong niya."
“That’s simple… Make her fall in love with you little by little. Use your charms. Use your charisma. And when she bites on it, break her heart. Just make her days happy for now. Do what she wants without any hesitations and always obey her. Each day, do something sweet towards her. For now, what should we do is, you need to get her trust. Make her soft. At pag nakuha na natin ang tiwala niya, saka natin siya sirain.” Kats
“That’s simple. Do some sweet things towards her. Earn her trust. Make her happy every day. And in the end, break her heart. Good job Kats. That’s a sweet revenge from the Blackfists.”
“But Couz… Always remember that when you’re entering a game, there’s always a rule. And you should remember that rule.”
“And what’s that rule you are talking about?” Drache
“The rule is: “Make her fall inlove with you, but don’t let yourself fall for her too…””
“Hahaha! Are you kidding me? ME? Going to fall inlove with her? That’s ridiculous. IMPOSIBLE na mangyari yan Dix.”
“Walang imposible Kuya. Walang imposible kapag puso na ang namagitna.” Natahimik naman si Drache sa sinabi ni JC. Tama naman kasi siya. Wala talagang imposible sa mundong ito. Minsan nga kahit ayaw mo, kusa rin itong dadating.
“So, we are all in favor with the plan. Let’s rejoice for our coming success!” Tinaas ni Lester yung bote ng beer niya atsaka na kami nag-inuman. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung magtatagumpay sila sa plano nila. Maaaring oo. Maaaring mahulog ang loob ni Venisse kay Drache. Pero paano kung si Drache ang mismong mahulog sa sarili nilang patibong? Alam ko, ramdam kong ganito rin ang nararamdaman ni JC at Seth. Sa ngayon, wala kaming magagawa kung hindi suportahan ang isa’t-isa…
Craise POV
“Are you sure Vens?”
“Yes, I’m pretty sure about it.”
“Kaya mo na ba siyang harapin?”
“Kailangang kayanin Craise. Nakakasawa naring umiwas sa isang problema na matagal mo nang dinadala.” Sa totoo lang, natatakot ako para kay Vens. Alam kong sa loob-loob niya, takot na takot siya pero ipinapakita niyang malakas siya. Wala akong dapat gawin ngayon kung hindi suportahan ang bestfriend ko. Dahil maliban sa kanya, mas higit kong itinuturing na kapatid si Vens. At sa kahit anong problema, hinding-hindi ako mawawala sa tabi niya.
“Craise, sayo muna ako sasabay ngayon. Hindi ko yata kayang magdrive eh.” Tiningnan ko naman siya. Namumutla siya at medyo nanginginig ang mga kamay niya. Medyo maga parin yung mata niya kakaiyak pero still, maganda parin siya.
“Sige, sa akin ka na sumabay, baka mapano ka pa pagnagdrive ka.”
“Atsaka nga pala, ininom mo na ba yung gamot mo?” Dugtong ko pa.
“Oo… hindi ko naman nakakalimutang inumin yon eh.” Sagot niya.
“Vens, Ok ka lang ba talaga? Namumutla ka kasi eh. Wag ka na muna kayang pumasok?”
“No… Papasok ako. Magiging ok rin ako.” Haay… Bakit ko pa nga ba siya tinanong. Eh kahit naman masama ang pakiramdam niya, lagi parin siyang pumapasok. Ito lang daw kasi ang maipagmamalaki niya sa mga magulang niya. Na kahit ganyan siya, hindi parin niya napapabayan ang pag-aaral niya.
“Oh sige. Pero Vens, dala mo ba yung gamot mo?”
“Oo naman Craise. Wag mo akong alalahanin. Ok lang talaga ako. Tara na at baka malate pa tayo.” Venisse had a traumatic accident, or should I say, experience. Hindi siya ganyan dati. Isang simple, mabait, astigin pero maintindihing bata ang dating Venisse. Remember when we are in Grade 4? We’re 10 years old then. Halos 2 months palang noon simula ng maging mag best friend kami. Halos araw-araw ako sa kanila noon. My parents and her parents know each other too. And basically, they're also friends. Pumunta ako minsan kina Venisse noon, dadalawin ko sana siya para imbitahin narin sa bahay namin. But accidentally, may nakita akong isang pangyayari na alam kong naging dahilan ng pagbabago niya…
*FLASHBACK*
“Yaya, nasaan po si Venisse?”
“Nandoon sa garden Shirley, naglalaro.”
“Ah, sige po pupuntahan ko muna.” Papunta na ako sa graden noon. Hinanap ko siya doon pero wala akong nakita kahit anino niya.
“Si yaya talaga, pinagloloko ata ako eh. Nasan na kaya si Vens?” Paalis na sana ako sa garden ng may marinig akong nagtatalo. Lumapit ako kung saan nanggagaling yung mga tinig na yon. Napunta ako sa likod ng kusina. Medyo mababa yung bintana kaya nakita ko kung anong nangyayari sa loob. Nakita ko si Vens, nakikipagtalo sa isang batang babae. Papasok sana ako para tulungan si Vens kasi umiiyak na siya eh. Kaso nakita niya ako. Tiningnan niya lang ako at parang sinasabi niyang wag akong pupunta sa kanya. Kahit gustong-gusto ko ng lumapit hindi ko magawa dahil pilit na umiiling si Vens habang nakatingin sa akin. Parang winawarningan niya akong wag lumapit sa kanya at doon sa batang babae. Maya-maya konti, nakita kong may hawak na kutsilyo yung batang babae. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita yung mukha niya.
Hawak-hawak niya yung kutsilyo habang itinututok kay Vens. Walang magawa si Vens kung hindi ang umiyak ng patahimik dahil parang binabantaan siya nung bata. Itinaas na nung bata yung kutsilyo at akmang isasaksak kay Vens. Pero laking gulat naming dalawa ni Venisse ng itarak nung bata sa sarili niya yung kutsilyo. Tumalsik pa nga sa mukha at sa damit ni Vens yung ibang dugo. Nakita ko lahat ng mga pangyayaring yon. Tulala parin si Venisse ng bigla nalang siyang nagsisisigaw at humihingi ng tulong. Kinuha niya yung kutsilyo sa kamay nung bata nang biglang dumating yung mga magulang niya.
“Venisse? What happened here?!” Naiiyak at galit na tanong ng Mommy niya pero tulala parin si Venisse habang hawak yung kutsilyo.
“GOD! Honey, ihanda mo na yung kotse. Kailangan natin siyang maisugod sa Hospital.” Sabi nung Daddy ni Vens. Nagmamadali namang tumakbo ang Mommy niya at hinanda ang kotse, samantalang yung daddy niya naman binuhat yung batang babae.
“Kapag may nangyaring masama sa...” Hindi ko na narinig yung sinabi ng Daddy niya kasi biglang bumusina ng malakas yung Mommy niya. Naiwan si Venisse doon sa kusina habang tulala parin pero patuloy na umiiyak. Bigla namang dumating yung yaya niya atsaka siya niyakap. Bigla rin akong tumakbo papasok sa loob ng bahay nila atsaka ako nagmadaling puntahan si Venisse.
“Bes Vens, Okay ka lang?” Umiiyak kong tanong sa kanya. Tumingin lang siya sa akin atsaka ako biglang niyakap at pahagulgol ng umiyak.
“Huhuhuhu…Crai-se… huhuhuhuhu…”
“Shhh… ta-tama na Vens. Alam ko at alam ng Diyos ang totoong nangyari.” Umiiyak parin si Vens habang yakap ako. Mga ilang oras lang nahimasmasan na si Vens. Inasikaso muna siya ni Yaya atsaka na namin siya iniakyat sa kwarto.
“Vens, Okay ka na ba?”
“O-okay na ako Craise.”
“Kayong dalawa, sabihin niyo nga sa akin kung anong totoong nangyari?" Tanong ni Yaya.
“Yaya… eh kasi po…” Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng biglang magsalita si Vens.
“Yaya, ako parin naman ang paniniwalaan mo di ba?” Naluluha na namang tanong ni Vens.
“Venisse, hija, hindi ko malalaman kung anong nangyari kung hindi mo sasabihn sa akin. Makikinig ako iha.”
“Hindi po ako ang may gawa sa kanya non. Siya po mismo ang sumaksak sa sarili niya. Tinutukan niya po ako ng kutsilyo at binantaan na wag mag-ingay dahil kung hindi, papatayin niya daw po ako.”
“Ano? Bakit ano bang nangyari ha? sabihin mo nga sa akin lahat?”
“Eh kasi Yaya… lagi nalang daw po ako. Ako nalang daw po lagi ang nakikita. Samantalang siya, parang anino lang daw sa bahay na ito. Sinabi ko sa kanya na pantay lang kami pero ayaw niyang making sa akin. Kaya nagalit siya sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo at ayun na nga po ang mga sumunod na nangyari.”
“Nagawa niya yon?”
“Nakita ko po ang lahat Yaya. Kitang-kita po ng dalawa kong mata kung papaano niya awayin at pagbantaan si Vens at kung papaano niya saksakin ang sarili niya.”
“Ang maldita talaga ng batang yon. Hayaan mo iha, sasabihin ko ito sa Mommy at Daddy mo.”-Yaya
“Wag na po yaya. Sa palagay ko, hindi na maniniwala sa akin sina Mommy at Daddy. Dahil sa oras na magising siya, paniguradong ako ang palalabasin niyang masama. Nakuha na niya ang gusto niya. Wag niyo nalang pong sabihin kahit kanino ang nangyari. Sa atin nalang po ni Craise yun.”
“Alam mo hija, kahit palaging ikaw ang agrabiyado, pinipilit mo paring magpakabuti sa iba. Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin. Pero simula ngayon, kahit anong mangyari, sasabihin mo na lahat sa akin ha? Kahit hindi ka pa paniwalaan ng kahit sino diyan, ako papaniwalaan kita.” Sabi ni Yaya sabay yakap kay Vens.
“Thank you po, Yaya.” Naluluhang sabi ni Vens. Nakiyakap nalang din ako sa kanila
*END OF FLASHBACK*
And that’s the reason kung bakit ganyan ngayon si Vens. After nang mangyari ang insidenteng yan, nagmigrate ang parents niya sa America. Naiwan si Vens dito sa Pilipinas. Minsan umuuwi rin ang parents niya pero gaya ng parents ko, umuuwi lang sila pag may mga business agendas sila sa bansa. Well, kami rin naman ni Vens bumibisita minsan sa America pero hindi kami tumutuloy sa mga bahay namin. May condo kaming dalawa at doon kami nagstestay kapag pumupunta kami sa America. After 5 years, heto na kami. Akala ko makakalimutan na namin yun pero kahit anong limot mo pala sa nakaraan, kusa parin pala itong babalik at babalik.
Dahil sa insidenteng yan, nagkaroon ng sakit si Vens. Hindi naman ganoon kalala, pero kapag napag-uusapan ang bagay na yan, hindi siya nakakatulog, hindi siya nakakakain. Lagi rin siyang nahihilo, namumutla, minsan nga nanginginig pa siya. Akala namin hindi na siya babalik sa pagiging ganyan. Pero after 3 years, eto na naman siya. Marahil iba ang pagakakakilala ng lahat sa kanya. Marahil masama siya sa iba. Marahil sabihin nilang napakamean niya. Pero sa kabila ng lahat ng pagiging tigasin niya, may isang part parin kay Vens na kami-kami lang ang nakakakita. Yung Venisse na lagi nilang nakikita sa school at sa ibang lugar, ibang-iba sa Venisse na Nakikita ko sa bahay at pagkasama ang mga taong nagmamahal sa kanya at minamahal niya.
“Craise, gisingin mo na lang ako kapag malapit na tayo sa school ha? iidlip muna ako.”
“Sige…” Sana, maging maayos na ang lahat… Tahimik lang kaming bumyahe at sinusulyap-sulyapan ko si Vens. Para kasing hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Halos kakarating lang namin sa school, medyo binagalan ko yung pagpapatakbo para mahaba-haba yung tulog niya.
“Vens? Gising na, nasa school na tayo.”
“Hmmm?” Idinilat na niya ang mata niya at saka ako tiningnan.
“Tara na Vens, ayusin mo na ang sarili mo.” Nag-ayos na siya ng sarili niya.
“Halata bang namamaga ang mata ko? Pangit ba?”
“Medyo halata pero, bagay naman sayo. Maganda ka parin.” And I gave her a supportive smile.
“Thank you Craise for being my true best friend. Sa lahat ng oras lagi kang nandyan para suportahan ako. Thank you talaga.” Niyakap niya ako bigla.
“Ako ang dapat magpathank you sayo. Kasi kung hindi dahil sayo, walang Craise sa harap ng marami ngayon.” At saka ko siya niyakap ng mahigpit.
“Don’t worry Vens. Everything will be okay.” Naghiwalay na kami atsaka na kami lumabas ng kotse. Late na nga kami eh. Papunta na kami sa room namin. Naglalakad kami ng biglang may tumawag sa amin.
“Vens! Craise!” Lumingon kami at nakita namin sina Spare, Kuya Neil, Kuya James, Paul, Kit at Khalil.
“What are you doing here?” Me and Vens exclaimed in surprise.
“Ah--eh, nagenrol kami dito. Kaklase nga namin kayo eh.” Kuya Neil
“Spare, and gang. Bakit kayo nag-enrol dito?” Tanong sa kanila ni Vens.
“Eh, gusto lang namin makasiguro na walang mangyayaring masama sayo.” Kuya James
“Di ba sinabi ko na sa inyo na OK lang ako?”
“Eh basta, wag ng makulit bunso.” Kuya Neil
“And don’t worry Vens, nagbibiro lang kanina si Neil. Ako, siya at si James lang ang magiging kaklase niyo at bukas palang kami papasok. While sina Khalil, Kit at Paul, hinatid lang kami dito. Their work now is maging bodyguard niyo outside the Campus.” Spare
“Seriously? Ano bang nangyayari sa inyo? Kaya ko ang sarili ko. At alam niyo naman na sa lahat ng ayaw ko eh yung may nagbabantay sa akin. Hindi na ako bata. Thank you sa pag-aalala pero hindi ko kailangan yan.” Saad ni Vens atsaka na dumiretso papasok sa room namin.
“Pagpasensiyahan niyo na siya. Bakit kasi nandito kayong lahat? Andito naman ako para suportahan si Vens di ba?”
“Bunso the second, hindi pwede. Eh paano kung sugurin kayo dito? Hindi mo kakayanin. Kaya kailangan niyo talaga ng back-up.” Kuya Neil
“Whatever. Do what you want to do. Sige, I’ll go ahead, ingat nalang kayo.” Pumunta narin ako sa room namin at iniwan silang anim. Si Khalil yata, Paul and Kit, babalik sa bagong Condo nila. Ayaw mag-aral nung tatlong yon kaya siguro hindi sila nag-enrol dito sa university. Hay nako….
“Ms. Montes, bakit late ka rin?” Salubong agad sakin ni Ms. De la Cruz.
“Ah… eh kasi Ma’am…”
“She’s with me Ms. NagCR lang po siya kaya nahuli siya.” Vens
“Oh… Sige na, you may seat.” Dumiretso na ako sa upuan ko at saka binulungan si Vens.
“Thank you bes ha?” Nginitian niya lang ako. Atsaka na yumuko sa desk niya. Ganyan talaga siya kapag masama ang pakiramdam niya.
“Hey, Ok lang ba si Venisse?” Bulong sa akin ni… Dixon
“Ha? Ah-eh, medyo masama lang ang pakiramdam.” Nahihiya kong sagot sa kanya. Feeling ko nga namumula na ako. Pano, ang lapit ng mukha niya.
“Ahh…”
“Craise, pwede bang ipagpaalam mo ako kay Ms? Pupunta lang akong clinic.” Biglang sabini Vens.
“Ha? Bakit? Gusto mo samahan kita?”
“Medyo nahihilo lang ako. Dito ka nalang, kaya ko na ang sarili ko.”
“No. Kung ayaw mong samahan kita, ipapasama nalang kita sa iba.”
“Ha?” Tinawag ko yung lalaking nakasalamin na naka-upo sa bandang harap ni Vens.
“Hey, you…” Lumingon lang siya sa akin at saka ako tinaasan ng kilay. Pero wrong move dahil MAS tinaasan ko siya ng kilay.
“Why?” Tanong niya
“Slave, samahan mo nga si Venisse, I mean, your boss sa clinic.” I commanded him.
“Ha? Ako?” Sabay turo pa niya sa sarili niya.
“Ay hindi… siguro ako? Sino pa ba ang kausap ko? Di ba ikaw?”
“Craise, wag na. Ako nalang.” Tumayo na si Venisse atsaka lumabas ng classroom.
“Ikaw kasi eh. Ang tagal-tagal mo! Kapag may nangyaring masama doon, lagot ka sa akin.” Pagbabanta ko sa kanya.
“Ako nalang.” Napatingin naman ako sa gilid ko. Si Xander nagvovolunteer? Dapat lang naman kasi kami ang boss nila ngayon and they are our SLAVES.
“Ako nalang ang sasama sa kanya.”
“Sige, hurry at baka mapano na yun.” Patakbo na siyang lumabas ng classroom namin at sinundan si Vens. Haay… Magiging maayos rin ang lahat. Magiging okay rin ulit si Vens.
----------------------------------------------
A/N: Just Keep reading readers... Next update soon...
T.Y.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top