CHAPTER 42: The Accident

Vens' POV

"Hold tiiight!" Sigaw ko sa kanya habang pilit na inililiko ang kotse.

Dinig na dinig ko ang tili niya. Hindi ko na makontrol pa ang manubela. Nakaramdam tuloy ako ng matinding takot. Hindi para sa sarili ko, kundi para kay Yunisse.

I'm sorry Yunisse. I'm sorry if I can't do something to save you.

Naramdaman ko ang malakas na pagsalpok ng sinasakyan namin at tila ba tumilapon pati ang kaluluwa ko ng mga sandaling iyon. I don't know what happened next.

I groaned when I tried to move my head pero napakasakit ng leeg ko. Pilit kong iminulat ang mga mata ko pagkatapos pero tila nanlalabo iyon. Umiikot din ang buong paningin ko at tila wala na akong lakas para kumilos pa.

Bahagya kong naaninag si Yunisse sa tabi ko. "Yu-nee..." Halos pabulong iyon dahil wala ni kahit boses ang gustong lumabas sa bibig ko. "Yu-"

Bahagya akong inubo at napakasakit non na tila ba mauubusan ako ng hangin habang parang nadudurog ang mga laman ko sa loob.

"Yu-nee..." Impit kong tawag sa kanya habang sinusubukan siyang abutin, pero hindi ko magawang maigalaw ang buong katawan ko.

It hurts. It really hurts. I thought it was tears I blinked pero nang maaninag kong pula iyon ay nanginig ang katawan ko. B-blood. I tried to gulped pero kahit paglunok ay tila napakahirap.

Unti-unti nang lumalabo ang mga mata ko. Hindi ko na gaanong maaninag ang paligid. Napapapikit narin ako. Nakaramdam ako nang paggalaw sa tabi ko. I think it's Yunisse.

I smiled at the thought. I guess she's fine. I'm glad she is. I even heard her faint voice calling my name. I don't know if I'm imagining things pero kung anu-ano nalang ang naririnig ko.

Sinubukan kong muling imulat ang mga mata ko, pero hindi ko na talaga kaya. Inaantok na ako. Pero bago pa ako tuluyang mapapikit, I saw Yunisse's face for the last time.

I don't know why, but I suddenly wanted to cry for help.

"X-Xand-er..."

Drache's POV

"Drache, you're loosing you're line!" Sigaw ni Seth sa kabilang linya. Napatingin ako sa harap ko't muntik na akong bumanga sa kotseng kasalubungan ko. Buti nalang at nakailag ako kaagad.

Napasabunot ako sa sobrang kaba at takot. Mas binilisan pa namin ang pagpapatakbo, at kung pwede lang ay liliparin ko na ang kinaroroonan niya.

Bigla akong napapreno nang huminto ang kotse sa unahan ko. Napabusina tuloy ako sa inis. I look outside and saw that there is a heavy traffic.

"Sh*t! Bakit ngayon pa?" I murmured. Biglang may pulis na dumaan sa tabi ng kotse ko. Binuksan ko ang bintana at tinignan siya.

"Boss, ano pong nangyari?"

"May aksidente. Sumalpok yung kotseng sinasakyan ng dalawang babae doon sa may puno. Agaw-buhay yung isa. Hindi kasi gumana yung airbag niya. Kawawa nga eh. Mukhang masasampahan pa sila ng kaso dahil ayon sa mga nakakita eh nakipagkarerahan daw ang mga ito." Paliwanag niya. Dalawang babae? Bigla akong kinabahan. 'Wag naman sana.

"Ano pong kulay at uri ng kotse?"

"Uhh... puting lamborghini." The moment he said the word, tila nanlambot ang buong katawan ko.

Hindi ko na pinansin yung pulis at agad na bumaba.

"Drache saan ka pupunta?!" Rinig kong tanong sa linya nina Seth pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Malakas ang kutob ko na kotse niya ang tinutukoy ng pulis, pero 'wag naman sana. Napakadaming tao ang nakakumpol malapit sa pinangyarihan at malayo palang ay tanaw ko na ang nasabing sasakyan.

Tila may kung anong matulis na bagay ang bumara sa lalamunan. Nanikip din ang dibdib ko at tila nawalan ng lakas ang mga binti ko. Napahawak ako sa isa sa mga kotseng naroon para kumuha ng suporta.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tulirong napailing.

"Hindi. Hindi niya ako iiwan. Vens..."

Kahit tila nanghihina ay pinilit kong makaabot doon sa pinangyarihan. Nariyang itulak ko ang mga nakikiusyoso at madapa dahil sa kawalan ng lakas.

"Sandali hijo, bawal ka dito." Pigil sakin ng pulis.

"Titignan ko lang po."

"Hindi pwede. Torres! Paalisin niyo nga sila dito!"

"Sir... titignan ko lang. Baka-" tila may bumara sa lalamunan ko nang sinubukan kong sabihin ang nasa isip ko. "Baka girlfriend ko't kapatid niya yung mga naaksidente." Sa wakas ay nasabi ko rin.

Mukhang nagdadalawang isip pa yung police pero pinayagan din ako.

"Drache! Sandali! Kasamahan namin yan! Kotse ng pinsan ko yan!" Dinig ko ang mga boses nina Spare.

And him saying that its his cousin's car really stabbed my heart. Dahan-dahan akong lumapit doon sa harap. Para akong mamamatay sa sobrang kaba.

Nakita ko ang buhok ng nakaupo sa driver's seat at doon ko na hindi napigilang hindi bumuhos ang luha ko. Patakbo akong lumapit at itinulak ang isang paramedic na akmang pipigil sa akin at madaling binuksan ang pinto ng kotse.

Pero bago ko pa siya mahawakan ay hinawakan na ako ng dalawang paramedics at inilayo doon.

"Bitawan niyo ako!" Reklamo ko at nagpupumiglas. "Vens! Andito na ako! Vens!" Sigaw ko hoping that if she'll hear my voice ay maging okay siya. "Bitawan niyo sabi ako! Vensss!" Pilit akong kumakawala pero mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin at ibinigay nila ako sa mga pulis.

"Tama na Xander." Dinig kong sabi ni Spare.

"Vens! Bitawan niyo ako! Kailangan ako ng girlfriend ko! Vens!" Akma akong kakawala pero nakatanggap ako ng suntok mula kay Spare.

Natumba ako pero madali akong inalalayan nina Kats pero nagpumiglas ako.

"Tumigil ka na Xander! Kahit anong sigaw mo diyan, hindi ka niya maririnig. Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon?! Hayaan mong ang mga eksperto ang tumulong sa pinsan ko dahil wala kahit na ano kang magagawa ngayon para tulungan siya!" He exclaimed that really crushed my heart.

Hindi ko na napigilan at napaluha na lamang ako habang sinusuntok ang lupang kinaluluhuran ko. Even at times like this, I can't do anything to help her. I can't do anything to save her.

"Vens, wag mo muna akong iiwan please." Bulong ko sa sarili ko. "Nangako ka sa 'kin." Please, hold on once more. Hindi ko kakayaning mawala ka Vens... wag ka munang bibigay.

No one's POV

They rushed them to the nearest hospital. Everyone's there. Some cries, some waits, and everyone prays.

He on the other hand sat there in silence. With head bowed down, elbows resting on both knees, hands covered in head, eyes closed, mind praying, lips mumbling and heart which is in pain.

Wala na siyang ibang gugustuhin pa. Kahit mawala na ang lahat ng bagay sa kanya, huwag lang siya. Huwag lang ang babaeng mahal na mahal niya.

Everyone is sad and felt pity for him. They all love her. They were all praying that she will successfully manage to survive.

She's tough. Everyone knew that. She will never easily give up. They all know that she can live. Together with him, together with them.

They were all quiet sitting at the waiting area, until the door opened and the doctor went out.

The doctor looked at them.

"Doc, how's my twins?" Mr. Sanchez asked.

"I'm sorry, but one of them didn't make it." Mrs. Sanchez burst into tears as Mr. Sanchez comforts her.

"Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya at mas malaki ang tinamo niyang pinsala. I'm really sorry Mr. Sanchez. We all did our best to save both, but her heart rate failed. One of your daughters has a heart failure. We save Yunisse, but Venisse didn't make it."

"You're kidding right?" Xander asked looking intently at the doctor.

"I'm sorry. Sorry for your loss. Excuse me." Silence surrounded the hall and mourns can be heard.

"She promised. She promised she won't let go. Hindi pa patay si Venisse." He declared.

"Xander..." Her Mom hugged him, but he keeps claiming she's alive.

Malaki ang tiwala niyang hindi siya nito iiwan.

"Hindi siya susuko. Hindi niya ako pwedeng iwan!" Hindi na niya nakayanan pa ang sakit na nararamdaman. "We still have plans to do together. Hindi ba? Seth? Craise? Spare?" Tanong niya habang may mga luhang dumaloy sa pisngi niya't tuluyan na niyang hindi nakontrol.

"We still have dreams to fulfill. Para namang hindi niyo kilala si Venisse. I know she's just sleeping and waiting for us to wake her up. Alam kong inaantay niya ako." He was about to find his way to her, but Craise stopped him.

"Xander!" She hold his hand looking at his back. "I know it's hard. Pero kung mahirap sayo, mahirap din para sa amin. Alam kong mahal mo si Vens at mahal na mahal ka din niya. Sa tingin mo ba, matutuwa siya kung nakikita ka niyang nagkakaganyan?"

Hindi ito kumibo. Ilang saglit lang ay nakarinig sila ng hikbi mula rito. "I'd rather die. I'd rather die if I'll live without her."

Tears shed through the whole room. They can't accept it yet. They share the same pain. They still want to do things together and dream together. But how will they do that if she's...




... gone?



DP: 07/22/2014
DR: 05/11/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top