CHAPTER 41: Clear things between us

Yunee’s POV

“You know that’s not true. Alam mo bang naiinggit ako sayo tuwing pinapayagan ka nila Mommy at Daddy noon na maglaro? Samantalang ako, lagi nalang nasa bahay at nag-aaral kasi wala akong ibang pwedeng gawin kundi iyon lang.

"Alam mo rin bang inggit na inggit ako sayo tuwing nakakakain ka ng mga gusto mo samantalang ako bawal? Ang daming bawal Yunee pero ikaw, malaya ka. Feeling ko bilanggo ako pero tiniis ko yon.” She said.

I don’t know if I’m crying because of hatred or because of what she told me. She keeps hugging me. Napakasama kong kapatid. Napakasama kong kapatid para saktan ng ganito si Venee. I’m her Ate, but I hurt my little sister.

“I didn't know. I’m sorry.” I mumbled as I hug her back.

“No. Don’t feel sorry. Hindi mo naman alam. And even what happened to us, you’re still my sister. You’re still my Ate.”

“Napakasama ko sayo. Sinira ko ang buhay mo. Sinira ko ang buhay nating dalawa. Sorry dahil sa inggit kaya nagkasira tayo. I was just eaten by selfishness and envy.”

“There are things in this world that aren’t perfect. Lahat tayo nagkakamali pero sa mga pagkakamaling 'yon natututo tayo.” We keep hugging each other as I felt my shoulder wet.

Napagod na ang mga mata ko sa kakaluha kaya naman kumalas na ako sa yakap niya.

“Can we… can we clear things out and start again?” Tanong ko sa kanya na ikinangiti niya.

“I’m glad to start things with you again.” Tumayo kaming dalawa at umupo sa bench. I hold her hand and we intertwined it. “Alam mo bang noong mawala kayo nila Mommy at Daddy, feeling ko ako nalang ang tao sa mundo?” I looked at her, but she’s looking far away.

I pressed her hand slightly.

“I feel so sorry for everything. I want to tell you the truth.” Sabi ko na ikinatingin niya sa akin.

“Walang nangyari samin ni Alex. Believe him. Your boyfriend loves you so much. It was my whole plan para sirain kayo. And, ako rin ang nagsabi sa kanyang makipagbreak sayo. I was the one who told him that he should break you in front of everyone. I threaten him that if he wouldn’t do so, I’ll ruin their whole life at ilalayo kita sa kanya. I’m sorry. Napakasakim ko’t napakagahaman.”

Napayuko ako’t napaiyak. Naghihintay ako ng sampal o kung ano pero wala akong naramdaman maliban sa yakap. Napatingin ako kay Venisse.

“Kahit naman magalit ako sayo ngayon, wala nang magagawa 'yon. Tapos na yon, Yunee.”

“Hindi mo ba ako sasampalin o kung ano?” Tanong ko na ikinatawa niya.

“Kulang pa ang sampal. Baka mamatay ka na kung paiiralin ko ang galit ko. And, I think Dad will still continue your wedding.” aniya na ikanalungkot niya.

“No. Hindi na ako papakasal sa boyfriend mo. Hindi ko naman mahal 'yon. Sinabi niya naman sa 'kin na pakakasalan niya ako pero wag daw akong mag-expect na magiging mabuti siyang asawa. Muntik pa nga akong patayin sa higpit ng sakal niya sa 'kin.” Muli siyang natawa kaya natawa narin ako.

“He’s a gangster after all.” She whispered but enough for me to hear.

“Kung matutuloy ang wedding, balak ko ring makipagdivorce sa kanya Venee.”

“Bakit naman?”

Natahimik kami sandali.

“I love someone else, at siya lang ang mamahalin ko habang buhay.”

“Sino? Kilala ko ba?” Tumango ako.

“Kilalang-kilala mo siya.”

Ngumiti nalang siya’t hindi na nagtanong. Nanatili kaming magkahawak kamay at nakangiting nakatingin sa malayo. Feeling ko, ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon at tila nakukuha ko na lahat ng gusto ko. Napangiti tuloy ako.

Vens’ POV

Pakiramdam ko, lahat ng galit at pagkasuklam na nararamdaman ko noon ay bigla nalang naglahong lahat. Feeling ko daig ko pa ang ulap sa gaan ng pakiramdam ko.

“Uwi na tayo? Gusto ko nang sabihin ang totoo kina Mommy.” Nginitian ko siya at tinanguan.

Tumayo kaming pareho na magkahawak-kamay parin.

“Masaya ako ngayon. Masayang masaya.” I blurted out.

“Same here.” She said pero tila hindi umabot ang mga ngiti niya sa mata.

I don't know why pero iniisip niya parin siguro ang kasal. Pinisil ko ang kamay niya to make her know na magiging okay rin ang lahat.

Paalis na sana kami nang mapatingin ako sa likuran namin. May isang kaduda-dudang lalaki ang naroon at tila ba palapit sa amin. Mas humigpit ang kapit ko sa kamay ni Yunee.

"May problema ba?" Tanong niya.

Madali ko siyang hinila at nagmadaling maglakad paalis. "Parang may sumusunod sa 'tin."

“Sino?” Tanong niya atsaka lumingon.

"I don't know. Dalian mo nalang." Hatak-hatak ko siya pero napahinto kami ng may dalawang lalaking humarang sa amin.

Liliko sana kami para iwasan sila pero may tatlo pang muling humarang. Itinago ko tuloy sa likuran ko si Yunisse.

"Sino sila?"

"I don't know." Sagot ko. Wala akong kilala ni isa sa kanila. Napatingin nalang ako sa likuran at kay Yunee when I heard her screamed.

"Bitawan mo ang kapatid ko!" Sisipain ko sana ang lalaki pero mabilis siyang umiwas.

"Interesting." That guy said.

“Vernon?” Napatingin ako kay Yunee. Kilala niya ang hinayupak na ‘to?

“Magkakilala kayo?” Tanong ko. Tiningnan ko ulit ang lalaki na inalis ang suot na sumbrero at salamin. Sinuri ko ang mukha niya. Parang nakita ko na siya noon.

“Unfortunately, yes.” Sagot ni Yunee na ikinangisi ng lalaki. Palapit siya samin pero paatras naman kaming dalawa.

“What are you doing here you asshole?!”

“Is that how you’ll greet your ex?” Ex?!

“Ex? Ni hindi naging tayo kaya wag mo akong ma-ex-ex.”

Napangisi lang ito bago tumingin sa akin. “So tama nga ang balita, may kakambal ka nga.”

“So?”

“Kamukhang-kamukha mo siya. I wonder if who taste better?”

Nangilabot ako sa sinabi niya and literally feel cringey about it.

“Don’t you dare touch my sister.” Itinago ako ni Yunee sa likod niya.

Nakakapangilabot ang mukha ng hinayupak na lalaking ‘to. Hindi nga siya mukhang ex ni Yunee. Kasing sama ng mukha ng asong ulol ang mukha niya.

“Ooohhh! I’m scared!” He acted as if really scared and chuckled.

“What do you want?”

“I want you.”

“Kung wala kang U, bumili ka sa bookstore! Baka sakaling may mahanap kang U doon, makakapamili ka pa ng design.” Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.

“Magkapatid nga kayo. You're both funny.”

“Venee, umalis na tayo dito. Wala tayong mapapala sa lalaking ‘to.” Akma kaming aalis pero hinarangan kami ng limang lalaki.

“Not that fast.” Hinawakan ko ang kamay ni Yunee. Kung lalabanan ko sila, may panama ako.

“Pwede ba tigilan niyo kami? Kung gusto niyo ng pera, pauulanan ko kayo ng pera.”

“Yunisse, Yunisse. Ayoko ng pera mo. Pero kung ikaw ang makukuha ko, mas malaki pa sa perang ipapamudmod mo ang makukuha ko.” Tsk. Money freak.

“Manigas ka kung makukuha mo ako.”

“Kung ganon, kapatid mo nalang ang kukunin ko.” Sinenyasan niya ang mga lalaki at lumapit sa amin.

“Huwag kayong lalapit kung hindi,” Pananakot ko na ikinangisi nila. Wala na akong magagawa.

Hinawakan ko lang ang kamay ni Yunee at sinipa ng ubod lakas ang pagmumukha ng lima.

“I already warned you, but you were all deaf.” I said and give them hard kicks and punches kaya ayon, tulog. Lampa naman pala ‘tong mga ‘to eh. Hinarap ko naman si Vernon na mukhang natakot.

“Go before I’ll kick your ass next!” I said looking at him furiously. Napatingin siya samin tapos ngumisi.

“I love violent girls.” He said and walk towards us. Hinila ako ni Yunee palayo.

“When I said run, run as fast as you can. Wag kang lilingon.” She whispered. I look at her.

“What’s your plan?”

“Damuho ang lalaking ‘to. Now, run!” She yelled kaya tumakbo kaming magkahawak kamay.

“Run as fast as you can, but I will surely get you!” Yelled by that lunatic man. Tumakbo kami ng mabilis at hinatak ko si Yunee sa kotse ko.

“Sakay na Yunee! Bilis!” Madali kaming sumakay and even though I feel something's a bit off eh hindi ko na pinansin.

Pinatakbo ko ng mabilis ang Veneno ko. Good thing at ang baby Veneno ko ang dinala ko.
 
“Sino ba 'yon?” Tanong ko.

“A crazy man.”

Napalingon ako sa likod. “He's really persistent.”

“Drive as fast as you can Venisse.” Sinagad ko na ang limit ng bilis ng kotse ko.

“Woaaahhhh! Dahan-dahan at baka maaksidente tayo!”

“Just put your seatbelt on!” I pulled the clutch at iniwasan ang mga kotseng nakakasalubong namin. Maya-maya may naririnig na akong putok. “The heck! Don’t tell me that man is a racer?!” I exclaimed looking at the side mirror. He’s fast at parang maaabutan kami.

“Sad to say, but yes.”

“Call everyone. We need help.” Hinagis ko sa kanya ang phone ko at nagring agad 'yon. “Put it on loudspeaker.”

“VENS! WHERE THE HELL ARE YOU?!” I heard Craise yelled.

“Craise, listen to me. I’m with Yunisse and someone’s chasing us.”

“What?! May ginawa ba sayo yang ipokrita mong kakambal?!”

"Excuse me?! Ako, ipokrita?" Yunee commented.

“Calm down Craise. Yunisse and I are in great danger. We need help! Now!”

“Okay! Where are you?!” Nagpalinga-linga ako.

“I don’t know. There aren’t buildings here or anything. It was just fields amd trees.” Bigla nalang pumutok at tinamaan ang side mirror ko.

“I’ll kill that man! How dare him ruin my Baby’s mirror?!”

“ANO YON?! VENS?! AYOS KA LANG BA?!”

“Yes but---AHHHH!” Another bang echoed at tingin ko tinamaan ang gulong namin. Pinihit ko ang manibela pero hindi ko makontrol.

Bigla nalang kaming nakarinig ng malakas na busina mula sa harapan, at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may kasalubungan kaming truck. Nakakasilaw ang ilaw na nagmumula roon kaya hindi ako makatingin. Tila nabingi din ako sa lakas ng busina non.

“Venisseee! Watch out!” Iniliko ko kaagad ang manibela not knowing what will happen.

Everything seems to move slow afterwards at tanging pagsigaw na lamang ni Yunisse ang naririnig ko.


DP: 07/22/2014
DR: 05/11/2020

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top