CHAPTER 40: Broken apart
Vens’ POV
“Tell her Alex.” Yunee said while clinging in MY boyfriend’s arm. Nandito lahat sa bahay namin. Hindi ko alam ang ginagawa nilang lahat dito. Nakaharap ako sa dalawang taong lubos kong kinasusuklaman ngayon. I look at Yunee and she’s wearing her everyday smile. I look at Drache and he’s eyes were dull and cold. Di ko mabasa ang mukha niya dahil wala namang mababasa doon.
“Tell what you want to tell. Wala akong panahong makipag-aksayahan ng oras sa inyo.” Naiinis kong sabi.
“Go on, Alex.”
“Venisse…” Wow… He even called me Venisse and not Vens nor Boss… ano pa bang ineexpect ko hindi ba? Naghihintay lang ako ng sasabihin niya.
“I’m breaking up with you. I would rather marry Yunisse rather than marrying you. I’m sorry for telling you I loved you but I didn’t. I’m sorry…” He said. I was just standing still and looking at them blankly. Somehow it hurts me at parang sinaksak ako sa puso. Direktang tusok. I chuckled and so they all looked at me.
“I feel sorry for you two… nakalimutan ko nga palang makipagbreak sayo ano? Hindi ko pala nasabi kahapon bago ako umalis. Akala ko tuloy kung anong sasabihin niyo. And sorry Xander but… hindi rin naman kita minahal. Ni hindi ko nga alam kung paano magmahal kaya hindi ko masasabing minahal nga kita. Naenjoy ko lang ang pagiging slaves niyo kaya ng manligaw ka ay sinagad ko na. Mahirap palang walang utusan ano? Sayang… ang utusan ko pa ang mapapangasawa ng kapatid ko. How pathetic. Hindi ko alam Yunisse na namumulot ka pala ng alila ngayon. Tsk tsk tsk. Pakasaya kayo ha? Enjoyin niyo ang buhay mag-asawa.” Nakangiti kong sabi bago umakyat pataas. That’s bullsh*t Xander Drache! You’re the most stupid person I’ve ever met! Pumasok ako sa kwarto ko at pumasok din yung iba. Humiga ako sa kama at tumabi sakin si Craise at Geenee. Umupo naman sa tabi sina Mitch at ang iba pa. Alam na nilang lahat yung nangyari.
“Vens, alam kong di ka ayos.” Craise said.
“I’m okay Craise. Mas okay ako ngayon kesa sa kahapon.” Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at bigla nalang pumasok si Xander at Yunisse napabangon ako at Tiningnan sila ng masama.
“What you’re doing here? You’re not even welcome here.” I said to them.
“I’m just borrowing my bestfriend.” She said. Kumunot lahat ng noo namin. Best friend? Kelan pa nagkabestfriend ‘to? At sa mga kaibigan ko pa ha?
“Nagpapatawa ka ba? Kelan ka pa nagkaroon ng kaibigan at sa mga kaibigan ko pa ha?”
“Believe it or not Venee, magugulat ka nalang talaga.” Bigla niyang binitawan si Xander at nilapitan si Mitch. Itinayo niya ito at iniharap sa amin.
“Meet my one and only best friend, Michellin Martinez.” We all eyed to Mitch who’s smiling awkwardly.
“Traitor…” I heard Geen and Craise mumbled. Maging si JC ay gulat na gulat pati yung iba.
“Hindi ko expect na may makakapasok na isang pantas sa grupo.” Saad ni Craise. Nanahimik lang ako dahil baka kung anong masabi ko kay Mitch. Kaya naman pala ang layo-layo ng loob ko sa kanya. Kadugtong pala siya ng kakambal ko.
“Sige, maiwan muna namin kayo. Alagaan niyo ang fiancé ko ha?” Hinalikan niya pa si Xander sa pisngi bago tuluyang lumabas. I was just dumbfounded. Nilingon ko si JC na hindi parin makapag-react sa nangyari.
“So all this time we a have a traitor in group? Hindi kaya siya ang dahilan kung bakita napapahamak ka, Vens?” Sabi ni Craise.
“Don’t jump to conclusions Craise.” Ayoko lang na masaktan si JC. Kahit papaano naman ay napalapit narin naman si Mitch kaya hindi ko alam kung saan ang totoo sa lahat ng ipinakita niya. Tiningnan ko si Xander na nakatingin kay Venache.
“Nga pala, kapag lumabas ka ng kwarto ko, pakibitbit ng basurang nilagay mo sa kwarto ko. Masyado ng masikip dito at di kaaya-ayang tignan yang dinisplay mo.” Tiningnan niya ako. Were giving each other cold gazes. Humiga ako ulit sa kama ko at pumikit.
“Naalala ko, baka hindi na ako mag-aral next school year dito. Pupunta nalang ako sa LA or somewhere in States para doon magpatuloy ng pag-aaral. Ano, sama ba kayo? Treat ko.”
“Alam mo namang kung saan ka Vens, doon din ako.”
“Edi kung saan si Craise, doon din ako.” Rinig kong sabi ni Dix.
“Sige, papaalam ako kina Mom and Dad. For sure papayagan ako ng mga yon.”
“If where’s Geen, I would be there also.”
“Okay! Sama-sama tayong mag-aral at sabay-sabay tayong pumunta ng LA or somewhere in States!” Masayang sabi ni Kats kaya natawa ako.
“And oh, I’m also planning not coming back in Philippines or maybe, bibisita ako dito at magstestay for atleast one month. I want to spend my days far away from here… I bet mas maraming drag racing don. Let’s practice together so we can earn at magpatayo tayo ng sarili nating kumpanya at papangalan nating itong: ‘BOSS: BeyondOnSuccesSions’” Nakapikit parin ako habang sinasabi yan. Iniimagine ko yung mga bagay-bagay. Ang saya nga siguro kung matupad namin yon.
“Maganda nga yan. Game ako diyan. Naiimagine ko na ang ating sariling kumpanya. Si Venisse ang Presidente, si Craise ang vice, at tayo ang mga BODs. Ang galing… Dalian nating magtapos…” Halata sa boses ni Kats yung excitement. I giggled. Naiimagine kong nakapagtapos kaming lahat at masayang binubuo ang kumpanya.
“Maganda nga yang mga balak niyo. At sana, kasama ako sa mga bumubuo ng BODs niyo.” Nawala ang mga ngiti sa mukha ko at napamulat ako.
“Yung mga pangarap na yon, kami lang ang bubuo non at hindi ko naisip na isali ka sa mga pangarap na yon. Oh, hindi, naisip ko pala. Kasama ka pala sa mga pangarap na yon.” Tiningnan ko siya at ngumiti siya ng bahagya.
“Naisip kong, magpapalagay ako ng notice na ipaban ang lahat ng kapangalan mo at yang pagmumukha mo. Pangarap kong sana, maglaho nalang kayong pareho ng kakambal ko. Ang gandang pangarap ano?” Bitter na bitter ako hindi ba? Halatang-halata eh. Nginitian ko siya. A cold stare with a cold smile.
“Yeah… ang dami na nga pala ng pinag-iba.” Sabi niya at bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto ko at lumitaw ang galit na galit na sina Spare at ang mga katropa niya. Nakita niya bigla si Xander at agad itong kinwelyuhan at binigyan ng malakas na suntok.
“What did I told you? Hindi ba’t sinabi kong wag mong sasaktan ang pinsan ko? Hayop ka Xander!” Bibigwasan niya pa sana ito pero tumayo na ako’t hinawakan ang kamao niya.
“Don’t do it Spare. Wag mong gagalusan yang kamao sa isang walang kwentang tao.” Tiningnan ko si Xander na ngayon ay dumudugo’t putok ang labi. Bumuntong hininga lang si Spare at niyakap ako ng mahigpit. Sam as Kuya Neil and Kuya James. Naluha nalang ako bigla. Kahit kailan talaga, hindi ko maitatago sa tatlong ito ang sakit na nararamdaman ko.
“Lumabas muna kayong lahat.” Utos ni Spare sa kanila at narinig ko nalang na nagsara yung pinto. Kumalas na sa yakap si Spare at napayuko lang ako.
“Ang sakit-sakit Spare… ang sakit-sakit. Kung ganito pala kasakit magmahal, sana hindi na ako nagrisk. Sana nakuntento nalang akong mapag-isa.”
“Vens… kaakibat talaga ng pagmamahal ang sakit. Kinausap mo na ba sina Tito at Tita?”
“Wala nang dapat pag-usapan. Kuntento na ako sa nakita ko. I saw it with my own eyes kaya wala na silang dapat ipaliwanag pa. They’re both stupids. I wish mamatay nalang silang dalawa.” Naasar ako. Sobra akong naaasar. Niyakap nalang ako ulit ni Spare. Sana nga hindi nalang ako nagmahal. Edi sana hindi ako nagkakaganito’t nasasaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top