CHAPTER 39: Lester's Special Chapter
“Kawawa naman sina Vens at Drache ano? Ang hirap ng sitwasyon nila. They both love each other pero ang daming hadlang.” Sabi ni Geenee habang nagboboard kami. Andito kami ngayon sa park. Kaming dalawa lang.
“May mga pagkakataon talaga na kahit para sa isa’t isa, pinaghihiwalay upang subukin ang katatagan at kung paano nila malalampasan ang mga bagay-bagay. Drache and Venisse was just one of those who experience it. Malas lang nila dahil parehas silang may mga amang hindi pinapakinggan ang mga sinasabi nila.” Umikot-ikot lang kami.
“Buti pala’t mabait ang mga magulang ko.” Napahinto ako sa sinabi niya’t tiningnan ko siya.
“Napakaswerte natin Geen dahil hindi tayo nagkaroon ng mga magulang na meron sila. Oo nga’t busy sila pero hindi parin nila nakakalimutan ang obligasyon nila sa atin bilang isang magulang.”
“I’m thanking that Mom and Dad wasn’t the richest persons in business industry.”
“Bakit?”
“Baka kung nagkataon, nakafixed marriage din ako tulad ni Vens.” Huminto na siya at kinuha ang board niya. Umupo ako sa tabi at umupo siya malapit sakin.
“What if you were fixed to someone you don’t know and don’t even love… papakasalan mo ba siya?” Napatingin siya sakin.
“Hell No! Maglalayas nalang ako bago mangyari yon. Mas gusto kong pakasalan ang taong pinakamamahal ko.” Nakangiti niyang sabi.
“Eh sino bang mahal mo?” Tanong ko sa kanya at agad niyang niyakap ang board niya.
“Yung nagbigay sakin ng board na ‘to. Siya ang mahal ko’t mamahalin ko.” Hindi siya tumingin sakin sa halip ay nakangiting tiningnan yung board.
“So… ako pala ang mahal mo’t mamahalin mo?” Tanong ko sa kanya pero tumingala lang ako. Ang ganda ng mga ulap. I heard her chuckled kaya napatingin ako sa kanya.
“Nananaginip ka ba? Ni hindi mo nga alam kung sinong nagbigay ng board na ‘to and now you’re claiming you gave this to me?”
“I didn’t say directly that I gave that board to you but… hindi nga ba ako ang nagbigay niyan?” Natahimik siya’t nakatingin lang sakin. Nagkatitigan kami.
“Paano mo naman nasasabi yan? Di naman ikaw si ter-ter.” Mahina niyang sabi pero dinig ko.
“Di pa ba bumabalik yung ter-ter mo?”
“Hindi pa. Masyado pa siyang busy sa bago niyang buhay at di ko alam kung kailan niya ako babalikan o may balak pa nga ba siyang bumalik.”
“Eh paano kung hindi na siya bumalik? Hand aka bang magmahal ng iba?” Saglit siyang natahimik pero ngumiti lang din at nilaro ang gulong ng board niya.
“If it isn’t ter-ter itself, I wouldn’t dare look for someone else.” Napangiti ako at tumingala ulit.
“E paano kung sabihin ko sayong bumalik na si ter-ter?” Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin.
“Hahaha… imposible. Tulad nga ng sabi ko sayo, mukhang nag-eenjoy pa siya sa bago niyang buhay.” I look at her and I heard her heaved a sigh.
“Nagkakamali ka Geen... walang imposible…” Nahinto siya sandali pero hindi tumingin sakin. Bigla nalang siyang tumayo at binitbit ang board niya.
“Uhh… may naalala ako… may---may gagawin pa nga pala ako. Sige, una na ako sayo Lester.” Walang lingon-likod niyang sabi sakin at naglakad paalis. Tumayo ako agad at patakbong lumapit sa kanya. I pulled her and hug her. Nabitawan niya yung board niya. I keep holding her and just hug her. Tinutok ko ang tenga niya sa puso ko.
“Naririnig mo ba? Sayo lang nagkakaganyan yan.”
“Lester…” I heard her muttered.
“Nee-nee… I’m sorry that I came back late.” Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
“Sorry for those years and occasions na napalagpas ko. Sorry at iniwan kita. Sorry dahil nakalimutan kita. Pero kahit nakalimot yata ang isipan, di ka nakalimutan ng puso ko.” I heard sniffings and so I smiled.
“You’re an idiot Lester. You really are.” She said and hug me back. Mas napangiti ako.
“Mahirap palang kalimutan ka pero mas mahirap ang iwanan ka. I promise… I would never ever forget you anymore.”
“I don’t take promises. Ipinangako mo na dati yan pero nakalimutan mo parin ako. I would rather accept it if you’ll fulfill it.” Napangiti ako.
“I will.” Bumitaw na kami sa yakap at pinunasan ko ang mga luha niya. Bigla niyang tinampa ang tiyan ko at masakit yon.
“Kelan ka pa nakakaalala?”
“Uhh… hehe… medyo matagal narin. Remember the time na hinahabol ako ni Kats at umangkas ako sa board mo at nung mahulog tayo?” Tumango naman siya.
“Nagpapasalamat ako kay Mrs. Floor at sinalo niya ang ulo ko at dahil doon ay naalog ata ang utak ko at bigla nalang nagsibalikan lahat ng alaala ko.”
“Bakit hindi mo sinabi agad?”
“Wala… gusto ko lang makilala pa ang nee-nee ko bago ko siya balikan.” Bigla nalang siyang namula at umiwas ng tingin.
“Buti nalang pala at walang nauna sa akin ano? Buti nalang pala at nakahabol ako.”
“Pasalamat ka at marunong maghintay ang puso ko. Dahil kung hindi, baka hinabol ko nalang si Kristoff.” Sabi niya at saka nagpout. Pinisil ko yung magkabilaan niyang pisngi.
“Aray… mashakit…”
“Ang cute mo nee…” Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at tinitigan siya.
“Bitaw.” Tinampa niya ang mga kamay ko but I suddenly cupped her face and give her a quick kiss. Namilog ang mga mata niya and I saw her blushed intensely. Tumakbo na ako kaagad.
“Ang cute mo, nee!” Pang-aasar ko sa kanya.
“LESTERRRRR!!” Bigla niyang kinuha ang board niya atsaka ako hinabol.
Sana ganito nalang tayo Geenee. Kahit makalimot ang utak, makakaalala parin puso. Sisiguraduhin ko ng hindi na kita makakalimutan Geenee. I’ll make sure to treasure all the memories I have with you. Kung kinakailangan kong bumili ng helmet para hindi maalog ang utak ko, bibili ako.
----
“Promise, I won’t leave you. I’ll be by your side always.” Said the little boy.
“And I promise to keep you always and be by your side too ter-ter.” The little boy and the little girl made their pinky promise.
Isang pangako na kahit ang oras ay tumakbo, ang panahon ay makipaglaro at ang mga isipa’y makalimot, ang puso parin ang magpapasya at magpapaalala na kahit ang oras man at panahon ay maglaho, mahahanap parin ng puso ang taong nilimot man ng kapalaran, siya parin ang ‘yong una’t huling matatagpuan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top