CHAPTER 30.9: Preparations
Vens’ POV
You were walking in a paradise like land and snow were falling from up above but the sun is shining brightly. You were walking when someone appeared in front of you and kiss you and hug you and… poke you?
Napamulat ako ng mata when I felt someone’s poking my cheeks.
“Good Morning Mommy.” I saw Topaz poking me and… Kale? Napabangon tuloy ako at napatingin sa alarm clock ko.
“Oh my gosh! It’s 11 in the morning at ngayon lang ako nagising?!” I said surprisingly. Bakit ganon? Antok na antok parin ako hanggang ngayon.
Kaasar naman kasi. Hindi ako pinatulog dahil sa ginawa ng lalaking yon. Napahawak tuloy ako sa ulo ko at napangiti.
“Mommy… why are you blushing?” Tanong ni Kale at Topaz. Napahawak tuloy ako sa mukha ko.
“Uh… I’m not… it was just… I feel cold…” I said as I stand up.
“Mommy will take a bath. Diyan muna kayo. O kaya, if you want to eat, bumaba lang kayo at magtanong kay Yaya okay?” I said and rushed at the bathroom.
I looked myself in the mirror. I’m really red. Kaasar naman kasi oh. Aish!
Naligo nalang ako at nagshower ng matagal. Sinuot ko yung bathrobe ko at lumabas na ng banyo. Nakita ko ng wala sina Topaz sa kama. Baka bumaba na siguro. Pumasok nalang ako sa walk-in closet ko at nagsuot ng damit. Paglabas ko, may nakita akong bouquet of white and yellow roses at letter sa kama ko.
Tiningnan ko kung kanino galing yon pero walang nakalagay na pangalan. I read the letter and it said...
“Good Morning to the most beautiful Empress!” Creepy. Sino namang nagpadala nito?
Naalala ko tuloy yung kahapon. Ganitong bulaklak rin ang nakakalat sa kwarto ko. Hindi kaya siya na naman ang may gawa nito? Tsk. Hindi ko tuloy alam kung bakit niya ginagawa ‘to. Di ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Abnormal na ba ako?
Napatingin ako sa life size teddy bear na nakalagay ngayon sa tabi ng kama ko. Aish… Napapangiti tuloy ako.
“Venache, did Daddy give this?” I ask it waiting for it to answer me. I hug it again and I was surprise when it speaks again, but it’s different from yesterday.
“Rise and Shine beautiful Empress! I---*giggled* Shhh… baby, keep quiet, Mommy may wake-up. *he whispered* Ehem, uhm… see you later Empress… I hgaiherhqruqehrueqr” Huh? Di ko naintindihan yung huli. Bigla nalang kasing naputol. At anong… ibig sabihin, galing siya dito kanina?
Tiningnan ko kung anong oras na. 12 o’clock na pala. Bumaba nalang ako na naka hanging blouse lang at shorts. Baka andito pa yung ungas na yon. Dumiretso ako sa dining at halos bumalik ulit ako sa kwarto sa Nakikita ko ngayon. What the heck is this?!
Drache’s POV
“Ano? Naipadala niyo na ba? Handa na ba ang lahat? Yung mga bulaklak? Yung food? Yung resto? Yung mga gagamitin?”
“Bro, easy ka lang… magiging okay rin ang lahat. Kesa mataranta ka diyan, just relax at paghandaan ang mangyayari mamaya.” Sabi ni Seth sabay pat sa balikat ko.
“Kinakabahan lang ako. Paano kung hindi siya Umoo? Paano kung---”
“Eh kung wag na kaya natin ‘tong ituloy? Mukhang alam mo naman ang mangyayari eh.” Geenee said as she pointed me the paint brush that she is holding.
“Geen, easy… ganyan talaga yan… hayaan mo na.” Kats
“NapakaNEGA kasi niyang kaibigan niyo. Imbis isipin ang magandang mangyayari, hayan siya, nakatayo at talak ng talak ng mga hindi magagandang mangyayari. Eh kung ganon lang din naman ang mangyayari e di wag na nating ituloy ‘to.” Sabi niya sabay hagis ng paint brush.
“Kinakabahan lang naman kasi ako.”
“Pesteng kaba kaba yan. Gusto mo tanggalin ko yang puso mo para hindi ka kabahan? Letche! Kapag hindi mo napasagot si Venisse mamayang gabi, tandaan mong wala nang second chance. You’ve given a chance kaya if I were you, paghahandaan ko yon.” She said as Lester took her paint brush and give it to her.
“Wag mo namang tanggalin ang puso niya, baka mamatay yan bago masabi yung nararamdaman niya kay Venisse.” Lester
“Tigilan mo ako Lester ha? Baka ikaw unahin ko.”
“Ito naman, hindi na mabiro. Meron ka ba ngayon?”
“G*go! Bunganga mo! Baka ipasamol ko sayo ng buo ‘tong lata ng pintura!”
“Alam mo Geen, kung hindi ko lang alam, pagkakamalan ko kayong magkapatid ni Venisse. Magkaugali kayo eh.” Sabi naman ni Dix.
“No we’re not. We may have the same attitude but we’re both unique in our own ways.” Napaisip naman ako sa sinabi niya.
She’s right. Narinig ko narin yang sinabi ni Craise. Venisse is really unique…Dahil siguro doon kaya I just find myself falling for her more.
Craise’s POV
“Napadala ko na sa kanya. Sige, eeksena muna ako para hindi mahalata. Ayusin niyo na yung dapat ayusin.” Sabi ko before I end up the call.
“What the heck is this?! How did it get here?!” She asked yelling while looking strangely and irritably at the thing infront of her.
“Vens anong…” Pasok ko sa eksena at nagkunwaring walang alam.
“Ano yan?” Tanong ko sa kanya habang kunot-noong tinuturo yung malaking kahon na nasa harapan niya.
“Ewan ko. Nandiyan nalang yan bigla pagbaba ko. Teka, where’s Kale and Topaz?” She asked while looking at me.
“They are at the garden. Sino kayang nagpadala nito?” Tanong ko sa kanya habang sinusuri yung kahon. Bubuksan ko na sana kaso pinigilan niya ako.
“Don’t baka kung ano yan. Baka bomba pala yan.” Halos matawa naman ako sa sinabi niya.
“Easy Vens, kung bomba ‘to, edi itapon natin sa labas para damay lahat. Hahahaha.” Sinapak niya naman ako bigla.
“Ewan ko sayo.” Umiling nalang ako at binuksan yung kahon. Lumayo naman siya at pasilip-silip. Agad kong isinara yung kahon at lumayo.
“Sh*t!” I said as I walk far from the box.
“Anong laman?” Tanong niya.
“Hindi ka maniniwala kung anong laman niyan. See it for yourself.” I said and she walked to it closer… Tiningnan niya muna ako bago buksan yung kahon.
“Anong… Ano to?!” Tanong niya sabay taas at tingin sa isang putting dress na may yellow sequence na design.
“Dress siguro yan Vens.” Sabi ko sa kanya sabay lapit. Kinuha ko rin yung puting high heels at itinapat sa kanya. Bagay. Buti nalang at medyo maputi siya kahit morena.
“Anong gagawin ko dito?”
“Try mong nguyain.” Natatawa kong sabi pero nakapoker face lang siya.
“At grabe lang ha? Ang laki ng kahon tapos, ganito lang pala ang laman?” Saka niya sinipa yon at may lumabas na sulat at isang normal size na teddy bear. Pinulot niya yon at binasa yung sulat.
“Wear the dress and the shoes. The limousine will be there by 6pm and it will take you to the place that you never dreamed.”
“This is so creepy. Why do I need to wear that dress? For what reason? At bakit kailangan akong sunduin eh may kotse naman ako?”
“Kung ako sayo Bes, gagawin ko nalang ang nakasulat diyan.”
“At bakit ko naman gagawin yon?”
“Just follow your heart, because it will lead you to your true happiness.” I said to her puzzly and leave her there.
Just the heart and she’ll find the answer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top