CHAPTER 30.6: Enjoying the moment

Geenee’s POV

“We’re here.” Vens said as she parked her car. Grabe, hindi ko napansin, sobra akong nag-enjoy. Ito ang gusto ko sa buhay. May thrill at pacool lang…

 

 

“Ang ganda naman dito.” Sabi ko sabay baba sa kotse niya. Sakto namang dumating narin yung iba.

 

 

“Tara, pasok na tayo.” Excited niyang sabi at hinatak ako sa loob. Hindi na nga namin hinintay yung iba eh.

Basta-basta nalang kaming tumakbo papasok at naabutan namin ang mga batang naglalaro.

 

 

“SURPRISE!” Sigaw ni Vens kaya napahinto silang lahat. Maging yung mga madre at tumingin sa amin.

 

“ATE VENS!!!!/ MOMMYYYYY!!!!” Sigaw nung mga bata at nagsitakbuhan palapit sa amin.

Agad naman niyang niyakap ang mga ito pero may dalawang bata akong nakita na nakikipag-unahang mayakap siya.

 

“MOMMMYYYY!!!” Sigaw nung dalawang bata at halos maiyak na.

At ano daw? Mommy? Sila ba yung sinasabi nila ni Craise na baby?

 

“BABYYYYY” Sigaw niya sabay yakap dun sa dalawang bata.

 

“UWAAHHHHH MOMMMYYY!!!!” At umiyak na ng matindi yung batang babae habang mahigpit na nakayakap kay Vens. Yung batang lalaki naman, napakagat labi pero hindi rin napigilan at umiyak narin.

Napayakap tuloy ako sa board ko at napakagat labi. Pinipigilan kong wag umiyak pero hindi ko matiis… Naiiyak ako sa Nakikita ko ngayon.

*sniff sniff… Aish!

“KALEEEEE!!!!” Sigaw mula sa likod ko kaya napaharap ako doon na umiiyak while biting my lower lip. Then I saw Craise and the others rushing towards us.

Nakita ko nalang na yung batang lalaki na nakayakap kay Vens kanina eh nakayakap na kay Craise ngayon. And I can see Craise crying. Mas lalo tuloy akong naiyak. I really hate seeing these scenarios. Kaya hate na hate kong manood ng drama eh.

 

 

Napapunas tuloy ako ng luha ng bigla ko nalang maramdaman na may yumakap sakin.

 

 

“You’re still a crying baby.” He said. I looked at him and I was surprised that it was Lester. I just cried in his chest.

I remembered as well the times that when I’m crying when we were little, he’s always there to hug me and called me a crying baby. Just like now… Di ko tuloy alam kung naiiyak pa ako dahil sa Nakikita ko kanina o dahil sa nararamdaman ko ngayong nasa mga bisig ako ng kaibigang minamahal ko.

Ven’s POV

“Topaz, I miss you so much baby. How are you? Are you studying well?” I ask her as I wipe tears from her cheeks.

 

 

“Yes Mommy. I got an award in our school. I’m the highest among my classmates and I always got stars from my teacher.” She said while sniffing.

 

 

“Really? I’m proud of you.” I said and hug her again.

 

 

“Hija, surpresa ang pagdating niyo. Sana ipinaalam mo muna. Hindi tuloy kami nakapaghanda.” Sabi ni Sister Grace.

 

 

“Sister, hindi na po surpresa kapag sinabi ko. Haha.” Natawa nalang kami. Tumayo na ako at kinalong si Topaz.

 

 

“Mommy, don’t cry…” She said as she wipes my tears away. I smiled and kiss her. How I miss this kid.

 

 

“Sister, andito po kami para po sana ipagpaalam sina Kale at Topaz.” Biglang sabi ni Drache sabay tingin sa amin at ngiti.

 

 

“May pupuntahan ba kayo?” Tanong ni Sister Grace habang nakangiti.

 

 

“Opo sana eh… kung papayagan niyo po kami.”

 

 

“Sige. Papayag ako kung bibigyan niyo ako ng isang rason.” Napakamot nalang ng ulo si Drache at nahihiyang may ibinulong kay Sister Grace.

 

Nakita kong nagulat si Sister pero napangiti rin agad. Ano kayang sinabi niya?

 

 

“Sige na. Basta’t siguraduhin mong sasaya siya.” Sabi ni Sister. Sasaya? Siya? Sino naman?

 

 

“YES! Thank you po Sister.” At niyakap niya pa si Sister Grace. Tsk. FC talaga ng lalaking ‘to.

 

 

“Kids, don’t worry… next time, lahat na kayo ang isasama namin. But now, sina Topaz at Kale muna huh?” Sabi ni Drache sa mga bata at tumango naman ang lahat.

 

 

“Oh, pano po Sister... Ibabalik nalang po namin sina Topaz at Kale dito mamaya.”

 

 

“Uh… Sister… pwede po bang bukas nalang namin ibalik sina Kale at Topaz? Kami po mismo ni Craise ang magbabalik sa kanila. Tutal po wala rin namang pasok bukas. Sa bahay ko nalang po sila patutulugin.” Demand ko habang nakayakap sakin si Topaz ng mahigpit. Nakita kong bumuntong hininga si Sister Grace.

 

 

“O sige na… basta’t wala ng extension huh? Mag-iingat kayo. Wag niyong pababayaan ang mga bata.” Bilin ni Sister kaya naman natuwa ako at patakbong yumakap sa kanya habang hawak si Topaz.

 

 

“Thank you Sister. Thank you po talaga.”

 

 

“Kayong mga bata kayo talaga Oo oh… Sige na. Baka gabihin pa kayo.” Sabi niya kaya naman nagpaalam na kami sa lahat.

 

 

“Babye Sister! Babye Buboy! Babye Kay-kay! Babye sa inyong lahat!!! Pramis, papabili ako ng pasalubong para sa inyong lahat!” Sigaw ni Topaz sa kanila.

 

 

“Babye Topaz!!! Babye Kale!!!” Sigaw rin pabalik ng mga bata habang kumakaway.

 

 

“BABYE SA INYONG LAHAT!!!” Huling sigaw ni Topaz sa kanila bago sumakay sa kotse ko.

 

 

“Baby, magseat belt ka okay?” Sabi ko sa kanya atsaka isinuot ang seat belt niya.

Hindi na sa akin sumabay si Geenee. Kay Lester nalang daw siya sasabay. Si Kale naman, sa kotse ni Craise sumakay. Isinara ko na yung bubong ng kotse ko bago kami tuluyang umalis lahat. Nakita ko pa sa side mirror na kumakaway yung mga bata. Bumusina nalang ako ng malakas at nagdrive na paalis.

 

 

Drache’s POV

Nakarating rin kami sa wakas. Bumaba na kaming lahat sa kotse at masayang-masayang magkahawak kamay sina Topaz at Kale habang hawak sila ni Vens at Craise.

 

 

“Mommy, sasakay tayo kay EK?” Tanong ni Topaz. Natawa tuloy kaming lahat. Andito kasi kami ngayon sa EK.

 

 

“Baby, no. Hindi sinasakyan si EK. Si EK, lugar yon. Yung loob non, may mga masasakyan. At doon tayo sasakay, hindi kay EK okay?” Nakangiti niyang sabi.

 

 

“Your Mommy was right Topaz. Kaya, eenjoyin natin lahat. Sasakay tayo sa lahat ng rides. Si Mommy, ikaw at si Daddy.” Sabi ko sabay karga sa kanya.

 

 

“Talaga?”

 

 

“Talagang talaga, di ba Mommy Vens?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango.

 

 

“ANO PANG HINIHINTAY NATIN? TARA NA SA EK!!!” Sigaw nila Lester, Seth at Kats kaya naman nagsitakbuhan na sila papasok. Nakita ko pang karga ni Dix si Kale habang hawak ang kamay ni Craise. Kung ako kaya?

 

 

“Tara na Daddy, sumakay na tayo sa mga rides!” Nagulat nalang ako sa sinabi ni Vens at nakita kong hinawakan niya ang kamay ko. Natuwa naman ako at masayang hinawakan rin pabalik ang kamay niya.

We were like a one big happy family.

 

 

“Mommy! Daddy! Don tayo oh!” Masayang turo ni Topaz sa Up Up and Away.

 

 

“Ang cute naman nung bata.”

“Malamang, maganda ang Mommy at gwapo ang Daddy niya eh.”

“Sila ba talaga ang magulang? Mukha pa silang bata eh… Pero ang cute lang nilang tingnan.”

“I wish magkaroon ako ng pamilyang ganyan.”

 

 

Rinig kong bulung-bulungan sa paligid namin. Napangiti nalang tuloy ako.

 

 

“Sige baby. Tara na.” Sabi ko atsaka niya hinawakan ang magkabilaang kamay namin ni Vens at naglakad kaming tatlo. Kasunod din namin yung iba pa. Pumila kaming lahat at nag kanya-kanya na kaming sakay.

 

 

“Wiiiiihhhhhhh!!!! KALE!!!! HELLOOO!!!!” Sigaw ni Topaz at kumaway kaway pa kay Kale na kasunod lang namin ngayon.

 

 

“TOPAZ!!!! HELLLOOOO!!!!” Sigawan nila habang masayang nakasakay sa UUAA. Napangiti nalang kami sa dalawang bata.

Halos nasakyan na namin lahat ng rides. Yung mga extreme rides, naghati kami para may magbabantay sa dalawang bata. Hindi kasi sila pwedeng sumakay eh. Kinuha namin yung mga pictures namin at tawa lang ng tawa yung mga babae dahil halos di maipinta yung mga mukha naming mga lalaki sa letrato.

May mga nakapikit kasi at parang nagdadasal pa. Samantalang yung mga girls, ang gaganda ng kuha. Nakangiti at nakataas ang mga kamay habang nililipad ng hangin ang mga buhok nila.

“San tayo niyan?” Tanong nilang lahat. Medyo madilim narin at nakaramdam narin ako ng pagod.

 

 

“Mommy, Daddy, dun po tayo sa Wheel of Fate!” Sabay na sabi nila Kale at Topaz.

Sabay-sabay kaming napatingin sa mataas na ferris wheel. Shoot! Ayokong sumakay diyan. I’m… I’m afraid of heights.

 

 

“Uhh… Dito nalang ako baby. Pagod na si Daddy. Kayo nalang ni Mommy.” Sabi ko sabay upo sa malapit na bench.

 

 

“Pagod nga ba talaga o baka naman takot ka lang?” Tanong sakin ni Venisse na may tonong pang-aasar.

 

 

“Hindi ah! Sinong nagsabing takot ako? Huh! Ako yata ang si Xander Drache, walang kinatatakutan.” Maliban sa matataas. Aish!

 

 

“Talaga? Edi kung ganon, tara na at doon ka nalang magpahinga.” Sabi niya sabay hila sakin. Wala na akong nagawa dahil tinutulak rin ako ni Topaz. Narinig ko nalang na tumatawa yung iba.

Nakapila na kami at kami na ang susunod na sasakay.

“Uh… ano… ahm… kayo nalang talaga… may nakalimutan kasi ako… Kukunin ko muna.” Sabi ko sabay talikod pero may humila sakin pabalik.

“Walang aalis. Tara na.” Kinaladkad ako ni Vens papasok at wala na akong nagawa nung isinara na yung pinto. Umupo nalang ako sa tabi at naramdaman kong unti-unti ng gumagalaw yung sinasakyan namin.

Yumuko lang ako at ipinatong ang siko ko sa tuhod habang sapo naman ng mga kamay ko ang mukha ko. Nakapikit lang ang mga mata ko at nanginginig ang katawan ko.

“Wow… Daddy, Mommy, look… the view is so beautiful. I can see lights…” I heard Topaz exclaimed and base on her voice, she’s amazed. But I didn’t open my eyes. Ayoko. Baka pagmulat ko, mahulog nalang kami bigla.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at pilit na inaalis ito sa mga mata ko.

“Aish! You stubborn man, are you really a man? Natatakot ka ba?” Tanong sakin ni Venisse. I look at her and she’s looking at me worriedly.

“I’m a man, but not Superman who can fly and have amazing strength. Hindi rin ako si Batman na hindi natatakot na tumalon sa mataas na building at biglang sasaluhin ng sasakyan niya. Hindi rin ako si Spriderman na hindi natatakot na maglambitin sa mga building gamit ang spider web niya. I’m just a Gangster man who is not afraid of anything, but not everything.” I said as I hide my face with my both hands. I heard her chuckled.

 

 

“How could you even face your fears if you’re avoiding it? Alam kong hindi ka isang Super Hero. Pero, alam mo bang bago maging si Superman si Superman ay simpleng tao lang din siya? Hindi niya naisip na lumipad ng mataas. Hindi rin naisip ni Batman na kaya niyang tumalon sa building at may sasalo sa kanya. Ng simpleng tao palang si Spiderman, hindi niya rin naman kayang tumalon at maglambitin di ba?”

 

 

“Pero sinubukan nila… Hindi ka Super Human, but you can be the man who could face this just once. I can be your guardian and help you conquer this.” She said as she held both my shoulders and helps me stand.

I’m trembling as I stand up. Tapos biglang gumalaw yung sinasakyan namin kaya naman napakapit ako ng matindi sa kanya at napapikit.

 

 

“Aish! Open your eyes. How could you even see the view if you’ll just close those precious eyes?” I then open my eyes slowly. I blink several times while looking at the outside.

 

 

“Ang ganda di ba?” Tanong niya habang nakahawak ako sa kanya. Tumango nalang ako at napangiti. Napatingin ako sa baba at nangatog na naman ang tuhod ko.

 

“Wag ang baba ang tingnan mo. Yung paligid mo.” Sabi niya at binitawan na ako at nilapitan si Topaz na ngayon ay nakahawak sa salamin at masayang pinapanood ang magandang tanawin.

 

 

“Baby, nag-enjoy ka ba?”

 

 

“Yes Mommy… I wish we could do this again.”

 

 

“Of course… at next time, we’ll be bringing the others para mas masaya.”

 

 

“Thank you Mommy.” She said and hugs her.

 

 

“Don’t thank me baby. Thank your Daddy.” They both look at me and I slowly walk towards them.

 

 

“Thank you Daddy.” Yakap agad sakin ni Topaz.

 

 

“Thank you din Mommy.” At niyakap niya rin si Vens kaya halos magkalapit ang mga mukha namin ngayon. Ngumiti ako at ngumiti rin siya.

I mouthed ‘thank you’ and she just smiled at me.

 

 

“Oh, mag-iingat kayo ha?” Bilin niya sa amin habang kalong-kalong ang natutulog na si Topaz.

 

 

“Sige, uwi na kami.” Sabi namin at sumakay na sa kanya-kanyang kotse namin. Sasakay narin sana ako pero bumalik ako at hinalikan si Topaz sa ulo.

 

 

“Good night baby.” I said as I pat her head.

 

 

“Tulog na siya, pero kung gising yan, sasabihin niyang… good night din Daddy… ingat sa pag-uwi.” She said while looking at me.

 

 

“Uh, nag-enjoy ka ba?” Tanong ko sa kanya.

 

 

“Oo naman. Lalo na’t kasama ko si Topaz ngayon.”

 

 

“Buti naman... Uh… pano, alis na kami.” Sabi ko at tumango lang siya. Tumalikod na ako pero muling humarap sa kanya.

 

 

“Uh… Venisse.” Tawag ko sa kanya. Humarap naman siya.

 

 

“Good night.” Sabi ko sabay lapit sa kanya at halik sa ulo niya. Ngumiti ako at patakbong pumasok sa kotse ko at nagdrive paalis.

Grabe lang… ako ang humalik pero daig ko pa ang pakiramdam ng nahalikan. Jeez!

 

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top