CHAPTER 3: She meets Him....THEM

Ven's POV

Magpapark na sana ako nang mapansin kong may nakapark na kotse sa right side ng reserved parking place ko.

Hindi naman ito kay Craise dahil nasa left side yung kanya. At nandito naman yung kotse niya. Kanino kaya ito? Ang gara ha? Black na Lamborghini Veneno.

Looks like my car has a rival. Hmmp! Ipapaban ko yung kotseng yan dito.

Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko nang...

BOOOOOOOOOGSSSSSHHHHHHHHHH...

"F*ck!! What the fudgeeee?!!" Sigaw ko sabay himas ng pwet ko. Ang sakit ha?!

"ANG LAWAK-LAWAK NG DAAN PARA BANGGAIN MO AKO!! YOU DULLARD!!" Pagpapatuloy ko habang pinupulot yung mga libro ko. Dinampot rin naman nung nakabangga sa akin yung bag ko. At pagtayo ko...

"Ouchh... Shit..." Pabulong kong sabi, pano kasi sobrang sakit parin nung pwet ko. Pag angat ko ng paningin para sana tingnan kung sino yung nakabangga sa akin...

Sh*t! Ang gwapo niya!

Pero hindi! Napakabastos ng g*go. Wala akong pakealam kahit si Adonis pa siya. Muntik na akong mapilayan dahil sa asungot na ito. Kukunin ko na sana yung bag ko sa kanya nang...

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo! Istorbo!" Sigaw niya sa akin, sabay bigay nung bag ko.

Natameme tuloy ako. How dare he talk to me like that? Wala pang kumakalaban sa akin. Wag lang mag krus muli ang landas namin dahil kung hindi, he'll taste my sweet revenge. *evil smile*

Buti nalang at walang mga students na nakakita sa pangyayari kanina.

Naglakad nalang ako papunta ng room and as usual... sinipa ko ulit yung door ng mas malakas. Badtrip ako dahil sa hinayupak na asungot na yon kaya idadamay ko lahat. Di naman ako ganon karamot para hindi ako mamahagi ng kabadtripan. Halos masira na nga eh. Bwisit kasing lalaki yun; sinira niya ang araw ko! Pumasok na ako at halatang gulat na gulat at takot na takot ang lahat. ABA! Dapat lang silang matakot!

Hindi ko na pinansin yung teacher namin. Wala ehh, speechless sa kagandahan ko!

Uupo na sana ako nang mapansin kong may four new students na nakaupo sa second to the last row. Bali nasa harap ng pwesto namin sila at may isang new student na nakaupo katabi ni Craise.

But what really caught my attention is that, someone is seated beside my chair.

"Hey, you!! Who gave you the rights to sit in there?!" Sigaw ko doon sa lalaking nakaupo. Hmmm... mukhang pamilyar sakin yung suot ng lalaking ito a? San ko nga ba nakita toh? Tumingin sa akin yung lalaki. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko...

"IKAW NA NAMAN?!" Sabay naming sigaw't turo sa isa't isa. Napatingin tuloy lahat sa amin... pati narin yung teacher... Binigyan ko naman sila ng pamatay kong tingin.

"Ms. Javier and Mr. Lacson. Is there any problem in there?" Mahinahong tanong naman ng teacher namin. Takot mapatalsik to eh...HAHAHAHAHA

"He took my place Ms. Shin." Malumanay ko namang sabi. Wala, trip ko lang. Masama bang magbait-baitan?

"Anong I took your place?! Eh ayan yung lugar mo oh!!" Sigaw nitong asungot na nasa harapan ko sabay turo ng katabi niyang upuan.

"Who told you that, that's not my place rin?" Tanong ko sa kanya with matching cross arms and taas kilay.

"Siya!" Sabay turo niya kay Craise.

"Eh Vens, tinanong niya kasi ako kung walang nakaupo diyan eh, obvious naman di ba? Saka wala narin kasing bakanteng upuan kaya..." sabi naman ni Craise sabay peace sign.

"Ugh! STOP explaining your side Craise." Sabi ko with matching hand gesture. "FINE! Mukhang WALA narin naman akong magagawa eh." Sabi ko sabay rolled eyes kay Mr. Asungot na ngayon ay nakangiti ng mapang-asar.

D*mn...D*MN....D*MN ITTTTT!!!!!! NAKAKABWISIT! Sipain ko yang mukha niya, tingnan ko kung makangiti pa siya. Padabog nalang akong umupo ng mapansin kong nakatingin parin silang lahat sa amin.

"What?" I asked them, annoyed. Nagsibalikan naman silang lahat sa ginagawa nila, at sa inis ko ay sinipa ko yung upuan sa harap ko kahit may nakaupo pa roon.

"What the hell?!" Reklamo nung nakaupo sa upuang sinipa ko at tinignan ako ng masama.

"WHAT?! DO YOU HAVE A PROBLEM?!" Mataray kong tanong sa kanya at tinignan rin siya ng masama.

"W-wala! Wala..." Sagot niya naman saka na tumalikod na akala mo'y maanong tuta.

"Okay, if you're done now with your conversations, may I call all the new students to introduce yourself one by one here in front? Let's start with you." Sabay turo ni Ms. Shin dun sa lalaking kaharap ni Mr. Asungot.

"Hi, I'm Lester Giri. Sweet pero cool..." Lester pala ang name nito.

Sumunod naman yung nakaupo sa upuan na sinipa ko kanina. The guy with glasses.

"I'm Katsumi Kabe *masaya niyang pagpapakilala kaso napatingin siya sakin kaya nagdeath glare ako sa kanya*... Ahh...ehh...that's all..." Itutuloy niya pa sana ang sasabihin niya kaso mukhang natakot sa akin ng husto. Hindi naman ako nangangain a? Umupo na siya ng nakayuko.

"I'm Seth Gothico..."

"I'm John Carl Lacson... you can call me JC..." JC... Tumayo naman yung katabi ni Craise. At halatang kinikilig itong katabi ko.

"Hi! I'm Dixon Jake Loyzaga... Dixon for short. " Pagpapakilala niya sabay ngiti kay Craise... Hmmm... I smell something fishy here....

"Dixon pala ang name niya...Ang cute niya noh bes?" Bulong sakin nitong si Craise na parang kinikilig...

"Cute? Bakit? Aso ba siya?" Sabi ko naman sa kanya ng mahina.

"Bes naman eh..." Sabay hampas ng mahina sa braso ko... Next na pala itong si Mr. Asungot. Nagbulungan naman tong mga higad na babae kong mga kakalase. Bulong pero malakas... tss..

Girl1: "OMG he's so gwapo..."

Girl2: "I want to marry him na."

Girl3: "I think bagay kami..."

Girl1: "A-SA KA... Mas bagay kaya kami."

Ang hahaliparot... Atsaka... Gwapo daw? San banda? Yung pwet niya? Tss.. Like EWWW!!

"Hey there... I'm Xander Drache Lacson. Brother of JC Lacson. You can call me Xander or you can call me MINE... *sabi niya habang nakatingin sa akin sabay smirk*" At talagang pinaka-emphasize yung MINE. Minahin ko siya, makita niya. I just rolled my eyes to him... so Xander Drake pala ang name niya... Humanda ka sa akin... may araw ka rin... *evil smile*...

KATSUMI'S POV

Hi everyone... Katsumi Kabe nga pala... Kats nalang for short. Ahmm...16 years old. Gwapo, mabait, mayaman, matalino, at walang kinatatakutan, noon.

Pero ngayon, mukhang meron na.

"Ahh, miss, pwede magtanong? Anong pangalan nung babaeng katabi ni Xander?" pabulong kong tanong dito sa babaeng nasa harap ko.

"Hihi... siya ba? Si Ms. Venisse yan... Miley Venisse Javier. By the way, Hannah nga pala." pacute niya namang sagot at pagpapakilala sabay abot ng kamay niya.

"Ah sige salamat." Tinanguan ko nalang siya. Aba... Swerte niya if mahawakan niya ang kamay ko noh... Halata namang nadismaya siya at mukhang napahiya sa mga katabi niya. Wala eh... Sorry siya.

"Loko ka talaga Kats." sabi nitong si Lester.

"Hoy, mahal ang sabon ngayon..." sabi ko naman sa kanya.

"G*gu" singit naman nitong sina JC at Seth.

"Lul... atleast gwapo naman." Sabi ko sabay pogi sign. Binatukan naman ako nitong mga toh... Atsaka kami nagtawanan.

The discussion went on hanggang marinig na namin ang hudyat ng pagtatapos ng klase para sa umaga.

Okay! Lunch na! Sabay-sabay kaming pumunta ng Canteen. Naghanap muna kami ng pwesto Atsaka nag-order. Pagkatapos naming mag-order lahat ay kumain na kami. Habang kumakain kami ay naramdaman kong ang kaninang maingay na canteen ay nanahimik ngayon. Napatingin tuloy kaming lahat sa direksyon kung saan nakatingin yung iba.

Ahh kaya pala...

Dumadaan yung Venisse at yung kasama niya.

"Alam niyo maganda sana yung nakaaway ni Drache eh, kaso napakawar freak." Sabi nitong si Lester.

"Atsaka mga pre, sa lahat ng tao, sa kanya palang ako natakot at kinabahan ng ganito." Sabi ko naman sabay hawak sa puso ko.

Binatukan lang naman po ako ng mga walang awa kong kasama baga tawanan. Tuwang-tuwa pa sila. Seryoso ako dito o!

"Hahaha...nakakatawa ka Kats... babae lang yan pre natakot ka na? hahaha..." sabi nitong si JC.

"Hala sige tawa pa ... Mabulunan ka sana." Sabi ko sa kanya sabay kain.

"Hahahahaha... ha-ahk-ahk... p-pre tu-tubig!" Sigaw nitong si JC sabay hawak at hampas sa dibdib niya. Inabot ko naman yung tubig. Nang mahimasmasan na siya...

"Ayan g*gu... Buti nga sayo hahahahahahaha" Ako naman ngayon ang tumatawa. Tawa lang kami ng tawa ng mapatingin ako sa gilid ko...

"Hoy Drache! Wag mong pakatitigan... baka malusaw yan...haha" Sabi ko kay Xander sabay akbay. Nahuli ko kasi siyang nakatingin kay Venisse. Nga pala, Drache ang tawag namin kay Xander... Pronounce as DRAKE... Ewan ko ba diyan... Ayaw magpatawag ng Drache sa iba. Gusto daw niya close friend niya lang ang tumatawag sa kanya ng Drache.

"Hayaan mo siyang matunaw ng malaman niya kung gaano ako kaHOT...*smirk*"

"Mukhang may tinamaan..." pang-aasar nitong si Seth

"Sino? AKO?! Tss... Baka siya pa ang TAMAAN dahil sa kagwapuhan kong ito." Atsaka nag pogi sign.

"Ahhhhh... grabeh ang gwapo-gwapo mo Xander... I think...I think I love you na... Will you Marry Me?" Saad ko sabay luhod na parang nagpoproposed.

Pero binatukan na naman ako ng mga ito...

"Siraulo ka Kats... Grabe ang Bakla mo!... HAHAHAHAHA" Drache said. Talagang tuwang-tuwa silang batukan ako e no? Ganyan nila ako kamahal, feel na feel ko. Gusto niyo ma feel? Nagtinginan nalang kami saka nagtawanan.

Nang mag-uwian na, ay diretso kami sa parking lot nang makita namin ang kotse ni Drache na may katabing white Lamborghini Veneno na may katabi namang white Lamborghini Reventón ...

"Looks like may katapat ka bro..." Saad ni JC.

"Tss... for sure... mas maangas naman ako sa lalaking may-ari niyan... Paniguradong walang-wala siyang binatbat sa akin pagdating sa pabilisan magpatakbo. Hari yata ng racing toh" Pagmamalaking sabi ni Drache. Nagtatawanan lang kami ng dumating si Venisse at yung kasama niya.

"Well, well, well... look who's here... Pinuntahan mo ba ako dito para sumabay sa akin?"-Drache

"Huhh... And why the hell am I going to ride with you?! In your dreams dude." -Venisse at isa-isa kaming tiningnan.

"Then why are you here? Sinusundan mo ba ako? Type mo ako noh?" sabi naman nitong si Drache sabay ngiti ng nakakaloko.

"HAHAHAHAHA... Aim High dude... Ako magkakagusto sa isang katulad mo? Haha... in your dreams." -Venisse with matching cross arms and taas kilay. Sa totoo lang nakakatakot talaga itong babaeng to... Ewan ko pero may something sa kanya na talagang matatakot ka. Kakaibang babae to. Grabehh...

"Then, why are you really here?" sarkastikong tanong nitong si Drache.

"Masama bang pumunta sa parking lot kung saan naka park ang kotse ko?!" Gusto kong matawa. May point si Venisse. Masyado lang assuming si pareng Drache kaya ayan, basag tuloy.

"May sinabi ba ako?" Magsasalita na sana ako para mawala na yung tensiyon sa pagitan nung dalawa pero inunahan ako ng kasama ni Venisse.

"Ehem... .ahh... Vens, let's go na... may pupuntahan pa tayo di ba?"

"Oo nga pala... Let's go Craise, hindi nga pala dapat sinasayang ang oras sa mga walang kwentang tao." Saad naman ni Venisse. Nanlaki naman ang mga mata naming lahat at napanganga ng lumapit si Venisse dun sa white Lamborghini Veneno katabi ng sasakyan ni Drache. At yung Craise dun sa white Lamborghini Reventón.

"Bro... ang astig nila... Isa pala yung Venisse dun sa tatlong nagmamay-ari ng Lamborghini Veneno..." ako sabay tapik sa balikat ni Drache. Tiningnan niya lang ako ng masama.

"Pero mas astig sayo syempre." Bawi ko sabay ngiti ng malapad. Pasakay narin kami sa kanya-kanya naming kotse ng...

"Oh and by the way... sayo pala yang black LV car na yan... tss... Buti pa yung sasakyan... may kadating-dating ... hindi tulad ng amo...haha...see you dudes... bagalan niyo ang pagmamaneho... baka mabangga kayo." pahabol nitong si Venisse.

"Tss... as if naman, gusto niyo lang na hindi namin kayo mahabol dahil panigurado... para kayong pagong kung magpatakbo. HAHAHAHAH" -Drache.... Atsaka kami nagtawanan.

"Let's see..." masayang sabi naman ni Venisse. Sabay-sabay na kaming lahat na sumakay... Andito na kami ngayon sa labas ng school. Mukhang may naghahamon ng karera.

"Sige, mauna na kayo. Baka hindi niyo kami mahabol pag kami ang pinauna niyo." -Venisse.

"Nagpapatawa ka ba? Dapat nga kayo ang mauna dahil mukhang hindi niyo kami maaabutan . Mukha ngang baguhan palang kayo eh" pang-aasar naman nitong si Drache.

"No, sige na. mauna na kayo." Sabi naman nung Craise.

"Couz... mauna nalang tayo. Hindi rin naman nila tayo mahahabol kahit sila ang mauna eh." Sabi naman nitong si Dixon Atsaka nagsmile dun kay Craise.. Yung totoo? May something ba sa kanila? Oh well... mukhang mauuna nalang kami. Buti nalang at konti lang ang dumadaang sasakyan.

"Sige... Pero babagalan namin para naman makahabol kayo sa amin. *smirk*" -Drache

"Wag niyo kaming pagbibigyan dahil mga babae kami... baka magregret kayo sa bandang huli... Oh well... Mukhang this will be a good race." -Venisse

Bumwelo na kami't nagtinginan.

In 5...

4

3

2

1....

Pinaharurot na nga namin yung mga kotse namin... Pero yung dalawang babae nandun parin sa pwesto nila... HAHAHAHAH... nagulat yata dahil ang bilis naming magpatakbo. Hindi ko na Makita yung Kotse ng dalawa...malayo-layo narin kasi kami... Bigla nalang akong tinawagan ng mga kasama ko.

"Uy bro... mukhang nagulat yata yung dalawa...Hhahaahahah...hindi na yata nakasunod." -Lester

"Ang sabihin mo, natakot sila... kanina nagmamayabang sila, akala mo naman matatalo nila ang mga drag racer kings..." -Drache

"HHAHAHAHAHA... panigurado nganga yung dalawang yon at hindi na nakaalis don sa lugar nila." -Seth

"Nagkamali sila ng kinalaban mga tsong..." -JC

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA..." Nagtatawanan lang kami ng mapansin ko ang isang white Lamborghini Veneno.

"Ahh guiz... mukhang may problema tayo." Singit ko sa tawanan nila.

"Ano yun Kats? Bakit paubos na ba gasoline mo?... HAHAHAHA" -Seth

"Lul... tumingin kayo sa likod... mukhang naaabutan na nila tayo." -Ako

"F*ck... malapit na yung dalawa sa atin..." -Lester

"Sh*t...Mukhang kailangan na natin gamitin yung secret weapon natin..." -Drache

"Ha? Pero di ba ginagamit lang natin yun kapag nasa totoong labanan na?" -Dixon

"Tumingin kayo ulit sa likod niyo... Mukhang hindi basta baguhan yang mga yan... Look at the way they drive... May baguhan bang nakakaiwas kahit maraming sasakyang kasalubong?" Sabi ni Drache. Tama nga siya... Hindi baguhan tong mga to... parang matagal na silang nakikipagkarerahan.

"Sige... Let's do this..." Sabay sabay naming sabi. At nag simula na kaming magscatter... Hinaharangan namin ang bawat daan kapag walang kasalubong na kotse para wala silang lusot.

"Sigurado wala ng lusot ang mga yan...haha" -Drache

Nasa likod na namin sila ng bigla nalang silang huminto. Patuloy parin kami sa pagmamaneho. 180 na nga yung takbo namin eh. Mukhang kumukuha pa sila ng tyempo... Ano kayang gagawin nila? Hindi naman sila makakalusot sa amin dahil wala silang espasyong malulusutan. Nakahinto parin sila ng bigla nalang nilang pinaharurot ang kanilang mga sasakyan. Hindi sila makakadaan dahil may paparating na dalawang sasakyan.

Pero...

Yung dalawang sasakyang nasa likod namin kanina, ay nasa harap na namin ngayon...

T-tama ba yu-yung nakita ko?! Yung dalawang kotseng yun? Ginamit ang mga sasakyan namin para makapunta sa harap?

DUMAAN SILA SA TAAS NG MGA SASAKYAN NAMIN!!

OH EM GII... MY BABY!

Pinaharurot na naming lahat ang kotse namin, pero hindi na namin mahabol yung dalawang puting kotseng yun! Nakita ko nalang si Venisse na inilabas yung kamay niya Atsaka nagwave... And then... Di na namin sila naabutan...

BUT THE HELL I CARE?! Ang kotse ko! MY BABY!





DP : 2014
R: 09/27/19

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top