CHAPTER 28: Make a move!
Ven’s POV
“Vens, nakakamiss noh?”
“Ang alin?” Tanong ko kay Craise habang nakahiga kami sa kama.
Nandito kami ngayon sa kwarto ko at kasama namin sina Mitch at Geenee pero nasa baba sila at naghahanda ng foods.
“Nakakamiss yung tayong dalawa lang.” Napatingin ako sa kanya at nakangiti lang siya.
“Bakit, ayaw mo bang marami tayo? Gusto mo tayo nalang dalawa ulit?” Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.
“Hindi naman. Masaya nga ako dahil nagkaroon tayo ng iba pang mga kaibigan. Ang saya nga eh. Who would think that they will be our friends?”
“Yeah… akala ko nga rin habang buhay nalang tayong dalawa ang magkasama.” Napangiti tuloy ako. Sinong mag-aakala na kaya ko rin palang tumanggap pa ng ibang tao sa buhay ko? Noong una kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka lokohin lang nila ako. Pero iba naman pala sila. Ibang-iba sa mga inakala ko.
“Masaya ka ba?” Tanong ni Craise. Pumikit lang ako at ngumiti.
“Oo naman… I’m happy that we’ve met those people. I’m happy that I’ve met them… him…”
“HIM?!” Napamulat ako ng mata at napaharap sa kanya. Uh-oh… ano bang nasabi ko?
“Huh? Anong him?”
“I heard you Vens. You said you’re happy you’ve met them… him… Tell me who’s that ‘him’…” She said as she sitted on my bed and look at me straight in my face.
“Wala…”
“Vens.”
“Wala nga kasi.”
“Vens.”
“Wa---”
“Isa.” Aish! Ayoko kapag nagbibilang na si Craise. Nakakaloka kasi siya eh. For sure may gagawin ‘to. Kaasar naman kasi.
“Oo na… I’m reffering to him.”
“Whose him? Him ka ng him as if namang alam ko kung sinong him yan.”
“Kilala mo nga kasi siya.”
“Sino? Kaklase ba natin?”
“Oo nga.”
“Malapit ba sa atin?”
“Uhuh.”
“Clue.”
“X”
“X… hmmm… X? OH MY GOSH!”
“Oh? MakaOh my gosh ka naman.”
“Vens… I can’t believe this. Sa tagal nating magkaibigan, hindi mo sinasabi sakin na may Ex ka na pala.” Nanlaki ang mga mata kong humarap sa kanya at napafacepalm nalang. Kelan pa ako nagkaEX? E ni boyfriend nga hindi ko pa naranasan.
Umupo ako at hinarap siya. I held her both shoulders and said…
“Are you crazy?”
“Huh? Bakit?”
“Craise, lagi tayong magkasama kahit saan, tapos sasabihin mo nagkaEX na ako? Eh hindi ko nga naranasang maligawan tapos, EX agad? San mo nakuha yan?” Tanong ko sa kanya sabay pitik ng noo niya.
“Ouch… ito naman. Eh sabi mo kasi X. Malay ko ba kung sinong may X sa mga kaklase natin na malapit satin. Maliban kina Xander sino pa bang close natin na may---” Napahinto siya at napatingin sakin. Tumango naman ako at umiwas ng tingin.
“HAHAHAHAHA… YIHIEEEEEE… Dalaga na ang best friend ko…” Pang-aasar niya sakin while poking my tummy. Aish! Kaya ayokong sabihin eh.
“Tigilan mo nga ako Craise. Saka ano ba? Masama bang magkagusto sa isang tao?” Tanong ko sa kanya while holding my cheeks. Feeling ko kasi namumula na ako.
“Yiheeeee… hindi masama bes, masama lang dahil tinamaan ka… ahahaha.”
“Sinong tinamaan?” Parehas kaming napatingin ni Craise kina Geen at Mitch na may hawak na tray ng foods.
“Uh, ano, ako. Masakit yung tama ko.” Sabi ko nalang sabay iwas ng tingin.
“May sakit ka ba Vens? Bakit namumula ka yata?” Tanong ni Geen kaya napatakip ulit ako ng pisngi.
“Hindi… wala toh…” Sabi ko na iiling-iling.
“Hahahaha… alam niyo kasi guiz, yang si Vens, may adsdasheybds” Tinakpan ko kaagad ang bunganga niya bago niya pa masabi sa kanila.
“Huh? Ano?” Nagtatakang tanong nila Geen at Mitch.
“Wala. Wag niyo ng intindihin si Craise. Nakatrip lang yan. Di ba Craise?” Tanong ko sa kanya habang tinatakpan parin ang bibig niya. Tumango naman siya at tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.
“Paabot nga ng juice.” Sabi ko at inabot naman yon ni Geen. Ininom ko yon dahil feeling ko ang init ng pakiramdam ko.
“SIVENSCRUSHNIYASIXANDER!” Mabilis na sigaw ni Craise kaya naibuga ko yung iniinom ko.
“Aish! CRAISE!”
“Teka, teka… wala akong naintindihan. Pwedeng pakiulit?” Tanong ni Mitch. Napabuntong hininga nalang ako. Buti nalang. Tiningnan ko ng masama si Craise and she gave me a wide grin.
“Si Vens, crush niya si Xander?” Tanong ni Geen kaya napaharap kami sa kanya. Sh*t! Bakit naintindihan niya yon?! Patay ako nito!
“CRAAISSSEEEEEEEEEEEEE!!!!!”
JC’s POV
“Oh, hindi ba tayo pupunta kina Vens? Nandoon ngayon sina Geenee di ba?” Tanong ni Lester.
“Sus! Gusto mo lang Makita si Geen niyan eh. Hahaha…” Kats.
“Hoy! Hindi ah… dapat talaga, magkakasama tayo. We only have three days left. Dapat sinusulit na natin yon.”
“Wehhh???”
“G*gu! Bahala ka sa buhay mo Kats.” Natawa nalang kaming lahat except kay Kuya.
“Kuya, may problema ba?” Tanong ko sa kanya pero tulala lang siya.
“Hayaan mo na yan Jace, namomroblema pa yan sa nararamdaman niya.” Sabi ni Seth kaya naman napakunot ang noo ko.
“Uhuh… He’s dealing his feelings about Venisse.”
“VENISSE?!” Sigaw namin nila Les, Kats at Dix.
“Asan? Asan si Venisse?” Bigla namang napatayo si Kuya at lumingon kung saan-saan.
“See?” Seth
“Wala siya Kuya… Aish! Tinamaan ka na nga yata.” Hindi niya nalang ako pinansin at sumalukbaba nalang.
“Tsk. Tsk. Tsk… wala ng gamot sa ganyan. Bakit hindi mo nalang kasi ligawan tol?” Lester.
“Paano ko siya liligawan, eh baka nga wala namang gusto sa akin yon.” Sabi niya ng nakakunot ang noo.
“If I were you couz, I’ll make a move. Baka mamaya, hindi mo alam, naunahan ka na pala.” Dix said as he pat his shoulder.
“Aray! Syete, masakit!”
“Ay, sorry… nakalimutan ko.”
“Anong gagawin ko? Paano kung bastedin niya ako?”
“Atleast you’ve tried. Paano kung parehas pala kayo ng nararamdaman para sa isa’t-isa?”
“Hahaha… Imagine Vens being in love with Drache. Para silang aso’t pusa. Hahaha” Kats.
“Basta kuya, whatever your decision is, we’re here to support you.” I said at ngumiti nalang siya.
“Oh, ano pang hinihintay natin? Pumunta na tayo kina Venisse!” Sigaw ni Kats. Pinagsasapak nalang namin siya.
“Si Venisse ba ang pupuntahan natin oh si Geenee mo?!” Tanong naming lahat.
“Si… silang lahat! Woooohhh!!! Tara!” At tumakbo siya palabas ng condo ko. Umiling nalang kaming lima at sumunod narin sa kanya.
This is the first time I heard my brother deal with his feelings… Haha… ngayon lang ata nagkagusto yan sa babae. At ang masaklap, sa babaeng ina-under pa siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top