CHAPTER 24: Vens' Special Chapter

I was just a simple kid at that time. Tulad din ako ng ibang bata... Mahilig maglaro... mahilig tumawa... mahilig mag-aral...

Hindi naman ako ganon kabibo. Hindi lahat, gustong makipagkaibigan sakin. Kasi natatakot sila sakin. Pero may ibang gusto akong maging kaibigan. Bakit? Because of fame. Fame na makukuha nila pag naging kaibigan nila ako. Meron akong naging kaibigan... At si Craise lang yon.

Matalino ako, hindi naman sa pagmamayabang. Lagi akong nag-eexcel sa school. Laging ako ang first honor. And because of that, Lagi akong nakakatanggap ng papuri.

Meron akong napakaperfect na family. Mababait at responsible na mga magulang. At isang mabait na kapatid...

Yes, I have a sister...

Ang saya lang ng buhay ko. Para sa akin... I have a complete, perfect happy family...

Hanggang sa... di ko inaasahang mangyayari 'to sa buhay ko.

Sana pala, hindi nalang ako ang nag-excel sa school. Sana pala hindi nalang ako naging matalino. Sana pala, hindi nalang ako naging masaya, kasi... lahat ng kapalit non, pighati at kalungkutan lang...

Akala ko maayos lang ang lahat... pero akala ko lang pala yon...

"Venee, Yunee! Aalis muna kami ng Daddy niyo ha? Don't leave the house okay?" Sabi sa amin ni Mommy.

"Yes mom!" Sabi namin ni Yunee... kapatid ko...

Andito lang kami sa living room. We're studying. May exam kasi kami kinabukasan.

"Ahm... Yunee, look oh, I have a new award this year... Best in Math and English... Ikaw?" Masaya kong tanong kay Yunee.

"I don't have. Ikaw naman kasi lagi yung nakakakuha ng mga awards. Lagi nalang ikaw. Nakakasawa na ngang marinig yang pangalan mo eh. Paulit-ulit nalang!" Atsaka siya umalis.

Naiwan ako doong nakatulala at nagtataka. Is she mad at me? I followed her and I saw her on the kitchen.

"Yunee? Galit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya.

Hinarap naman niya ako na galit na galit ang mukha.

"You're asking me if I'm mad at you?! Then, YES! I'm not just Mad! I'm angry and I envy you!!" Sigaw niya sakin.

This is the first time that my sister shouted me. Kaya naiyak nalang ako bigla.

"Sige! Umiyak ka lang!! Mas natutuwa ako pag Nakikita kitang umiiyak Venee. Your sorrow and pain are my happiness."

"Yunee, what are you saying? Wala naman akong ginagawa sayo."

"Wala kang ginagawa?! Wala kang ginagawa?!!! Oh D*MN you VENEEE!!! Bakit ba lagi nalang ikaw?!!!"

"Yunee, why are you acting like this? This is the first time you acted like---"

"This? Ask yourself Venee! For the past 5 years of our childhood life, you are always the one whom are parents always see. Whom they love the most... Kelan ba nila ako nakita? Kaya for now, Sisiguraduhin kong ako naman ang makikita nila!"

"Yunee, you're wrong... they love you... both of us..."

"NO! I'm not blind Venee! Hindi rin ako manhid para hindi maramdamang ikaw lang ang mahal nila. All their attention is in you. You know what? I always do my very best to catch their attention. I'm studying very well and push myself to be the top in our class. But no matter how hard I tried to get on the top, lagi ka nalang nandiyan at ibinabagsak mo ako pababa. Everyone praise you so much Venee, and I hate it!"

"That's not true... Everyone loves you and sees you. Wag mo naman sanang isipin na walang nakakakita sayo. Dahil lahat kami, we care for you. We love you... "

"EVERYONE?! Huh! No one can see me if you are always there. Everyone sees me, only as your shadow in this house even in school, but not exactly me! Alam mo? Nasasaktan ako kapag Nakikita ko sina Mommy at Daddy na masaya kapag kasama ka. Samantalang ako, ni hindi nila magawang maging masaya kapag ako ang kasama nila. Lagi nalang kasi ikaw ang bida! Masyado ka kasing pabida! Tinik ka sa buhay ko alam mo ba yun?!"

"Naasar ako tuwing kinocompare tayo. Ay si Venisse, mas matalino yan, mas mabait yan, mas magaling yan... BULLSH*T!!!! Ikaw na sige!!! Lagi nalang ikaw!!!! MAS MAGALING KA NA SA LAHAT NG BAGAY!!! KAYA MAS KINAMUMUHIAN KITA EH!!!"

"Yu-yunee" Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko akalaing ganito pala kabigat ang galit sa akin ng kapatid ko. Hindi ko akalain na... masyado pala siyang nasasaktan. At hindi ko man lang napansin yon.

Napatingin naman ako sa bintana at nakita ko si Craise doon na nakatingin sa akin. Parang gusto niyang pumunta dito pero tinitigan ko lang siya at sinasabing wag niya akong pupuntahan.

Umiling-iling pa ako... ayokong mapahamak si Craise. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Yunee. Ayokong may ibang mapahamak ng dahil sa akin.

"Siguro kung gagawin ko 'to magiging masaya rin ako?" Then she grabbed the knife and point it to me.

Bigla akong kinabahan at mas lalo akong naiyak. I can't believe na ginagawa to ngayon ni Yunee. Maayos naman kami. We we're friends maliban sa pagiging sisters. We were close to each other. We share are secrets and laugh together... but what's happening now? Hindi siya yung Yunee na kilala ko...

"Yunee, NO!" bigla kong sigaw. Natatakot na talaga ako.

"QUIET! Don't speak out loud or else! Hindi ako magdadalawang isip naitarak sayo ang kutsilyong ito."

"Yunee, I'm begging you please... please... stop this..." Pagmamakaawa ko sa kanya. Ayokong mauwi sa ganito ang lahat. Kung kinakailangan kong isuko ang lahat para sa kapatid ko, gagawin ko.

"You know what Venee? I feel so much happiness flowing in my body everytime I see you crying or being hurt. What if I stub this knife to you? For sure you would be hurt so much, and that would make me very happy..." Nakangisi niyang sabi sakin. Oh God! Nababaliw na ata ang kapatid ko.

What ever happens, kayo na po ang bahala sa akin... sa amin...

"Yunee, please... don't do these..." Nagmamakaawa na talaga ako sa kanya.

She suddenly raise the knife and ready to stab me... akala ko katapusan ko na... pero nagulat nalang ako when she directly stab the knife through her body. SH*T! What on the world is happening to my sister?!

"Yunee?!!... HELPPP!!!! MOMMYYY!!!! DADDYYYY!!!! HELP US PLEASE!!!!" Sigaw lang ako ng sigaw habang inaalalayan si Yunee. I remove the knife in Yunee's hand when Mom and Dad came.

"Venisse?! What happened here?!" naiiyak at galit na tanong ni Mommy sakin.

Nakatulala parin ako habang hawak yung kutsilyo.

"GOD! Honey, ihanda mo na yung kotse. Kailangan natin siyang maisugod sa Hospital." Sabi ni Daddy

Nagmadali namang tumakbo si Mommy at hinanda yung kotse, samantalang si Daddy naman binuhat si Yunee.

"Kapag may nangyaring masama sa kapatid mo, hindi ko alam Venisse... Hindi ko alam..." Daddy

My tears shed when they left me at the kitchen... with those blood na tumalsik sa damit at mukha ko. Nanginginig ako... nanginginig ako sa takot... Hindi ko alam kung bakit pero... natatakot ako. I saw lots of bloods in my hand pati narin sa sahig....

Bigla nalang dumating si Yaya at niyakap ako. Then suddenly, I saw Craise beside me and hugging me.

"Bes Vens, Okay ka lang?" umiiyak niyang tanong sakin

I just look at her. Niyakap ko nalang siya bigla at humagulgol.

"Huhuhuhu...Crai-se... huhuhuhuhu..."

"Shhh... ta-tama na Vens. Alam ko at alam ng Diyos ang totoong nangyari."

I'm just crying while hugging Craise. Hanggang ngayon, hindi parin mabura sa isipan ko yung nangyari kanina. Lahat ng sinabi ni Yunee, yung mga dugong nakita ko... Yung sinabi ni Daddy...

Iyak nalang ako ng iyak dahil sa takot. Baka kung mapano si Yunee... Ayokong mawala ang kapatid ko. Nahimasmasan din ako at iniakyat na ako ni Yaya at Craise sa kwarto.

Inayos na ako ni Yaya dahil tulala lang ako at patuloy na umiiyak.

"Vens, Okay ka na ba?" Craise

"O-okay na ako Craise."

"Kayong dalawa, sabihin niyo nga sa akin kung anong totoong nangyari?" Yaya

"Yaya... eh kasi po..." hindi ko na pinatapos si Craise

"Yaya, ako parin naman ang paniniwalaan mo di ba?" Naluluha kong tanong kay Yaya.

"Venisse,hija, hindi ko malalaman kung anong nangyari kung hindi mo sasabihn sa akin. Makikinig ako." Sabi ni Yaya. Ayoko mang ikwento dahil naiiyak lang ako... pero... gusto ko lang malaman ni Yaya ang katotohanan.

"*sobs*Hindi po ako ang may gawa sa kanya non. Siya po mismo ang sumaksak sa sarili niya. Tinutukan niya po ako ng kutsilyo at binantaan *sobs*na wag mag-ingay dahil kung hindi, papatayin niya daw po ako."

"Ano? Bakit ano bang nangyari ha? sabihin mo nga sa akin lahat?" Yaya

"Eh kasi yaya...*sobs* lagi nalang daw po ako. Ako nalang daw po lagi ang nakikita. Samantalang siya, parang anino lang daw sa bahay na ito. *sobs* Sinabi ko sa kanya na pantay lang kami pero ayaw niyang making sa akin. Kaya nagalit siya sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo at ayun na nga po ang mga sumunod na nangyari. *sobs*"-Vens

"Nagawa niya yon?"

"Nakita ko po ang lahat yaya. Kitang-kita po ng dalawa kong mata kung papaano niya awayin at pagbantaan si Vens at kung papaano niya saksakin ang sarili niya."

"Ang maldita talaga ng batang yon. Hayaan mo iha, sasabihin ko ito sa Mommy at Daddy mo."

"*sobs*Wag na po yaya. Sa palagay ko, hindi na maniniwala sa akin sina Mommy at Daddy. Dahil sa oras na magising siya, paniguradong ako ang palalabasin niyang masama. *sobs* Nakuha na niya ang gusto niya. Wag niyo nalang pong sabihin kahit kanino ang nangyari. Sa atin nalang po ni Craise yun."-Vens

"Alam mo iha, kahit palaging ikaw ang agrabiyado, pinipilit mo paring magpakabuti sa iba. Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin. Pero simula ngayon, kahit anong mangyari, sasabihin mo na lahat sa akin ha? Kahit hindi ka pa paniwalaan ng kahit sino diyan, ako papaniwalaan kita."-Yaya sabay yakap sa akin

"Thank you po, Yaya."

Buti nalang at may handa parin maniwala sa akin.

Lumipas ang ilang araw at hindi ako kinakausap nila Mommy at Daddy... Feeling ko, para akong hangin na dinadaan daanan lang nila.

Minsan, kinakausap ko sila pero... nilalagpasan lang nila ako... Talaga bang inakala nilang ako ang may gawa non? Never kong sasaksakin ang kapatid ko. She's my sister and I love her.

Ganon ba kasama ang tingin sa akin ngayon ng sarili kong mga magulang?

Nagpatuloy lang ang pagiging cold nila Mommy at Daddy sakin hanggang sa makauwi na ng bahay si Yunee. Hindi kasi nila ako pinayagang bumisita sa hospital.

"Yunee!!!" Salubong ko kay Yunee. I was about to hug her pero...

"NO!!!! MOMMYY!!! DADDDYYY!!!! Huhuhu" Iyak ng iyak si Yunee.

Anong...

"Venisse, umakyat ka muna sa kwarto mo." Sabi ni Daddy.

"But Dad---"

"I said go to your room!" Sigaw sakin ni Daddy kaya naman naiyak ako at patakbong pumunta sa kwarto ko. Nilock ko yun at sumubsob sa kama ko.

They now hate me. Nagtagumpay na siya.

Iyak lang ako ng iyak ng may marinig akong ingay sa baba. Galing yon sa kwarto nila Mommy.

Bumaba naman ako at dinikit yung tenga ko sa pinto ng kwarto nila. At mas lalo yata akong naiyak sa narinig ko.

"We need to leave as soon as possible. Hindi pwedeng magsama ang dalawang bata. Nagkatrauma na si Yunee dahil sa kagagawan ng anak mo." Rinig kong sabi ni Daddy.

"Pero hindi natin pwedeng pabayaan dito si Venee. Hindi ako papayag!" Rinig kong sabi ni Mommy

"Hindi naman nating siya pababayaan. Uuwi rin tayo dito paminsan minsan at padadalhan natin siya ng pera."

Ganon nalang ba yon? Iiwan nila ako dito?

"Hey." Biglang tawag sakin ni Yunee.

Tiningnan ko lang siya ng masama. Lumapit naman siya sakin.

"Are you happy now huh Yunee?! Nakuha mo na ang gusto mo. Na sayo na lahat ng atensyon." Iyak kong sabi sa kanya.

"Yeah... and thanks ha? Buti nalang pala at naisip ko yon. Though masakit, atleast nakuha ko naman yung gusto ko." Yunee

"Hindi ko alam, hindi ko alam na kaya mo palang saktan ang sarili mo ng dahil don. Naaawa ako sayo Yunee... I pity you so much... Dahil sa kagustuhan mong mamalimos ng atensyon, nagawa mo yan." Nakangiti kong sabi sa kanya. Alam kong ayaw na ayaw ni Yunee na pinagmumukha siyang kaawa-awa.

Kaya naman galit na galit siyang nakatingin sakin. Tinalikuran ko nalang siya kaso...

"Ahhhhhh!!!!" Rinig kong sigaw niya kaya naman patakbo akong lumapit sa kanya.

"Yunee, what happened? Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"MOMMMYY!!!!" Sigaw niya habang umiiyak kaya naman lumabas sina Mommy at Daddy sa kwarto nila.

"What happened here?!" Tanong ni Daddy

"Si Venee po, hinawakan yung sugat ko...*sobs*" Sabi ni Yunee kaya napaharap ako sa kanya na gulat na gulat.

Magpapaliwanag pa sana ako kina Daddy kaso...

*PAAAAAAAAAKKKKKKKKKKK...

Napaupo nalang ako sa sahig sa lakas ng sampal na natamo ko. Napahawak nalang ako sa pisngi ko na namamanhid at tuloy tuloy ng dumaloy ang mga luha ko.

"TED!" Sigaw ni Mommy sabay lapit sakin.

"Ano bang pumasok sa kokote mong bata ka at nagawa mo na ngang saktan ang kapatid mo, ngayon naman ganito?! I'm so disappointed with you Venisse!" Daddy

Iyak nalang ako ng iyak.

"Baby, are you okay?" Naiiyak na tanong sakin ni Mommy.

Nakatulala lang ako. I can hear them... I can see them... pero parang nabibingi ako at nanlalabo ang mga mata ko.

Kahit nanlalambot ako, pinilit kong tumayo habang hawak ko ang kaliwang pisngi ko at hinarap ko si Daddy.

Kahit hirap akong ibuka ang bibig ko, pinilit kong magsalita.

"Th-thanks... T-han-ks for slap-ping me Dad. Thanks for not believing me. You're such a good parents." After saying that, dahan-dahan akong umakyat sa kwarto ko.

Sinara ko yon at napaupo nalang sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Bakit hindi nila ako mapakinggan?

Ilang araw na akong hindi lumabas ng kwarto ko. Lagi lang akong tulala at at umiiyak. Sino nga bang hindi magiging ganito? Ano bang nagawa ko at bakit nangyayari sakin to?

Ilang araw narin ang nakakalipas simula ng umalis sina Mommy at Daddy kasama si Yunee. Nagmigrate sila sa States. Iniwan nila ako dito sa Pilipinas.

Wala na nga yatang silbi ang buhay ko eh... Wala ng nagmamahal sa akin.

"Venisse, ayaw mo bang bumaba? Andito si Shirley." Yaya.

Tiningnan ko lang ang pinto ng kwarto ko. Ilang araw ko na bang hindi Nakikita ang labas ng kwarto ko?

"Nasa baba lang kami, kung gusto mong kumain, magsabi ka lang..." Yaya

Napatayo naman ako sa kama ko at dahan dahang lumapit sa pinto.

Pinihit ko yung door knob atsaka ko unti-unting binuksan. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at nasilayan ko ang nakakabinging katahimikan na kabuuan ng kabahayan.

Bumaba ako at nakita ko si Craise sa living room. May dala siyang cake... yung paborito ko... cheese cake.

Nakita niya akong bumababa kaya patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Vens, I thought I would never see you... It's been days and your locking yourself in your huge room." Iyak niyang sabi sakin.

Niyakap ko lang siya at mayamaya konti, kumalas narin ako.

"Kain tayo?" Yaya ko sa kanya kaya naman napangiti siya. Magkahawak kamay kaming bumaba.

"Here, I bought cheesecake for you. Di ba paborito mo to?" Craise

"Yeah." Malungkot kong tugon sa kanya.

"Wait, I'll just get some plate and utensils." Sabi ko sa kanya

"Samahan na kita." Tumango nalang ako at pumunta kami sa kusina.

Hindi pa man ako nakakatapak sa loob ng kusina, agad na akong nanlambot at nanginig ang buo kong katawan. Unti-unti namang dumaloy ang mga luha sa mukha ko.

"Vens, okay ka lang?!" Tanong sakin ni Craise.

Nakikita ko na naman yung mga dugo sa sahig. Napatingin tuloy ako sa kamay ko at puno ito ng dugo.

"Bl-ood!!! AHHHHH!!!!" Sigaw ko habang takot na takot na sumiksik sa gilid ng pinto ng kusina.

"Vens, what's happening? Anong Blood?"

"Blood!!!!" Sabay takip ko sa tenga ko. I can hear her. I can hear her saying those words.

"No!!! I don't want to listen to you!!!!" Sigaw ko. I can see that Craise is saying something and base on her face, nag-aalala siya.

Then bigla nalang ako nakaramdam ng sakit sa kaliwang pisngi ko. I can see Daddy standing in front of me and yelling me.

"NO!!!! I didn't do it!!!" NO!!!!" Umiiyak kong sabi habang hawak yung pisngi ko.

Bigla nalang dumating si Yaya at niyakap ako.

"Venisse? Anong nangyayari sayo hija?!" Naiiyak na tanong ni Yaya.

Hindi ko alam... hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Nahihirapan akong huminga. Nahihilo ako...

And there it was... everythings get black.

I was hospitalized for 2 weeks. At hindi ko hinayaang malaman nila Mommy at Daddy kung anong kundisyon ko. Pinakiusapan ko si Yaya na sabihing okay lang ako.

I don't want them to get worried about me. Since they left me... I feel that I don't have a family. Sina Craise nalang at yaya.

Lumipas yung ilang buwan at hindi parin bumubuti ang kalagayan ko. The doctor said I have an EPT, Emotional and Psychological Trauma. Gawa nung nangyari... nung sinaksak ni Yunee ang sarili niya at ng saktan ako ni Daddy.

Nag-undergo ako sa maraming test, but they always failed. Sabi nila, hindi daw ako gagaling kung hindi ko tutulungan ang sarili ko. Kung hindi ako matututong lumimot.

Sino ba naman ang makakalimot ng pangyayaring yon? Nakakaasar lang.

Ginawa ko na lahat ng best ko para makalimot. Nilibang ko ang sarili ko. Pumunta ako ng America at doon ko hinanap si Spare. Close kami sa isa't isa at sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari. Kahit siya nagalit kay Yunee. Hindi daw niya expect na magagawa niya yon.

Sinuportahan ako nila Spare at Craise. Hindi nawala sa tabi ko si Craise. Lahat ng ginagawa ko para makalimot, ginagawa niya rin. Nagpaturo kami kay Spare na magdrive at natuto kaming sumali sa mga drag racing contest.

Natuto rin kami kung paano makipaglaban kapag nasa gipit na sitwasyon.

Nagtagumpay ako. Nakalimot ako. Nag enjoy ako. Nakalimutan kong may trahedyang minsang dumaan sa buhay ko... Ive been free for two years until...

I received a letter from her.

It said there that...

I've been watching you. I can see all your moves. And by the way, Mommy and Daddy never mention your name anymore. We were happy here without you. Inaalagaan nila ako at binibigay nila lahat ng gusto ko. Haha, Nakakatuwang isipin dahil base sa Nakikita ko ngayon, mas mahal na ako nila Mommy and Daddy... I'm sorry Venisse but... I win...

After reading that letter, parang bumalik ulit yung trauma ko. They forget me. They were happy without me. And she's watching me? What if bumalik siya? Anong gagawin ko?

What would I do? Ayoko! Ayoko!

Simula ng mabasa ko ang sulat niya, hindi na ako lumabas ulit ng bahay. I'm scared that I would see her. Hindi narin ako natutulog... I'm scared na baka pag natulog ako, Makita ko nalang siya sa panaginip ko. I've never eat... Dahil tuwing kakain ako, Nakikita ko ang mukha ni Yunee habang may hawak na kutsilyo at handa akong saksakin.

I'm scared that I've became more weak... I've been dizzy and my body became weaker than the last time na inatake ako ng trauma ko.

Craise always visits me and help me to overcome the situation I am in. Tinulungan niya akong lumimot. Pinagamot nila ulit ako and there, my doctor gave me medicines to take.

Hindi ko nakaligtaang hindi uminom ng gamot ko. When I'm drinking that medicine, sumasaya ako... nakakalimot ako... nakakahinga ako...

Hanggang sa, naging maayos na ulit ang pakiramdam ko at nakalimutan ko ulit ang mga bagay na nag-uugnay sa masalimuot kong buhay...

Nagpatuloy ako sa pag-aaral... Minsan umuuwi sina Mommy at Daddy kapag may business silang aasikasuhin sa Pilipinas. Pero hindi kami nagkikita. Pag nasa bahay ako, wala sila. Kapag wala ako, nasa bahay sila. Or... pag nasa bahay kaming parehas, di ko parin sila Nakikita dahil, lagi akong tulog at gigising nalang ako kinaumagahan na umalis na pala sila.

Naging ganyan lang ang takbo ng buhay ko sa mga sumunod na taon.

I have parents, pero parang wala. Lagi nila akong pinadadalhan ng pera pero... Hindi ko ginagamit yon.

Gusto kong ipamukha sa kanila that I can live without them. Na simula ng iwan nila ako, mag-isa kong binuhay ang sarili ko.

Binago ko rin ang sarili ko. Hindi na ako ang dating mabait na si Venisse na pinupuri at paborito ng lahat. Ako na ang kabaliktaran ng Venisse noon...

Masama man ang tingin ng lahat sa akin, wala akong pakealam... They don't know what and how I feel. Hindi nila alam kung gaano ako nag suffer na walang pamilyang umaalalay sayo...

Life has been hard for me pero... kinaya ko...

At ngayon... Eto na ako... I'm being praise by everybody pag nakaharap ako. Pero andami nilang ikinukutya sa akin kapag nakatalikod na ako.

From then on, I've been called as the Bad Empress... The wicked of them all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top