CHAPTER 22.6: The Plan

Kat’s POV

Pagkatapos na bumagsak ni Lester, agad namin siyang isinugod sa hospital. Sabi ng doctor, hindi naman daw napuruhan yung ulo niya at wala naman daw damage sa katawan niya. May konting galos lang sa braso at binti pero hindi naman daw grabe.

Andito kaming lahat pati narin sina Gerard at yung kapatid niya.

Napansin ko lang, parang alalang-alala sa kanya si Geenee nung bumagsak siya. Parang naiiyak pa nga siya ng sinugod namin si Lester eh… Kilala niya ba si Lester? O, magkakilala ba sila? Pero wala namang naikukwento samin tong si Lester eh.

“Kumain muna kayo, ako nalang muna ang magbabantay sa kaibigan niyo.” Biglang sabi ni Geenee.

“Ah, sigurado ka?” Tanong sa kanya ni Seth.

Tumango nalang siya.

“I’ll buy you some lunch nalang Geen.” Sabi sa kanya ni Gerard bago kami tuluyang lumabas.

Pumunta kami sa isang malapit na fast food chain at nag-order. Habang kumakain kami, hindi mawala sa isip ko yung pagtataka kaya naisipan kong tanungin si Gerard.

“Ahm, Gerard, kakilala niyo ba si Lester?” Napatingin naman silang lahat sakin.

“Ah… pag sinabi ko bang Oo, maniniwala kayo?” Tanong niya samin. Umiling naman kaming lahat.

 

 

“Wala naman kasing naikukwento si Lester samin.”

“Kasi wala siyang matandaan.” Gerard

“Ha?” Taka naming tanong.

“Lester, we’ve known him for a long time. Business partners ang Pamilya namin at pamilya nila. Lester and my sister Geenee, were very closed friends when they are little.” Muntik pa akong mabilaukan. Sila? Magkakilala at magkaibigan?

 

 

“Ha? Eh bakit hindi kayo kilala ni Lester?”

“He had an accident when he’s 9 years old. Nagka-amnesia siya. Kaya napagpasyahan nila Tita Lescy at Tito Terence na magmigrate. Kaya kahit anong gawin niya, hindi niya kami makilala.” Gerard

 

 

“Ha? Kaya ba parehas sila ng board ni Geenee?” Tanong ni Dixon

 

“Yes. That board, bigay ni Lester kay Geenee yun nung 8th birthday niya. Parehas kasi nilang gustong matutong magboard ng mga panahong iyon. Kaya simula noong hindi na makaalala si Lester at umalis sila ng bansa, hindi na hiniwalay ni Geenee yung board na yon sa kanya. Bitbit niya lagi yon kung saan siya magpunta.” Gerard

 

 

“Bakit mo sinasabi samin lahat ng to?”

 

 

“You were asking. And there’s nothing to hide. Malalaman niyo rin naman kaya sinasabi ko narin.” Gerard

 

 

“Ano bang apelyido niyo?” Bigla ko nalang naitanong. Para kasing narinig ko na minsan yung pangalan ni Geenee.

 

 

“Perez…” Sagot ni Gerard. Perez? Geenee Perez?! What the?

 

“So, it was Geenee after all!” Bigla kong sabi.

 

“Napano yung kapatid ko?” Gerard

 

 

“Guiz, remember nung nakatulog si Lester? Nung vinivideohan niyo siya? He mentioned Geenee’s Name. Remember?” Tanong ko sa kanila.

 

 

“Yeah. I remember that. Tinanong pa nga natin siya di ba kung sino si Geenee. Pero sabi niya, hindi niya daw alam.” JC

 

 

“So, there’s a possibility na makakaalala na nga si Lester. Napapanaginipan niya yung kapatid ko.” Gerard

 

 

“But, paano natin ipapaalala ng tuluyan kay Lester kung sino si Geenee sa buhay niya?” Drache

 

 

“Paglapitin natin silang dalawa.” JC

 

 

“Paano yun? Eh sa condo lang natin sila nakikita? Tapos magkaiba tayo ng school.” Seth

 

 

“Ano bang school niyo?” Gerard

 

 

“Lavier University.” Sagot ko naman.

 

 

“Ayun naman pala eh! Magtatransfer kasi kami ng kapatid ko doon. Fourth year na ako at third year palang si Geen.” Gerard

 

 

“Sakto! Pwede naming pakiusapan yung principal na gawin nalang naming kaklase si Geenee.”

 

Sumang-ayon naman lahat at doon nabuo ang plano. Operation Balik-Alaala.

 

 

Geenee’s POV

Pagkaalis nilang lahat, agad akong lumapit kay Lester. Pinagmasdan ko lang siya. Mas lalo siyang gumwapo… Ang swerte naman ng girlfriend nito. Kung naaalala mo lang sana ako ter… di sana ako nahihirapan ng ganito ngayon.

 

 

“Ang lampa mo kasi, yan tuloy… Hanggang ngayon lampa ka parin…” Sabi ko sa kanya. As if namang maririnig niya ako di ba? Eh tulog nga yung mokong na ‘to.

 

 

“Kelan mo kaya ako maaalala? Namimiss ko na kasi yung best friend ko.” Sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung gitara ko…

 

 

“Gusto mo tugtugan kita? Naalala mo ba yung wish mo noong 9th birthday mo? Gusto mong magkabanda. Gusto mong maging drummer. At ako, gusto ko namang maging singer.”

 

 

“Alam mo bang, nag-aral akong mag-gitara? At nakakatuwa nga eh… Singer ako sa school namin. May banda rin ako… And I’m the vocalist and the rhythm guitarist… pero… hindi na mabubuo yun dahil magtratransfer na ako sa ibang school. Though sabi naman nila, bibisitahin nalang nila ako.”

 

 

“Alam mo rin bang may crush na ako ngayon? Kaso, may girlfriend na siya eh… haayy… ang dami naring nagbago simula ng umalis ka… Iniwan mo nga ako non ng hindi nagpapaalam… Tapos ngayon, bumalik ka bigla…”

 

 

“Ter, listen to this song okay? Para sayo to…”

A tornado flew around my room before you came

Excuse the mess it made, it usually doesn't rain

In Southern California, much like Arizona

My eyes don't shed tears, but, boy, they pour"

Kung pwede ko lang bawiin ang panahon... Hindi ko hahayaang umalis ka ng mga panahong iyon. Siguro kahit hindi mo ako naaalala ngayon, atleast magkasama parin tayo.

"When I'm thinkin' 'bout you
(Ooh, no, no, no)
I've been thinkin' 'bout you
(You know, know, know)
I've been thinkin' 'bout you
Do you think about me still?
Do ya, do ya?

Or do you not think so far ahead? (Ahead)
'Cause I been thinkin' 'bout forever (Oooh)

Or do you not think so far ahead? (Ahead)
'Cause I been thinkin' 'bout forever (Oooh)"

Alam mo bang ang hirap mong kalimutan? Ang hirap mong kalimutan dahil nananatili ka lang dito sa puso ko. Lester, ako kaya, naaalala mo? HA-HA... baliw na yata ako. May amnesia ka nga pala, pano mo nga pala ako maaalala?

"No, I don't like you, I just thought you were cool
Enough to kick it
Got a beach house I could sell you in Idaho
Since you think I don't love you, I just thought you were cute
That's why I kissed you
Got a fighter jet, I don't get to fly it though"

"I'm lyin' down thinkin' 'bout you
(Ooh, no, no, no)
I've been thinkin' 'bout you
(You know, know, know)
I've been thinkin' 'bout you
Do you think about me still?
Do ya, do ya?

Or do you not think so far ahead? (Ahead)
'Cause I been thinkin' 'about forever (Oooh)

Or do you not think so far ahead? (Ahead)
'Cause I been thinkin' 'about forever (Oooh)"

Sana naman, makaalala ka na. Kung kinakailangan kong iuntog ang ulo mo makaalala ka lang, gagawin ko. Nakakasawa na kasing maghintay. Ni hindi ko nga alam kung may hinihintay pa nga ba ako.

"Yes, of course
I remember, how could I forget?
How you feel?
You know, you were my first time
A new feel
It won't ever get old, not in my soul not in
my spirit, keep it alive
We'll go down this road
'Til it turns from color to black and white

Or do you not think so far ahead? (Ahead)
'Cause I been thinkin' 'about forever (Oooh)

Or do you not think so far ahead? (Ahead)
'Cause I been thinkin' 'about forever (Oooh)”

 

 

 

“Pasensiya na ha kung medyo malungkot yung kanta. Simula kasi nung umalis ka, hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya…”

 

 

“Ahm… ang daldal ko na yata… sige… tulog ka muna diyan… titingnan ko lang sina kuya. Ang tagal nila eh… Nagugutom na ako. Gutom ka narin ba? Gumising ka na kasi para makakain ka na… haha… Para akong sira… kinakausap kita kahit alam kong tulog ka. *sigh*Hinimas ko nalang yung ulo niya and I kiss his forehead.

 

 

 

“Balik din ako agad. Pakibantay ng gitara ko okay?” Pagkasabi ko niyan, kinuha ko na yung board ko at lumabas. Titingnan ko lang sina kuya. Ang tagal nila eh.

 

Sana lang… magising na siya…

 

 

 

Lester’s POV

Pagkalabas na pagkalabas ni Geenee, agad kong iminulat ang mga mata ko. Kanina pa ako gising. Kanina ko pa siya naririnig. Narinig ko lahat. Simula sa sinabi niya noong una, hanggang sa kumanta siya at umalis.

Bumangon ako at kinuha yung gitara niya.

“Geenee… sino ka ba talaga sa buhay ko? Ako nga ba talaga yung best friend mo? Nagka-amnesia ba  ako? Gusto kitang maalala…”

 

 

 Nalungkot ako sa mga sinabi niya kanina. Ang sama ko naman yatang kaibigan para makalimutan ko siya. Naiiyak nga ako sa mga sinabi niya kanina eh… Ramdam na ramdam ko yung lungkot sa boses niya.

Ano bang magagawa ko para makaalala ako? Bakit di sinabi sakin nila Mom and Dad kung nagkaamnesia ba ako. At pano ako nagka-amnesia?

AHH!!! Sumasakit na naman ang ulo ko!! Ang dami na namang pumapasok at nagreregister na mga mukha at pangyayaring ewan ko kung nangyari nga ba sa buhay ko.

“AHHH!!!!” Napasigaw na ako sa sobrang sakit.

Bumaluktot nalang ako sa kama habang hawak hawak ko ang ulo ko.

Tapos, may bigla nalang pumasok.

“LESTER?!!” Lumapit siya sakin.

 “Hoy, sandali, anong nangyayari sayo? Masakit ba ang ulo mo?! Sandali lang… tatawagin ko yung doctor.” Boses yon ni Geenee. Bago pa siya makaalis agad kong nahawakan yung braso niya.

“Don’t leave me. Just stay here… please.” Nakatingin lang ako sa kanya. Parang nagdadalwang isip pa siya kung mananatili ba siya o tatawagin yung doctor.

“Please?” Pakiusap ko ulit sa kanya.

“Fine! But please, wag mo akong pakabahin? May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo nga sakin?!” Natataranta niyang tanong.

 

 

“Masakit lang ang ulo ko…” Sabi ko habang sinsabunutan yung sarili ko.

 

 

“Wag mo ngang saktan ang sarili mo…” Sabi niya sakin atsaka niya inalis yung kamay ko sa ulo ko.

 

 

“Ang sakit…” Sabi ko sa kanya. Hinaplos-haplos niya lang ang ulo ko.

Hindi ko alam kung bakit pero… kusang gumalaw ang mga kamay ko at napayakap nalang ako sa kanya.

Nakahiga ako at nakatayo siya. Niyakap ko siya at hindi ko alam kung bakit. Napahinto naman siya sa ginagawa niya pero… agad din niyang itinuloy.

 

 

“Wag mo akong iiwan dito Geenee.” Bulong ko sa kanya.

 

 

“Hanggang ngayon… takot ka parin mag-isa sa hospital.” Sabi niya sakin. At feeling ko nakangiti siya.

Paano niya nalamang takot ako sa hospital? Natatakot kasi ako dahil pakiramdam ko mamamatay ako.

 

 

“Don’t worry, hindi kita iiwan… Magpahinga ka na… ter-ter…” Naguguluhan parin ako sa mga sinasabi niya pero… Isa lang ang alam at sigurado ako ngayon.

 

 

 

Geenee Perez, she’s part of my life. And I want to remember her… Kailangan kong malaman ang totoo…

 

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top