CHAPTER 22.2: Geenee Perez

Geenee’s POV

Kakauwi ko lang galing mall. Tinatanong nga ako ni Janisse kung anong nangyari sakin pero sabi ko wala.

Pagdating sa bahay, patakbo akong pumasok sa kwarto ko. Nilock ko yung pinto at umupo sa sahig sa gilid ng kama ko. Tapos inilapag ko yung skateboard sa tabi ko. Tapos kinuha ko yung gitara ko.

Naaalala na naman kita. Kinalimutan na kita eh... Bakit nasa utak na naman kita ngayon?

I remember tears streaming down your face
When I said, I'll never let you go
When all those shadows almost killed your light
I remember you said, don't leave me here alone
But all that's dead and gone and passed tonight

Bigla nalang akong naiyak. Umiiyak ako pero hindi ko alam kung bakit. Kung dahil ba sa nakita ko yung crush ko kasama ng girlfriend niya o dahil sa… nakita ko SIYA… ulit…

 

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound

Ang sakit... ang sakit sakit... hindi ko alam ba't ako nasasaktan ng dahil sayo...

Don't you dare look out your window
Darling everything's on fire
The war outside our door keeps raging on
Hold on to this lullaby
Even when the music's gone, gone

Mas lalo tuloy akong naiyak… Bakit ka pa bumalik gayong maayos na ang buhay ko. Nakalimutan na kita. Nakalimutan mo na nga rin ako di ba?

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound

Hindi lang ako kinalimutan mo. Pati pangako mo sakin kinalimutan mo narin... Pano mo nga pala maaalala yung promise mo, eh nakalimot ka nga pala?


Ooooo, OoooOooo,
Ooooo, OoooOooo,
Ooooo, OoooOooo,
Ooooo, OoooOooo,
Ooooo, OoooOooo,
Ooooo, OoooOooo

Just close your eyes
You'll be alright
Come morning light,
You and I'll be safe and sound...


Oooooo, OoooOooo,
Oooooo, OoooOooo,
Oooooo, OoooOooo,
Oooooo, OoooOooo,
Oooooo, OoooOooo,
Oooooo, OoooOooo



[A/N: Safe and Sound by Tailor Swift...  Aria Clemente's Cover at the side ------->>>>>:)))]

 

 

 

 

Nagpunas naman ako ng luha at kinuha yung board ko at niyakap ko ng mahigpit yon..

 

 

“Bakit ka pa ba bumalik dito?”

 

 

 

“Bakit ka pa bumalik Lester?”

 

Alam kong hindi mo na ako maaalala. Alam kong hindi na ako maaalala niyang utak mo… PESTE ka talaga. Bakit ba kasi bumalik ka? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa States ka?!

 

 

Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa inantok na ako…

---

Ang saya lang naming dalawa pag magkasama kami, kahit na palagi kaming nag-aaway. Kahit palagi niya akong pinaiiyak. Kahit palagi ko siyang sinasapak. Hanggang sa isang araw… nagbago ang lahat…

 “Geenee! Geenee Anak!” –rinig kong sigaw ni Daddy sa baba. Nandito kasi ako sa kwarto ko at nag-aayos. Sasama kasi ulit ako kay Dad sa resto.

 

 

 

“Andyan na po!” –sigaw ko rin atsaka na bumaba.

 

 

 

“Dad bakit–“ –di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla akong hawakan sa balikat ni Dad.

 

 

“Anak, pupunta tayo ng hospital.”

 

 

 

“Bakit po? Sino pong nasa hospital?” –nagtataka kong tanong. Medyo natahimik pa sila ni Mom bago makasagot.

 

 

 

“Si Lester nasa hospital.”

 

 

 

“Si-si lester nasa hospital? Sumakit na naman po ba ang tiyan niya? Hahaha” –natatawa kong tanong kay Daddy. Sanay na kasi akong nahohospital yon, pano ang takaw takaw, kain ng kain kaya hindi natutunawan.

 

 

 

“Naaksidente siya anak.” –and with that, natahimik ako. Si ter-ter? Naaksidente? Di ko namalayan, umiiyak na pala ako.

 

 

 

“Tahan na Geenee… pupunta tayo ngayon sa hospital… bibisitahin natin siya.” -Mommy

 

 

 

“Magiging maayos naman po siya di ba?” –naiiyak kong tanong kay daddy. Tumango nalang si Daddy at saka kami agad lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.

 

 

 

Nasa backseat lang ako katabi yung kuya ko. I’m praying… I’m praying for his safety…

Narating na namin yung hospital. Agad kong nakita yung mommy at daddy niya.

 

“Ron, ayos lang ba si Troy?” –daddy

 

 

 

“Sabi ng doctor, grabe daw yung pagkakabangga sa kanya, at baka raw maapektuhan yung utak niya.” –daddy ni ter-ter.

 

 

 

Nakatingin lang ako sa kanila ng biglang may lumabas na doctor sa isang kwarto tapos nilapitan niya sina daddy.

And then, pumunta kami sa isang kwarto… Nakita ko siyang nakahiga sa kama habang puno ng benda yung katawan niya pati ulo niya. Bigla nalang akong umiyak… Naaawa ako sa kanya.

Ang daming nakasabit at nakasaksak sa katawan niya. Iyak lang ako ng iyak habang nakatingin sa kanya.

“Ter-ter! *sobs*… bumangon ka na diyan…*sobs* di ba sabi mo? Maglalaro tayo? *sobs* andito na ako oh. Ang daya mo *sobs* naman eh.” –sabi ko sa kanya habang patuloy na umiiyak. Naiyak narin tuloy mommy at daddy niya. Pati sina mom and dad naiyak narin.

 

 

Nanatili lang ako sa kwarto niya. Hihintayin ko siyang magising. Baka mamaya, hanapin ako ni ter-ter.

 

“Nak, uwi na tayo.” –sabi ni Mommy.

 

 

 

“Ayoko pa pong umuwi, baka magising po si ter-ter at di niya ako Makita sa tabi niya.” –sabi ko habang nakatingin sa kanya.

 

 

 

“Nak, kailangan muna nating umuwi, bukas, babalik tayo dito at bibisitahin natin siya. Kailangan munang magpahinga ni Lester diyan.” –Mommy . nag nod nalang ako atsaka kami nagpaalam sa parents ni ter-ter.

 

 

Nang gabing iyon, pinalangin ko kay Papa God na pagalingin na niya si ter-ter. At sana magising na siya. Ipinangako kong hindi ko na siya aawayin basta’t gisingin lang niya ang bestfriend ko.

 

*Kinabukasan.

 

Maaga akong nagising kasi sabi nila Mommy at daddy gising na raw si ter-ter. Excited pa nga ako na Makita siya ulit. Ang bait talaga ni Papa God, tinupad niya yung prayer ko…

 

 

Pagdating namin sa hospital, patakbo akong pumunta sa kwarto ni ter-ter. Pagdating ko don… nakita ko siyang gising at kumakain.

“TER-TER!” –sigaw ko sa kanya atsaka ako patakbong lumapit sa kanya at agad siyang niyakap.

 

 

 

“Akala ko hindi ka na magigising. Akala ko iiwan mo na ako.” –sabi ko sa kanya habang naiyak na ako pero yakap ko parin siya.

 

 

  

Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at nagpunas ng luha.

“May masakit ba sayo?” –tanong ko sa kanya. Pero tinitigan niya lang ako at kumunot ang noo niya.

 

 

“Sino ka?” –tanong niya sakin na nakapagpabaliktad ng mundo ko.

 

 

 

Sino ako?

 

 

 

“Ter-ter, nagbibiro ka ba? Hindi nakakatawa. Haha” –medyo natatawa kong sabi pero at the same time, kinakabahan din ako.

 

 

 

“Mommy, sino siya?” –tanong niya sa mommy niya. Tiningnan lang ako ni tita. Tapos napatingin naman ako kay ter-ter.

 

 

 

“Hindi mo ako naaalala?” –tanong ko habang tuluyan na akong naiyak. Umiling lang siya.

 

 

Dahil don, agad akong bumaba sa kama niya at tumakbo palabas. Bakit ganon? Nagising nga siya, hindi niya naman ako maalala? Bakit ganon? That’s unfair.

At sa pagtakbo ko… hindi ko napansin na may sasakyan palang paparating… Napako lang ako sa kinatatayuan ko ng bigla nalang may mga kamay na humigit sakin.

Pagtingin ko, si Daddy pala.

 

“Ayos ka lang ba ha Geenee?! May masakit ba sayo?” –tarantang tanong sakin ni Daddy… Oo dad eh… ang sakit ng puso ko…

 

 

Bigla nalang akong humagulgol ng malakas. Halos tumulo na nga yung sipon ko kakaiyak pero niyakap lang ako ni Daddy.

 

 

“D-a-ddy. Ba-bakit hi-hin-di a-ako kila-la ni… ter-ter?”

 

 

 

“Nak, sa ngayon, hindi mo pa maiintindihan, pero paglaki mo, maiintindihan mo rin ang lahat. Sa ngayon, intindihin mo muna ang bestfriend mo. Malay mo, bukas, maalala ka na niya diba?”-daddy. Medyo napangiti naman ako sa sinabi ni Daddy.

 

 

  

Alam kong hindi ako makakalimutan ni ter-ter… maaalala niya rin ako….

Umuwi na kami ni Daddy at agad akong pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko sa ilallim ng kama ko yung skateboard na binigay sakin ni ter-ter.

Sa ngayon, hindi ko pa magagamit to dahil bata palang ako… pero alam ko… paglaki ko, magagamit din kita.

Months passes by at hindi na kami nagkikita ni ter-ter… Ni hindi ko alam kung kamusta na siya until I found out na umalis na pala sila…

Sabi ni Daddy, kailangan daw nilang umalis dahil nandon ang business nila sa ibang bansa at para makaadjust daw si ter-ter. Naiyak naman ako sa sinabi ni dad.

 

Umalis siya ng walang paalam? Ni hindi man lang niya ako binisita o sinabihan na aalis na pala siya…

 

“Bakit ka umalis? Bakit mo ko iniwan?”naiiyak kong sabi… Simula ngayon, kakalimutan na kita. Hindi na kita dapat iyakan. Hindi na ako aasa na babalik ka pa.

 

 

 

---

“Geen… Geen” –may naramdaman akong yumuyugyog sakin. Napamulat tuloy ako ng mata at nakita ko si Kuya Gerard.

 

 

 

“Bumaba ka na, kakain na tayo. Umiyak ka ba?” –tanong sakin ni Kuya. At ano daw? Kakain na kami? Anong oras na ba?

 

 

 

Napatingin naman ako sa orasan ko. Alas syete na pala ng gabi. Ganon ba ko katagal na nakatulog?

 

 

“Hindi kuya… ano lang…” –ano bang sasabihin ko? Napuwing ako? Aba ang galing ha? may napupuwing na pala ngayon na mugto ang mata. Umiyak ako kasi may napanood akong drama? Nah… Hindi effective, hindi ko type yung drama, horror pwede pa.

 

 

 

Eh kung sabihin kong bigla nalang naglabasan yung tubig sa mata ko? Ano yon? Gripo yung mata ko? Ano bang pwedeng irason?

“Hindi ka iiyak kung walang rason Geenee. Sabihin mo nga? Ano bang nangyari?” –tanong niya sakin at umupo sa kama ko. Napatingin naman ako sa kanya. Napatungo naman ako.

 

 

 

“Nakita ko siya kanina sa mall kuya.” –tapos naramdaman kong naiyak na naman ako.

 

 

 

“Akala ko ba nasa States siya?”

 

 

 

“Ewan ko sa kanya. Tapos tinatanong niya pa ako kanina kung nagkita na ba raw kami dati o magkakilala ba kami.”

 

 

 

“Anong sinagot mo?”

 

 

 

“Hindi.”

 

 

 

“Akala ko ba, nakalimutan mo na siya? Eh bakit iniiyakan mo parin siya??” –eh kasi mahal ko siya kuya… mahal ko yung g*gong bestfriend ko na nakalimot sakin.

 

 

 

“Mahal mo siya ano? Tapos yung skateboard na binigay niya, lagi mo pang ginagamit at dinadala. Paano mo nga ba naman siya makakalimutan niyan?”

 

 

 

“Dinadala ko lang to dahil… wala lang…” –tapos pinat nalang ako ni Kuya sa ulo.

 

 

“Bumaba ka na at kakain na tayo.” –atsaka na lumabas ng kwarto ko si kuya. Tiningnan ko naman yung board ko.

 

 

Eh bakit nga ba lagi kitang dinadala?

 

 

 

Lester [Short] POV

Tulala lang ako sa condo ko… Kakaalis lang nila Seth dito. Kinausap kasi nila si Drache kung bakit daw si Shane yung kinampihan niya. Tapos ayon… blah blah blah… hindi naman ako nakikinig dahil may iba akong iniisip.

 

 

“Sino ka ba talaga Geenee Perez?”

 

 

Hindi kita kilala pero parang kilala kita. AHHH!!! Bakit ba ikaw ang iniisip ko? Bakit ko ba iniisip ang taong hindi naman ako kilala at hindi ko rin kilala?

Lalabas na sana ako ng condo ko ng may maalala ako. Agad ko namang kinuha yon sa ilalaim ng kama ko. Tapos nagulat pa ako. Ano to? Bakit… bakit kamukha kong skateboard yung Geenee na yon?!

 

Coincidence ba? Pero pagkakatanda ko, sabi nila Mommy, Pinagawa talaga tong board na to. Ibig sabihin, Customize made to… hindi pwedeng may kamukha ako… maliban nalang kung… kung... sabay kaming nagpagawa o magkakilala kami?

Tapos bigla na namang sumakit yung ulo ko.. Napaupo tuloy ako sa kama ko. ARAY!!! Sh*t sobrang sakit…

 

 

Ang daming blured images na pumapasok sa utak ko.

“ter-ter!” –may naririnig akong boses ng babae, tinatawag ako.

 

 

 

I can’t see her face…

 

 

 

“Ter-ter!” –palakas ng palakas ang pag tawag niya… Palapit ng palapit ang mukha niya sakin pero… Blankong mukha lang ang Nakikita ko. Sobrang sakit na ng ulo ko. Sobrang sakit… gusto ng sumabog…

 Nagpagulong-gulong nalang ako sa kama hanggang sa mahulog ako at… nawalan na ako ng malay.

-----------------------------------------------

A/N: Okay... that explains everything... kaya pala hindi kilala ni Lester si Geenee Perez because he has an amnesia... tsk tsk... Amnesia... epal talaga... hahaha

Keep Voting Keep Reading and Keep Supporting Bad Empress vs Gangster King...

-----

Also read my other story: MY BOYFRIEND's TWO OTHER GIRLFRIENDS [Kathniel-Short Story]

Thank you....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top