CHAPTER 10: Her side...

Vens’ POV

 

 

“Vens, okay ka na?”-Craise

 

 

 

“Yes I’m okay Craise, thanks dahil sinamahan mo ako kagabi.”

 

 

 

 

“Ano bang nangyari ha Venisse?”-Spare

 

 

 

“Ahmmm… Sumama lang yung pakiramdam ko kaya dito ko na pinatulog si Craise.”-palusot ko kay Spare.

 

 

 

 

Alam ko kasing mag-aalala ito eh. Ang OA pa naman niya magreact minsan.

 

 

 

 

“Ah, by the way, kailan pala kayo papasok sa school?”-Craise

 

 

 

 

“Ngayong araw na ito.”-Spare

 

 

“WHAT?!  As in for real? Are you really serious about this Spare?  Hindi niyo naman kailangang mag-aral sa pinapasukan ko dahil lang sa nag-aalala kayo sa akin. Kaya ko na ang sarili ko atsaka, andiyan naman si Craise when I need help. Di ba Craise?”

 

 

 

 

Atsaka ko pinanlakihan ng mata si Craise. Meaning to say, umo-o nalang siya.

“Ah, Yes…Yes… Andito naman ako to support Vens, kaya, don’t cha worry na Spare.”-Craise

 

 

 

 

 

“Really? Ok…”-Spare

 

 

 

 

 

“Ok? You mean, you’re not going to our school na? Instead, you’ll stay here nalang with your barkada?”

Tanong ko sa kanya. Sinisigurado ko lang baka mali ako ng pagkakaintindi eh. Alam ko kasi tong si Spare. Hindi basta basta napapapayag yan.

 

 

 

 

“What I mean is, Ok, I’m glad that Craise is there to support you every time that you needed someone by your side and I’m thankful for that. But, it doesn’t mean that you can change my decision from studying in your school. Cause no matter what you do, you can’t erase the fact that I’m worried with you. Mas maganda ng andon kami nila Neil at James para kapag may nangyari, nandoon kami para subaybayan at alagaan ka.”-Spare

“But I’m not a kid anymore! I’m a full grown woman and I can protect myself na.”

 

 

 

 

 

“Yes you can protect yourself. Pero paano kung biglang umatake yang trauma mo? Maproprotektahan mo pa ba ang sarili mo? Hanggat hindi mo nalalabanan yan Venisse, hindi mo makakayang protektahan ang sarili mo.”-Spare

Medyo natameme ako doon. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing si Spare ang nakakaharap ko sa mga diskusyon, lagi nalang akong talo. Tama naman siya. I can’t protect myself kung may parte sa pagkatao ko na hindi pa nakakalimot sa sakit na dulot ng pangyayaring iyon.

 

“Hey, Let’s go, at baka malate pa tayo.”-Spare

Tumayo na kami atsaka na dumiretso palabas ng bahay. Si Spare muna ang magdadrive ngayon. Naaasar ako sa sarili ko. Paano ko siya haharapin gayong mahina pa ako? Ako na kilala ng lahat sa pagiging matatag, matapang at walang kinatatakutan ay natatakot sa bakas ng nakaraan. Paano ko nga ba naman haharapin ang kasalukuyan gayong bihag parin ako ng nakaraan?

JC’s POV

Maaga akong nagising ngayon. Gusto ko kasing ipagluto si Mitch. Bago ako pumunta ng kusina eh sinilip ko muna siya sa kwarto niya. Mukhang tulog na tulog parin siya. Napagod ata siya sa biyahe. Pinagmamasadan ko lang siya habang natutulog. Ang ganda niya talaga, para siyang anghel sa himbing ng tulog niya. Napakaswerte ko to have her as my girl.

 

“Wag mong pakatitigan, baka matunaw yan.”

Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Si Seth pala. Dahan-dahan kong isinara yung pinto para hindi magising si Mitch.

 

“Oh, Tol, anong ginagawa mo dito? Atsaka paano ka nakapasok? May kailangan ka ba?”-sunod sunod kong tanong sa kanya.

Tinaas niya lang yung susing hawak niya. Oo nga pala nakalimutan ko. Lahat pala kami may spare keys ng condo ng bawat isa. Why? Kasi when one of us needs some help when someone who is in danger, hindi na namin kailangan pang kumatok at hintaying pagbuksan pa. Alam kong iniisip niyong parang wala namang privacy pag ganon di ba? Well, na sa rules namin na gagamitin lang namin yung keys na yon kapag importante talaga. May TRUST naman kami sa isa’t isa kaya wala namang problema. And speaking of important, alam kong importante ang sinadya ni Seth dito.

“So, anong important matter yan tol?”

 

 

 

“I just want to remind you about our talk yesterday. And oo nga pala, ihanda mo na yung speech mo kasi mukhang Katsumi made his plan list.”-Seth

 

 

 

“Plan list? You mean, gumagawa siya ng list ng gagawing paghihiganti kay Venisse?”

 

 

 

“Yeah. Alam mo naman yun. Basta pagdating sa kalokohan, siya ang pinakamatinik sa ating lahat. And Lester is there to support him. Pero alam naman nating lahat na maiintindihan din nila ang bagay na to. Basta iexplain lang natin ng maayos.”-Seth

 

 

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

“Sige, I’ll go ahead. Kita nalang tayo mamaya sa parking area.”-Seth atsaka na lumabas ng condo ko.

Pumunta narin ako ng kusina to prepare some breakfast for us. Nagprito lang ako ng hotdog and bacon atsaka ng toast ng bread. Favorite breakfast kasi namin to ni Mitch. Habang nagpreprepare ako ay biglang may nagbackhug sa akin. Si Mitch.

 

“Good morning babe.”-Mitch

Inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin atsaka ako humarap sa kanya.

“Good morning too babe.”-and I kiss her in her forehead

 

 

 

“Ang aga mo yatang nagising?”

“Maaga ka diyan? Nagising lang naman ako ng may naamoy akong masarap. Ang cute mo palang tignan pag naka apron ka noh? …”-Mitch and she chuckled

“Ikaw talaga, sige na, kumain na tayo at kailangan ko pang pumasok sa school. And, di ba ngayon ka magpaparegister?”

 

 

 

 

“Actually babe, nakapagparegister na ako.”-Mitch

 

 

 

 

“Ha? Kelan?”

 

 

 


“Bago kami pumunta dito ni Tita Carla. Tita called your School  and nakiusap siya kung pwedeng iparegister na ako. Pinadala ko narin yung requirements ko para wala ng problema. And ngayon, sabay na tayong papasok kasi, I make sure na parehas tayo ng schedule. So, we are classmates na.”-Mitch said while smiling.

“That’s good. Para hindi narin kita mamiss.”

“Talaga? Baka naman habang wala ako dito eh nambabae ka na.”-Mitch and she pouted. How cute.

 

 

 

 

“Ano ka ba, ikaw lang ang mahal ko, kaya ikaw lang ang babae ko except from my mom and sisters.”-then I hold her left hand and kiss it.

Bigla naman siyang nagblush kaya napayuko siya.

 

 

 

“Ah…Kumain na tayo?”-Sabi niya na parang nahihiya.

This girl really know how to make me smile. Kahit sa simpleng pagblush niya napapangiti na ako. Kumain na kami para hindi kami mahuli. After eating breakfast, nagkanya-kanya na kami ng pagligo.

After 20 minutes, we’re done. Lumabas na kami ng condo at nakasabay pa namin sina kuya at Maggs sa elevator.

“Kuya, san kayo pupunta ni Maggs? Hindi ka ba papasok ngayon?”-tanong ko sa kanya.

“Papasok ako, pero kasama si Margarrette.”-Kuya Drache habang nakakunot ang noo.

Alam kong medyo badtrip to eh. Paano ba naman, kasama niya si Maggs? Makulit kasi itong si Maggs at madaldal, baka anong gawin nito sa school.

“Don’t worry Xander, akong bahala kay Maggs. Di ba baby?”-Mitch

“Yes ate, sayo nalang ako sasama at baka iwan lang ako ni kuya kung saan saan.”-Maggs atsaka lumapit kay Mitch.

Hindi kita iiwan kung saan-saan Barbara Margarrette. Dahil ililigaw kita sa abot ng aking makakaya. “-Kuya Drache habang itinataas baba ang mga kilay niya. Nakatawa na siya dahil alam niyang hindi siya magiging yaya kay Maggs ngayon.

“Kuya, nakakaasar ka! And stop calling me by my whole name!”-Maggs atsaka siya inisnab.

 

 

 

 

 

Nagtatawanan lang kami hanggang sa marating na namin ang parking area. Nandoon na sina Dix, Seth, Kats and Lester. Pati sina Carmie and Mom ay nandoon din.

 

 

 

“Mom, san po kayo pupunta?”

 

 

 

 

“Mamamasyal lang kami ni Carmie. Ayaw kasing sumama ni Margarrette kaya kaming dalawa na lang. Dadaanan nalang namin si Margarrette mamaya pagpauwi na kami.”-Mom

 

 

 

 

“Sige po, Take care.”-And I kiss my mom and Carmie.

 

 

 

 

“Ingat rin kayo ha? Xander Drache, yang kapatid mo wag mong pababayaan, pati ikaw John Carl.”-Mom

 

 

 

 

 

“Yes Mom.” -Me and Kuya.

Nag-abang muna kami ng taxi for Mom and Carmie atsaka na kami sumakay sa kanya-kanya naming mga kotse. Sa amin na ni Mitch sumabay si Maggs dahil gamit ni kuya ngayon yung BV(Black Veneno) niya. Alam niyo naman yon, ayaw nagpapasakay ng kahit sino sa kotse niya basta si BV ang gamit niya. Pero nagtataka ako kung bakit hindi siya nagreklamo noong si Venisse yung nakasakay sa kotse niya. Is kuya having feelings for Venisse? Hindi siguro, more than enemies yung dalawang yun eh. Kulang na nga lang patayin nilang dalawa sa titig ang isa’t isa kapag nasa classroom kami.

Nagdadarive lang ako habang si Mitch at Maggs ay nagkwekwentuhan about girly stuffs. Haay, mga babae talaga, pagdating sa mga ganyan, sila lang nagkakaintindihan.  We arrived at the school for about 20 minutes. Hindi kasi namin pwedeng bilisin ang pagpapatakbo namin lalo na at nandito si Mitch at lalong lalo na si Maggs. Si Mitch, alam naman niyang sumasali kami sa mga drag racing contest at alam niya ring we’re the Blackfists Gangsters. But Maggs? Baka isumbong pa kami kay Mommy, magkabulilyaso pa.

Bumaba na kaming lahat sa mga kotse namin. Maaga pa naman kaya naisipana naming itour muna sina Mitch at Maggs. Habang naglalakad kami eh hindi na maiiwasan yung mga bulong-bulungan. I just ignore them pero ng tingnan ko si Mitch at Maggs eh parang pinagsakluban sila ng langit at lupa. Nakabusangot silang dalawa at taas na taas ang isa nilang kilay. Nilapitan ko naman sila atsaka ko ipinulupot yung kamay ko sa waist ni Mitch. Inakbayan ko naman si Maggs dahil mukhang sasabog na siya sa galit. Napatingin naman sa akin si Mitch and I just gave her a smile. Napangiti narin siya kaya medyo nakahinga narin ako ng maluwag. Feeling ko kasi, kung hindi ko ginawa yon eh baka niresbakan na nila Mitch at Margarrette yung mga babaeng nagbubulungan kanina.

“Punta muna tayo sa canteen mga bregs.”-Seth

Nagtinginan lang kami ni Dixon. Mukhang alam na namin ang balak ni Seth. It is time para sabihin namin sa kanila. Pumunta na kami sa canteen and ordered foods para kay Maggs at Mitch. Kumain na raw yung iba eh.

“Hindi ba talaga kayo kakain?”-Mitch

 

 

 

 

“Ahh, busog pa kami.”-Dixon

“May pupuntahan lang ako sandali.”-Seth atsaka tumayo, pero tiningnan niya muna ako bago siya tuluyang tumalikod paalis.

“Ahm, mga tol, samahan nalang natin si Seth.”-Ako atsaka ko siniko si Dix na katabi ko lang.

“Ha? Kayo nalang.”-Kats

“Hindi!... Ibig kong sabihin, baka anong mangyari don.”

 

 

 

 

“Wag ka ngang OA JC… Parang may pupuntahan lang siya eh.”-Lester

“Susundan ko lang si Seth.”-Dixon atsaka na lumabas.

Mukhang mahihirapan ata ako dito na kumbinsihin silang sundan si Seth. Napatingin naman ako kay Mitch. Mukhang alam niya rin ang ibig kong sabihin.

“Guiz, pwede bang iwan niyo muna kami ni Maggs dito? May importante lang kaming pag-uusapan.”-Mitch atsaka ako palihim na kinindatan.

“Ano naman yung pag-uusapan natin ate Mitch?”-Maggs

 

 

 

 

“Mamaya ko na sasabihin kapag nakaalis na sila Baby.”-Mitch

“Oh, you heard that Kuya Labo? Choo muna kayo.”-Maggs atsaka binelatan si Kats

 

 

 

 

“K Fine Barbara. Tara na mga bregs.”-Kats atsaka na tumayo kasama sina Lester at Kuya.

“Thanks.”-I said to Mitch and I kiss her head.

“Do what is right babe. Kita nalang tayo mamaya.”-Mitch

Ngumiti lang ako sa kanya atsaka na ako tumakbo palabas ng canteen.

*Outside the Canteen…

Pagkalabas ko, andoon na pala silang lahat including Seth and Dixon.

“So, anong sasabihin niyo at kailangan niyo pang magdahilan para palabasin kami?”-Kuya Drache

“This is not a good place to talk. Tara, doon nalang tayo sa garden.”-Seth

Naglakad na kami papuntang garden. Sakto walang tao. Wala ring makakarinig sa amin dahil medyo tago itong garden na to, compare sa ibang garden nila dito sa school.

“So, ano na?”-Kuya

“This is about Venisse.”-Seth

 

 

 

 

 

“What about her?”-Kuya

“Cous, remember your plan na sinet ni Kats?”-Dixon

“And what about the plan? Make it straight to the point nga. Hindi ko kayo maiintindihan kung nagpapaligoy-ligoy kayo!”-Kuya

“Stop what you are planning about Venisse!”-Seth

 

 

 

“Bro, bakit naman namin kailangang itigil yon? Gusto lang naman namin siyang turuan ng leksyon.”-Kats

“If you want her to realize something, then don’t do it na makakasakit sa kanya.”-Seth

 

 

 

 

“Bakit ba parang concerned na concerned kayo sa Venisse na yan? Eh hindi ba kaaway natin siya? You can’t be befriended an enemy.”-Lester

“Venisse has a trauma!”

Bigla ko nalang nasabi yan kasi naaasar na ako sa kanila.

“Trauma?”-Kuya Drache

 

 

 

 

“Oo kuya. Noong isinugod mo siya sa clinic, kasalukuyang umaatake yung trauma niya non. 5 years ago, when Venisse and Craise are 10 years old, Venisse had this trauma because one of her family member is so violent to her and she was threatened. I don’t know the whole story, pero sabi ni Craise, yun daw yung reason kung bakit ganyan si Venisse ngayon. I know we don’t know her well. Pero hindi niyo ba nararamdaman na, inside that strong and fiercer girl is a weak one? Pinapakita niya sa lahat na matatag siya kahit hindi dahil ayaw niyang kaawaan siya ng iba. Kung bakit ayaw niyang magtiwala sa iba dahil natatakot siyang muling masaktan. How would she accept other people who wants to enter in her life kung nasaktan na nga siya tapos ngayon sasaktan pa ulit natin? Once is enough. Wag na nating dagdagan pa yung takot at kalungkutan na nararamdaman niya.”-mahabang paliwanag ko sa kanila.

“And remember noong pumunta tayo sa bahay nila? Naramdaman niyo ba yung lungkot? Yung mga pictures na nakalagay sa side table nila, hindi ba’t sila lang ni Craise , yung yaya niya at yung iba pang maids yung kasama niya? Have you seen in that picture na masaya siya? Na nakangiti siya? Hindi di ba? Nakita niyo ba yung parents niya sa bahay na yon?”-Seth

 

 

 

 

 

“No. Yung ambiance ng bahay nila, napansin kong ang tamlay, walang kabuhay-buhay.”-Lester

 

 

 

 

“Yes, I noticed all of that. Napansin ko rin noong tinatanong natin yung yaya niya about sa parents ni Venisse eh bigla lang itong nanahimik atsaka ngumiti.”-Kats

 

 

 

 

 

“Napansin ko rin noong umakyat ako sa kwarto niya, malungkot, picture niya lang at picture ni Craise ang naroon.”-Kuya Drache

“Kaya nga tigilan niyo na kung ano mang balak niyo. Sa loob ng isang buwan, ipakita natin sa kanya na hindi masamang magtiwala sa ibang tao. Na kaya niya uling maging masaya. Let us help her na mawala na yung trauma niya bago pa bumalik yung taong naging sanhi ng traumang nararanasan niya ngayon.”-Seth

 

 

 

 

 

“You mean, babalik yung taong yon dito?”-Kats

“Yes. That person will comeback after one month. Kasabay ng pagtatapos ng deal natin sa kanila, ay siya namang pagbabalik ng taong yon.”

 

 

 

 

“Kailangan pala natin siyang protektahan…”-Kuya Drache

 

 

 

 

 

“Kailangan nating tulungang bumangon ulit si Venisse. Para pag nagkaharap na sila, hindi na siya matatakot pang muli.”-Dix

 

 

 

 

 

“Sige, hindi na natin itutuloy ang balak nating paghigantihan siya, sa halip, let’s help her to recover…again…”-Kats

And then nagfist to fists kami. The Blackfists…hindi ko akalaing, kami, na mga Gangster, lumambot ang puso para sa isang babae?... Hindi naman kami ganito dati. Pero nung malaman ko yung nangyari kay Venisse, may kung ano sa akin na gustong-gusto talaga siyang tulungan. Somehow, sa part namin, napabago rin kami sa maikling panahon, hindi na kami madalas makipag-away at makipagbasag-ulo sa mga humahamon sa amin. This past few days kasi, tuwing may manghahamon sa amin ay pinapatikim lang namin ng matindi naming suntok, hindi tulad dati na comatose ang uwi ng iba.

Ven’s [Short] POV

 

 

Patakbo akong umalis sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong magalit sa mundo, gusto kong paghigantihan lahat ng umaapi sa akin. Tumakbo ako papuntang CR, pagdating ko doon eh nilock ko yung pinto, tiningnan ko muna kung walang tao doon at ng masigurado kong wala ni isa, ay bigla akong napaupo at hindi ko na napigilang bumuhos yung mga luhang pinipigil-pigilan ko.

Bakit ba naging ganito ang buhay ko? Masaya naman ako dati di ba? Masaya naman ako dati kasama yung pamilya ko… Noong buo pa kami. Ng hindi pa nangyayari yung trahedyang yon. Bakit ba sa lahat ng tao, bakit ako pa? Bakit siya pa ang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito?

Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko. Tama lang ang desisyon kong wag na wag ng magtiwala at hayaang may pumasok na ibang tao sa buhay ko. Katulad lang nila siya. Katulad lang nila ang pamilya ko, sa huli iiwan at iiwan din nila ako. Inayos ko na ang sarili ko, ilang beses din akong naghilamos para walang makahalatang umiyak ako. Ayokong sabihin at ipakita sa ibang tao na mahina ako. Nang maayos na ang pakiramdam ko ay saka ko napagdesisyunang lumabas. Binuksan ko yung pinto ng CR, nakayuko lang ako at sa paglabas ko ay hindi ko sinasadyang may makabanggaan.

“Ouchh…!”-yung batang nakabangga ko

“Sh*t!”-Ako

 

“Hoy bata! Pwede bang tumingin-tingin ka sa dinadaanan mo?!”-pasigaw kong sabi sa kanya. Nalagpasan ko na siya kaya nilingon ko siya ulit para sabihin yan.

Humarap siya sa akin sabay sabing…

“Ikaw kay-“

Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin niya kasi nashock siya, at kahit ako gulat na gulat rin. At parang napipi ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis kaya siya yung naunang magrecognize.

“Ate Miley?!”

*TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top