Chapter Three
ERGE is the one who's talking the receptionest. I'm just waiting here with manong driver, hindi naman kami close so we never talked. Nang bumaling saamin si Erge ay may dalawang key card na siyang hawak, kukunin ko na sana ang isa sakanya pero iniiwas niya iyon saakin kaya inangilan ko siya.
"Akin na 'yan!" Para akong bata na pilit na inaagaw sakanya ang key card na iyon. Una niyang inabit kay driver ang isa bago siya tumingin saakin.
"Make sure na hindi mo mawawala 'yan." He said before he handed me the key card.
Mabilis ko iyong inagaw sakanya at inilagay sa bulsa ko. "What do you think of me? Burara? Tsk. At parang ikaw pa ang boss saating daalwa kung makapag utos ka ah, kapal neto." Pag susungit ko sakanya at nilampasan siya, sinadya kong banggain ang braso niya pero parang ako pa ata at matutumba.
Hindi ko nalang pinansin at nauna nang sumakay sa elevator. Ramdam ko na nakasunod sila saakin pero hindi ko nalang pinansin. I already text Griselda kung nasaan kami and she's on her way na daw kaya excited na ako.
We reached the fourty fifth floor fast kasi hindi naman pahinto hinto ang elevator dahil wala namang sumasakay. It's already three p.m siguro mga tulugan ang tao. Atsaka may iba namang elevator bukod dito no!
Nauna akong lumabas sakanila at hinanap ang kwarto para saakin. It's a suite thanks to Erge at hindi simpleng kwarto lang ang kinuha niya. Pagkabukas ko ng pinto ay pumasok na ako, isasara ko na sana nang pumasok si Erge at dala ang kanyang bagahe.
My forehead creased. "Doon ka kay Driver! Hindi rito" hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad kung saan. I followed him. "Hoy! Bawal ka rito! Ako lang rito kaya shoooo!" Pagtataboy ko sakanya pero hindi man lang niya ako nilingon ni isang beses.
Pumasok siya sa isang maliit na kwarto, susunod na sana ako nang isara niya iyon at nagtirala lamang ng kaunting espasyo para makasilip siya.
"I need to watch over you kaya hindi ako pwedeng lumayo, and i already said that i'll follow you kahit saan ka pumunta and you already agreed. So just let me rest atleast a minute." Then he close the door.
Bakit iba ang pakikitungo niya saakin kaysa kahapon? Parang kahapon isa siyang maamong tupa na hindi makatingin saakin ng ayos pero ngayon kung magsalita siya parang siya pa ang mas nakaka taas saaming dalawa. Fuck! This guy is really messing up with me!
Padabog akong nagtungo sa kwarto ko at ibinagsag ang sarili sa malambot na kama. Kinuha ko ang phone ko ng tumunog iyon.
Griselda Lalova:
Standing in front of your room's door. Waiting.
Look, pati sa text ang cold niya. Whatever.
Tumayo ako at sinigurado muna na siya iyon bago binuksan ang pinto para papasukin siya.
"Nakabalik ka na pala hindi ka man lang nagpa inom." Bungad niya saakin. She has no emotions kaya natawa ako.
"Tell that to Dada" matawa tawang sabi ko sakanya. Hindi naman kasi talaga ako hinahayaan ni Dada na uminom without his permission. Ayaw niya akong umiinom.
She hugged me and i hugged her back, i missed her so much. Yes she's cold as ice but she's sweet when it comes to me at hindi kay Whorros. Nagseselos nga siya dahil doon. Ang unfair daw kasi siya naman iyong kapatid pero mas mahal ako ni Griselda. Well...
"Let's start?" I nod. I know she's busy but she manage to come here and help me.
Kompleto ang gamit niya at ang dami niyang dala, from head to toe may dala siyang gamit para baguhin ako. Magaling siya sa ganito e because she's always hiding her true identity on her missions kaya nagagamit niya ang skills niya.
She dye my hair into a ash blond and cut it into one length style, she straighten my hair and but some bangs hindi masyadong makapal. Then she suggest that i should wear contact lenses sinabi ko sakanya na ako na ang bahala doon. Nilagyan niya rin ako nang tattoo pero tuldok lang para mag silbing nunal banda saaking ibabang mata, in my lower right eye. She also decided na baguhin ko ang style ko sa pananamit, she said na mas bagay raw saakin 'yung pang feminine at magmumukhang inosente tignan and i also agreed.
"Here' your credit cards, id's and every important documents that you'll needed. Binago ko na ang identity mo diyan at iyan na ang gagamitin mo everytime you want to. And about sa phone and number mo, here" she handed me a brand new phone. "You'll use that sa bago mong identity. You are now Dana Villarico, a photographer and you're graduate in course MassCom. Hindi naman na mahirap saiyo iyon 'diba? Iyon naman ang tinapos mo pero hindi ko tinuloy kaya ginawa ko nalang na iyon ang maging trabaho mo, at isa pa, naipasok na kita sa isang kilalang magazine company as a editor in chief, malakas ako dun kaya naipasok kita kaagad. And you'll start at Monday."
Kinuha ko sakanya ang laman ng brown envelope at kinuha roon ang mga documents na kakailanganin ko. Okay na lahat, ang kailangan nalang ay ako. Ang acting skills ko nalang ang kailangan para maisagawa ang plano at ang bago kong katauhan.
"Oh my gosh! Ang cool nito! Ibang tao na ako ngayon Griselda. And thanks to you,' i wink at her and hug her again. "I can't live without you Griselda" he laughed. And that's a rare one.
"Kadiri ka Iro este Dana na pala. You should change that attitude ha, hindi na ganyan ang bagong ikaw. Dapat more feminine, at babae lang hindi 'yung babaeng babae. And stop boys hunting okay? At kapag may manligaw man magpakipot ka naman ng kaunti, and the way you talk dapat hindi na ganyan, bawasan mo ang pagmumura at panglalait sa ibang tao. Think before you speak, Dana Villarico is sweet caring but she is also a hard to please lady. Kaya umayos ka Iro ha, ako na'ng bahala kay Whorros at sa mga kasama mo ang new indentity mo, you'll be needing there help kaya huwag mo silang sungitan." Panenermon niya saakin. I pouted.
"Okay" wala naman akong magagawa e. Kailangan ko talagang baguhin ang sarili ko. Lahat lahat para hindi ako paghinalaan ng lahat.
"And here," inabot niya saakin ang eyeglasses. "To complete your smart aura." Mas lalo akong napasimangot ng isuout niya iyon saakin. Hindi ako kumportable.
Humarap ako sa salamin at hindi ako makapaniwala na ibang iba na nga ako. Ibang tao na ang nakikita ko sa salamin. This is my new self.
Now, i'm Dana Villarico.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top