Chapter Five


I FINALIZED my research about sa kompanya na papasukan ko bilang isang EIC nang isang Magazine Company. I already done background checking para naman hindi ako masyadong mabigla sa pagpasok ko mamaya. Griselda send me the e-mail about sa mga employees na nag-ta-trabaho ruon, i just want to know so i can deal with them at kung paano ko ba sila hahawakan at pagkakatiwalaan, hindi naman pwede na basta basta nalang akong lalarga sa laban kung wala namang bala ang baril ko, what for 'diba?

Maaga talaga akong nagising kasi masyado siguro akong excited sa pagpasok ko sa trabaho. Heller! First time ko mag trabaho 'no, at nasa mataas na pusisyon kaagad kaya dapat mas lalo kong patunayan ang sarili ko na hindi lang ako sa pagpatay nang masasa magaling, i can also work using my knowledge and skills. Lahat naman pinag aralan ko na at sandamakmak na libro ang pinabasa saakin ni Griselda para bumalik sa isip ko lahat nang aking pinag aralan noon.

After i take a bath ay mabilis na akong nag bihis na nababagay sa character ko ngayon. Feminine at masasabi mong babaeng babae, 'yung sa unang tingin palang nang makakakita saakin ay sasabihin na nila na 'oy, mabait 'to' and 'and hey, i think she's smart' ganuon kasi ang dating ng aura ko ngayon.

Wearing a pink pencil cut halter dress na fitted at pinarisan ko ng white coat and three inches white heels. Office girl na office girl ang dating, pero syempre sexy parin tignan. Naglagay lang ako nang manipis na make up na babagay saaking suot at sunod na isinuot ang salamin na kukumpleto sa aking katauhan bilang Dana Villarico. Oh pak! Dalaga kana Dana.

Kinuha ko lang ang bag ko at lumabas na ako nang aking silid. Nang pababa na ako sa hagdan ay naka sabay ko si Erge pababa sa hagdanan, and he's wearing a white long sleeves na naka tupi hanggang siko and black slacks and black shoes. Naka brush up rin ang buhok nito.

I found him, hotter with his style.

"Good morning" i casually greeted him. He look at me by side way at yumuko nang kaunti bago ako binati rin nang good morning. I smiled. Dahil hindi siya makatingin saakin nang ayos at mukhang naiilang ito. "Nice out fit, you look hotter." Pagka sabi ko niyon ay nauna na akong naglakad sakanya pababa ng hagdan.

Hindi parin siguro siya maka get over sa nangyari kahapon.

Ilang minuto na nakalapat ang labi namin sa isa't isa. Nanatili akong naka pikit at siya naman ay malalaki ang mata dahil sa gulat na ginawa ko sakanya.

When i ended the kiss at inalis ko ang pagkakalapat ng labi namin ay nag sanhi iyon nang tunog kaya napangisi ako. Siya naman ay parang tuod at malalaki ang matang nag iwas saakin nang tingin at mabilos na tinapos ang pagkain niya.

Nang matapos siyang kumain ay nagmamadali itong umalis sa pwesto at bumalik sa front seat kung saan ito naka upo kanina at sinenyasan si Driver na paandarin na ang sasakyan.

And i think na hanggang ngayon ay iniisip niya parin iyon. Hindi niya kasi ako kinausap simula nang makarating kami rito. Actually ngayon lang siya nagpakita saakin dahil palaging si Driver ang nakaka salubong ko at nakikita ko. Tinatanong ko nga siya kung nasaan ang lalaking ito at hindi ko makita, ang sinabi niya lang ay hindi rin nito alam.

Masyado siguro naka apekto sakanya ang halik na iyon.

"Dito ka na maupo sa tabi ko." I oferred him the vacant sit beside me. Hindi pa naman siya nakaka sakay sa front seat kaya inunahan ko na siya.

Nagsalubong ang kilay niya dahil siguro sa pagtataka kung bakit ko siya pinapatabi saakin. Pero bakit nga ba Iro? Maybe for closure? Ayoko namang maging awkward kami forever.

Sinenyasan ko na siya na umupo na sa tabi ko pero imbis na sundin niya ako ay naupo parin siya sa unahan at hindi sinunod ang gusto ko.

"I should be here Miss Dana." Seryosong aniya at hindi man lang makapag tapon ng tingin saakin. Kainis!

Sinamaan ko lang siya nang tingin at humalukipkip nalamang dahil sa hindi niya pagsunod sa gusto ko.

Bakit ba hindi na niya ako sinusunod ngayon? Sinabihan ba siya ni Griselda? Binalaan niya ba si Erge na lumayo saakin? I can't contact her kagabi pa simula ng umalis siya, hindi man lang nag ri-ring ang phone niya.

May misyon nanaman siguro ang babaeng iyon kaya hindi man lang sinasagot ang mga tawag at text ko sakanya.

Ipipikit ko na sana ang mata ko para makaidlip ng sandali nang magingay ang cellphone ko hudyat na may tumatawag saakin. I hope that it's Griselda pero hindi pala.

"Where the hell did you get my number huh?" Pang bungad ko sakanya.

"Grabeng hello 'yan ah, na touch ako super." Sarkastiko nitong sabi.

Napairap nalang ako sa hangin.

"Bakit ka napatawag Whorros? How's Dada?" Naramdaman ko ang biglang paglingon saakin ni Erge pero inirapan ko lamang siya.

"Ako itong tumawag pero iba ang kinakamusta mo? Nakaka sakit ka naman ng damdamin Iro." Napatingin ako sa cellphone kung si Whorros nga ba ang kausap ko ngayon, kasi parang hindi naman siya ang kausap ko.

Parang ibang tao. Bwisit na lalaki 'to, nag d-drama nanaman.

"Isa pang ganyan mo Whorros bababaan kita ng tawag." Inis na sabi ko.

I heard him sigh from the other line before he speak again.

"Panira ka nang trip Dana Villarico."

"Pardon?" Agad na nagsalubong ang kilay ko.

"Griselda told me about your plans, and i just wanna say that you have a great plan. I'm into your plan Iro, mas makakabuti iyan sa identity mo na ayaw mong lumabas," he said. "But don't forget about Uncle, mag aalala iyon sayo kapag hindi ka man lang nagparamdam sakanya, tiyak na ipapahanap ka niya kahit saan pang lupalop ng mundo."

I let out a deep sigh. Ipapahanap nga ako ni Dada kapag matagal akong hindi naka balik, nakalimutan ko ang pangako ko sakanya na mag ba-bonding kaming dalawa, pero kasi ayaw ko sa mundo ni Dada gusto ko lang iyong normal kami, pero alam ko namang hindi mangyayari iyon, naka patay na ako ng tao kaya hindi na magiging normal pa ang buhay ko.

Pwede ko pa rin namang gampanan ang tungkulin ko sa bago kong katauhan ngayon, kailangan ko nga lang na mg ingat ng mabuti.

"Alam ko Whorros. Just... Give me a time para sabihin kay Dada ang tungkol dito, maiintindihan niya naman ako e at babantayan ko parin naman siya mula sa malayo katulad ng dati ko pang ginagawa. I know and you know na hindi ko naman kayang tagalan ang pamamalakad sa War Land,Whorros. May kakaibang nangyayari diyan at kailangan ko iyong malaman." Napapikit ako ng mariin para pigilan ang luha kong nag babadyang pumatak.

"Please Whorros, please look after Dada. Huwag mong hahayaang may mangyari sakanyang masama kasi hindi ko kakayanin. Take care of Dada Whorros, and take care of yourself too." Whorros just chuckled.

"Asus, ako pa ba? Kailan ba ako napa hamak? And don't worry about Uncle, ako naman talaga ang taga bantay niyang patago. And take care okay? And.." may kakaiba sa boses niya na para bang nang titikis o kung ano.

"And what, Whorros? Ano nanaman iyang maka buluhan mong sasabihin? Aber?" Inis kong sabi.

Narinig ko nanaman siyang tumawa. "Huwag mong kakainin si Erge ha, baka matakot iyan saiyo at iyan ka" kaagad na nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Fuck you Whorros!" I said before i ended the call.

Bwisit talaga iyon! Tatawag lang para inisin ako. Pakiramdam ko tuloy ay kasing pula na ako ng kamatis ngayon dahil sa sinabi niya. That kakainin thingy na iyon! Hindi maalis sa isipan ko. Bwisit.

Dahil sa inis ko ay na tadyakan ko ang upuan sa harap, which is kung nasaan ngayon si Erge na tahimik lang at naka tingin lamang sa daan.

Agad siyang napalingon saakin na nagtataka, huminto rin sa pagmamaneho si Driver at napa tingin rin saakin.

"Ano hong problema Miss Dana? Okay lang ho ba kayo?" Pag aalalang tanong ni Driver Lando saakin. Tumango ako at humalukipkip.

Nabaling ang tingin ko kay Erge na nakatingin parin saakin hanggang ngayon.

"Sorry" iyon nalamang ang nasabi ko at hindi na muling tumingin pa sakanya.

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pag re-review ng mga reports na ipinasa saakin ng dating EIC ng Fabulour. Ayokong mabigla ako kaya ngayon palang ay inaaral ko na, pero hindi ako makapag focus sa binabasa ko dahil ramdam ko na may mainit na mga mayang naka tingin saakin.

Kaya nag angat ako ng tingin. "Why?" Agad siyang nag iwas saakin ng tingin at hindi man lang nag abalang sagutin ako o lingunin man lang.

Bahala nga siya sa buhay niya. May regla nanaman ata siya ngayon.

Hinintay kong pag buksan niya ako ng pinto pero nauna pa siyang pumasok saakin sa loob ng gusali at hindi man lang ako nagawang hintayin. Padabog akong lumabas ng sasakyan at sinalubong ako ng mahapding araw sa balat.

Fuck this! Hindi man lang ako pinayungan.

Nang maka salubong ko siya ay inirapan ko lang siya at inunahan na sa pag pasok. Itinapat ko ang id ko sa sensor para maka pasok. Palakad takbo kong hinabol ang pag sara ng elevator buti nalamang ay naka habol ako at mabilis doong pumasok.

Nakita kong humahabol saakin si Erge pero kaagad na sumara ang pinto ng elevator. Buti nga sakanya.

"Good morning Ma'am." Natigilan ako sa pag bubunyi ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

Iyong boses na iyon na musika saaking pandinig. Iyong taong nag mamay ari ng boses na iyon na matagal ko ng gustong ipahanap.

Hindi kaagad ako lumingon dahil ang buong akala ko ay isa ko lamang iyong imahinasyon, pero ng maramdaman ko siyang lumapit saakin at may iniaabot saakin ay napalingon na ako sakanya.

At hindi nga ako nag kakamali, siya nga. Siya nga ang lalaking ito na nasa harapan ko ngayon!

"Ma'am, nahulog niyo ho ang id niyo" ito ang lalaking naka tago ang mukha sa maskara, iyong lalaki noong gabi na iyon na pinag sisisihan kong pinakawalan. "Ma'am Dana Villarico?" Napa kurap kurap ako ng banggitin niya ang aking pekeng panngalan.

Dumako ang tingin ko sa id na iniaabot niya saakin, nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon sakanya.

"Kayo ho pala ang bagong Editor In Chief namin" muli akong nag angat ng tingin sakanya dshil may kaunting katangkaran siya saakin. "Uhmm, sorry po sa kadaldalan ko ah. Nabasa ko ho kasi sa id niyo kaya hindi ko maiwasang mag tanong, pasensya na ho" bakas sakanyang mukha ang pag hingi ng tawad.

"N-No, uhm.." tumikhim ako bago muling nag salita. Ngayon pa kasi talaga ako nawalan ng boses at nauutal pa. Don't forget who you are now Iro! Huwag mo munang paganahin si Iro ngayon!  "It's okay, so dito ka nag ta-trabaho?"

Ano bang tanong iyon Iro! Tatanga tanga! Nakia mo na ngang naka suot ng id na nag sasabing dito siya nag ta-trabaho tapos tatanungin mo pa ng obvious na tanong?!

Muntik ko na sanang masampal ang sarili ko ng pawiin ng matamis at nakaka lalag undies niyang ngiti ang iniisip ko.

"Opo Ma'am, nag intern lang po ako noong una pero nagustuhan ko na rin ho dito kaya after i graduate dito na rin ho ako nag trabaho, mag iisang taon na ho ako dito." Nakangiti siya habang sinasabi iyon. Para bang nangungusap ang kanyang mga mata na sakanya lamang ituon ang ang atensyon mo.

Nanatili akong naka titig lamang sakanya, at sa tingin ko ay napansin niya iyon kaya humingi nanaman siya ng pasensya saakin.

"Sorry ho Ma'am, masyado na ho ata akong madaldal at nai kwento sainyo, pasensya na h-" iniangat ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita.

"I said it's okay. And, mas okay na sigurong may makausap ako ngayon kasi bago palang naman ako dito at wala pa akong kakilala." I said politely, being Dana Villarico.

Kung ako lang sana ngayon si Iro edi sana may nagawa na ako sakanya.

Inilahad ko ang kamay ko sakanya. "Dana Villarico" but i want you to know my real name pero hindi pe-pwede.

Sinuklian niya ako nang kanyang matamis na ngiti at tinanggap ang pakikipag kamay ko ng kanyang mainit na palad na sumakop sa buong kamay ko.

"Lucius George Maldiv po Ma'am, kahit ano nalang po ang itawag niyo saakin dahil mahaba po ang pangalan ko" such a great name. Mas lalo lang lumakas ang appeal niya saakin.

Ang sarap sa pakiramdam na kawak ko ang kamay niya, at ayoko na siyang pakawalan dahil matagal ko na siyang gustong makita. Pero nang tumunog ang pag bukas ng pinto ng elevator ay kaagad na napa kalas ang kamay niya saakin.

Sayang naman.

"Mauna na ho kayo" he said. Hinihintay niya akong maunang maglakad nang may bigla nalang humila saakin.

"Nauna pa ako saiyo rito." Walang emosyong sabi ni Erge na ngayon ay tangay tangay ako kung saan.

Hindi ako sumagot sakanya at hindi ko siya inintindi, ang buong atensyon ko ay nasa lalaking naka sunod lamang saaming dalawa na panay lamang ang ngiti saakin.

Sisiguraduhin kong mapapa saakin ka sa pagkakataong ito na muli tayong magkita, Lucius George Maldiv.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top