Two: Ballpen

Millie's POV

Matapos ang nakaka-intrigang eksena sa jeepney kanina ay agad kaming naghiwalay ni Ate Ivory papunta sa mga building namin kung saan ang pila nila. Hiwalay ang building nila sa amin kahit na isang taon lang ang pagitan naming dalawa.

Pinapagitnaan kami ng ilang school facility katulad ng computer lab, science lab, speech lab at T/HELE lab. May tatlong palapag ang paaralan namin at ang kalahati ng second at third floor ay inookupa ng freshmen at sophomores bago ang facilities na nasa bandang likuran na nakalagay. Sa kanang bahagi na napapagitnaan ng quadrangle ay  building ng junior at senior  na classroom habang ang unang palapag ay nakalaan para sa grade school pupils.

May extension ang paaralan namin at doon naman ay ang mga pre-schoolers at ang kanilang playground. Kung tutuusin, aakalain ng kahit sino na malaki ang eskwelahang ito dahil sa hiwalay na mga buildings para sa bawat kategorya ng mga mag-aaral pero kung kabisado mo ang mga detalye, nasa tatlo hanggang apat lamang ang mga seksyon ng mga mag-aaral sa bawat lebel. At sa bawat section ay may tatlumpu hanggang tatlumpung lima lamang ang mga estudyante dito.

Ngayon ay Lunes at tiyak na naman may Morning Assembly kaya palagi kaming mas maaga para hindi ma-late sa Flag Ceremony. Kada Lunes kasi ay sa oras na ito kinukuha ang attendance para daw madisiplina ang mga mag-aaral na pumasok ng maaga.

Well, sang-ayon naman ako doon. Yun nga lang, mahirap kapag hindi ka sanay gumising ng napaka-aga.

Agad ko nakita ang mga kaibigan kong sila Star Rosales at Odessa Arevalo na nasa pila na. Bilang mga kinapos sa height, ilan lang silang pinalad na mapunta sa unahan ng pila. At ako, kahit papaano ay nasa gitna. Mga dalawang estudyante pagkatapos nila.

Hindi maiwasan ang magsimula ng maiingay ang mga tao sa paligid dahil sa init ng panahon pero sa oras na ito, himalang tahimik sila. Marahil, may napagalitan na naman at napunta sa Prefect of Students' office.

Dalawa lang yan. Either walang ID o nahuli na may ginagawang hindi akma sa Student's Handbook.

Ito ang gusto ko sa paaralan kung nasaan kami ni Ate. Disiplinado talaga ang mga kaguruan pati ang administrasyon nila.

Mabalik tayo sa napakainit na panahon at sa kasalukuyang Morning Assembly na nagaganap.

Hayun, at nakita ko si Ate Ivory sa unahan. Siya pala ang mangunguna sa pagdarasal ngayon at katabi nya ang mga kaklase nyang sina James Cordova at Peter West.

Nang magsimula na si Ate magdasal at sinabayan na ng lahat, rinig ko ang mahihinang buntung-hininga at paghanga nila sa kagandahan ni Ate Ivory.

"Walang kupas talaga ang ganda ni Ivory.", rinig kong sabi ni Edward Foster sa kaliwa ko na sinang-ayunan ng kaibigan nyang si Luis Romulo.

"Kelan kaya ako papansinin ni Ivory?" Kahit malayo at sabay-sabay ang bigkas naming lahat sa pagdadasal, gawa ng malakas kong pandinig, narinig ko pa din ang pag-ungot ng dismaya ng isang freshman sa Agate section.

Good luck na lang sa inyo. Si Ate pa!  Wala yang oras sa lovelife! Mas mahal nyan ang bola nya!

Oo nga pala. Varsity player si Ate sa volleyball at madalas sila makipaglaban sa ibang mga eskwelahan.

Maganda si Ate Ivory. Matangkad,  may balingkinitan at maliit na baywang at palangiti din sya kaya hindi sya mahirap magustuhan.

Hindi katulad ko. Kung si Ate ay biniyayaan ng height at ganda, ako naman ay kinapos dito. Sa kagandahan? Sapat lang siguro?

Anyway, highway. Bago matapos ang Morning Assembly ay nagbigay pa ng kaunting paalala ang aming Principal na si Mrs. Elizabeth Navarro.

Agad naming kinuha ang mga gamit namin at sinukbit ko ang backpack ko nang may kumalabit sa akin.

Pagkalingon ko ay ang kamay nya na may hawak na ballpen ang bumungad sa akin. Dahan-dahang  umangat ang mata ko para tingnan kung sino ito at halos umurong ang dila ko nang makita ko ang lalaki sa jeepney kanina. Humahangos sya habang nakangiting inaabot sa akin ang ballpen na hawak nya.

"Hi. Millie, right?" Tanong nya at napatango na lang ako. "Here. Nahulog mo kanina sa jeep. May nakapagsabi sa akin na sa iyo daw ito at napansin ko na magka-eskwela tayo kaya kinuha ko para ibalik sa iyo."

Kinuha ko ito sa palad nya at nagpasalamat. "Thank you." Tumango lamang sya at magsasalita pa sana ng may tumapik sa balikat nya.

"Uy, tol! Ano ginagawa mo dito? Kelan ka pa namin naging ka-eskwela?" Masiglang bati ng isa sa mga kaklase ko na si Eugene Cuevas.

"Well, here I am! Alam mo ba kung saan ang pila ng 2nd Year Emerald?" Tanong nya at nanlaki ang mga mata ko.

"Bangis! Kaklase pa nga! Welcome sa aming mahal na paaralan, Knox!" Ngingisi-ngising bati ni Eugene.

"Girls! Akyat na sa classroom! Ano pa hinihintay nyo dyan?" Tawag ni Ma'am Kennedy na Class Adviser namin.

"Sorry, Ma'am!" Agad na nagsunuran na ang mga kaklase ko na nasa pila para umakyat na sa classroom namin.

Tahimik akong sumunod hawak-hawak ang gamit ko at ang ballpen na nasa bulsa ko na.

Mukhang magkaklase nga kami. At hindi lang magka-eskwela.

Pero bakit ganito na lang ang bilis ng tibok ng puso ko? Para bang ang tagal ko na syang kilala?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top