One: Jeepney

MILLIE'S POV

I woke up from the loud alarm on top of my dresser. 4:00 AM, it says.

My eyes widened and I sat up straight which I regretted because the pain on my nape happened and I had to wince in dismay.

Mabilis akong tumayo at pilit na binalewala ang sakit kanina. Kinuha ko agad ang tuwalya at bathrobe ko na nasa labas lang ng cabinet ko at mabilis na naligo.

Wala pang labinlimang minuto ay tapos na ako at sinimulan ang aking nakasanayan na skin care routine bago ako bumaba para sumabay mag-almusal kila daddy at Ate Ivory.

Isang taon lang ang tanda sa akin ni Ate Ivory kaya magkasundong-magkasundo kami. Alam nya lahat tungkol sa akin. Simula sa mga gusto at ayaw kong pagkain hanggang sa mga detalye kung sino ang huli kong crush sa mga Korean drama na napapanood ko.

Ako nga pala si Millie Briela o Millie, for short. 14 years old lang ako at sa oras na ito, alam kong mas kailangan ko magmadali kaysa magpakilala sa inyo. Ah, basta!

Simple lang akong bata na madaling mapikon at mahirap suyuin. Sabi nga nila, magtaray ng naaayon sa ganda. Eh mukha namang papasa ako doon kaya hayaan nyo na!

Sa araw na ito, si Mommy ay nasa ospital at mamayang gabi pa ang uwi. Graveyard shift kasi sya ngayon sa ospital. Si Dad naman ay alas-otso pa ang pasok pero dahil nakagawian na naming sabay-sabay mag-almusal ay kahit napaka-aga pa ay gumigising sila Papa para lamang sabayan kame.

Para sa kanila, mahirap habulin ang oras. At ayaw nilang pagsisihan na tumanda sila ng hindi kame nakakausap o nakaka-bonding sa hapagkainan.

At dahil alam nilang hindi sila habangbuhay namin kasama ay minabuti nilang sanayin kami na magcommute at wag umasa sa mga kaya nilang ibigay.

Sa 18th birthday pa daw ako pwedeng gumamit ng sasakyan. At dalawang taon pa ang bibilangin para magkaroon ako ng sarili kong kotse.

"What are you girls waiting for? Hurry up! Baka malate kayo!" Komento ni Daddy habang lumalagok ng tubig.

Agad akong tumingin sa relong pambisig ko at mabilis kaming kumilos ni Ate para halikan si Daddy sa magkabilang pisnge at tumalima papuntang pintuan palabas ng bahay.

Awa ng Diyos ay may tricycle na naghahanap ng pasahero ng oras na iyon at magkasunod kami ni Ate Ivory na pumasok sa loob. Sinabi agad namin na sa sakayan ng jeep kami ibaba at wala pang limang minuto ay naibaba na kame.

Tiningnan ko ule ang aking relo at napansin kong mayroon pa kaming mahigit tatlumpu't minuto para makarating sa eskwelahan.

Puno ang sinasakyan naming jeep kaya naman ang aga-agang hassle ito para sa mga mag-aaral katulad ko.

Yung kaninang fresh look ay nawala gawa ng matinding init ng araw at gitgitan pa sa loob ng sasakyan.

Sa araw na ito, wala akong choice kundi umupo malapit sa estribo dahil lahat ay nasa bandang unahan na.

Si Ate Ivory ay nasa bandang loob naman sa tabi ko kaya walang gana kong pinaypayan ang aking sarili.

Ilang beses pa pumreno ang sinasakyan namen at ang huling sumakay ay isang lalaking may katangkaran at may chinitong mga mata.

Gusto ko man alisin ang tingin ko sa kanya habang sya ay nakasabit sa sasakyan ay hindi ko magawa.

Para bang may nagsasabi sa akin na kilalang-kilala ko ang lalaking ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top