Perfect 8: Walang Iba

Kung nageexpect kayo ng mga heavy scenes dito or heavy plot you're in a wrong story po. Hahaha. Parang stress reliever ko lang 'tong story na 'to kung anong maisip ko ayun 'yung tinatype ko. Try my other story na may mabigat na plot kung ganern trip niyo. Arranged marriage to my boss or My favorite game. Ciao. xx

*************************************

"Ashlita! I-shot mo pa!'

"Eto pa, oh!"

"Hahaha! Nakakatuwa pala uminom 'tong si taga maynila sobrang pula ng mukha!"

Hawak ako ng hawak sa mukha ko habang tsini-cheer nila ako sa pag-inom. Nakakatuwa talaga dtio, ang saya lang nang mga tao. Kahit kakikilala lang namin parang matagal na kami magkakaibigan. Saka, wala silang halong arte hindi katulad ng mga kaibigan ko sa Manila paartehan kami palagi.

Inabot sa'kin ni Andeng 'yung mic at syempre ang napakaganda ko nang boses ang nagtuloy ng kinakanta niya.

"Sha umaga sha gabi sha, bawat minutong lumilipash! Hinahanap hanap kita!~ Waaaaa. Haaaa. Haaaa~"

"Ang galing talaga kumanta nitong katulong ni Hunter. Partida, hiyang hiya pa  'yan kanina! Haha." pang-aasar ni Jun sa'kin.

"Sha iship at panaginip bawat pag-ihip ng tadhana~ Hinahanap kita.. Waaahaaaaa~" with matching papikit pikit pa 'ko ng mata habang kinakanta ko 'yan. Ang saya naman talaga kahit minsan 'yung wala kang pakialam sa mundo.

Kahit ang daming tao dito na alam ko pinpanood nadin ako wala akong nararamdaman na hiya kahit konti.

Narinig ko naman ang pagtatawanan ng mga kasama ko. Kaya napadilat ako. "Hoy! Shinong tinatawanan niyo?!" Higik. "Shinabe ko ba tawanan niyo ko?!"

"Hahaha! Te, ang ganda mo kase kumanta, e!" sagot sa'kin ni Andeng ng nakahawak sa tiyan. "Pareho lang pala tayo ng boses wala sa tono e! Hahaha!"

"Shigilan mo 'ko, Andeng kumakanta ako! You don't do that to me while I'm singing you knoww!"

Nagtawanan nanaman sila. "Rowena, ganyan ganyan ka nung kabataan nate, 'di ba?" sabe ni Iroy kay Ate Rowena, asawa niya. Namumula nadin ito tulad nila ni Andeng.

"Mahal, nasa tono naman ako kumanta!" pagtatanggol ni Ate Rowena sa sarili niya.

"Nilalait niyo ba boses ko?!" sigaw ko.

Si Jun naman ang sumagot. "Ganda, hindi naman. Maganda kasi talaga boses mo! Gusto nga namin gawin alarm clock 'yan para gising kame agad pag-umaga! Hahaha!' nag-apiran ito saka si Kuya Iroy.

"Mas lalo kayo hindi magigishing dahil sha shobrang ganda ng boses ko!" sabi ko at pinagpatuloy ang kanta ko pero napatigil ako ng makita ko na padating si Hunter.

Nakasimangot itong nakatingin sa'kin. "O, andyan na pala si chaperone ko, e!" sigaw ko mula sa mic.

Nagtawanan nanaman tuloy 'yung mga kasama namin. "Hunter, chaperone ka pala ng katulong mo! Haha." nang-aalaska na naman si Jun.

Hindi si'ya sinagot ni Hunter at nilapitan ako. Napaatras naman ako dahil hindi ito ngumingiti habang nakatingin sa'kin. "O, bakit nakasimangot ka? Aneng genewe ke seye? Neseye ne nge eng lehet nekesemenget kepe."

"Hahaha! Hunter, ang lakas pala ng trip niyan ni Ashlita pag lasing!" sabi naman ni Andeng.

Nakatingin padin sa'kin si Hunter. "Akyat na tayo lasing ka na."

"Walang lasheng!"

"Ashley, halika na." hinawakan ako nito sa kamay. Hinawi ko naman agad 'yung kamay niya at iniabot sa kanya 'yung mic.

"Hindi ako aakyat habang hindi ka kumakanta!" matigas na ulo na sagot ko sa kanya.

"Asa, hindi mo ko mapapakanta."

Sumingit nanaman sila Andeng tila natutuwa sa pag-aaway namin nila Hunter. 

"Hoy, Hunter. Kumanta ka daw. Kanina ka pa inaantay niyan tapos hindi mo man lang pagbibigyan 'yung gusto."

"Oo nga, pre." sang-ayon ni Jun.

Natatawa naman nagsalita si Ate Rowena. "Ganyan naman kayo mga lalaki ang hilig magpaasa."

Habang nakacrossed arms ako kay Hunter hindi nadin ako ngumingiti sa kanya. Narinig ko 'yung sagot ni Kuya Iroy. "Baliktad ata 'di ba kami 'yung umaaasa sa inyo?"

Mabilis pa sa alas-kwatro sagot ni Andeng. "Kayo kaya ang laging nagpapaasa samin! Sasabihin mahal daw at hindi lolokohin pero kita mo bandang huli makakita lang ng mas maganda sa'yo. Aba! Nakalimutan na 'yung mga sinabi!"

"Humanap ka kasi ng panget na katulad ko." sabat ni Jun.

"Ayoko sa panget na katulad mo! Mas gusto ko pa maging matandang dalaga kesa mapunta sa'yo!"

"Andeng, wag kang magsalita ng tapos! Baka bandang huli ako makatuluyan mo. Hahaha." pang-aasar ni Jun dito.

Umirap naman si Andeng at kinuha 'yung mic si'ya na 'yung nagpatuloy ng kanta. Kami ni Hunter nagtititigan padin dito habang nakatayo. "Ano? Hindi ako sasama sa'yo habang hindi ka kumakanta." 

"Pag hindi ka sumama sa'kin bubuhatin kita pataas." banta nito.

"Subukan mo lang kakagatin kita." 

Umupo ako at pinanood si Andeng sa pagkanta naramdaman ko naman ang pag-upo ni Hunter sa tabi ko. Ramdam ko na tinitingnan niya padin ako.

"Shot, pare!" yaya dito ni Jun.

Kahit hindi ako nakatingin nakikita ko sa gilid ng mata ko na kinuha naman ni Hunter 'yung shot glass at ini-straight shot.

 "Hindi ka padin aakyat Ashley Esqueza?" bulong nito sa tenga ko.

"Asa." pagmamatigas ko at kinuha 'yung shot glass pinalagyan kay Jun.

Nagkakatinginan naman 'yung tatlo pati 'yung mag-asawa. Pinag-aaralan 'yung kilos namin ni Hunter. Nang matapos lagyan ni Jun 'yung glass itinaas ko pa kay Hunter at ininom sa harap niya.

"Isa." banta nito.

"Dalawa." pagpapatuloy ko.

"Hanggang lima ka lang Ashley Esqueza aakyat na tayo."

"Kumanta ka muna Hunter Rodriguez para umakyat tayo."

"Dalawa." sabi nanaman nito.

Dahan dahan kong nilabas 'yung dila ko inaasar si Hunter. "Hindi ako aakyat habang hindi ka kumakanta. Saka bakit ba andito ka? 'Di ba kasama mo si Josa? Bakit hindi na lang kayo 'yung mag-usap. Bakit hindi na lang si'ya 'yung paaakyatin mo."

Nawala na 'yung sounds sa paligid namin.

"Tatlo."

"Whatever. Hunter. You're such a looser."

Nakatingin padin si'ya ng deretso sa mukha ko. Nakita ko naman ang mga kasama ko sa paligid ko na nakatingin na samin. Hindi na sila gumagalaw.

"Apat." pagpapatuloy nito.

I made a moching sound. "Huh? Lima, anim, pito, walo, siyam, sampu----"

"Lima." tumayo si Hunter at mabilis na hinila 'yung katawan ko.

 "Ano ba!" reklamo ko nang ipulupot niya 'yung kamay niya sa bewang ko at binuhat ako na parang bigas sa balikat niya.

Nagpupumiglas ako para makababa pero ang higpit ng hawak niya sa'kin.

"Ibaba mo nga 'ko!" sigaw ko.

Narinig ko naman 'yung tawanan nila Andeng. "Ang sweet niyo naman!" sabi ni Ate Rowena. "Sana ganyan padin si Iroy sa'kin."

Aaah! Hindi ko sila ininda sumigaw ako. "Andeng help!"

"Ashlita sige matulog ka na bukas na lang ulit, ha?" sabi nito sa ibang tono para bang tuwang tuwa sa nakikita niya samin ni Hunter.

Palayo na nang palayo kami ni Hunter nang marinig ko pa 'yung komento ni Jun. "Tignan mo Andeng, kung mabait ka lang sa'kin sana binubuhat buhat na din kita ngayon ng ganyan. Sweet nila, ano?"

Pilit 'kong sinisipa 'yung paa ko habang paakyat na kami ng hagdan. Pati 'yung ibang tao na nagsisikainan at 'yung mga batang naglalaro napahinto nadin sa ginagawa at pinpanood kung paano ako iakyat ni Hunter sa hagdan ng parang bata.

"Ibaba mo 'ko sabi, eh!" unti-unti tuloy natatauhan 'yung utak ko. Pero infairness, ang lakas padin loob ko.

Pagkaakyat namin narinig ko 'yung boses ni 'Nay Marya. "Anong nangyari dyan kay Ashley, iho?"

Nanlaki ang mata ko at napatigil ako sa pagpadyak.

"Wala po. Medyo lasing lang kailangan nang matulog."

Dineretso na 'ko ni Hunter sa kwarto at ibinaba sa matigas na kama. Alam ko kahit hindi ko nakikita na mas lalong pumula 'yung muka ko. Hindi dahil sa nainom ko dahil sa naiinis ako sa ginawa niya.

"Matulog ka na." utos nito.

"Sino ka para utusan ako?!" sigaw ko sa kanya at tumayo para lumabas ulit. Nahawakan naman niya agad 'yung braso ko.

"Matulog ka na sabi Ashely Esqueza. Hindi na 'ko natutuwa." seryosong sabi nito.

"Mas lalong hindi ako natutuwa sa ginawa mo!  Dun ka na lang kasi kay Josa! Bakit mo pa kasi ako pinakialaman sa baba!" 

 "Hinaan mo nga boses mo." sabi nito sa'kin at hinila nanaman ako pabalik sa kama.

"Ayoko!" pagmamatigas ko padin at binato lahat ng unan sa harap niya. Inilag ni Hunter 'yung kamay niya tumayo naman ako sabay takbo pero this time nakatakas ako agad. Papalabas na 'ko ng pinto ng nahawakan nanaman ni Hunter 'yung katawan ko at binuhat ako parang bata.

So sobrang desperada ko kung paano ako makakatakas sa kanya. Kinagat ko yung balikat niya ng sobrang diin na napabitaw si'ya sa'kin.

"Aray! Sh'it! Ashley!"

Tatakbo na sana ako ng makita kong hindi maipinta 'yung muka niya.

Napahinto ako. "O-okay ka lang?" nag-aalang tanong ko.

"Okay lang? Mukha ba 'kong okay? Bakit ka nangangagat? Sh'it!" mura nanaman nito habang hawak hawak 'yung likod niya.

Napakagat labi ako. Hindi ko naman kasalaan 'di ba? Si'ya kase. Si Hunter may kasalanan! Napaupo si Hunter sa kama at hinubad 'yung damit. Pilit padin nito tintignan 'yung likod niya. Nanlaki ang mata ko nang may nakita akong konting dugo.

"Hala! May dugo!" sigaw ko.

Tiningnan ako ni Hunter ng masama. Patakbo naman ako lumapit sa kanya. "Sorry na. Sorry na." sabi ko. Natataranta ako kung anong dapat kong gawin kaya lumabas ako at nanghingi ng bimpo saka maligamgam na tubig. 

Nakakahiya naman sa mag-asawa dito sa bahay dahil nagtataka silang nakatingin sa'kin.

"Nahihilo ka ba? Gusto mo maligo ka muna iha para mahimasmasan ka."

Umiling ako agad. "Hindi po." binigay na nila sa'kin 'yung kailangan ko. "Sige po salamat po."

Pagkapasok ko sa kwarto sinisilip padin ni Hunter 'yung likod niya. Agad naman ako sumampa sa kama para punasan 'yung likod niya napahinto naman si Hunter parang naparalisa sa ginawa ko.

Sobrang bakat nung kagat ko. Malaman magkakapasa 'tong likod niya pagkatapos. Shiat naman Ashley eh. Bakit ngayon ko lang nalaman na may lahing vampire pala ako.

Dahan dahan 'kong idinadampi 'yung bimpo sa likod niya. Walang nagsasalita samin. Humarap si Hunter sa'kin at kinuha 'yung bimpo tapos hindi ko sinasadya mapatingin sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Agad nang hinigop ng kahinaan ko 'yung diwa ko. Tulala nanaman ako.

"Kaya ko na 'to. Matulog ka na." sabi ni Hunter sa'kin.

Pero hindi ako nakasagot. Nakatingin padin ako sa ibabang bahagi ng katawan niya. Para akong nahi-hypnotized na ayaw nanaman pumikit ng mga mata ko. Unti-unti bumababa 'yung ulo ko para lumapit dito.

I licked my lips at ilan beses na din ako napalunok. Alam mo ba 'yung pakiramdam ko pag nakakakita niyan? Para akong bata na nakakita ng fried chicken na gusto ko agad kainin. O chocolate na gusto ko lasapin at dilaan.

"Hoy, babae. Problema mo nanaman? Nasa likod 'yung sugat ko wala dyan." pinitik ako nito sa noo.

Natauhan naman ako agad at napatingin sa mukha ni Hunter. Hawak hawak ko 'yung noo ko. Ang awkward kaya kahit late reaction sumigaw ako.

"Ouch!" sabi ko at tumalikod. Pilit ko padin pinapakalma 'yung sarili ko.

Shiat lang! Wala nanaman sa kontrol ang pag-iisip ko pag nakikita ko 'yan! Bakit naman ganyan talaga! Naiiyak na 'ko!

"Babae, bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong sa'kin ni Hunter lumapit naman ito at hinawakan ako sa balikat.

Tinanggal ko agad 'yung kamay niya. Para kasing may electricity na gumapang sa katawan ko. Niyakap ko 'yung tuhod ko at parang tanga na umiiyak.

"Babae, masakit ba 'yung pitik ko? Sorry na.."

Ngayon si'ya na 'yung angsosorry sa'kin? Shiat, hindi naman kasi ako naiiyak sa pitik naiiyak ako sa sarili ko bakit kasi nawawala ako sa tamang pag-iisip pag nakakakita ng ganyan. Saka bakit ba kasi kailangan samahan ni Hunter sa Josa kanina.

Bakit kailangan niya pa 'ko iwan. Bakit kailangan niya pa 'ko hilahin papunta dito. Bakit pa kasi kami napunta sa lugar nito. Bakit pa 'ko nakipagdate kay Garreth. Bakit. Bakit. Bakit!

"Babae.." tumabi si Hunter sa'kin at pilit hinahawakan 'yung muka ko. "Sorry na.."

Mas lalo akong naiyak nang makita ko nanaman ' yung kahinaan ko na medyo nayuyupi dahil nakaupo si'ya.

"Anong gusto mong gawin ko para hindi ka na umiyak? Wag ka na umiyak please.."

Parang tanga na humahagulgol ako dito. I've never been a drama Queen kapag nalalasing ako. Ngayon lang talaga. Siguro dahil sa mga nangyari sa'kin nitong mga nakaraan ang araw hanggang ngayon.

"Gusto mo ba kumanta ako? Kakanta na'ko. Wag ka lang umiyak.."

Hindi ko si'ya sinagot. Patuloy lang ako sa pag-iyak ko at mas lalo ko pa niyakap 'yung tuhod ko.

"Ashley Esqueza naman.." mahinang sabi nito. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Hunter at hinaplos 'yung buho ko.

"Ilan beses nang nag-away. Hanggang sa magkasakitan di na alam ang pinagmulan~" simulang kanta nito. "Pati maliliit na bagay, na napag-uusapan.. Bigla na lang pinag-aawayan.. Ngunit kahit na ganito.. Madalas na 'di tayo magkasundo.."

Mas lalong lumakas 'yung iyak ko at humarap sa kanya. "Ikaw lang ang gusto kong makapiling.. Sa buong buhay ko.."

 "What? Iiyak ka padin ba?" nang-aalong tanong nito sa'kin. Noong hindi ako sumagot tinuloy nanaman nito 'yung kanta. "Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano.. Ikaw pa rin ang gusto ko.. Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo.."

Hindi ko alam na may pagkasinger pala 'to si Hunter. Ngayon ko lang si'yang narinig kumanta. Kahit ang weird lang na kinakantahan niya ko ng harapan.

"Magdamit ka." naiiyak na sabi ko.

Napatigil naman ito sa pagkanta. "Ano?"

"Magdamit ka sabi."

Agad naman kinuha ni Hunter 'yung t-shit niya at sinuot. "Masaya ka na?"

Tumalikod ulit ako. Dahil namumula nanaman malamang ang mukha ko pero this time alam na alam ko na kung dahil kanino. Naramdaman ko ang pagtayo ni Hunter, maya-maya binalik nito 'yung mga unan na binato ko sa kanya kanina.

"Matulog ka na. May pupuntahan tayo bukas." sabi nito habang nilalagay 'yung unan sa dulo nung kama. 

Kahit ayoko pa matulog dahil hindi pa 'ko naghihilamos at nagtotoothbrush sumunod padin ako kaysa sa kung saan nanaman kami mapunta. Lagi naman kaming ganyan kung saan-saan napupunta pagtatalo namin. 

Pagkapikit ko biglang bumalik 'yung hilo ko na nawala kanina. Pero ang sarap sa pakiramdam 'yung hangin na tumatama sa'kin na mula sa labas ng bintana. Napadilat ako nakita ko si Hunter na naglalatag ng matutulugan niya.

Hindi nanaman kami nag-uusap kaya kinuha ko 'yung iphone ko at tiningnan 'yung mga text. Halos galing sa mga kaibigan ko at sa pamilya 'yung mga text. Nakita ko din 'yung mga text ni Garreth at missed calls niya.

Isa pa 'tong lalaki na 'to, ayaw tumigil. Sobrang bossy at palaging badtrip. Hindi niya gets na si'ya tinataguan ko. Pero bakit ko nga ba si'ya tinataguan? Papatayin niya ba talaga ako?

4 messages received.

-Garreth-

Pag tumatawag ako matuto kang sagutin yung cellphone mo!

Ashley Esqueza. Namatay ka na ba?

Ashley! 

Gising ka pa?

Natawa ako sa huling text ni Garreth. Nagtatanong si'ya kung gising pa 'ko? Ano ba tumatakbo sa utak nang lalaki na 'to? Hindi ko si'ya nireplyan. May kumatok sa pintuan namin lumingon ako ng konti para tingnan kung sino.

Si Josa.

I keep myself calm. "Pwede ba kita makausap?" tanong nito.

Pinapakiramdaman ko naman 'yung sagot ni Hunter. Pero maya maya lang narinig ko 'yung mga yapak niya palabas. Nang magsara 'yung pinto nakasimangot nanaman ako.

Biglang tumunog 'yung iphone ko.

1 message received.

-Hunter-

Walang Iba.

 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top