Perfect 49
Magulo. Sobrang gulo, hindi ko talaga alam kung sino ang pipiliin ko. I'm aware that I'm making permanent decision not just for myself but for two of them. Ang hirap ng sitwasyon ko. I'm torn between choosing what I want and what I should.
Bakit nahihirapan ako ng ganito? May parte sa akin na gusto ko pagbigyan ng another chance si Hunter dahil alam ko nararamdaman n'yo rin na may feelings pa ako sa kanya. But what can I do, when I got hurt too many times? Ako na mismo natatakot para sarili ko. Kahit sabi nila pag paulit-ulit ka nasasaktan magiging manhid ka na. Pero hindi, nasasaktan padin ako sa kanya at hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko kapag iniwan n'ya ako.
While Garreth on the other hand, alam ko rin na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kanya. But if I give him a chance, alam ko may pupuntahan. Anytime soon, I'll fall for him too. And I'm giving myself the privilege to be happy, and to let him show how much he'll change for me.
"Ashley?" napalingon ako sa pumasok na si Josa sa kwarto ni Garreth.
I was studying myself in the mirror and like me, Josa's wearing the same pink dress na motif ni Andeng sa kanyang kasal.
"Anong kailangan mo?" taas kilay na tanong ko. I'm still giving her the cold treatment dahil sa lahat ng kagagawan n'ya. She really deserves it.
"Narinig ko kasi na aalis na daw kayo ni Garreth mamaya. Hindi n'yo tatapusin 'yung kasal?" she asked again, at lumapit sa akin then stopped when I turned around.
Josa's staring at me. "May importante kasi na pupuntahan si Garreth."
"Pwede ba maiwan ka muna, tapos balikan ka na lang n'ya?"
Umiling ako. I don't want to tell her that I'm still thinking who should I choose between Hunter and Garreth. "Wala naman ako maiiwan dito. Mas mabuti pang sumama na ako sa kanya."
"Ashley..." sabi nito ulit. "Gusto ko lang sana magsorry sa nagawa ko."
"Anong nagawa mo?"
"Yung gabi na hindi ka pinuntahan ni Hunter... Kasalanan ko talaga ang lahat. Alam kong pipiliin mo na s'ya, pinlano ko 'yon para hindi s'ya pumunta sa'yo, para masaktan ka n'ya at para lumayo kana sa kanya. Sorry, kung nagkamali ako. Sorry kung pinagsisiksikan ko 'yung sarili ko sa kanya at dinamay pa kita."
"Hanggang ngayon naman, right?" tumalikod ako at kinuha ang purse ko sa gilid. Ayoko makinig sa kung anuman sinasabi n'ya. I don't know why, but I hate her so much. Marinig ko lang 'yung pangalan n'ya nagsisimula na masira ang araw ko.
"Hindi na, nag-usap na kami ni Hunter. Alam ko na ang limitasyon ko sa buhay n'ya at alam ko narin ang pwesto ko sa kanya. Magkaibigan na lang kami."
"Good then." lumakad na ako papuntang pinto nang magsalita nanaman si Josa.
"Kagabi nga pala," she said. "Pumunta s'ya sa akin para pakiusapan ka. Dahil pakiramdam n'ya kapag sinabi ko sa'yo 'yung totoo magbabago ang isip mo na iwan s'ya, na baka piliin mo s'ya. Sorry talaga, Ashley."
Ngumiti ako sa kanya ng pilit.
"Ano kasi eh." pagpapatuloy ni Josa. "Naiinsecure ako sa'yo, alam mo 'yung nakita ko ang sarili ko sa'yo noong niligawan ka nila na sabay pero mas maganda, mas nageffort sila sa'yo. Nakakainis din kasi kapag nakikita ko na 'yung atensyon na nasa akin dati biglang binigay nila sa'yo. Kahit nung una, hindi ko alam kung anong meron ka."
I'm prettier. Gusto ko isagot.
"Pero alam ko na ngayon, Ashley. Makita ka ng ganito, malapitan para kang dyosa na bumaba si kalangitan. Kahit pareho tayo ng suot mas angat ka sa akin, kasi ngiti mo palang. Alam na alam ko na kung bakit nahulog silang pareho sa'yo."
Hindi ko napigilan ang sarili ko na matawa bigla sa sinabi n'ya. Seryoso ba 'tong si Josa sa pinagsasabi n'ya o nautusan lang s'ya? But well, it takes one brave human to say this to the person she hates.
"Josa," saad ko. "I want to, gusto ko piliin si Hunter pero gusto ko rin piliin si Garreth. I'm torn and I don't want to make same mistake as you made."
Ngumiti si Josa sa akin. "Piliin mo lang 'yung tinitibok ng puso mo. Yung naiimagine mo ang sarili mo na makakasama mo sa mahabang panahon."
"Thanks." I said. "I'll keep that in mind." inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
"Okay na tayo?" hinawakan ni Josa ang kamay ko.
Niyakap ko s'ya. Well, hindi ito yakap ng plastik, ha? Feeling ko lang kasi if I'm really moving on, kailangan ko na magpatawad. I know right? Eto na naman ang sobra kong bilis na pagdedesisyon. It's for the good naman, right?
"Yes, okay na tayo." sabi ko at lumabas ng pinto.
Alam ko, sa paglabas ko na ito kasama ko na ang desisyon na pinagisipan ko buong gabi. Bumaba na ako ng hagdan, I saw too many cars. Nasa unahan ang sasakyan ni Hunter, naglakad ako ng mabagal. Iniisip ko parin kung tama ba ang desisyon ko. Nang madaan ko ang sasakyan n'ya huminto ako at tumingin sa kanya mula sa labas. Katulad ko, mukhang hindi rin s'ya nakatulog kagabi.
Sino ba naman hindi makakatulog, 'di ba? He's wearing a tuxedo, dahil best man s'ya sa kasalan ito. He's the best man, pero para sa akin best padin ba s'ya?
Pumikit si Hunter at nagpatuloy ako sa paglakad ko. Lumabas si Garreth mula sa sasakyan, nakangiti s'ya sa akin. His genuine smile. Niyakap n'ya ako ng mahigpit habang hinahalikan ang buhok ko. Naramdaman ko na nagsiandaran na ang ibang sasakyan.
"Let's go, Ashley Esqueza." sabi at nakangit padin sa akin.
Nakakunot naman ang noo n'ya at binuksan ang pinto. Pumasok ako sa sasakyan. Nakita ko ang bodyguard n'ya na si Logie. He's not smiling. He never smiles at me to be honest.
Pumasok nadin si Garreth sa loob at hinawakan ang kamay ko. Umandar ang sasakyan. Napansin ko naman sa labas na tangin sasakyan ni Hunter na lang ang hindi pa umaalis. I looked at his car habang palayo kami ng palayo.
Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng mapansin ko hindi ito ang venue ng kasal nila Andeng. Bigla naman nakuha ng atensyon namin ang isang tunog. Sumilip kami pareho ni Garreth mula sa likod, only to fount out na may mga pulis na sasakyan na sumusunod sa amin.
OHMYGOD?!?
"Fvck!" mura ni Garreth mula sa tabi ko.
Agaran binilisan ni Logie ang pag andar ng sasakyan, mas napahawak ako lalo sa kamay ni Garreth. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko sa nangyayari. Kinabakahan ako, ganitong ganito kasi 'yung nangyari three months ago. May barilan nananaman bang magaganap?
"Bakit may pulis?!" natatarantang sabi ko.
"May nagsumbong sa amin. I'm still not cleared, Ashley Esqueza." sabi ni Garreth habang hinahanda ang baril n'ya.
"Bakit mo nilalabas 'yan baril mo? OHMYGOD lang, Garreth! Not when I'm here!"
"I'm here to protect you." he said, nahawak ako sa braso n'ya ng lumiko si Logie.
Sobrang bilis ng sasakyan tila magbibigay sa akin ng heart attack ngayon. Baka ganito ang ikamatay ko in the near future.
"Namumutla ka." Garreth said.
"Ha?"
"Namumutla ka! Mahihimatay ka ba?" nag-aalalang tanong nito.
"H-hindi ko alam. Nahihilo ako sa sobrang bilis ng sasakyan at natatakot ako sa hawak mong baril."
"Shit!" itinago muna ni Garreth 'yung baril. "We can't make it to the wedding. I need your choice." tumingin s'ya sa akin ng seryoso. "Right now."
Napalunok ako. My choice. . .right now? What's my choice, really? Him or Hunter?
Hunter. Garreth. Hunter. Garreth. Hunter. Garreth.
I still can't decide. Binunggo kasi kami ng isang police car at may isang pulis na pilit tinuturo ang daliri nito sa direksyon namin. Napatingin ako rito at kay Garreth.
"I don't know... Hindi ko pa talaga alam." I told him honestly.
"Do you love me?" nagulat ako sa pagiging random ng tanong n'ya.
Hindi ko rin alam kung ano ba ang tapang isagot sa tanong n'ya. Do I love him? Do you love him, Ashley Esqueza? Napatingin ulit ako sa mukha ni Garreth. He threw me another question.
"Do you accept me for who I am?"
"Garreth---"
"Do you want this kind of life, Ashley Esqueza?" Hinawakan ni Garreth ang kamay ko. "But I can't give up this job, Ashley. If your answer is yes, stay."
Napalunok ako. I don't want to leave Garreth. Alam na alam ko, konting panahon lang ang kailangan namin para mahulog ako sa kanya ng tuluyan. Pero... This job? Can I live with this job forever? Him hiding, and me chasing after him? Hindi parin ako makasagot sa tanong n'ya.
Mabilisan naman kasi. Bakit may biglang pulis na sumulpot?!
"Ashley Esqueza, I need to tell you something."
"What, Garreth?"
"Lahat ng ginawa ko sa'yo ginawa ko rin sa iba ---kay Josa. Lahat ng babaeng gusto ko mukha. It's my trick and my way of living when it comes to screwing girls."
"Ano?!" gulat na gulat na bulyaw ko sa kanya. "What the heck lang, Garreth!" pinaghahamapas ko s'ya. Screwing girls? OHMYGOD! Ginamit n'ya lang ba ako?
Hinawakan ni Garreth ang kamay ko. I am now forgetting that we are being chase by a police car. "Bakit hindi mo itanong kung ano ang susunod na mangyayari sa atin katulad ng ginawa ko sa kanila?"
Mas lalong nanlaki ang mata ko. Ganito ang ginawa n'ya kay Josa, after she choose him?! But why? Bakit ngayon n'ya lang sinabi? Ngayon pa na may humahabol sa amin?
"Tell me, ano! Ha!" sumabog na talaga ang init ng ulo ko. Pagkatapos ng lahat na binigay kong time sa kanya? Pareho lang talaga ang mga lalaki sa...
"I'm about to break your heart like them. I'll leave you here, and move on like nothing happen. I just hope it's easy like that. Like my fvcking daily routine. But life sucks, because everytime I keep reminding myself that you're just like other girls. I know already I'm fvcking fooling myself."
I was taken aback. Kahit na sobrang bumilis pa ang lalo ang takbo ng sasakyan tila naman bumagal ang mundo ko sa sinabi ni Garreth. "What..."
He looked at me instead, then held my chin so I can stare at him straight in the eyes. "It's way different from my plan, it just happened. I want to break you heart. But no, because I'm falling... deeply."
Napatakip ako ng bibig ko. Unable to move, or to say anything. I'm speechless. How could he do this to me? Alam n'ya nahihirapan na ako sa pagpili ngayon.
"Don't get too hard to yourself, Ashley Esqueza. I know you love him more than you love me."
"Garreth, gusto kita piliin..."
"Pero mas gusto mo s'ya. Mas mahal mo s'ya. Mas kailangan mo s'ya. Mas mapapasaya ka n'ya. Mas komportable ka sa kanya."
I'm really out of word. Niyakap ko bigla si Garreth ng mahigpit dito sa loob ng sasakyan. Alam ko na kung bakit n'ya sinasabi ito, dahil alam din ni Garreth kung ano ang dapat na desisyon ko. Alam n'ya na kung pipiliin ko s'ya, it's just a temporary decision pero 'yung aftemath noon, alam n'ya na hindi ko magugustuhan at hindi ako magiging masaya.
"I've learned how to be unselfish just this time, Ashley. Thank you for that. Kahit na alam mong walang magandang maidudulot ang pakikipagrelasyon sa akin, thank you for letting me in. Thank you for sharing your world."
"Garreth," putol ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, kung hindi ka dumating. I know you deserved to be the man I should choose, pero I can't just live in your world like that. I am trying to fit in, believe me. Inisip ko kung paano tayo magmamatch, but I can't imagine how."
"I understand," he answered. "Just for you, Ashey Esqueza. I'll undestand. I know too how much he loves you. Kaya na n'ya talikuran kung anong meron kami para sa'yo. Now that's the Hunter I grew up with." ngumisi s'ya sa akin. "Sorry for causing you trouble. Pero nabigyan ko naman ng kulay 'yung buhay mo, Ashley Esqueza. That's your life should be with Hunter."
"Logie," lingon nito sa driver n'ya. "Stop. Bababa si Ashley."
"Boss, hindi pwede mahuhuli tayo---"
"Make a way." umiling iling ang driver ni Garreth at agad huminto.
"Go, make my brother happy because I am sure as hell he'll make you happy too. You're worth his wait."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top