Perfect 46
Thank God. I mean, thank God dahil sakto wala na naman tao rito sa Perfectly Polished nail Salon and Spa na madalas kong pinupuntahan. I know again, right? Alam ko na hindi na bagay sa akin ang pangalan ng salon nila. After what happened three months ago? Okay slight na lang, oright?
Sumandal ako para ipalig ang ulo ko at kinuha ang Milk tea para sumipsip ng konti. Muntikan naman ako mabulunan ng mapalingon ako sa lalaking papasok ng salon, si Garreth. (my hoodlum-hottie-boyfriend.)
"What the fvck, Ashley Esqueza?" he asked, patuloy ko lang si'ya pinag-aaralan. Nakalagay ang kamay nito sa hood na suot niya. His freaking wearing it here in the mall! For pete's sake! At nakasalamin pa ito kahit wala na naman akong nakakikitang araw.
Anyway, he looked so hot. Tumabi si'ya sa akin, at naglingunan naman ang mga manicurista pati ang ibang customers dito.
"Nothing, alright? It's nothing." inirapan ko si'ya and then, we're back to business.
Oo nga pala, Garreth and I were dating for almost 3 months... Alam ko ang sasabihin niyo, na grabe pa ako magemote before with the guy na nagiistart sa letter H, right? Hindi na ako magre-reason out dahil, yeah.. Kinain ko na naman ang mga sinabi ko. I can't just say no to Garreth, dahil after ko siya ipagtabuyan right after the H guy left for good. He was there consistently.
Alam mo 'yung ilan beses ko si'ya pinagtabuyan sa loob ng isang buwan pero panay ang panggugulo parin niya sa akin, at kung ano ano pang roses ang pinapadala pati chocolates... clothes, shoes and so on. Kahit na sobrang opposite namin dalawa. We somehow enjoy each other's company.
P.s. Wanted padin s'ya.
Literal na WANTED ang boyfriend ko. Kaya ngayon, dito sa tabi ko nakahood s'ya at shades para hindi s'ya makilala. Kung hindi ba naman eng-eng, angat padin ang kapogian niya at mas lalo s'yang pinagtitinginan sa mall.
"Madam, dark blo na lang ulit?" tanong ng manucirista sa akin.
"Yah, blehh." maarte ulit na sagot ko. Ngumiti s'ya sa'kin, she knows me well. Halos every week ata ako bumabalik na dito, eh.
"Garreth?"
"Oh?"
"Saan ba talaga lakad natin mamaya? Hindi pa naman natin monthsary, ha?"
Hindi na sumagot ang boyfriend kong busy sa cellphone niya. Kinalabit ko pa si'ya para lang makuha ang atensyon niya. "Hello? Kausap mo ko?"
"Naririnig ko nga."
"Bakit hindi ka sumagot?" naaasar na tanong ko.
"Sa buong araw ilan beses ko na nasagot tanong mo. Why do you have to be redundant all the time?"
"So you're telling me I'm annoying?"
Nagcrossed-arms pa ito. "I didn't say that, mula sa bibig mo nanggaling 'yan."
"Parang ayon pinapahiwatig mo, eh!"
Tinanggal ni Garreth 'yung shades niya at masamang tumingin sa akin. Akala naman niya makikipagtalo ako ng tingin sa kanya. Oh no I won't, girlfriend always right!
"Miss, ang ingay niyo naman!" reklamo ng isang customer sa harap namin.
"Shut up!"
"Shut-up." halos sabay namin balik sigaw ni Garreth dito. Nanlaki ang mata nung babae at nagtikom ng bibig.
Well, we fight a lot but we have one thing in common. We get what we want. Siguro nga kaya minsan, hindi rin kami magkasundo. And that's why palagi talaga kaming nag-aaway ultimo pagkain lang pinag-aawayan pa namin minsan pag nagde-date kami.
For example for our first date:
Garreth: Ashley Esqueza, you wear blue.
I won't! Nakaready na 'yung isusuot ko at hindi color blue ang binili ko nung isang araw. Do you know how I synchronize everything I'll wear for our date?!
Garreth: You fvcking will wear blue, o hindi natin itutuloy itong date?
K!
At nung pinakilala ko s'ya kay Zachary Esqueza, my brother:
Will you stop smoking, please? Not infront of me.
Garreth: Kakasindi ko lang nito, Ashley Esqueza.
Okay. Just stop doing that here.
Garreth: I won't.
K!
And ending? Hindi kami binaba ni Zach, mukhang nakita nito ang pag-aaway namin ni Garreth.
...or while we went clubbing last weekend.
Garreth: Let's go home.
Kakarating lang natin.
Garreth: It's too crowded. Nababangga ako ng mga tao.
Doon tayo sa VIP?
Garreth: Your friend's annoying.
You are annoying!
Ang siste, nagwalk-out ako at nasira ang buong linggo ko dahil dyan. Minsan pa nga ano-ano pinag-aawayan namin dahil kung sino-sino rin pinagseselosan niya. And so am I, pero kasi minsan may point din s'ya magselos.
"Parang kilala ko 'yun ah." tumayo si Garreth, napakunot ang noo ko.
"Sino na naman? You're always leaving me pag may nakikita kang kakilala mo."
"I'll be back."
See? He didn't even answer my question. Dumeretso ito palabas at naiwan akong nakasimangot. Nakita kong naiwan ni Garreth 'yung cellphone niya, at dahil pakilamera ako kinuha ko 'yun at binuksan. Since alam ko ang password nito.
I checked his inbox, halos puro kasamahan niya naman sa katrabaho ang nakakatext niya o nadidelete niya agad sa mga babae niya before ko mabasa? Panay ang scroll down and up ko, dahil may nakikita akong letter H.
H, as in Horse. H for Hell. H for Heaven... Papikit ko itong niclick. I wanted to know how he is. Hindi ko matanong si Garreth. Ang bastos ko naman pag ginawa ko 'yun. Pabalik kong binasa 'yung mga text.
H: wedding's next week. see you, bro
G: will try when
H: this is once in a lifetime punta ka
G: i'm busy, bro
H: minsan lang to i took pic w/ her, she doesn't want to see you pero parte ka ng pamilya.
Bigla ako nakaramdam ng sakit mula sa puso ko... Sakit na naman, shiat! Kasi naman e, when he said 'She' he means... Josa? And the wedding? Holy shit.
Yung iba puro related na sa kinasangkutan nilang problema with me before. Pero never nila akong naging topic. OHMYGOD lang, Ashley! Bakit kailangan mo pa isipin 'yon? Importante pa ba 'yon? No, right!
So... wedding? Really? Ang bilis naman niya makamove on. Wedding aga? Parang kelan lang. Shiat. Hinawakan ko ang mata ko, pinigilan ang kung anuman tutulo dito. Ano ba naman, Ashley Esqueza! Ayan ka na naman. Akala ko ba, no more H na, 'di ba?! May Garreth ka na nga. Masaya ka na kay Garreth. Dapat masaya ka na.
H'wag mo na isipin 'yung wedding. Pero hindi ko kasi mapigilan 'yung luha ko. Shiat lang. Nagpaypay pa ako gamit ang kamay ko.
"Madam, uki ka lang?"
Tumango ako. "Nakakaiyak kasi 'yung color."
"Ang longkot ba, madam? Gosto mo paletan naten?"
"No, it's okay. By the way, h'wag mo na pagandahin. Medyo sumama kasi pakiramdam ko." tumayo na ako, sakto naman papasok na ulit si Garreth. Nakita niya ang namumula kong mata.
"Why the fvck are you crying?" nagtatakang tanong nito.
"Napuwing ako." pagsisinungaling ko. "Una na ako sa sasakyan. Naiwan mo pala." inabot ko sa kanya 'yung cellphone at naglakad na ng tuloy tuloy palabas ng mall.
Pagdating sa sasakyan nakakunot na naman ang noo nito. Mukhang nabadtrip na naman sa pinag gagawa ko. Itinaas niya 'yung cellphone niya sa harap ko.
"Pinakelaman mo?"
I bit my lip. "Hindi noh."
"Ashley Esqueza."
Umirap ako. "Alright, slight lang."
"Anong nabasa mo?"
"W-wala." pagsisinungaling ko.
"Ashley Esqueza,"
"Okay, 'yung kay Hunter."
Natahimik kami pareho. "He's getting married." kahit may kakaibang pakiramdam ang tumama sa dibdib ko. Hindi ko pinakita iyon, pokerface parin ako. He's getting married. "Punta tayo?"
"Ikaw, wala naman akong pakialaman doon."
"Okay. We'll come. Magready ka ng mga damit mo. Aattend tayo."
Hindi ako makahindi sa kanya. Garreth and I were always like that. Hindi niya naman tinatanong ang opinyon ko. He's so bossy. At alam ko sa sarili ko na bossy din ako. Ewan ko ba paano kami umabot ng...
"Monthsary natin next week?" sabi nito sa sticker note na dinikit ko sa sasakyan niya.
"Yeah, kung nakakalimutan mo na okay lang."
"Matampuhin ka talaga, Ashley Esqueza."
"I'm not." irap ko. "Sabi mo aalis kadin next week, at may lakad ka at hindi tayo makakapagcelebrate and since nagtatago ka padin sa mga police---"
"I'll find a way, don't worry."
Hindi ko namalayan papasok na pala 'yung sasakyan sa loob ng bahay namin. Tumango na lang ako sa kanya. Pero bago lumabas ng pinto, huminto ako.
"Pasok sa bahay? Andun sila Dad."
"Pinagtitripan mo ba ko?"
Tinawanan ko si'ya. "Magtino kana kasi para mapakilala kita ng maayos sa kanila."
"Gusto mo magtino?" nakangising tanong nito at lumabas ng pinto. Nagulat ako ng bigla niya hilahin ang mukha ko at nilapit sa kanya.
Napapikit naman ako agad sa ginawa niya. Garreth kissed me, it's enough to make my stomach flutter. Hinawakan ko rin ang mukha niya, at sinagot ang halik na binibigay niya. I can taste the cigarrete on his mouth. But the most domineering one is his taste. Garreth's own taste, that I love everytime we kissed.
Bumitaw si'ya ng kaunti sa akin, nakangisi na naman. "I love you," he said. "And I want to make you happy. See you next week."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top